Saturday, January 8, 2011

My Sam, Crushie #2

There used to be a time sukang suka na ako sa mukha ni Sam Milby. Lahat na lang yata ng product endorsements meron siya? May Bench, may beauty soap, may hotdog, and if I remember correctly pati gulong ng sasakyan. Weird. Parang pakidamdam ko nun, di magtatagal nasa barya na din siguro ang mukha niya or eventually magiging Ambassador na din siya ng whatever cause.




Naintriga lang ako nung magkaroon ng "rumors" tungkol sa kanila ni Piolo. Sa mundo ng mga beckie, kapag napag usapan, madalas totoo. Iba pa din kasi mag chismisan ang mga, ehem, lalake. Mas malala ika nga. Walang halong dagdag at emotions. Hihi


First time ko nun sasakay ng eroplano. Saipan. Wala pa kasing testing site ng NCLEX nun sa Makati. Excited din ako, first time ko aalis, mag-isa. Magagamit ko na din ang celfone ko abroad, masubukan yung "tri-band" ng 6230 ko. Kasama ko sa trip yung mga co-scholars ko sa agency. 2 kaming badet, dalawang bilat. Purhfect.


Sobrang excited ko nun, bawat phase yata na dadaanan namin sa airport nagpapicture ako. Adik lang.


...then dun ko nakita si crushie... sa boarding lounge. Siya yung taga-inspect, yung kakapkapan ka, papahubarin ng sapatos etc. May hawak siyang paddle metal detector (eh pwede naman niya akong kamayin?)


Shy ako. Puro stolen glances lang. VGA lang camera ng 6230 at wala pang zoom. Lech lech lech!


Seth : "Pssst! Ate.... papicture ka kunwari kay kuya, uhmm... crush ko kasi. Pero wag ka masyado didikit ha? Para di ako mahirapang mga crop later." 


Bilat: "Langya ka talaga! Pero mamaya may sariling shot din kami ha? Bet ko din kasi."


At yun nga ang plano... kaso, likas na matalas ang pandinig nung isa pang beckie. Nalaman niya planu kong gawin. 


Sinigaw lang naman niya sa buong boarding lounge. "KUUUYAAAA!!!!! Papicture daw kayu oh!"


Nakakahiya !!! Lumingon sa akin lahat ng tao. Pati yung mga taong nakaupo sa likod namin, umalis, para naman daw "malinis" yung background kahit papaano.




Game naman si "Sam" mejo nagblush nga kaunti. Binitiwan niya yung paddle, umupo katabi ko. Shoulder to shoulder kami.


Natameme naman ako. Wala na akong nagawa kundi magsmile? Masyado pa akong starstruck noon, siya na nagpakilala at nakipagkamay sa akin.


... deym! Kaso hindi ko nahingi number. Inis inis.


Ang exam? Chicken. 1 take lang. 1 hour and 30 minutes, 90 questions. US RN na ako.


Buti na lang megapixel yung isang cam, na-zoom ko full name ni "Sam".


Mga 5 years ko din siya inabangan online. LOL. Wala pa siya sa Friendster. Buti na lang gumawa siya ng Facebook! :) hihihi


Naglakas loob na akong hakutin lahat ng pics niya.... saka ko siya minessage. No reply.


*sigh*


Here's more of his pics!




5 comments:

  1. Sana hindi str8. ^_^ Yummy!

    ReplyDelete
  2. Shiit Seth, ang gwapo naman nitooooo! Ano full name niya? Share mo naman sakin dali! *hahahahaha*

    Nga pala, I'm backreading na from the start. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahah magkakalkal pa ako. nakalimutan ko na. lakas ng appeal ano? laking hinayang ko noon nasa plane ako di ko kinuha number nya hahahaha

      Delete
    2. Seth, pa-email mo naman sakin yung ibang pics niya. *hahaha!* Obsessed talaga ako. LOL! Or just tell me his name, hanapin ko siya sa FB. :P

      Delete
    3. hahaha sure. di ko na siya mahanap online pero hinakot ko na mga pics nya noon. ang hot anoh!?

      Delete