Tuesday, January 18, 2011

Intercision

Yes, it is spelled correctly.


Yes, no such word exists in the dictionary.


When my "beloved" (as Mark used to call me) gave up on "us", we didn't just "break up"..... we interceeded.


I first encountered such a word after I watched the movie, "The Golden Compass". In a different dimension, much like ours, spirits exists outside the human body in the form of animals they call "daemons" and accompanies them through life. Intercision is the process by which a human was separated from their dæmon. The severe trauma this caused usually precipitated death for that person, but, with certain techniques and precautions, it was possible for someone whose dæmon had been cut away to remain.....alive.


Hmmm.... alive. Check.


I looked back and thought what kind of "daemons" were my exes.


My very first boyfriend, Mike, would be a panda bear.




I used to fondly call him such back then. Di ba dapat pag may jowa may "pet names"? hihi.


He was 5'4" (I'm 5'9"), round faced, shoulder length hair, chinky eyes (singkit), Ilonggo, and adorably chubby. A lot of people told him he looks a lot like Senator Bong Revilla Jr. I got the idea after I saw the World Wildlife Fund logo. Purhfect. He called me with the generic "baby". How original.


I would say he's a very sensitive daemon. 


"Kailangan discreet tayu... kailangan hindi halata na mag bf tayu kasi ayaw kong pagdudahan akong bakla..." right. Sabihin mo yan sa long straight hair mong hanggang balikat, literally. Ayaw din niya na sabay na sabay kami kung maglalakad. Kailangan daw, merong nauuna kaunti, merong naiiwan. Tropa tropa lang kunwari. Out of the question na ang HHWWPSSP (holding hands while walking, pa-sway sway pa). Safety hazard man sa akin, sinasadya ko maglakad sa baba ng sidewalk para eye level kaming mag-uusap. Para na din naman "mabakuran" niya ako at maakbayan. Chos.


We interceeded, after 10 months because he was very much insecure how he looks (to which I loved him dearly) but when he realized that I looked better than him, yet I was madly in love with him... this is where he got his confidence boost. Masama pala loob niya sa tawag kong "panda".


Inis na inis ako noon nung nagkaroon ng free 1 week chat sa celfone ang Smart. Wala na siya ginawa buong araw, kasi libre. Piso piso pa ang text noon, kaya nag uusap na lang kami sa landline para mahaba ang kwentuhan at mejo, sincere naman. All the while nararamdaman ko naman na hindi siya talaga nakikinig kasi panay ang takatak ng keypads ng 3310 niya, sumasagot na lang ng mga "uhuh" "ok" "thats good" "sige lang kwento ka pa". Kahit nung akmang nagtatampo na ako kasi hindi siya maayus kausap, chill na chill lang ang pandang ito.


Sigeh. Ngayun ka makipag chat all you want.


After Mike, I met my second daemon, Mark. I think I already described him on my previous entry though.


We called each other "beloved". 


If Mark were an animal daemon.... he'd be a squirrel. A big, fat, fluffy squirrel.




BAKIT!? Don't get me wrong though. I have nothing against chubby guys and there was also a time I reached 180 lbs. I like chubby guys! They're so huggable kaya? Sarap i-cuddle ^^


Anyway, Mark has this habit of squirreling stuff. 


Kapag kumakain kami sa labas, alaga na niyang kunin yung buong stack ng tissue sa table. Minsan kasi, inaabot siya ng sakit ng tiyan sa daan, so, convenient na tipid pa. Mahilig din siyang mag ipun ng kung anu anong condiments sa sachet. Ketchup, toyo, hot sauce, salt, pepper, mayonnaise, siopao sauce, yung sawsawan ng chicken nuggets, pancake syrup, to name a few. Hindi rin nakakaligtas pati ang plastic utensils at chopsticks, pati straw. Oo nga pala, kapag umaattend din siya ng mga seminars, inuuwi din niya yung coffee, creamer, at tea.


