Seth: "Depende. hihi. Pag dumating na yung inorder ko sa internet uuwi ako mamayang gabi"
Buti na lang at super efficient ng DHL ^^
Nakuha ko na kasi ang final pay ko sa aking "Holiday stint" (goodbye office crushie #5) kaya nakabili na din ako ng gifts na matagal ko nang inutang. I gave my two sisters and my Papa, iPod shuffles with laser engravings on them ^^ If I were to get mine, it should look like this. hehehe
Happy Birthday - Merry Christmas - Happy Graduation and a Job well done --- All in one na ang gift ko. hihihi
Tumaas lang kilay sa akin ni Mama.
"Your father is 56 years old. Parang di na yata bagay na lumalakad lakad siyang naka earphones?"
"Eh Ma, he likes music? Obvious naman siguro sa dami ng vinyl, cassette, CD, mp3 collection niya. Eh ito extra pogi points pa saka cute, maliit, handy! Saka yun nga eh, he's 56. Who knows what'll happen? I have the money now. I can spoil him a little bit kasi kaya ko na din kumita."
But before that magical gift giving moment, I had to drag myself to commute from Cubao to Cainta -- during rush hour traffic. I'm not sure if you're familiar with the notoriety of Cainta-Junction?
*****
G Liner. Aircon bus. Taytay Hi-way.
Sa may Galleria na ako sumakay. Swerte na sa tapat ko bumukas yung pintuan ng bus kaya nakaupo agad ako sa aisle. Nagsakay sandali ang bus, andar kaunti, huminto sa Meralco Center gate, tapat ng Shell-McDo.
"Miss upo po kayu."
Sinilip ko. Tumayo siya, ibinigay yung upuan niya sa isang office girl, siguro nasa mid twenties din. Naupo si office girl. Nagtext. Walang thank you akong narinig. Saka nagbayad yung tumayo, "Manong sa may Rosario po galing Recto". WTF !?
Hindi ko yun pinalampas. At the expense ng sarili kong upuan, tumayo ako at nilapitan ko siya at nakatayu na din ako... sa malapitan... teka, babae!? She's just 5'4". Payak. Maliit ang katawan. Naka college tshirt and jeans, sneakers. Ni hindi nga niya maabot yung hawakan sa taas kaya kumakapit na lang siya sa sandalan ng upuan.
"Bakit mo ginawa yun?" tanung ko.
"Alin po?"
"Bakit mo binigay sa kanya yung upuan mo? Malayo pa pala ang bababaan mo. Eh hindi naman siya matanda, buntis, may kapansanan, o may dalang bata. Ni hindi nga siya nagpasalamat nung pinaupo mo siya?".
Napatingin sakin si office girl. Kibur lang.
"Ahh... eh kasi kanina pa naman ako nakaupo, kaya ibinigay mo muna sa iba."
Hmmmm....
"Ako kasi, kung ako yun, hindi ko basta basta ibibigay yung upuan ko kung di ko naman nakita na mas kailangan niya kaysa sa akin. Pare pareho lang naman tayung nagbayad ng ticket. Marami din naman ibang guys na mas malaki katawan kaysa sayu, pero ikaw yung nanguna... hindi ko yun inaasahan sa iyo, pero natuwa ako sa ginawa mo."
Napangiti na lang siya. Napansin ko na lang din, nakapatay na yung TV. Wala ding radio. Tahimik yung bus at kami lang nag-uusap. Pakiramdam ko tuloy, nagsermon ako nang di oras, bakit di ko na sabayan ng pamimigay ng sobre? hihihi.
Nakarating na din kami ng Rosario. Bumaba na siya. Nakangiti.
Pagkatapus noon, tuwing humihinto na yung bus, tumatayu na din yung ibang guys, ibinibigay yung upuan nila. Nakaupo na din ako ulit, marami na yung bumaba.
Pumara na ako sa tapat ng subdivision gate. Magaan ang loob ko. Nakangiti na din ako.
Gusto kong isiping lahat kami sa loob ng bus, nabago, kasi may isang taong gumawa ng mabuti, na matagal na dapat nating ginagawa.
It takes one to reach everyone. Naks, tama ba? basta merong aral ang post na ito. "Kapag 56 years old na, pwede pa ring mag ipod. :)
ReplyDeletealiw ang title haha. ako papaupuin. kasi pag naparami ng kain mukhang buntis.
ReplyDeletenakakatuwa naman. haha. it only shows how one can truly make a difference. making the world a better place one good deed at a time :)
ReplyDeletea little good deed goes a long way :)
ReplyDeleteanggaling sir seth... andami namang lessons learned mula sayo hindi lang pala kalibugan... hehe...
ReplyDelete@ Dovan - Oi di naman sobrang libog LOL di ko naman dinedetalye dito sexcapades ko (di ko kayang narrate tulad ng ibang bloggers, it just happens, then stunned ka makakalimutan mo name mo ganun kasarap LOL)
ReplyDelete