road-kill
1. An animal or animals killed by being struck by a motor vehicle.
2. Slang One that has failed or been defeated and is no longer worthy of consideration
Nagpakamatay daw si Angelo Reyes. Kanina lang kinuwento sa akin ni Ate Abby (asawa ni Kuya Rommel).
"Ahh. Ok. Nasama din ba siya dun sa ano.... yung AFP ek ek?" sabi ko.
Saka kinuwento ni Ate Abby nang pagkahaba haba yung mga detalye. Ako tangu tango lang. Kibur.
Hindi talaga kasi ako nanunuod ng balita. Hindi rin ako mahilig manuod ng TV. Mag tatlong taon na. Hindi ko nga alam na lumubog na pala ang kalahati ng Metro Manila pati ang Cainta at Marikina kung hindi pa ako tinawagan ng Mama ko kasi hindi pa daw nakakauwi ang sister ko galing UST. Hindi ko kasi binubuksan ang TV.
Engot din ang sister. Pag umulan na ng more than 2 hours, huwag ka na pumasok dahil asahan mong magbabaha ang Espanya. Ondoy pala pangalan ng bagyo. Nasa 8th floor kasi ang condo namin dati ni Mark, tanaw ko pa dati ang Ortigas at Greenhills pero sa tindi ng ulan, kahit katapat na building di ko makita. Bagyo nga yata ito.
Anyway. Angelo Reyes. Suicide.
Dumaan na din ako sa ganyan... twice actually, ako at yung sister ko.
Nauna si sis. Ang drama kasi niya noon, nagkalabuan sila ng boyfriend niya (how crude). Nagrereview pa lang ako ng Nursing boards noon, nagtext sa akin yung BF niya na check ko daw kung OK lang. Pag uwi ko ng bahay, kinatok ko ang kwarto. Di sumasagot. Baka tulog na. Late na din naman kasi.
Kumakain na ako nung narinig kong bumukas yung pinto niya, pumunta ng kusina, at dumiretso ng banyo.
Maya maya pa kaunti.... saka niya ako tinawag "Kuuuuyaaaa....." habang humahagulgol. Nakita ko siya sa loob ng banyo, luhaan, may hawak na malaking kutsilyo, at yung necktie ng uniform niya itinali niya sa braso na parang tourniquet. Ayy ganun?
Siyempre una kong ginawa, inagaw ko yung kutsilyo (safety muna). Saka kinulong ko muna siya sa banyo.
Ang weird. Ang point ng pagpapakamatay dahil sa paglaslas eh dahil ikakamatay mo yung hemorrhage (bleeding). Cleaver pa ang napili niyang kutsilyo (balak ba niya tagain kamay niya?) eh maliit na hiwa lang naman ang kailangan? Mas effective ang blade o kaya basag na salamin? Pwede rin yung pinagbuksan ng lata ng Piknik, matalas yun? Tapus bakit may tourniquet? Anu ba talaga sister.
Umakyat ako sa kwarto niya. Classic ang eksena. May half empty na bote ng Tanduay at may suicide note na basang basa ng luha. (kaya hindi ako nanunuod din ng TV!)
Ang mga sumunod na nangyari, ginising ko si Papa, at wala siyang nagawa nung sinabi kong i-aadmit ko sa Psych ward si sister.
"Hindi baliw ang anak ko?!"
"Don't worry Pa, secret lang natin ito. Isa pa, kung talagang desidido siyang magpakamatay, walang safe na lugar sa bahay. Lahat ng pwedeng paraan pati pagtalon sa bintana pwede niyang gawin at least doon pwede pa siyang mabantayan." (sumkindava OA i know, pero galing sa textbook ito, nagrereview nga ako di ba?)
One week din siya doon sa loob. Dumadalaw din naman kami. Eh di nadala siya? Nakahalubilo niya yung mga tunay na psych patients na mas naging "effective" ang suicidal attempt. Narinig din niya mga kwento nila an di hamak na mas malala kesa pagkawala ng boypren. Nyeta.
Oo. Di ko nakalimutan. Ako rin.
Pinakamalungkot na taon sa talambuhay ko ang 2007. Sa isang taon:
- Nag away kami ni Papa kasi naconfirm na niya na bakla nga ako (kagagawan ni sister!) kaya sa galit niya, binato niya ng bote yung pintuan ng kwarto ko. Natakot ako nun, lumayas din ako nung kinagabihan. Mula noon, hindi na ako umuwi ng 6 na buwan at 4 na taon na din akong nakabukod sa amin. Dumadalaw naman ako minsan, pero di ako nagtatagal ng 3 araw. Feeling ko di na ako safe doon. Andun pa rin yung lamat sa pintuan ko...
- Nakahanap ako ng bedspace pero hindi ko nakasundo yung mga kasama ko sa bahay...
- Nag resign ako sa trabaho nang biglaan dahil yung boss ko, sinadyang hindi ibigay sa akin yung checke ng sweldo ko at Holy Week noon kaya ilang araw na walang bangko? Wala akong pera pambili ng pagkain.
- Lahat ng close friends ko nakaalis na papuntang abroad.
- First time namin nag break ni Mark!
I KNOW RIGHT?! Wala ka na mapuntahan, wala ka nang kasama, wala kang kakampi. Iniwan ka na lang ng lahat ng tao sa ere! So binalak kong magpatiwakal.
