Tuesday, February 8, 2011

Totoo ba talagang may No Strings Attached (NSA)?


Wish ko lang na kasing gwapo ako ni Xian Lim. Minsan naiinggit ako sa mga tulad niya. Model. Lakad, pose, ngiti, kindat lang kikita ka na nang malaki. Puhunan mo na ang mukha at katawan mo. Isang event lang o TV/print ad katumbas na siguro ng dalawang linggong pinaghirapan ng isang typical na empleyado. Kung matalino at tunay na talented ka pa? Panalo na di ba. 

Pero ang mga tulad kaya niya, hindi na niloloko ng partners nila? Ewan ko. 

Hindi rin naman ako panget. Gusto kong isiping above average naman ang looks ko. Nhux. Hindi lang talaga ako pasok sa category na astigin, dun ako sa, ehem, pretty.

************

Nainspire ako sa post ni G, Post Coitus Possessiveness.

Naalala ko tuloy nung 2010, mayroong iilang guys akong nakilala na nagpakita ng interes na ligawan ako... pagkatapus naming mag sex.

Sinabi ko na dati na meron akong 2 absolute dating rules, pero kung nakikipaglaro lang ako, yun lang talaga yun. Hindi naman imposible, pero mahirap para sa akin makipagkaibigan o seryosohin ang isang tao na nakilala ko lang dahil sa casual sex. Sa isang taong seryoso ako, hindi ko agad isinusuko ang Bataan. Kung sakali man naging magkaibigan na tayo, ibig sabihin hindi na rin tayo pwedeng magsex kahit kailan. Wala na bawian.

Ngayun ko lang naisip, hindi pa rin nawala nang tuluyan ang pagiging "wifey" ko. Noong mga panahong madalas ako magdala ng bisita sa kwarto ko, kuntodo asikaso pala ako sa kanila? Hubarin mo sapatos mo sa pinto, may tsinelas ako. I-hanger mo yung damit mo para hindi magusot. May condom na at lube. Ayaw ko ng amuy at lasang yosi, kaya meron akong candy at mouthwash. Huwag mo ipunas sa bedsheet, punda, lalo na sa kumot ko please? Bibigyan naman kita ng tissue at alcohol. Papahiramin pa kita ng damit na pamalit, sabon, malinis na towel. Kapag nasa mood pa ako, bumibili pa ako ng pagkain at share tayo o ihahatid pa kita sa may sakayan. Sagot mo pamasahe mo noh.

Yun lang yon. Maasikaso lang ako. Hindi ibig sabihin gusto kita. 

Hindi rin ako mahilig yumakap, makipag holding hands, dumantay, kung magkatabi man tayo matulog. Kung ginawa ko man yun, ayaw ko lang mawala ka sa tabi ko at may mawala akong gamit.

Iniiwasan ko ding makipag kwentuhan hangga't maari. 

Hindi naman talaga ako interesado, isa pa, hindi ko naman inaasahang matandaan mo pa yung mga ganung detalye? 

Sa celfone ko, minsan user ID lang nila ang nakasave. Hindi ko tinatanung ang pangalan.

Pero meron din namang exceptions...

Naramdaman ko din namang sincere sila kahit papaano. Baka sakali? ... Hinde eh.

Ayaw ko. Hindi uubra.

Ang gusto ko, kapag binalikan natin kung paano tayu nagkakilala, marami tayung maalalang magagandang bagay na nangyari. Naging magkaibigan muna tayo, nagkakilanlan, nagsimulang mabuo ang tiwala, at matapus mong malaman ang lahat ng pinagdaanan ko at handa kang tanggapin iyon, saka mo sasabihin sa akin na mahal mo ako.

Natatawa na lang ako minsan sa mga linyang naririnig ko sa mga nakilala kong guys,

"Sarap mo! Pwede bang ako na lang kakantot sayo?" (Possessive?)

"May boyfriend ka na ba? Gusto mo tayu na?" (Teka ayaw ko mabitin, panira din ng mood)

"I love you." (WHATEVER!)

