For the longest time, ang tingin ko sa sarili ko, napaka honest kong tao.
Kapag meron akong nagawang mali, sa bahay, kung may nasira akong gamit, ako pa mismo lumalapit sa Mama at Papa kong umiiyak kasi hindi ko sinasadya. Hindi na nila kailangan pang magulat pag nakita nila at galit na galit na magtatanung kung sinu may gawa. Ayaw na ayaw ko din kasi ang nasisigawan dahil nanliliit ako.
Ganoon din ako sa school at sa trabaho. Kapag hindi ko talaga alam ang isang bagay, sinasabi ko ang totoo, hindi ako magkukunwari at magmamarunong dahil mas takot akong mapahiya pag may major major na nangyaring hindi maganda. Alam ko lahat ng ginawang style ng mga kaklase ko para gumawa ng kodigo pero kahit kailan, hindi ako gumaya at nakinabang doon. Minsan nga, sa quizzes, lalo na pag dosage and solutions, perfect na dapat ang score ko, nalimutan ko lang ang decimal point.
"Gusto mo lagyan ko?" bulong ng classmate ko, siya ang nagchecheck.
"Wag. Hayaan mo na."
Big deal ang decimal point lalo na sa gamot at fluids na ibibigay mo sa isang taong may sakit. Sobra o kulang, pwede nilang ikamatay o magkaroon ng complications.
I would've aced the test. Nobody would find out. But I'd be able to tell the difference.
Mahina din ako sa Statistics. Kailangan pa naman yun lalo na sa 4th year dahil may research. Lagi pa siyang nasa first period kung kelan madalas, tulog pa ang diwa ko. Kadalasan, wala na akong naiintindihan. Naiwan na yata ako ng 3 chapters. Magkakaroon ng quiz, kokopyahin ko yung problems, isusulat ko pangalan ko, at saka ako matutulog. Ipapasa kong malinis ang aking papel. Zero. Anu ngayun? Hindi ko alam eh? Kesa naman mandaya ako.
Dinala ko ang parehong prinsipyo nung pumasok ako sa isang relasyon.
Ang gusto ko noon, alam niya lahat, sasabihin ko lahat. Dapat, mas kilala niya ako kumpara sa kahit sinung tao.
Mali pala ako.
Kahit paano ko isipin na ang "partner" ko ang dapat maging pinaka "best friend" ko, may mga bagay na hindi mo dapat sinasabi sa kanya dahil darating yung araw na gagamitin niya iyon... laban sa iyo.
Tulad na lang ng isang beses na sinabi ko sa Ex-BF ko, "Busy busy day bukas. After ko mag gym marami akong gagawing deliveries meron pa sa Makati..."
Tanghali, nag text siya sa akin. "Half day lang kami ngayun, pauwi na ako gusto ko mag pamassage."
"Sinu naman gagawa?" tanung ko.
"Si Ron. Kilala mo naman siya di ba?"
Oo nga. How could I miss it. Matangkad, matipuno, moreno. Barako ang dating. Lalakeng lalake kung tingnan. Wala naman malisya sakin dati bakit niya kinukuha ang celfone number ng mga therapist dun sa spa para magpa "home service".
"Kasi alam mo ba? Sa binabayad natin doon, 80 lang ang nakukuha nila kaya umaasa lang sila sa tips..." sabi niya. Sige concerned ka. Pero negosyante din ako eh, sa totoo lang, daya ang ganoon. Bawal nga naman kasi talaga. Pwedeng matanggal sa trabaho ang therapist kapag nahuli.
Napansin ko din mejo special ang trato niya kay Ron. Nung birthday nito, namasyal pa sila sa Timezone Gateway. May pictures pa. Pinapasahan din niya palagi ng load. Nireresetahan ng gamot ang nanay na may sakit.
...masyado lang talagang mabait si Mark.
Bakit ko nga ba tinanung? Eh papaano, minsan ko na nahuli sa celfone, balak magpapunta ng "masseur" sa condo kapag yung mga araw na umuuwi ako sa amin. Masseur galing Manjam.
Hay naku! Magkakalat ka na lang din, matuto ka sanang maglinis. Well, magaling din naman kasi akong detective. Meron nga din kaming psychic link hindi ba?
Nung malaman kong si Ron ang pupunta, kinutuban ako. Kailangan kong matapus at makauwi agad. Kailangan kong maagapan...
Pagdating ko, hindi naman nakalock ang pinto. Nandoon ang "asawa" ko. Yung mukha ba niya eh yung "awww-andito ka na" effect. Hindi naman ganun ang salubong niya sa akin. Hindi niya yata inaasahan na makakauwi ako agad.
Ilang minuto pa, dumating na din si Ron. Umakyat sila sa kwarto, doon minasahe. Sinadyang iniwang bukas ang pinto para hindi ako magduda.
Ako naman, kinalkal ang celfone niya.
