Tuesday, March 1, 2011

Bakit dapat ako maging masaya

Hindi ako makatulog. 2 AM na. Sinasanay ko pa naman din ang katawan ko na tulog na ako ng 12mn at gigising ako ng 7am.


Inaantok na ako, pero hindi matahimik ang utak ko.


March na.


Anu ba ang special sa March?


Una sa lahat, dapat nga mamamasyal kami ng kaibigan ko papuntang Singapore at Bangkok. Nakabili na kami ng ticket at lahat, ilang linggo ko din pinag aralan at pinag planuhan saan kami pupunta at saan tutuloy, anu mga dapat gawin, pwedeng bilhin at masarap kainin... Ngunit hindi ko makukuha ang passport ko on time? Hindi ako makaka alis... Kaysa masayang ang ticket, ililipat ko na lang sa ibang tao, sa ate niya. Inggit na inggit ako, gustung gusto ko talagang makapasyal! Kaya nga ako nag ipun at nagtrabaho nung December para lang dito... *sigh*


Meron naman pakunswelo, makakapunta pa rin naman kami ng Boracay at Puerto Princesa. Hindi ko kailangan ng passport. Beach ready na din ang katawan ko! (harhar) Di yata ako nagmimintis sa pagpunta ng gym at ingat sa diet at lahat.


Pagdating ng April, lilipat na rin ako doon sa bagung condo. Ibinili kaming magkakapatid ni Mama. Para hindi na daw ako magbabayad ng rent, at yung mga kapatid kong pumapasok ng college, kapag pagud na sila umuwi ng Cainta, ang condo ang mas malapit.


Dapat masaya na ako.


Natutunan ko na din naman mahalin yung kwarto ko sa Cubao. Sobrang lapit ko lang sa EDSA pero di ko masyadong dinig ang ingay ng mga sasakyan. Madaling sumakay ng bus o tren. Lagi din may dumadaang mga taxi. Pero ok na din yung may sarili akong bahay...


Bahay ko. Ako pumirma sa kontrata. Akin. Wala na taong pwedeng magpalayas sa akin ulit. Kahit kailan. Bahay ko na ito. Bagung tambayan ko ngayun ang mga home section sa mall at hardware stores. Ako namimili ng lahat ng gagamitin sa bahay! Bawat kwarto dapat may theme ^^ Maglalagay din ako ng mga halaman.


Dapat masaya na ako.


May nagtanung na sa akin, magdadala pa rin daw ba ako ng lalake sa bagung bahay ko? Hinde. Bawal.


Condo naman yun. Maraming kapitbahay. Pwede naman ako kumatok na lang at style kunwari humingi ng malunggay o talbos. Toink!


Behaved pa rin ako. Pramis!


Bukod sa pagpaplanu ng aming Asian tour at Bora-Palawan, inaasikaso ko din yung requirements ko para sa Graduate School. Gusto kong makapasok sa UP Manila. Ang target ko, mag aaral ako at magtatrabaho nang mabuti, at makakapasok ako sa WHO o kaya UN. Mamamasyal lang ako sa ibang bansa, pero dito ko gustong tumira.


Gusto ko ito. Kakayanin ko. Dapat masaya ako.


Magkakaroon din ako ng bagung gadgets! Second hand lang naman lagi ang binibili ko basta in good condition. Kakailanganin ko ng iPod dahil nag-aaral din ako ng Mandarin, at para may sariling music na din ako sa gym. Ibibigay din sa akin ng presyong kaibigan yung Sony Ericsson na Satio kaya makikiuso na din ako sa touchscreen phones at pinakalove ko sa lahat yung 12MP camera para sobrang ganda at linaw na ng mga pictures ko.




Gustung gusto ko ang mga yun. Dapat masaya ako.


Marami din sa mga kaibigan ko bumalik, nakipag ayus, nag uusap na kami ulit. Mabubuo na ulit ang barkada. Kulitan at baklaan galore!


Namiss ko yung mga ganun. Dapat masaya ako.


March 29, 2010 sumama ako sa isang guy na nakilala ko lang sa spa. The sex was awesome.


March 31, 2010 birthday ni Mark. Hindi ko siya binigyan ng regalo. Hindi ko rin siya binati. Pinangakuan niya ako mamamasyal dapat kami sa Bangkok, ilang buwan na ako nag iipon, hindi niya binigay ang passport niya sa akin para iparenew. Hindi yata siya sincere? Yun pa naman ang inasahan ko, matapus ko siyang mahuli sa celfone na may common guy kami. Pinaasa na naman ako.