Hindi na rin bago sa akin na kung anu ano na ang tinawag nila sa akin: baby, honey, beh, pangalan ng iba (Ex o crush nila?) etc.

Isang gabi, nag abot kami ni Alfred* sa YM chat, mga 6 mos na rin kami hindi nag uusap. Umiwas ako sa kanya matapus maging sobrang sweet niya sa akin.

Alfred: musta ka na?

Seth: oi alfred heto naalimpungatan, di na makatulog. nakita kita sa bus sa ayala mga 2 weeks ago

Alfred: huh? bakit di moko tinawag?

Seth: eh nasa may bintana ka nun, patawid ako ng RCBC magmukha naman akong sira kakaway ako sa gitna ng daan hehehe

Alfred:hehehehe anong suot ko nun? namiss na kita...

Seth: di ko na matandaan anu suot mo bakit moko miss? dami ka naman super bookings? (fishing!?)

Alfred: miss na kita, iba kasi pa rin kasi lalo na yung wifey na dating mo

Seth: hahaha

Alfred: di ko makalimutan na pinagplantsa moko ng uniporme ko nun (papasok kasi siya ng office, sa kanila ako nakitulog) sobrang thoughtful at sweet

Seth: LOL wow natandaan mo pa talaga, sa dami ng dinala mo jan ako lang ang wifey 

Alfred: yeap, totoo yun

Seth: alam mo ba, super behaved na ako this year? binura ko na PR at manjam ko di na ako nag babar at bath house, wala na din kalandian sa gym

Alfred: hahaha

Seth: di na ako nagchachat

Alfred: mas mabait pa rin ako, kasi never ako nagpunta ng bar at ng bath house hehehe

Seth: asus! eh pag bigfish dun ka na yata natutulog

Alfred: kahit sino pa ask mo iba naman yung bigfish kasi event yun

Seth: E-vent LOL

Alfred: tsaka hindi ako nakkikipaglandian dun ini-enjoy ko lang ang amats nung E (nakuuu... di rin totoo andami niya yatang kinuwento na celeb/models na naikama na niya?)

Seth: alam mo kung anu natutunan ko sayu?

Alfred: ano yun?

Seth: paanu magsampay ng towel para mas mabilis matuyo LOL

Alfred: hahahaha ang galing ko pala

Seth: ikaw binobola mo pa ako, sa personality mong yan single ka pa?

Alfred: oo single pa rin ako. bakit anong meron ba sa personality ko?

Seth: hmmm madali ka makagaanan ng loob, basta wala kang topak dahil sa E

Alfred: hehehehe...kahit naman na naka-E ako ay wala akong topak ang bait ko kaya tsaka honest hndi ko plastic ninuman

Seth: hehehe

*Hindi pa rin ako nakipag kita ulit sa kanya. 

So anu nga ba ang point ng blog entry na ito!? LOL

Special tayung lahat. Bawat isa sa atin. Isipin man natin na kahit gaano ka-casual ang pakikitungo natin sa mga guys, lalo na para sa sex lang, hindi totoong may "No Strings Attached".  Tuwing binibigay natin ang ating sarili, unti unti din tayung nababawasan. Pagkatapus ng lahat, makakaramdam ka lang ng pagud, lungkot, emptiness. Yung "sarap" pagkatapus mong labasan, lumilipas din yun hindi ba? Wala naman nadadagdag sa pagkatao mo kung ilang goodlooking, gwapo, hunk, professional etc ang naikama mo?

Sabihin man niya sa iyo, ikaw na ang pinakawild, pinakamasarap, pinakamalupit na naikama niya, I'm sure may makikilala din siyang mas hihigit sa iyo. Magkakasawaan din. Maghahanap ulit ng iba. Kahit nga World Records nalalampasan? 

