Saturday, January 15, 2011

Goodbye Romeo

Mag dadalawang linggo na akong walang sex. Achieve ito. 


Kaya ko kasing maka 4-5 guys sa isang linggo, noon.


Binura ko na ang dalawang Planet Romeo profiles ko, yung "naughty" at yung "nice".


Kapag nasa bahay kasi ako, iniiwan ko lang silang parehong nakabukas, kasabay ng Facebook, sinisilip maya't maya kung sinu ang mga nag view at nag message. 


Una kong ginawa yung "nice" profile ko. Complete details. Bottom. Bottom only. Vanilla. Ching! Witty ang headline pati ang write up. Karamihan pa ng pictures ko, full body shot, pero nakadamit naman. Kaso, iwan ko man siya nang bukas for 24 hours, marami na yata ang 5 views sa isang araw? Sa isang taon mula nung nagregister ko, wala pa akong 900 views sa totoo lang. Mukha daw kasi akong "effem" kaya hindi ako pinapansin.


Gym. Diet. Sex. Gym. Diet. Sex.Gym. Diet. Sex.Gym. Diet. Sex. Sex. Sex. (oi last year pa to ha?)


Umattend ako ng party ng barkada na di ko nakita for a month.


"Seth! Ang cute ng butt mo!" bati ng isang beckie


"Weh. Parang di naman?" pero tuwang tuwa ako kasi di ko naman inaasahan yun. hihihi


May resulta na din ang cardio ko sa gym. Dapat lang.


Pagkauwi ko ng bahay, hubad ako agad at nagpipicture ng.... alam mo na.


Walang face shots. Puro katawan lang muna. Mysterious effect kumbaga. Yung mga nag iinarte na "No face pics, no reply" eh sus, sila kaya pinaka mabenta? Ayaw lang nila kaagad ilatag ang paninda, patikim lang muna.


Upload complete. Iniwan ang laptop na bukas buong araw. Pag uwi ko....


800 views, 90 messages. Imagine!? Kinabog nang bonggang bongga ang "nice" profile ko. Achieve na achieve in 24 hours time. Eh ako din naman yun?


Kailangan ko pala muna magpakita ng "assets" bago ako mapansin. Saka lang nila binasa profile content ko. Amf.


Yung mga dating inii-snob ako, aba, sumasagot na? Hindi ko na kailangan mag hanap. Sila na mismo lumalapit sa akin. 


Within 9 months time, meron na akong almost 8,500 views. Benta. Kahit mga galing pa ng Valenzuela, Antipolo, Alabang... nakakarating ng Cubao... at sinusulit naman namin ang biyahe nila.


Napagud na din ako. 


Pagkapasok pa lang ng January 2011, sinabi ko sa sarili ko na di ko na bubuksan ulit (ok, natempt ako tao lang). Pero nung 01-01-11, binura ko na sila pareho.


Wala na si Lightbolt. Wala na si Sensitive_Inferno.


Andaming umapila nung sinabi kong "mag reretire" muna ako officially January 1. December 31st 1130pm, meron pang gustong humirit. 


Haay! Di ko alam kung pagkatapus ng "project" kong ito kung babalik pa ako sa website na iyon. 


Uninstall ko na din yung mga chat programs ko sa laptop. Ilang months na din akong hindi nakatapak sa blue bars, though nakita ko yung pictures ng bagung Bed Malate, honggunduh?


So saan mo na makikita si Seth? 


Sa gym. Sa mga arcade, kinakarir pa din ang Tekken. Natuto na din akong tumambay sa bookstores, nagbabasa, bumibili na din ako ng tickets para sa plays, pumapasok na ako pati art galleries kahit wala naman akong naiintindihan sa tinitingnan ko. hehehe


Sabi kasi ng friend kong si Daryll, "If you want to meet nice people, go to nice places..."


Siguro nga ^^

11 comments:

  1. may tama ka!
    ahihhihi
    i havent tried that planet romeo

    ReplyDelete
  2. puro sex lang hanap diyan sa site na yan dapat iwasan hahahaha

    malayo sa tukso

    ReplyDelete
  3. sana mapag patuloy mo yan. for your own good. you can live a healthy and exciting life kahit hindi mo ginagawa yung mga dating gawain mo.

    keep it up!

    ReplyDelete
  4. Perhaps a change of perception will be most beneficial.

    Sex is easy, accessible in all directions.

    But meeting nice people, is rather, difficult.

    ReplyDelete
  5. aaah dapat ngang iwasan ahihihi 9as if di ako malibog)
    nakakatakot din kasi diba?

    madami na ako nababasa dito na blog posts about sa mga manloloko or yung iba photogenic ahihihi
    ala lang
    di ko lang din trip ahihihi

    ReplyDelete
  6. napa-google ako. yun pala yun. inneresting... haha!

    ReplyDelete
  7. @ angelo'ng discreet -- Actually, nung G4M pa ang tawaf sa kanya, mas masaya ako dati sa pag participate sa mga forums

    @ hard2getxxx -- mejo. I feel like a piece of meat. char!

    @ the pogs -- Hmmm, sana nga

    @ Guyrony -- True. I think some of them are really "nice" people din naman if ever we did happen to meet at a different time and place. I just really can't make "friends" if I bend forward too soon.

    ReplyDelete
  8. hey thats a great read!

    if you wanna meet nice people, go to nice places...promise nadama ko siya!hahaha

    goodluck on that.nagbabago ka na..tama yan! no more play...time to get serious.ganyan din ako dati

    ReplyDelete
  9. am proud of you Seth :) surround yourself with nice people pati. you don't want to attract the wrong kind of pips :)

    ipagpatuloy natin yan :) two thumbs up! hehe. napangiti ako nito pramis :)

    ReplyDelete
  10. ikaw na ang cultured, classy guy. ikaw na. hehe. nakakakuha ako ng lifestyle tips sayo. hehe. the message for me is, you can be gay and happy in this life, kahit pa closeted ka lang. ching.

    ReplyDelete
  11. naalala ko yung 2 weeks na meron akong planet romeo. Katawan lang ang puhunan, 2K views na. Hahaha.

    ReplyDelete