Tuesday, April 12, 2011

Seeing Green



Sorry for being such a mess and thanks for the "hug orgy" LOL. Naloka ako dun Nishiboy!




I have been a little confused for the past couple of days.


Tapus na vacation.
Nakaraos na ang break up date.
Nakalipat na ako a new condo.
Nakaraos na ang 3 mos chastity.


... kept asking myself... ok... what's next?


I should be working on getting a job and preparing my credentials for the masteral application but I seem to be procrastinating over something I couldn't point a finger on. I tried to hold off everything until it feels like "ok-I'm-ready-now".


Pinalampas ko na din muna ang isa pang hallmark sa buhay ko - 1 year friendship namin ni Jason* , marked by the Live AIDS show sa UP Diliman.


Enjoy naman kami, pero mas nagustuhan ko ang production at storyline last year. Mas tawang tawa ako doon at andami nilang naging hirit.


Well, meron din naman kaunting "perks" ...






MAY CUTIE !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Kaso nga lang meron siyang kasamang di naman masyadong cute pero mukhang mayaman... feeling ko tuloy "alaga" siya. Shet lang di ba. Ang nagagawa nga naman ng salapi? Tapus meron pang isa pang grupo ng beckie na sinusubukan din aurahan si Skater Cutie Boy !? 


Samantalang ako watching from a distance lang. Ching!


Talaga naman panay ang aligid nila, gusto ko silang ipakain sa giant snake.


















Mejo mahirap siyang kuhanan pero nung nakatiyempo naman ito na ang best shot na nagawa ko...


Pagkatapus ng play, dumiretso naman kami ni Jason papuntang Trinoma para mag dinner at coffee. Kumain kami sa Cyma, Greek cuisine. Hmm... may kamahalan pero masarap naman? Nagugulat nga lang ako pag meron silang dish na may flambe tapus bigla silang sisigaw ng di ko maintindihan. Lerki!


Kwento kwento... Tapus biglang nabanggit ni Jason na meron na ulit siyang bagong dinedate... yung kanyang photographer... si Caleb*


"Uhmmm.... ok so I presume dun lang din kayu sa photoshoot nagkakilala?"


"Yep tapus panay na text niya sa akin."


"I see. So gaano mo na siya kakilala?"


"Di pa masyado, pero natutuwa ako, gusto ko na siya... jinojowa na nga ako"


"Toink. Binigyan ka lang ng attention, mahal mo na?" OMG. Sinu nga ba naman ako para magsalita eh talaga namang record breaker ang 3 day love affair sa gym dabah?


May tumawag sa celfone ni Jason. Napansin kong mejo nag iba ang boses niya, may kaunting lambing. Pagkababa niya ng phone...


"Hmph. Jinojowa pa daw. Eh halata namang kayu na."


"Hahaha... mejo."


"Ambilis ah. Parang wala pa yatang 1 month since nag break kayu ni Leo* pero parang di ka naman masyado nadevastate dun unlike kay Gino*"


"Binibigyan kasi ako ni Caleb ng attention, yun lang naman ang gusto ko madaling mahulog loob ko sa ganun."


"Amf. Kaya ko din naman yun ah!" PAKK !!!


Tawanan.


Hay naku. Eh alam ko naman kasing topakin itong si Jason. Gusto ngayun, magbilang ka ng ilang araw, magbabago isip, parang di na daw siya masaya na wala na spark etc. Ewan. Kaya mabuti na lang naging friends na lang kami? hihi.


"Manunuod nga dapat kami ng sine, sa may Shangrila"


"Eh andito ka na sa Trinoma, pupunta ka pa ng Shang? Bakit taga saan ba siya?"


"Sta. Ana Manila."


"Mas malapit nga ang Shang... pero isang MRT ride lang naman Trinoma, papuntahin mo na din siya rito para mameet ko siya... mejo makilatis din. hehe" sabi ko.


May tumawag na naman. Sinu pa nga ba?


Di nagtagal dumating din si Caleb. Simple lang naman siya. Presentable. Malumanay magsalita. Malalim ang boses. Mainit naman pagbati niya sa akin...