Siguro lahat naman naghahanap ng tunay na pagmamahal. PAKKK !!! Pero kadalasan, pumapayag na tayung tanggapin yung panandaliang may kayakap, kahalikan, kasiping. Ayaw ng hassle. Hindi naman ako naniniwala na kailangan maging complicated eh?

Gusto ko ako lang. Simple di ba.

Masaya akong isipin na mas marami na akong nagiging kaibigan. Wala pa naman akong trabaho ulit kaya kaya ko gumawa ng paraan na makipagkita sa kanila kahit isang beses lang sa isang buwan. Natutuwa ako tuwing binabati nila ako na mas mukha daw akong masaya ngayun, blooming, mas cute. PAKKKK !!!

Kahit sa gym, tinatanung nila ako kung meron daw ba akong inspiration at masyado akong hyper at parang cheerleader tumalon.

Wala. Sagot ko. I'm not seeing anybody (neither am I sleeping with anybody. Crush crush lang? hihi)

Iniingatan ko sarili ko. Marami pa akong plano ngayung taon. 

Namimiss ko ba ang sex? Minsan. Pero mas gusto ko yata yung lovemaking.

Mag iisang taon na rin akong single. Hindi naman ako nagmamadaling humanap ng kapalit...

... naniniwala pa rin ako, basta na lang siya darating na di ko inaasahan

... kaya kailangan lagi akong pretty LOL :)

12 comments:

  1. sobrang nakarelate ako jan papa seth. naiyak at nalungkot ng konti.. nice post. :)

    ReplyDelete
  2. pwede siguro yung NSA pag nakasalubong mo lang tapos dun na kayo sa bakanteng lote.

    di naman ganon kadami experience ko sa ganyan. konti lang, actually. pero sa ilang buwang pamumuhay na ganon, parang naubos ako. tama ka, may nawawala talaga. di kasi ako handa nun. akala ko kaya ko, hindi pala.

    at muntik na ako mag monologue.

    ReplyDelete
  3. Everyone is different.

    Some prefer getting to know someone more through pre-coitus and some, post-coitus.

    It depends on the person's cup of tea, really.

    But it's a good thing you made a stand of what you believe.

    ReplyDelete
  4. Im glad that you are starting to find your inner peace and happiness. Keep it up. Good entry. I really liked it.

    -cat spirit

    ReplyDelete
  5. "Gusto ko ako lang. Simple di ba." i love these lines.

    ReplyDelete
  6. kasi yaw din nila o tayo ng cmplikasyon kaya may mga taong NSA ang gusto

    ReplyDelete
  7. i must say, it's indeed a good post...

    ReplyDelete
  8. Nasa may "WHATEVER" pa lang ako and atat na akong magcomment.. magaling ka talaga Seth. You know how to make things light as you tell your stories. Keep it up. :)

    ReplyDelete
  9. lahat ng nababasa ko tang ina kayo na kayo na lahat ang single... masarap ang maging single syempre pero i dunno why pag dumating na yong taong nakikita mo ang sarili mo sa kanya eh nasasabi mong mas masarap ang taken na lol hehehehe

    ReplyDelete
  10. @ Desperate Houseboy - *hug* Thank you

    @ Nishiboy - Ayaw ko naman sa bakanteng lote baka ako manuno? Takot pa man din ako sa ahas at iba pang creepy crawlies. Hihi. Di ko rin magagawa ang signature moves ko comfortably? *wink*

    @ Guyrony - Thanks for commenting ^^

    @ Cat Spirit - Meow ^^

    @ Kenneth - Thank you ^^

    @ Uno - Ako, basta ayaw ko ng may sabit. hehehe

    @ Vhincci - First time I saw you on my blog, Thank you

    @ Josef - Thank you ^^

    @ Poy - Err ok.

    ReplyDelete
  11. high five seth! high five!
    ahaha~ lahat tayu ay naghahanap ng pagmamahal :) pakk!

    ReplyDelete
  12. @ Nowitzki - APIR! buti kinaya ng powers mo ang statement na yun? LOL

    ReplyDelete