Friday, January 14, 2011

"John Prats", The Office Crushie (# 5)





First time kaming nagkita sa 7th floor CR. 


Before I start my shift, I freshen up ulit. I wash my face, brush my teeth again, retouch ng lip balm, plus other kikay stuff, check if my butt looks good on my pants.... perfect! Plus other kikay rituals. hihihi


Wala naman akong pakialam kung tinitingnan ng ibang guys yung kikay kit ko.... and I was almost done anyway (takes me 5 minutes) until one guy walked in. Kibur.


It doesn't take 3 minutes for a guy to pee and wash his hands after...pero pero pero.... He kept glancing at me through the mirror. Shet.






For one full week. Ganun lagi ang eksena namin. Mag-aabot kami sa 7th floor CR between 8-9pm, me retouching, and him staying longer than usual sa CR. Minsan pinagkaka tagal tagal naman niya sa hand dryer until such time na kaming dalawa na lang talaga maiiwan sa loob.


*kuliglig*


Pero hindi kami nag uusap. Puro cute stolen glances lang. One week na kaming ganun. I didn't feel it was proper na magkakilala ang dalawang tao sa CR. Kilig lang.




Eventually, nagpalit na ako ng shift.... and for two weeks more, hindi na ulit kami nagkita. Nalungkot na ako.


Hindi kami pareho ng account. Sinuyod ko na yata buong floor namin. Marahil, dun siya sa kabila. Blue ang ID niya, so that would mean regular employee na siya (temp lang ako so yellow). Okei.


December 30th matatapus ang contract ko. I was desperate na. After shift, hinatak ko yung friend kong si Elle. Ang planu, hahanapin namin si crushie by hook or by crook!


Ginawa namin lahat para makapasok sa kabilang account. Ayaw gumana ng proximity cards namin kaya sinubukan namin mag tail gating. Swak! Ok na sana, meron pang isang pinto... Hindi namin alam kung saan kami papasok... namili kami ng isa.... at may tumunog na fire alarm! LOL Shet. Scandalous. Takbuhan ang mga guard, sinita kami.


Buti na lang, pretty ang Elle, pinaliwanag namin na meron lang naman kaming hinahanap... dinescribe ko...


"Uhmmmm.... hinahanap po namin yung crush ko (nakakatunaw sa hiya pero kesa magsinungaling pa) kasi last day of work na namin.... Eh di ko pa siya nakikilala? Mas maliit siya sa akin, mga 5'6" siguro, maputi, makinis, chinito, maamo mukha, maganda katawan.... madalas nakagel na spike buhok"


"Ahh kilala namin yun!" sabi ni manong guard. "Hindi nga lang siya naka gel ngayun kasi may suot siyang cap"


Ako naman, duda pa nang kaunti. Di ko pa siya nakitang naka cap. I wouldn't know


"Kuya, pag nakilala ko siya ngayung gabi, ibibili ko kayu ng donut!".


Solb. Deal !!!

Pumasok yung guard sa loob. After a few minutes may kasama na siya.....


OMG OMG OMG !!! Siya na nga !?


Halatang namumula na ako kaya Elle made the introduction for us.... (nagtago talaga ako sa likod ng tarpaulin sa tabi ng elevator)


"Hi !!!!! What's your name? I'm Elle and this is my friend Seth....remember him?"


"...I'm JC.... hhhi... Seth, yung sa anu (sabay turo sa direction ng CR)...."


Elle: "This feels awkward but it's fun right?". Ang galing talaga ng bilat. Pang neutralize.




Elle: "Nga pala can we have your number?..."


And that was it :) We shook hands and he went back on the floor.


After his shift we were texting na... and he added me din sa Facebook !?


SOBRANG SAYA KO NUN!!! I was singing this song ALL DAY !!!


And as with any other stalker would do, hinakot ko lang naman pics niya? LOL


Sad part is... He didn't kept in touch? 
I tried asking him out through text and chatted with him on Facebook.... to no avail.


Hay! Anyway, I'm glad somehow we did meet and sa buong floor, napansin niya ako. 


*hair flip*





12 comments:

  1. bakit mo naman pinost ang picture niya baka makita niya to at magalit sa yo

    ReplyDelete
  2. oo nga naman po.
    kilala ka nya at alam nya yung story baka lalo syang magtampo sayo.

    infairnessssssss capital Y sya
    Yummy!

    sayang nga lang at you didn't had the chance to get to know each other. baka napaisip sya dahil sa kakilig kilig na nangyari pero for him baka napahiya sya.(just my honest thought po ha don't get me wrong po)

    pero atleast diba. nakilala mo na talaga sya.

    pero I think, it's a bit of a wrong move dahil sa fire alarm na yan ahihihi...

    pero malay mo, sa ngayon ganyan kayo pero pag nagmeet kayo ulit, iba na ahihihi

    ReplyDelete
  3. Hmph. Sige na nga. Baguhan pa lang ako sa blogs, you guys know better than I do.

    Yung sa akin lang kasi, wala naman libelous na nakasulat (me thinks?).

    Edit ko na lang kaunti pics nya then upload ko ulit later ^^

    ReplyDelete
  4. newbie din po ako ahihih
    I started last november po yata. nainspire sa mga nababasa ko na blogs hihi

    ayan mas ok yan. ang cute cute nga nya ano po. kinilig naman daw ako

    ReplyDelete
  5. IKR ^^

    may isa pa akong crushie na kakabugin silang lahat LOL

    kaso... hindi pa kami magkakilala

    soon.

    ReplyDelete
  6. hmm sino kaya yan
    maabangan nga! ahihihi

    ReplyDelete
  7. sounds like horizonJanuary 15, 2011 at 3:17 AM

    hahaha! crush ko rin sya!

    ang obvious naman ng JC for his codename... for me, i call him as DESTINY.

    tulad mo, we have a common place, hehe, sa lobby elevator. i was in training back then, we had more than 3 seconds glances every time, so i thought he might be my

    DESTINY-- hahaha!

    sad part di kami nagkasabay sa loob ng lift. its either hes coming out and me going in, or the other way.

    laking gulat ko nlang nang malaman kong same account pala kami. but he never glanced at me again. umiiwas siguro sa rumors. sobrang grabe sa dami ng chismis sa account na yun.

    crush ng bayan sya ng account namin, both girls and gays fall for him. and he really have this wholesome, yet mysterious image...

    then i realized that were not DESTINED to be talaga... :(

    he makes me blush parin, everytime na magkakasalubong kami.

    dont worry, i wont tell him. about this. ;)

    ReplyDelete
  8. @ Horizon -- WAAAHHH !!!

    Buti na lang kamo I did took out his full unedited photos LOL Pero kahit walang eyes sobrang gwapo pa din niya sakin hihihi

    Hmph! Akala ko naman kami lang may ganung "moment" LOL.

    Last Thursday nilakad ko clearance ko, saw him by accident sa lobby kumakain ng siomai. We glanced at each other pero as if saying: "i know you pero anu ngayun?"

    Lumabas na ako ng swivel door, pababa na dapat ng stairs, I turned back, flashed my 1000KW smile and waved.

    Mejo nasamid siya pagkain ng siomai. LOL!

    Tawa ako nang tawa nun! Dinedeadma kasi niya messages ko. Yun lang ^^

    ReplyDelete
  9. ayun mahilig naman pala makipag tease e ahihihi
    cute naman kasi sya and sanay ng tinitignan sya kaya nakikipagtitigan din ahihi
    cute naman kasi kaya talaga sya pic palang e Yummy na as in capital Y pwede ding all caps YUMMY! with ! pa ahihihihi

    wala pa naman akong ganyang experience. may tumititig pero pag tumitingin ako parang balik tingin sa ginagawa ko kahit nakangiti dedma lang ahihihi
    di naman kasi ako kasing yummy nyang kilala nyo.

    mukha ngang nag iingat sya talaga na mapag chismisan sya

    ReplyDelete
  10. at natawa ako sa nasamid moment ahihihi
    naiimaginge ko itsura nya habang ginagawa mo yung pag kaway ahihihi
    parang commercial lang ahihih

    ReplyDelete
  11. OMG. Hindi ko kayang gawin ang ginawa mo. and its so highschool teenage girly chu chu!

    -Cat spirit

    ReplyDelete