April 3, 2010. Nahuli niya ako sa chat na kausap yung guy na nakasex ko. Nag break kami, pinalayas ako.


...


...


...


...


...


...




Pero last year pa lahat nang yun hindi ba? Marami na naman nangyaring maganda at maari pang pwedeng mangyari sa akin ngayung taon.


Dapat masaya ako.


Hindi naman ako naghahanap ng kapalit... May mga nakikilala naman ako? May nagkakagusto naman sa akin? Pero hindi ako nagmamadali.


Nalulungkot pa rin ako minsan. May araw na walang text, walang tawag, walang comment sa Facebook o blog, wala din message sa chat? Pakiramdam ko tuloy noon, walang naghahanap sa akin. Invisible ako. Kung mawala ako ng araw na iyon, walang makakapansin.


Pero alam mo? Hindi ako nagtatagal sa ganung pag iisip. Malungkot kaunti, iiyak. Saka ko sasabakan ng sayaw.






Ito ang bagung production number ng mga barkada kong becks. ^^


Lahat ng tao, nakangiti ako. Kaya maraming natutuwa sa akin. Blooming nga daw ako sabi ng mga friends ko pati sa gym. Kung meron daw ba akong inspiration? Hmmm.... tao? Wala. hehehe


Marami akong nababasa sa ibang blog na unrequited love, o kaya naman tampuhan o away, o yung self pity ba dahil sa pagiging single? Yan siguro yung isang bagay na hindi ako makikiuso ^^


Darating din siguro ang araw makikilala ko din siya. Magkakaroon din ako ng "BaaBaa / Sidekick / Kid / Dingding / BFF / Leo" ( hihi oo na chismoso na ako )


Maraming bagay na di ko kayang kontrolin. Hindi rin naman lahat ng bagay kaya kong ayusin. Pero sa kabila ng lahat, dapat maging masayahin ako. 


Kung sino man siya... siguro, hindi pa rin kasi siya ganun kasaya, kasi hindi pa niya ako nakikilala ^^


At pag nangyari yon,


marami kaming lugar na papasyalan


kukulangin ang 8gb sa dami ng kanta namin


marami din kaming magiging pictures (at vid? hmmmm....)


Kaya andito lang muna ako. Iniingatan sarili, nagpaplano. Nag iipon ng masasayang kwento. Marami na din akong pinapraktis na kakantahin ko para sa iyo! Hindi ako nagmamadali, alam ko, darating ka kung kailan di ko inaasahan.


Pero sa ngayun, dapat ako maging masaya.

9 comments:

  1. Napangiti ako dito sa office regarding sa "production number". Hahaha.

    Good luck sa lahat ng plans Seth ha! And don't forget to invite us sa iyong house warming.

    ReplyDelete
  2. Gosh ang ganda na naman ng post mo kuya... Hehe... Ikaw ang aking gay O___ remember? Hehe... Our relationships were messed up pala around the same dates... March-April 2010... And yes, I feel the pain too. Pero I feel the optimism, too! Yes, nanjan lang siya, si special someone mo na balang araw pa dadating. Gagawin ko din yan for myself (iingatan ang sarili for the future someone). Hay, you inspired me again. Hehe. Yes, dapat maging masaya, kahit pa we'll have to choose it consciously muna! :)

    ReplyDelete
  3. nandito na ako!

    haha. joke lang. nice post.

    ReplyDelete
  4. @ Kiki - Sure ^^ Pag naayus ko na mga gamit ko doon hehehe Inuunti unti ko muna paglilipat

    @ Dovan - Naks! hehehe Tama naman eh. Happiness is a choice, not a result of a person or circumstance. Ayaw ko na makilala ko siya na may excess baggage pa ako. Isa pa, mas pansinin ako pag smiling face ^^

    @ Miguel - How convenient. LOL

    ReplyDelete
  5. i have been reading your blog for quite sometime now.

    this post is one of the most raw and real posts i've read.

    It's never easy losing the one you thought you loved and loved you. But i'm more than inspired with how you bounced back and proved that being single is not that bad at all.

    You are an inspiration.

    ~gino

    ReplyDelete
  6. Had somebody else written this, I would have puked. I'm smiling tho.

    You deserve to be happy, Seth. Everybody does. Cheers.

    ReplyDelete
  7. @ Gino - Thanks a lot ^^

    @ Grey - Bakit naman ganun?

    ReplyDelete
  8. "Kung sino man siya... Siguro, hindi pa rin kasi siya ganun kasaya, kasi hindi pa niya ako nakikilala"

    ^This positivity, nakakahawa. :)

    ReplyDelete