Ang galing noh?


Kapag day off niya, it is also known as hibernation. Kakain siya nang marami, saka niya sasabakan ng tulog ng more than 10 hours. Nga naman, kapag nasa duty siya, hindi siya halos nakakapahinga.


Si Mark ang pinaka special kong daemon kasi meron kaming tinatawag na psychic link.


"Anu yun?" tanung ko nung unang beses kong narinig


"Parang ESP... nararamdaman ko kapag yung mga taong mahal ko sa buhay kailangan ako. Nagtetext ako o kaya tatawag to check on them. Kadalasan, tama lang yung timing ko, yung naipadala kong quote o yung pagtext ko sa kanila, dun nila ako kailangan kasi malungkot sila, o may nangyaring di maganda...."


"Ahhh..." napatanga lang ako. "So paano yun? Ikaw yung madalas receiver?"


"Minsan kaya ko din maging sender, kaso, kakaunti lang sa mga mahal ko yung kayang magreceive... yung Ex ko lang na si Ronel, yung naging perfect psych link partner ko noon".


*nag dedate pa lang kami ni Mark, ilang months na din silang break ni Ronel


"Anu nararamdaman mo pag may nakiki link?"


"Hmmm.... di ko maipaliwanag eh? Basta nararamdaman ko na lang"


"Pero sa mahal mo lang ito?"


"Sa mga taong mahal ko lang..."


Minsan, sinubukan kong ipilit maki "link". Humanap ako ng tahimik na lugar at pumikit, tinatawag ko si Mark sa isip ko. After 15 minutes, nagtext siya kinakamusta ako ^.____.^


Habang tumatagal, minsan nagiging instant na... Mas malakas yung "signal" lalo na kapag may buwan lalo na pag full moon (Moon cellular?)


"Kapag malayo ako sa iyo... tumingin ka lang sa moon... kahit saan ko, lagi din ako tumitingala... para na din kitang kasama... kapag ganun... hindi mo na mararamdaman na nag iisa ka..."


Seven months na eh. Pag tumingin ba ako sa buwan, maiisip pa din kaya niya ako? Natuto na lang din akong lumakad nang nakayuko. Iwas.


Naaalimpungatan ako sa umaga. Nararamdaman kong siya yun. Unti unti, pilit kong hindi na pinapansin ang psychic link namin. Minsan, kapag nagpaparamdam naman siya sa text naiiyak ako? Sakto pa naman, nakaka 10+ straight talo na ako sa Tekken, sinilip ko celfone ko, "Kamusta na beloved ko" text niya. Tumulo na lang basta luha ko at humikbi, napatingin tuloy yung kalaban ko saka yung mga nanunuod sa likod namin. Napipikon na kaya siya kaya siya umiiyak? Lech.


Mejo ok na ako. Di na ako masyadong umiiyak. Mas magaling na din ako sa Tekken.


Wala muna mga daemon sa ngayun.


Masyadong masakit ang intercision. Hindi na sila kayang ibalik sa akin, gamitin ko man ang Silver Crystal.



5 comments:

  1. Yung mga ex ko kya, anu ang kanilang daemon. Bsta yung mga nanloko sa akin, daemon-yo sila. Hehehe...Nice post papa Seth :)

    ReplyDelete
  2. ay saya nga yan,maggagamit na din ako ng pet names mula ngayon...iyun e kung may darating pa LOL!

    ReplyDelete
  3. Daemons, of lesser or greater kind, we still used to share our world with them.

    This post, I certainly love it context per context...

    ReplyDelete
  4. nice :) ahehe. agree aku dun sa nagcomment sa taas :)

    ReplyDelete
  5. "Seth,"

    I feel your pain even more, especially in light of what happened earlier. Sabi mo nga sa kin "hang in there." I say the same to you.

    And I still owe you that ice cream. Thanks for your time.

    J

    ReplyDelete