Saturday, April 2, 2011

Seth's Summah! - Zaturnnah and Bora

Weeee !!!!!! Naikabit na din sa condo ang smartbro at pwede na ulit akong magblog ^^


Hindi ko pa naikwento ang happenings ng aking bakasyon at of course di kumpleto pag walang fiktyurs! 


March 19 - Zsa Zsa Zaturnnah


SUUUPER NAKAKATAWA !!! Buti na lang at nalibang ako dahil sadyang nakaka imbey ang pagkuha ng taxi sa Pasay, specifically, Metropoint mall.




May mga "barker" kasi dun na nakikipag karera pa sa iyo para sa mga taxi. Sila ang kukuha at hihingi ng tip! Sila pa ang may kapal ng face magdecide kung isasakay ba kami ng taxi sa desination namin eh CCP lang naman?


Akala nyo kayu lang marunong tumakbo? Naka rubber shoes naman ako nun kaya takbo ako ng mejo malayu, salubong ng taxi.


May nakuha na akong isa, itong si barker siniko pa ako sakay sumakay. Abaa....


Saka bumaba. Kung gusto ko daw yung taxi bigyan ko daw siya.


"At bakit naman kita bibigyan eh ako kumuha nito?" sagot ko.


"Kung ayaw mo ako bigyan bitiwan mo pinto may pasahero pa ako doon!"


"Punyeta. Ako pasahero na ayan may flag down, sige bayaran mo!". Eh di bumaba siya. Pero hindi pa umalis.


"Bigyan mo ako ako kumuha nito!"


"O yan." binigyan ko ng 5 piso. Nagreklamo pa. Bumitiw din.


Ang ayaw ko talaga makipag talo at magpatalo sa maliliit nang tao na wala pang asal. Well, anu naman aasahan ko di ba?


Photofinish na ang dating namin sa CCP for the 3pm show. Namiss tuloy namin first 5 minutes of the show? Grrr....


Buti na lang, just in time bago sumayaw si Dodong....
Shet lang. Talaga namang kulang ang Kimbies sa water water ko. CHAR!


Happy din ako, very friendly naman ang cast at nakapag paautograph at picture kami sa main cast. Muntik pa akong maloka kasi naman akala ko nadelete yung pic namin ni Dodong !!!


Tapus somewhere in the corner of the lobby nakita ko ito....


NKKLK !!!


*************************************************


March 21 - 23       Boracay 


Naiwan iwan na nga ako sa Pinas dahil wala akong passport hindi ko na pwedeng palampasin ang beach! hehehe! It has been 4 years since my last trip to Bora at mas confident na ako ngayun rumampa after months of gym and dieting!


Ito ang unang outfit. Naalala kong may twink na panay tingin sakin habang kumakain ako sa Mang Inasal (buti na lang may alternative na sa Andoks!) kaso kasama niya family niya di ako makalapit? Bet na bet pa naman sana! LOL





Pag ayaw mo mag ayus ng buhok... it's jeje cap to the rescue !!! LOL
Cute na cute kaya ako sa cap na ito? Yung napanalunan ko nung
Valentine's Day party ^^



Weee !!! Kailangan unique naman ang pose ko sa Grotto? 

 Pag uwi. Change costume naman. LOL




Cute noh? hihihi ^^ Sinundan talaga ako ng tingin nito paglabas ko pa lang ng hotel room LOL



BOYWATCHING


Mahal pa din lahat sa Boracay. Bawa't kilos mo, gastos. Kaya nga tinipid na lang namin room eh? Nasa labas naman kami ng hotel most of the time. Basta safe, malinis, comfortable ang room, swak na.

Isa lang afford naming activity, ang helmet dive. P500 lang kasi. Nakakaloka na ang prices ng ibang activities like banana boat, parasailing etc



Heto si Kuya, may kaunting orientation muna...

pero sa simula lang ako nakikinig, nadistract ako!




See what I mean?





OPPPAHHHHH !!!!!!!!

Wala pa ako sa tubig, wet na ako ulit.



Of course di ako tatapak muli sa lupa na wala kaming picture? hihihi


Nag wall climbing din kami. Mura eh? Karera pa nga. Ako nanalo, 36 seconds ^^


Bottom at the top!




Tumikim din kami ng Calamansi muffin sa Real Coffee ^^

Nag uwi ako ng isang dosena. hihihi






Happy hour din kami dito, naka 3 Margarita ako at lasing agad LOL.

Alam ng mga friends ko kung paano ako maglakad pag lasing na








Cool noh? ^^


So far, yun pa lang naman... Behave naman ako? Kahit may sarili akong room, di ako nag uwi ng bisita? hehehe






Up next, Palawan !!!

3 comments: