Mahirap lumakad nang naka heels. Chos! In fairness, sa kakasali ko sa aerobics gumaganda binti ko. Maliit, manipis, pero solid muscle. Bagay nga daw sa akin mag heels? Ako lang itong hirap maglakad kasi di ko kaya mag tiptoe ^^ hehehe
Which reminds me. Kailangan ko magwax days before Boracay-Palawan.
Sige na, kailangan poised, kailangan may manners, kailangan witty at pretty palagi. Hmmm... may nakakapansin din naman sa akin...
Kailangan mo nga lang humanap ng prinsepe sa isang siyudad na puno ng palaka.
Sinubukan ko din naman makipag "date" last year...
Froggy #1
Nakilala ko siya sa PR. Sa dalawang profile ko, dun niya ako minessage sa aking wholesome profile. Interesting. Sinubukan ko siyang landiin with the naughty one, pero di kumibo. Mukhang promising. Palitan ng number. Makailambeses na din niya ako niyayang mag meet up. Until one day, nagtugma na din ang schedule namin...
Pareho kaming gym member, mas madalas nga lang siya sa North. Akala ko pa naman masasabayan niya ako? Super exhibition at hyper energy pa naman din ako baka sakaling nanunuod siya... wala...
Dumating siya nakashower at nakaligo na ako at lahat... at nagkita kami...
Parang napuno ng bubbles at butterflies ang paligid. Oo may ganung effect. Ang ganda niya mag smile, may sparkle in the eyes. May work pa daw siya, at pauwi na din naman ako so sabay na kami lumakad papuntang EDSA.
Sa bus, kwentuhan, kamustahan. Nakatingin siya sa akin. I really like it when a guy pays attention. Sayang, kailangan na niyang bumaba sa may Quezon avenue. Halos 20 mins lang kami magkasama, pero ang saya saya ko. Masyado pa akong lutang noon, di ko napakinggan nang maayus pangalan niya.
Nagtext pa siya pagkatapus noon. Kailan daw kami magkita ulit? Gym buddies na daw kami. Naks!
Ako naman itong super excited. Heto na naman ang wifey genes ko, magdadala ng food para sa amin, ihahatid ko siya sa office, maghihintay ng first break para makita ko siya ulit, taga gising para di malate sa work... haaay...
Hanggang dumating yung araw na gusto raw niyang makitulog sa Cubao kesa umuwi ng San Mateo kasi may pupuntahan pa daw siya sa Quiapo sa day off niya. Hmmm... dapat nga siguro madala na ako sa mga guys trying to invite themselves in my bed? Anyway, yun nga, sinundo ko pa siya, nag breakfast kami, umuwi sa bahay ko.
Sa kama... nakatago ako sa unan... (parang di ako noh? usually dadambahin na kita)
"Ooohh bakit ka nakatago jan? Di ko makita face mo?"
"Eeehh nahihiya ako! Kasi natatakot ako baka di ako makapag pigil..."
"Oh eh bakit naman? Gusto naman kita?"
"Wala ka pang masyadong alam tungkol sa akin eh... baka tapus hindi mo ako magustuhan..."
"Anu ba ang di ko pa alam?"
**Kwento about me and Mark**
"Ahh yun lang ba?"
Nagulat naman ako. "Bakit napakarelaxed mo yata?"
"Normal naman kasi yun. Men are polygamous by nature. Ako din naman..."
Kung sinu man ang hinayupak na responsable sa "Men are polygamous by nature" maraming kumag ngayun ang umaabuso sa "science" na ito to justify ang kagaguhan nila.
"... mahal ko BF ko nun pero kung merong chance na gawin, at trip ko bakit hindi?"
Nanlumo ako sa sagot niya. Nawala yung kung anumang excitement ko nung mga nakaraang araw.
Nakadampot na naman ako ng palaka. *sigh*
"... pero kung meron naman magtitiyaga sa akin..." dagdag pa niya. Ulooool !!! Asa ka pa. Sabi ko sa sarili ko.
Oh well. Andito na lang din tayu sa kama ko. Gusto na rin naman kitang tikman for the hell of it.
Yet another disappointment.
Akala ko naman kahit di siya gaanong katangkaran mag compensate siya ng inches somewhere else. Di rin pala. Shame.
Pagkatapus noon, tinrato ko na lang din siya tulad ng iba ko pang disappointing sa SEB.
Basura.