Paano?
Mas marunong akong maglaslas, of course pero ayaw ko. Antagal kaya nun? Mararamdaman ko pa yung sakit. Pag napalalim pa yung hiwa ko, maputol ligament sa kamay, matauhan man ako di ko na magagamit kamay ko. Ang sad!
Ayaw ko naman magpabundol. Pucha. Mandamay pa. Ayaw ko din ng madudurog katawan ko at tatakpan ng dyaryo sa kalsada.
Di ko din feel ang magbigti. Luluwa ang mata ko.
Prime consideration ko noon: kailangan gwapo pa din ako sa kabaong.
So ang ginawa ko, lumunok ako ng 30 aspirin. Bakit? Kasi kapag naoverdose ako ng aspirin, magkakaroon ng gastric bleeding! Ang susunod sa gastric bleeding mada-digest ng stomach yung dugo -- release ng ketones sa blood -- aakyat sa brain (hepatic encephalopathy) -- I would go into a coma state. Perfect! Sleeping beauty lang ang drama.
... OK na sana ang plano ko eh? Ako lang pala itong stupid. Over analyze di naman biglaan magaganap yung encephalopathy and shit. Amf. Natakot pa nga ako actually nung kumulo na yung tiyan ko "Oh my ito na siguro yun..."
Puro hagulgol lang ako ng 5 hours hindi pa pala ako kumakain. Kainis.
Nagbihis na lang ako. Pumunta ng Jollibee.
"Champ! Tatlo! Large fries! Large drink! Bigyan moko ng maraming ketchup!? Peach mango pie din at choco sundae!"
Sinabi ko ang lahat ng ito na magang maga ang mata at humihikbi.
"Ssssir, dine in or take out?"
"Take out!" hikbi pa ulit.
"Eh sssir, mmmay 5 pesos po ba sila?"
"Buo ang pera ko problema ko pa ba ang 5 pesos!?"
Kawawa talaga yung kahera sakin.
Saka ako nanuod ng sine, showing pa noon yung "Love Story" starring Angelica, Maricel, Aga. Wala akong ginawa kundi humagulgol lalo habang pinipilit ubusin lahat ng inorder ko.
"Hindi mo siya kailangan... kailangan ko siya!" >> dito nako nag breakdown sobra.
Magmula noon, pinangako ko sa sarili ko na kahit gaano kahirap, kahit gaano kalungkot, kahit gaano kasama pa ang ginawa ko... Hindi ko na iisiping lumunok ng aspirin ulit.
Nung nagkaroon ng Valentine's day bombing sa Ayala (oist wala nako kinalaman dun ha! sobra na yan) andun ako sa mismong bus terminal, ilang minuto bago nakaroon ng pagsabog. Kung hindi pa ako nakipagsikuhan para makasakay, isa na siguro ako sa mga nadamay.
Hindi ko pa oras eh? Korni man, pero habang may buhay may pag asa. Marami pa naman magandang nangyari sa akin pagkatapus noon. Pati ang sister ko, masaya na din sa bago niyang career ngayun.
Aba, marami din akong napaligayang top? Tsk tsk tsk. LOL
Choice naman talaga natin ang maging masaya. Hindi nakasalalay sa iisang tao o pagkakataon para tayo maging masaya! Hindi ko na rin inisip kahit kailan na walang kwenta ang buhay ko (pasintabi kay Hard...) dahil sila na din nagsabi na marami silang natutunan sa akin at masaya silang kasama ako?
Kahit kailan, hindi ito ang magiging nitso ko:
Ito pwede pa?
Ayus di ba ^^
hay hirap mag suicide dont ever think about it again... kasalanan yun :)
ReplyDeleteiba ka talaga. hehehe. ako din, trip ko din yung BRB.
ReplyDeletemay kasabihan nga after a rainy storm may sunshine na dadating.
ReplyDeleteang drama pala ng buhay mo,
kahit naman ako gusto din magsuicide noon pero di lang nagawa hahahaha
Sad topic pero natawa ako ng sobra! Aliw ka talaga magkwento!
ReplyDelete@ Uno - Yeah, ako na lang ang papatay! LOL
ReplyDelete@ Desperate - baliw nga ako ^^
@ Hard - Wag mo na subukan! hehehe
@ Sean - Tenk yu ^^
Suicide and acceptance may be of different perspectives but they actually have a lot in common.
ReplyDeleteHow?
ReplyDeleteI eager to take my life, to end this suffering but I realize that it will just take me an effortless finger to trigger the gun but it will take me a eternity to conquer life....suicide is sometimes a resort to end the pain, specially those that when heals leaves an open scar..I know..because i am one of those people who has a wounded soul...the wounds heal but the scars still aches......
ReplyDeletehow am i gonna tell you sed na pag dating ko sa office e blog mo agad lagi kong dapat i-check. pag uwi ko sa bahay, kalkal agad ako kung may new post ka. haha. magaling ka magsulat. too natural. cool! thanks sa pag share. buti di ka pa napunta sa kabilang buhay, wala sana ang blog na to :D
ReplyDeletePansin ko, basta beki, madrama ang buhay. *hehe* Idol na kita Seth! Mas mataas ang level mo sa akin, malayong-malayo pa ko. ;)
ReplyDelete