Tuesday, February 15, 2011

Post Valentines

February 12th: Two days na lang!? Crunch time na ito! 


Napaka obvious naman ng common theme ng blogs, Balentyms. 


Anjan na din yung mga nababasa ko like: "Single Awareness Day" , bitter-ako-im-gonna-wear-black, mamatay-na-lahat-ng-cheesy-at-mushy-magbebreak-din-kayo! (hostile much?), im-single-im-gonna-be-ok-day.


Sheesh.


Personally, I don't get what all the fuss is about? Kahit naman nung mga time Mark and I were madly in love with each other, we never celebrated Valentines day. The dinner-movies-coffee formula has never been over used on any other calendar day. Heavy traffic and prices are outrageous. You can give me flowers on any other day of the year but why choose the time when it's 10x more expensive than usual? I would've felt more special if its an ordinary day and I received flowers nonetheless. 


Anu pa ba? Hmm... ngayun ko lang nalaman na meron din palang couples na bloggers! Cute ^^


Nakaraos din naman tayung lahat. It wasn't THAT bad?


# Dinagdagan ko pa ng 50 reps sa ab roller pagkagising. Para na din akong sumasamba tuwing ginagamit ko: Paaara sa beach.... Paaara sa beach.... Paaara sa beach.... tiis ganda nga naman.


# Online ako sa Facebook, kating kati na akong batiin si Office Crushie, kaso what for? Matagal na din naman niya akong dinedeadma... pero hinahakot ko pa din ang pictures niya everytime nag uupload siya ng bago. hihihi ^^


# Nanay ko lang tinext ko ng Happy Valentines na ang reply lang eh: K. Thanks. Busy ako. (Hmph!)


# Dineadma na ang lahat ng ibang greetings. Sinung happy!? What's to celebrate about!? Chos.


# Meron din naman tinatawag na "Agape" o love for thyself:


Sale sa Girbaud!? bwahahahahaha!

1500 pair ng bag and wallet. Aylavet !!!!!!!!
# Hindi muna ako tumuloy mag gym. Naalala kong may ambush last time. Pinauso nila yung color coding ng attire mo to signify your, ehem, status. Ako di ko naman pinansin, pero may mga taong sumeryoso, paglabas mo pa lang ng shower cubicle nakabantay na at over friendly. (behave ako... behave ako...)


# Ininvite ako ni sis lumafang. May party kiyeme daw sa culinary school nila na limang cartwheel at tatlong herky lang naman ang layu sa apartment ko. Gora! Hindi naman ako kuntodo bihis, pero malay mo, may makilala, humabol pa? hihi ^^





Ok na sana. Kulang lang sila sa showmanship. Simulation test pala nila ito sa Culinary. Di kasi sila tulad ng sister ko, HRM grad, may alam sa events organizing. Patay ang crowd. Hindi nga ako party person pero ayaw ko din sa isang boring na party. Inaawat na lang ako ni sister sumasayaw kasi ako LOL


So so lang ang food. I love crepe kaso makunat na yung wrapper at sobrang tamis at malambot na yung saging. Ganun din yung pineapple juice. Umay much. Broccoli lang din nakain ko kasi vegetarian nga ang drama. hihi ^^


classmate ni sister, new fag hag
Hindi na ako sumali sa games, pero nanalo naman ako ng cap sa raffle. Hangkyutt !!! Suot ko na siya pauwi ^^


# Uwi sa bahay. Borlogs. 12:15am may nagtext! ... (no name) Belated Happy Valentine's Day! Hope you enjoyed your date. Hmmm who could it be? (isip...)


Ahhh... si Mark. Binura ko na nga pala. Hmmm... mejo natempt akong replyan ng "Hu u?" hihi ^^ hinayaan ko na lang.


Back to normal na ang lahat! ^._________.^

1 comment:

  1. i have to agree sa kin valentines is just an ordinary day

    di naman ako maiingitin sa mga may kadate

    we can still enjoy valentines spending it with ourseleves or with family and friends

    ReplyDelete