Kwento kwento. Naging topic ang pagka exhibitionist nitong si Jason.


Hindi na kasi ito ang unang beses niyang nagpaphotoshoot. Ang common theme ng portfolio niya? Felix bakat. AS IN.


"Pinakamarami kaya nagcomment sa FB dun sa pic ko?" sabi ni Jason.


"Naku. Eh bakit naman hinde? Eh parang nagsusumigaw at gustong kumawala nung bumubukol sa harap mo? Sinasadya mo pang kuhanan na erected talaga. Di na sila tumitingin sa "artistic" value ng photography ni Caleb, agaw eksena kasi ang bukol" sabi ko.


"Eh sa totoo lang ayaw ko nga ng ganung poses eh pero siya ang may gusto? Pag di ko naman ginawa baka sa iba pa pumunta, mahirap na?" sabi ni Caleb.


At dahil dun. Like ko na siya. May sincere concern para kay Jason kahit papaano. Hindi siya mismo ang nag eexploit sa kanyang models. Sa totoo lang, sa trabaho naman niya I'm sure marami pang mas maganda katawan (at bukol) kesa kay Jason.


Pinakita niya sa iTouch yung iba pa niyang ginawa. Naexcite ako! Sayang. Walang bluetooth gusto ko pa naman ng copies? LOL


Habang abala ako sa pagkalkal ng pictures... naglalambingan yung dalawa...


Aaminin ko na... naiiinggit ako. Wala na kasi akong nilalambing? *sigh*


Ilang sandali pa, nagpaalam na din akong umuwi. Di ko na keri manuod pa ng cheeziness. 


"Bakit ikaw Seth? Wala ka bang dinedate ngayun o finiflirt?", tanung ni Jason.


In my head bigla ko naisip yung 10 hit combo ni Lili, extended pa ng bound move. GRRR.... pero love ko si Jason. Sa imagination ko lang siya kayang saktan. Sayang din ang 50k niyang nosejob kung sisipain ko lang.


"Err... wala? Kailangan ba? Di pa ako ready eh... wala pa akong nakikilala" sagot ko...


Hindi ko naman kasi iniisip yung mga ganung klaseng bagay na kailangan pilitin ko agad makahanap... pero pag may nagtatanung... dun bumibigay ang denial ko...


Kaya ako nalulungkot...


And knowing Seth, isa lang ang patutunguhan ng lahat...




At siyempre ako lang kumain mag isa. 


Salamat sa mga nag hug!

6 comments:

  1. "Hindi ko naman kasi iniisip yung mga ganung klaseng bagay na kailangan pilitin ko agad makahanap... " --- I love this statement so much Seth!

    ReplyDelete
  2. Wow! Naubos mo yung pizza mag-isa? ^_^v

    Hugs Seth! Sayang di ako nakasama sa Live Aids. Nabadtrip ako dun sa friend ko. Ang linaw ng usapan, biglang backout. Nakatulog na lang tuloy ako. T_T Thanks sa invite pala ha. See yah soon and Jason na rin.

    ReplyDelete
  3. Hmmph. At ako ay di niyaya mag-Live AIDS. Joke lang. :)

    Wag ka masyado magpaapekto sa kanila. I wish them the best, but as they say, easy come, easy go.

    Hahaha. Andali lang sabihin no? Kelan kaya ako makikinig sa sarili kong payo?

    ReplyDelete
  4. Wag ipilit ang hindi pwede... sa ngayon.. kung di ukol, walang bukol, este hindi bubukol. Anu ba yan, nalito ako sa statement mo. Hehe. Habang wala pa, ituloy lang ang beauty secrets para pag anjan na si bukol este si partner, eh di yummy ka! Hehe.. Sarap pizza ah.. try mo Sandy's pizza. :) Love their tuyo and adobo pizza. :)

    ReplyDelete
  5. ang yummy nga nung nakawhite hehe.. :p

    ReplyDelete
  6. tawang tawa ko dun sa pizza. :D

    ReplyDelete