"Pwede ka ba ngayun? As in NGAYUN na. Punta ka dito sa condo. Heto address... magtaxi ka na para bilis lang..."
"Sana bilis lang yung biyahe... habang wala pa yung asawa ko... nagseselos kasi sayu yun eh!"
Hindi ito ang unang beses. Lagi ko naman siyang kinakausap. Hindi rin naman siya umaamin... Mejo mahaba na listahan ng mga lalake niya.
Naalala ko noon yung ibang classmate ko nung college lalo na si Gem. Nakailang boyfriend na rin siya (hmmmm.... siya yung boobsie girl dun sa isa kong post ^^). Yung iba nakilala ko, mababait naman, may hitsura din. Takang taka ako, tuwing tatawag siya sa akin dahil naka score siya ng gwapo sa malapit sa dorm niya.
"Teka, di ba may boyfriend ka? Ang sweet sweet niyo pa nga eh? Anu itong ginagawa mo?"
"Wala lang. Tumitikim lang."
"Paano mo nagagawang hahalik ka dun sa guy na yun tapus maya maya magkikita na naman kayu ng BF mo at hahalik ka din sa kanya?"
"Seth. Ang mahalaga, at the end of the day alam mo kung sinu ang mahal mo..."
Naintindihan ko pero it never made sense to me.
Bakit kailangan mo yun gawin? Hindi ka pa ba masaya? Hindi ba siya masasaktan?
Dumating nga rin ang araw na kinain ko din ang mga salita ko. Pinikitan ko nung una. Sinubukang i-enjoy.... wala naman makaka alam di ba?
Kinabukasan. Humarap ako sa salamin. Hindi mabuting tao ang nakita ko. Sinabi ko sa sarili ko hindi ko na gagawin ulit, hindi tama, hindi na niya kailangan malaman gumanti ako. Pagsisisihan ko na lang. Mas lalo ko na lang ipapakita gaano ko kamahal si Mark.
May nahuli na naman ako. Ginamit pa niya yung celfone na binili ko sa kanya para kuhanan ng stolen shot yung guy na nakishare ng table sa kanya.
Bakit mo kailangan kuhanan ng picture... gamit pa yung regalo ko!?
"Sinu ito?" tanung ko.
"Ahh si Jayson. Nameet ko sa spa, nakishare ng table"
"Oook... eh bakit mo siya pinicturean?"
"Wala lang. Trip trip lang"
"Eh di magkatext na din kayu ganun?"
"Oo friends lang naman."
Isang araw, nagpaalam siyang pupunta ng Alabang. Nasa States daw kasi si Mama niya. Kailangan diligan mga halaman, pakainin ang mga aso kasi walang nagbabantay. Sumama naman ako. Sa Cubao din kami umuwi.
Tulog na siya. Sinilip ko ulit ang celfone.
"Pupunta ako ngayun ng Alabang. Kapag hindi sumama si Seth, meet tayu ha..."
Galit na ako. Pero hindi ko pinahalata. Hindi ko na siya kinumpronta.
Sumama ako sa ibang guy. Ilang beses din naulit. Paiba iba. Kung noong una, nagui guilty pa ako... habang ginagawa mo pala, namamanhid ka na.
Dito ako natutong makipaglaro.
I was cheated on. I cheated back. I played with more cheaters. Exciting. It was a sport for me.
Lalo na sa chat at online profiles.
Simple. I bend forward, you hump. Think you can do that well? Mack me. NOW. Cubao and nearby places. Your pic gets mine. Quite disappointed with the guy earlier. Make me cum.
I prefer short term flings and relationships, i easily get bored... absolutely promiscuous... I like them married or with partners, I like cheaters because i also cheat... :)
Sa maniwala ka man o sa hindi, mas marami akong nag memessage sakin pag ginamit ko yung pangalawa.
May asawa, may boyfriend, may girlfriend, ikakasal kinabukasan... Pakialam ko? Ikaw lumapit sa akin hindi ba? Hindi naman kita pinilit.
Dumating din ang araw nagkahulihan na din kami ni Mark. Hindi man sa akto, pero sapat na nakita namin para patunayan na nakiki apid ako sa iba. Naunahan lang ako. Matagal na din naman kaming naglolokohan.
Nagsisi na ako. Nagsawa na din. Napagud na. Nasaktan.
... Nagbabago muli. Hindi ko na kayang ibalik yung dating inosente at maprinsipyong Seth. Nagpadala ako sa galit. Ako gumawa nito sa sarili ko. Hindi ko ipinagmamalaki.
Alam ko pa din ang kalakaran ng laro. Tuwing may nakikilala akong bago, maaga pa lang, nakikitaan ko na.
Nakikita ko rin sa ibang kaibigan ko hanggang ngayun. Naglalaro sila. Kahit anung bait ng partner nila, naglalaro pa rin sila. Minsan. How true? Ewan. Behaved ba talaga? Siguro nga.
Mahirap bitiwan ang mga dating nakagawian.
Madali lang humanap ng goodlooking o gwapo.
Ang kailangan ko ngayun, yung matino. Yung hindi ko kailangan bantayan.
*******************************************************
*******************************************************
SUper Check. Bakit ba me mga taong kailngang manloko. Kung di na masaya, tumigil na. Kung mahal mo pa, maging tapat ka. Nice post. Nakakarelate :)
ReplyDeletewow! ang honest ng post na 'to. wish you all the best kuya! :)
ReplyDeletekapag na-meet mo na ang right person for you hindi mo na ulit magagawa ang mga bagay na un. :)
I do like your posts.
ReplyDeletePls continue to write.
To inspire.
Meron na naman akong bagong blog na susubaybayan.
haaaaaay... sana lahat tayo matagpuan ang taong hindi mo na kailangan bantayan...
ReplyDeletesame here
magandang analysis. lahat naman siguro tayu gusto makita yung taong ganun, faithful at committed talaga. mejo tungaw lang talaga siguro si Mark na sadyang inuuna ang tawag ng laman.
ReplyDeleteAko ang hinahanap mo! :)) kung magkakilala lang sana tayo.
ReplyDeleteI dont know if I should comment. cause you have a preconditioned impression about me. ALL I CAN SAY AND ALL I WOULD SAY IS... "TAMA". I like the story or the entry very much. I couldn't agree more. meron dyan someone na matino sa tabi tabi. usually kung sino pa yung sexually active. In God's own time and blessing He may give to you the man u deserve and who deserves you. - cat spirit
ReplyDeleteSomeone cheated on me before. and it hurts so badly. bakit sakit ngayoon yan ng mga tao? being dishonest? it's almost like a necessity, an inevitability. parang bang sinasabi nya na "ayan, same-sex couple tayo, you should expect na kapag my lumandi sakin, hindi ako magpipigil." it sucks! it sucks so much! kasi kaya kong maging honest. kaya kong maging faithful. is love not enough? is lust just too much to resist for the sake of love? God, it sucks.... love your post by the way. isang malaking BRAVO.
ReplyDeletei've been fooled alot of times
ReplyDeleteminsan, dahil sa mahal natin ang isang tao, binabalewala lang natin ang ginagawa nilang kalokohan. iiyak nlng sa sulok.
pero at the end of the day, ikaw parin magdedesisyon kung gusto mo pa bang magpatuloy o hindi.
@ Desperate Houseboy, Uno, Nowitzki - I couldn't agree more. Pero naisip ko din, hindi niya ako magawang hiwalayan kasi "convenient" na andun pa din ako. May nag aasikaso sa kanya, meron siyang inuuwian, once in a while meron pa din siyang kasex.
ReplyDelete@ Nimmy - Thanks ^^ Pero kahit wala pa akong nakikilalang bago sa ngayun, inaalagaan at "reserve" ko na ulit ang sarili ko. Hindi ko na din siya gagawin pa ulit.
@ Khelly - Thanks so much ^^
@ Anonymous - Haha! Soon ^^
@ Cat Spirit - Thank you ^^ PS - Kinarir mo na talaga yung nick name ko sayu huh? hihi
@ Dovan - It's about time we prove them wrong ^^ I'm sure someone, somewhere, is wishing for the same things we want
@ Ewan - Yeah, kahit anung payu ng mga kaibigan, minsan sariling kaligayahan mo pinipili mo eh? Ikaw lang talaga kayang gumising sa sarili mo, matatauhan din balang araw
err.. i once thought that accepting the truth that men are born polygamous is the answer but nah..i can't live seven straight days with such a stupid man.
ReplyDelete"pero naisip ko din, hindi niya ako magawang hiwalayan kasi "convenient" na andun pa din ako. May nag aasikaso sa kanya, meron siyang inuuwian, once in a while meron pa din siyang kasex."
ReplyDeletethis is a bad way of thinking of a relationship. d ko pa din ipagpapalit yung time na alam ko na naaalala ako ng bf ko kase "mahal ako" at hindi dahil "kailangan nya ako". I still remember how it feels like heaven when out of the blue my bf will say "i miss u" or "i love you" sa text or in person. I admit I missed it now, though im in a relationship.
Evolution. Whether good or bad, is inevitable. Im coping now.
Di ko alam kung bakit ganun? Why one would enter a relationship and then in the end will hurt his partner? Siguro naive pa talaga ako.
ReplyDeleteI'm afraid Seth. Mukhang sa ganito rin ang punta ko... :(
ReplyDeleteHindi naman siguro. Choice mo na yun kung sakali. The difference? You learned from me, hopefully.
DeleteYou're right. Grabe, buti na lang I decided to start backreading your posts. Marami akong natututunan sa mga experiences mo from your decisions. I see you as somewhat of a teacher now. ;)
Delete