Monday, January 10, 2011

"Isma", Crushie #3

Kinder 2 kami nung first time kaming mag classmate (yes, pansin ko na kakaiba nga ako nun) at naulit lang ulit nung Grade 6. Tuwang tuwa ako kay Isma kasi mukha siyang tupa pero "astigin" umasta lalo na nung mejo nagbibinata na, malalim na ang boses, shucks! hihi


Hindi naman kami masyadong nag-uusap. Wala akong interest sa basketball at wrestling. Volleyball at badminton lang ang digs ko noon. I don't think nanunuod siya ng Sailormoon?


Lumipat na kasi ako ng school after elementary. Sa 60 students per class, 12 sections per level, paanu nga naman ako magkakaroon ng "time to shine"?


We lost touch na.


Nagkaroon ng Friendster. Hinanap ko siya. Bigo. Sawi.


Dumating ang Facebook. Nahanap ko mga 60% ng mga dating classmate ko noon. Karamihan sa kanila, nag "mature" na hitsura. May mga bumigat ang timbang, merong mga mukha nang daddy kahit single pa din. Yung mga iba ko pang crush dati, WTF!?, anu na nangyari sa kanila? Parang yung yumminess level bumaba ng 10 to 2. Well yung iba naman, maganda noon, maganda pa rin, merong iba mas lalo pa gumwapo.


Pero si Isma... ganun pa rin hitsura niya... ganun pa rin appeal niya sa akin. amf.


Nag-eemote ako noon. Gusto kong ibaon sa lupa lahat ng remembrances namin ng Ex ko. Kinalkal ko yung mga shoebox ko ng anik anik. May bagung scanner sa bahay. Pinag aksayahan ko yung mga class picture, inupload sa Facebook at saka nag tag ng mga tao.


Marami ang natuwa. Karamihan kasi sa kanila, tinangay at nasira na ng Ondoy mga gamit.


Ang haba ng thread comments! Instant online reunion! Mas cute na daw ako ngayun. Hihi di naman masyado *blush blush*


Inisa isa ko yung mga mejo "close" ko back then. "Alam mo ba kung nasaan si Isma?"


... di nagtagal, meron na akong nareceive na friend suggestion. PAK !!! Siya nga!?


Natatandaan pa naman niya ako ^^ Much better, nakatira lang daw siya sa Murphy. Yesss !!!!!!


Di ko na pinalampas, textmate na kami ...


Bakit ba ako nahumaling?






May beer belly na nga lang siya ngayun. Nagka girlfriend, pero after 2 years hindi na nasundan pa...


Promising? 


*evil grin*

6 comments:

  1. Winner siya ha. Go karir na! ^_^

    ReplyDelete
  2. gwapo. go na! balitaan mo kami :)

    ReplyDelete
  3. ismael aquino name nito...

    classmate ko ito dati

    ReplyDelete
  4. Ayyy sigeh. Laglagan LOL

    Classmate ko din siya kaya of course kilala niya ako LOL

    ReplyDelete
  5. Taga-Murphy pa rin ba siya? *hmmm...* Ang cute nga, pero bakit hindi ko siya nakikita rito? LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko alam. Paasa si kuya. Di ko na siya natikman hahaha

      Delete