Wednesday, January 12, 2011

"Astiging Seth"

Hindi na bago sa akin na mapagkamalan akong, ehem, girl. Masyado daw kasing "soft" ang facial features ko: singkit, manipis kilay (di ko ginagalaw yan!), manipis ang lips, maputi, hindi balbon. Lalo pa, pagkagraduate ng college, naisipan kong magpahaba ng buhok. Ilang taon ko din kasing tiniis yung "crew cut" simula highschool kasi naging officer nga ako, tapus bawal din yung mahaba ang buhok lalo na sa operating room. May mga pagkakataon talaga na ipinagbubukas na ako ng pinto ng guys, sabay smile. Nangyari na din sa akin na pag may sale sa mall, hinaharang ako ng sales ladies ng Bayo/Kamiseta/Plains and Prints etc para magsukat. Kapag umoorder ako sa restaurant, "Ma'am" ang tawag sa akin. 


Hindi ako natutuwa sa totoo lang.




Shortly after college, mga 2005-ish. Sa People are People fitting room. Yes, nagsusukat lang, pero di naman bumibili.


Sinimulan ko mag gym. Siguro, kapag mejo lumaki nang kaunti braso ko, mejo mas mukha na akong "boy". Hindi kasi masyadong "mabenta" sa beckie world ang hindi discreet. Ilang beses mo din mababasa sa Manjam, Planet Romeo, etc yung mga nakasulat "NO TO EFFEMS and FUGLIES... BACK OFF".


Unfair naman yata? Bawal ang maging maganda, pero ayaw din nila sa panget. Alam ko, hindi naman ako panget. I think that's good.


After several months ng gym, may pinagbunga naman. Sinabayan ko pa ng bagung gupit.




Tuwang tuwa pa ako noon, pagkauwi ko ng bahay nagpipiktyur agad ako. Ipopost sa Facebook. 


Sinubukan ko ulit ang kapalaran ko online. IRC chat.




Nakaka frustrate na. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar!?


Ang weird lang, kapag nakipagkita naman ako ng personal, di sila makapaniwala kasi mukha daw akong "top".


Lech. Hindi pa rin ako natutuwa.


Marami na akong naisip.


Magpalago ng balbas? Magpa piercing? (aray) Magpa tattoo? (aray ulit)


Hindi ko na alam gagawin ko...

9 comments:

  1. ahaha. yan pala itsura mo :) i remember na napagkamalan akong once na babae sa isang class nitong college. magrerecite aku nun nung initerrupt ako nung pro, sabay tanung kung babae daw ba ako o lalake.

    dun ako nag-start magpagupit ng maikli. at kinalimutan ko na ang long hair ko :)

    ReplyDelete
  2. naglevel up ka na sa bagong picture hehehehe

    nakakaoffend naman talaga pagnagpapakamalan kang bading na parlorista, or effem

    ako never pa nakaexperince ng ganyan hehehehe thank god

    pwede naman ang henna tatoo para di masakit hehehehhe


    good luck

    ReplyDelete
  3. pwede na din siguro yung patubo ka ng balbas ahihihi..

    tattoo, not a good idea tol baka magsisi ka pa

    good luck sa pagpapa yummy ahihih
    keep us updated!

    New follower here.
    angelong discreet
    http://siangelongdiscreet.blogspot.com/

    ReplyDelete
  4. mas masaklap ang sa kin. napagkakamalan akong tibo.

    why o why?! shet lang

    ReplyDelete
  5. You want to be seen as butch?

    Don't smile at magkunot ka ng noo. hehehe.

    ReplyDelete
  6. Seth! Sorry now lang ako nagkaroon ng time basahin to. :P

    Natatawa naman ako sa dilemma mo. *hahaha* Ano ba yung 'fuglies'?

    Ako napagkamalan ng tibo dati. Badtrip. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. fuglie = fucking ugly. hahaha

      ok lang siguro mapagkamalan ng ordinaryong tao na tibo. pero pag yung tunay na mga tibo napeke mo

      ... meron kang gandang di mo inakala :D

      Delete
    2. *hahahahahahaha* GANDANG DI INAKALA ANG PUCHA. LOL

      Delete