Friday, February 18, 2011

Joystick





Naghahanap nga ako ng gym
gloves na white din ^^
Emily "Lili" Rochefort. Aba, hindi yata ako maglalaro ng Tekken kung hindi dahil sa kanya? Lumabas lang siya sa Tekken 5: Dark Resurrection at ever since nahook na ako!

May pagka "violent" din kasi ako... di ko lang mailabas. Gusto ko man makipag suntukan minsan, nanghihinayang naman akong magkaroon ng pasa at mabawasan ng ngipin? Di ko pa lang talaga nasusubukan lakas ko. hehehe

Pampalipas oras ko lang naman dati ang arcade. Hindi nga ako nag eenjoy kasi lagi naman akong talo? Dun na lang ako sa may table na pinupukpok ng martilyo yung mga weasel yata yun. Basta. Tuwang tuwa ako kay Lili kasi siya na siguro ang pinaka beckie na character sa Tekken. Imagine, isang fighting Barbie doll!? Cutesy lang din ang moves niya na may combination ng ballet, gymnastics, ice skating. Hindi nga lang siya sinama sa Tekken movie? Wala yatang non players ang maniniwalang makaka knock down ng kalaban yung mga sampal at cute niyang backflips.


wala nang mas babakla pa sa celfone ko


Siya na ang naging most used character sa lahat ng 40 na pwedeng pagpilian sa Tekken line. I would associate this sa dami din ng beckie na naglalaro? 

Landi much


Hindi pala kaya ng pindot method ang Tekken? Mahal ang tokens. Dati, wala pang 3 mins, talo na ako. Natatandaan ko, meron isang week na gumastos ako ng 1000 pesos sa isang linggo kakalaro sa Timezone at Tom's World dahil talagang hindi ako tumitigil hangga't hindi ko natatalo yung kalaban ko !!! Excited pa ako nun dati, kinukuhanan ko pa ng picture yung screen kapag nananalo ako? Hehehe


Kaya naman ung birthday ko nung 2009, naglambing ako kay Mama na ibili ako ng PSP para pwede akong magpractice. LOL. Binasa ko yung mga article sa internet, nanuod ako ng tutorials, sinubukan kong kopyahin yung mga combos. Gumagaling na ako ngayun ^^


In fact, kilala na ako ng mga tao sa arcade sa kalandian at kakulitan ko gamit si Lili. Kilala ko na sila sa mukha, alam ko na style nila, pero di kami masyado nag uusap. Wala talaga akong ibang alam na character, siya lang. Memorized ko na halos lahat ng moves niya na kasing cute niya. Merong kitty claws, delicate uprising, capricorn kick, freesia thrust etc O di ba? Cats, flowers at zodiac ang theme! Memorized ko na din ang mga linya niya, pati tili yata nagagaya ko na? hihihi ^^


Ako, naglalaro lang talaga. Before, in between classes, at after gym, halos araw araw akong naglalaro. Who would think na pwede rin palang cruising spot ang Tekken machine?


Ayaw mo maniwala?



Exhibit A

Hmmm di ko pa siya kilala, basta lagi siyang nanunuod LOL usi lang.
Turn on talaga sakin yung korteng V ang upper body. Hmpf!



I call him... Nemesis. LOL. Kahit gumaling na ako nang husto, hindi ko pa siya natatalo. Isang token lang, mababa na yung maka 20 consecutive wins siya. Masyadong mahusay para sa akin. Kaya niyang gumamit ng 7 character, kasama si Lili! Kainis. Minsan ko na siyang nakatabi, pinanuod niya akong maglaro... nagkaroon na din kami ng conversation:

"Ayy talo ka na agad?"

Bwiset lang di ba.

Hindi rin ako nagbibigay ng "mercy". Ihahagis kita sa ere na hindi ka na babagsak, o kaya naman dun ka na sa lupa, hindi ka na matatatayu. Dudurugin kita ng heels ko!? LOL Ayaw ko din ng mercy. Sa totoo lang, lalo akong nagagalit kasi insulto sa akin yun. Wala naman sa akin ang token. Gusto kong maglaro. Kung manalo ako, gusto ko dahil mas mabilis ako at nautakan din kita, hindi yung pinagbigyan mo lang ako basta.

Oh well, sport naman sila, Nagugulat na lang ako minsan, matapus ko silang durugin... nakikipag palitan ng number. Ehh? Bakit? hehehe ^^

Kay Nemesis di ako magpapakipot. LOL!

Kita kits na lang sa arcade! ^^

4 comments:

  1. lab na lab ko ang tekken :) yan rin lang ang tanging brutal na martial arts game na nagustuhan ko :) si yoshimitsu naman ang fave ko gamitin lageh :) hehe~

    ReplyDelete
  2. parang ang sarap yapusin ni exhibit A sa likod. maabangan nga yan haha.

    ReplyDelete
  3. favorite ko din si lili! sa tekken 5, si christie tapos nung lumabas dark resurrection, lili na ako hanggang 6. ang haba ng paa eh. pag nag-10-hit combo na, ayus... tapos yung ultra strong drill kick na may flower-flower pa, bag! unblockable! wahihihi.

    pero wala na xbox ko... hanggang memories na lang... :((

    ReplyDelete
  4. @ Nowitzki - Mas love ko nga Tekken kesa Street Fighter, MVC, SNK, Guilty Gear ^^ ok din Soul Calibur kasi Namco din yun

    @ Sean - Kainis noh! Anliit ng waistline tapus ang lapad ng chest! bwahahaha ^^

    @ Miguel - Piercing Thorn Fortissimo! Mejo mabagal nga lang... Di ako nagte-10 hit combo, hirap ako sa joystick pero kaya ko sa PSP. Juggles, grab, reversal ang strategy ko hehehe

    ReplyDelete