Hindi na naman ako makatulog!?
Kapag wala akong maisip na isulat, naghahanap ako ng ideas galing sa ibang bloggers.
Example, sa entry ni Trey, ikinuwento niya kung gaano siya naaasiwa sa mga "effem" lalo na kapag may sexual advances sa kanya, pero sadyang hindi lang talaga niya type ang mga ganun. Malinaw naman ang dahilan niya:
"Ayoko sa effem hindi dahil sa kinamumuhian ko sila. Ayoko sa kanila dahil hindi sila ang gusto ko na ka-sex. Nothing more, nothing less. If they want my friendship, I would not deny it from them. However, the moment I would feel that there is something sexual in the intention of friendship, I might bring up my defenses to settle things right.
I think people must learn where to place themselves in the life spectrum and must also learn to respect the choices people make for themselves. Doing this would eliminate collision of principles and therefore foster harmonious relationship. Moreover, if ever someone tries to cross the line, he must be prepared to whatever consequences of his actions. Revenge or retaliation is not a rational solution."
Pero given a similar situation, iba naman ang magiging reaction ni Cio:
"Boss,
Kung ako sayo pinadugo ko yang tarantadong effem na 'yan. Para may napag-praktisan ako ng pagba-boxing ko. Bohaha. Bakit ano ba mukha nya, may foundation/face powder ng babae? Ganun ba dapat ang lalaki? Kailan pa naging issue ang katawang binabagayan ng mukha?
PUTANG-INANG mga effem 'to, kung makapanglait 'kala mo kung sino. 'Yung iba sa kanila ganyan, bitter, 'kala mo kung sino, kung maka-kembot naman ay daig pa malanding babae.
Manong umayos at tanggapin na lang ang opinyon ng iba.
Cio"
Scary! Pero yun nga ang turn on kaya lalo ko siyang crush na crush? LOL. Deads na deads nga kasi ako sa mga morenong kalbo na mukhang nambubugbog.
Si Pilyo naman, sumulat tungkol sa "market value".
So Seth anu ang moral lesson dito?
Alamin mo kung sinu ang iyong target market!
Siguro, pagkukulang na lang din ng nakararaming "effem" eh halos lahat na lang siguro ng guys na type nila, susunggaban agad? Sa Nursing, natutunan kong lahat ng tao ay may personal circles. Ito yung imaginary circles of boundaries ng bawat tao, na habang mas nagiging comfortable tayu o familiar sa isang tao, saka lang natin sila hinahayaang makalapit sa atin. Dapat din siguro silang matutong bumasa ng body language para matantiya naman din nila kung interesado ba o hindi yung ina-aurahan nila para di rin sila maging instant punching bag?
Pag nakita mo ako in person, hindi naman ako "effem", sa pictures lang talaga. Kasalanan ko bang singkit (chinita PAKKK !!!), maputi at makinis ako? (PAKKK pa ulit !!!) Hindi na bago sa akin ang rejection lalo na sa online profiles at chat. Hindi nga raw kasi ako mukhang astigin. Ang hanap nila yung: manly, discreet, walang bahid, tropa tropa etc etc etc, mga adjectives na kahit kelan not applicable sa akin.
Top guys... Hmmm... They're not as tough as they think? I can just be as athletic as they are. I can do 2-3 hours of cardio a day 4x a week. If they have any negative attitudes towards bottoms, they should just remember : You come in hard, you leave limp. Ching! Ako na ang bottom empowering.
I don't need to pay to play, unlike sa ideas ng previous generation na binabayaran ang straight guys for sex and companionship. Dahil alam ko ang target market ko, I can actually get away looking girly and acting girly if I feel like it ... and I get to be treated like... a princess.
*insert earthquake / tsunami / nuclear explosion sound here*
Halos 80% ng mga beckie friends ko ay top, at sa isang barkada ko sa Cainta, ako lang ang nag iisang bottom. Ako ng prinsesa nila (LOL) at alam din nilang matinik ako dumiskarte, hindi lang halata.
May market ang effem! Take Basti for example sa batchmate niyang si Rafael
"Then, I saw Rafael, who has been my crush since first year med school. Well, Rafael is...um...flamboyantly effeminate (yes, that's how effeminate he is). He fixes his hair like a girl, makes beso with his girl friends, and starts or ends his sentences with "...teh!" But Rafael is very cute, and that gives him the 1000+ male friends with half-naked profile pictures in facebook. Anyway, he looks cuter this time wearing a beret, a vest over a shirt, a pair of shorts and chucks. My dirty corner was at the back of his seat. I sat down on the floor to continue making the top hats of the New York girls, and occasionally stole glances of Rafael."
Sa totoo lang, ayaw lang aminin ng iba na gusto nila ng effem. Ang idea kasi ng nakararami, ang effem ay yung loud/ cross dressing/ parlorista at nahihiya sila na makita in public na ganito ang kasama dahil ayaw nilang, ehem, mahalata. Eh sinu pa ba naman ang di pa bakla sa Manila? Kung meron sigurong beckie-specific killer virus na kakalat sa Gateway at Trinoma, mauubos ang mga tao doon?
Nag survey ako sa mga kaibigan ko kung anung klaseng bottom ang hanap nila.
Paul : "Ang gusto ko yung soft lang din ang features niya. Ayaw ko naman na isa pang mukhang brusko... saka someone who's in touch with his feminine side. Ang gusto ko rin kasi yung marunong maglambing."
Matt : "Gusto ko yung maamo yung mukha, parang inosente, mejo mahinhin para naman ako yung tipong sasandalan niya... parang super hero ba? Lahat naman siguro ng top guys may pagka feeling super hero yung pakiramdam mo kailangan ka niya na maging matapang. Kung pareho kaming maton, baka kaming dalawa pa magsuntukan eh di rin naman maganda yun?".
Mike : "Ok lang naman sa akin yung malambot kumilos basta wag lang makembot at mapilantik ang daliri saka yung sobrang ingay na parang nasa palengke."
Alfred: "... miss na kita, iba kasi pa rin kasi lalo na yung wifey na dating mo di ko makalimutan na pinagplantsa moko ng uniporme ko nun (papasok kasi siya ng office, sa kanila ako nakitulog) sobrang thoughtful at sweet."
Conclusion: Tough guys dig effem. Nasa pagdadala na lang din siguro at sa personality. Hindi nga naman kasi tama na daanin sa panlalait o insulto pag di mo nakukuha ang gusto mo? Kahit anu pa ang hitsura, kung pangit naman ang ugali, wala din taong magtitiyaga sa iyo.
pardon, your highness, if in the past i thought you we're just some random blogger. i have realized my mistake and profusely apologize.
ReplyDeleteteehee
Touche sa last paragraph, Seth.
ReplyDeleteDati, big no-no sa akin ang effem. Siguro kasi, ayaw na ayaw ko yung feeling na emasculated ako. Or, maybe, intimidated lang ako sa "freedom/strength" na naeexude nila.
But I've been proven wrong. Natuto na rin naman akong magkagusto sa medyo "soft" - siguro wag lang yung full on parlorista. I guess, in my case, it pays to be open-minded. :)
wow! ang sipag magbasa! :)
ReplyDelete