Saturday, February 26, 2011
Orosman at Zafira
Kakauwi ko lang ng bahay (1am) matapus mapanuod ang 8pm show. Alas onse naman natapus ang palabas pero sadyang historical din ang ginawang traffic ng EDSA celebration, dagdag pa ang planter boxes na nilagay ng MMDA kaya lalong sumikip ang daan.
Well, ayus lang naman. Umuulan ng mga pulis at sundalo kaya't umaagos din ang testosterone sa kalsada.
So kamusta naman ang play? Pangalawang beses ko na nanuod ng play ngayung taon at ito ang aking napagtanto : HUWAG na bumili ng mamahaling ticket. P854 ang binili kong ticket, orchestra right, Row A. Katapat ko na talaga ang stage sa sobrang lapit pwede ko na isampal ang mukha ko sa abs nilang lahat. Tiniis ko pa naman hindi maglaro ng Tekken sa arcade para lang maipun ang magandang ticket. Sa totoo lang, hindi naman napupuno ang venue? At kapag may bakante sa orchestra center, pwede ka naman lumipat!
Hindi mo pa rin sinagot Seth, kamusta nga ang play!? Oo na heto na...
1. Natuwa naman ako at nagsimula ang palabas on time.
2. Talaga namang kinilabutan ako sa boses ni Tao Aves (Zelima). Winnur din ang eyelash extensions niya. Higit sa lahat, napagkamalan ko siyang si Jaya.
3. Mahusay ang naging blending ng lighting, music, at ang kanilang choreography. Panalo din ang costumes! Sana pwede nilang ibenta yung pants? Dahil sa mga epek na ito, damang dama ko ang bawat eksena ng giyera (merong 3).
4. Love na love ko si Maita (Zafira)! Actually, siya lang yung pinaka maangas sa lahat ng bida. Prinsesang lumalaban! (haaay! naalala ko na naman si Lili ^^ ) Go gurl! Buti pa nga siya may napatay na kalaban, si Orosman, wala.
5. Oo na, aaminin ko na, bumili ako ng ticket dahil sa mga narinig ko na "sobrang ganda raw... ng abs" kaya nga ako nasa front row di ba? Sige na nga, maangas na ang mga abs nila lalo na yung kay Jay Gonzaga (Orosman) at Kevin Concepcion (Zelim). Parang nananadya pa nga yata na pinahiran ng langis para kumintab. Shet.
Pero kung walang abs, hindi na sana pinilit? Sisisihin ko dito ang makeup artist. Iginuhit lang ng foundation ang 4 packs sa tiyan ni Red Concepcion (Aldervesin). Wala naman kinalaman yung abs sa performance niya eh? Napakalapit ko lang natawa ako nung napansin ko.
Sumkindava OA lang nung nagkaroon ng standing ovation dahil kay Jay Gonzaga. Ok, he's good but it wasn't THAT good. Unless abs ang pinapalakpakan nila? Naalala ko tuloy yung New Moon. Hindi ko siya pinanuod dahil sadyang nakornihan ako sa Twilight pero maraming taong bumili ng ticket kasi topless si Taylor Lautner sa maraming eksena.
Dahil jan, dodoblehin ko na ang sets ko sa ab roller.
6. Talaga namang sumakit ang ulo ko dahil luma at malalim na Tagalog ang dialog. Pagkatapus ng first act nagkaroon ng 10 minute intermission, narinig ko ang 2 Fil Am na nag uusap:
Guy 1: Hey Charles, are you actually understanding anything?
Guy 2: None at all, but I think it's got something to do with fighting for their freedom...
Nice try kid.
7. "Kasumpa-sumpa man, pag-ibig, pag-ibig at pag-ibig pa rin". Lech.
8. Hindi ako nakarelate sa kwento. Hindi naman magulo ang plot. Siguro, sa panahon nila, naniniwala silang iisang tao lang ang para sa kanila, tulad ng pag iibigan nina Gulnara at Aldervesin, Orosman at Zafira (insert song : huwag ipapatay...). Ito man ay modernong adaptasyon sa lumang panitikan, moderno na din kasi ang pananaw sa pag-ibig: pwedeng marami, pwedeng paisa isa (one at a time), kung kaya mo din mag juggle at multi task much better
Bitter much.
9. Naarouse lang ako nang kaunti dun sa eksenang nakagapos si Orosman dun sa scaffolding with wheels. Oh yeah!
Try ko naman manuod ng Zaturrnah.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
awwww. may nakagapos. awwww! hahahaha
ReplyDeletewatch kami zaturnah next week. kelan ka? :)
Baka sa March 6th. Bibili pa lang ako ng ticket
ReplyDeleteAww. Di ko na talaga mapapanood ito.
ReplyDeleteAnd yes, bitter ka. Love is love is love. Hahaha!