Froggy #2
Dun sa aking short stint as temp agent nung December, mayroong isang guy na sa buong wave, siya lanng ang hindi ko nakakausap talaga. Di ko maintindihan? Lahat naman sila love ako. Di naman ako suplado? Pero di talaga kami nagkikibuan. Ako kasi, kung ayaw mo sa akin, di ko ipipilit ang sarili ko sayo.
Gian ang pangalan niya. Payat. Same height lang kami. Nasense ko namang beckie din siya sa pananamit niya at lahat pero kung trip niya maging discreet kuno, wala naman akong balak bukuhin siya sa buong account.
Anyway, nakakapansin na ako ng mejo kakaiba. Kung sinu sinong tao ang nagtatanung sa akin ng mga personal na bagay out of the blue? Sagot naman ako. Bakit ba? Wala naman akong tinatago.
After shift, nahahalata ko na din na inaambush ako ng isang grupo sa daan papuntang EDSA. Papunta ako ng gym. Minsan inaabot pa ako ng 2-3 hours OT pero andun pa rin sila. Kasama si Gian. Ok... anu ito?
Minsan na din nangyari nung nakita ko yung crush ko at nagblush na naman ako, andaming kumantiyaw sa akin, pero may nag iisang sumigaw na "nagseselos ako!". Malay ko ba san galing yun?
Finally, nacorner na din nila ako sa wakas. Sumama ako minsan sa inuman, ayaw ko ng beer kaya umorder sila ng pitcher ng Margarita para sa akin lang. Ang saya saya ^^ Lasing na ako kalahati pa lang LOL. Nagpaalam na akong umuwi. Wala akong pantaxi, sasakay na lang ako ng bus (napunta sa nyomo pera ko). Inalalayan ako ni Gian...
Kung kelan pa ako lasing, saka naman siya umamin ng kanyang pag-ibig.
Binasa na daw niya ang wall ko for the past 3 months, binuksan na niya lahat ng photo albums ko sa Facebook, witty at bitchy daw ako mag comment (parang di naman?) etc etc etc...
So dahil doon, feeling na niya kilalang kilala na niya ako at gustung gusto na daw niya ako.
I'm five years older than Gian. Does that make me.... err... cougar-ish? PAKK !!!
So hayun. Bigyan ko daw siya ng chance. Sige na nga.
Eh ang problema, "nanliligaw" pa lang siya, parang boypren ko na kung makabakod? Highschool naman style manligaw? Kailangan kasama ang barkada niya sa inuman bago ako yayain. Eh di naman ako madalas uminom? Chain smoker pa siya, something I don't like. Mas bata man siya sa akin, mas mukha naman siyang matanda dahil sa bisyo niya? Dinamdam niya kaunti nung sinabi ko yun. hehehe
Ok naman sana si Gian. Ang ayaw ko lang, kung anung tahimik niya sa training, siya naman pagka echusera niyang frog. Alaga ng barkada nilang pagchismisan ang buhay buhay ng mga tao sa team. Isang bagay na pinaka ayaw ko. Di nila ako magalaw kasi nga "love" daw ako ni Gian at "Angel" daw ang tawag niya sa akin. Yuk lang.
Sinubukan ko siyang komprontahin tungkol dito. Ayaw ko ng chismis lalo na dun sa friend kong girl atbp. Baka naman tapus din yung mga intimate na bagay na kinukwento ko sa kanya tungkol sa akin, naka broadcast din sa barkada niya.
Ang ayaw ko din, yung mga bagay na sinasabi ko, nagkakaroon ng dagdag bawas dahil sa machismis niyang grupo.
Ang sinabi ko. dahil sa bisyo niya, nagmumukha tuloy siyang matanda. Ang nakarating lang sa kanya, sinabi ko daw mukha siyang matanda.
Ang sabi ko, meron akong 2 rules when dating... ang nakarating lang sa kanya, gusto ko daw may mangyari daw sa amin agad. WTF.
Ang sabi ko pa naman, kung gusto mo akong makilala, ako ang kausapin mo, wag yung mga sinasabi ng ibang tao. Magpapakilala naman ako nang maayus? Wala akong itatago.
Ayaw niya matinag. Ahhh... goodbye! hehehe
Froggy #3
Kilala nyo na kung sinu ito, ang aking "3rd Ex" na nakipag break sa akin sa "3rd day"
Nagsimula na naman siyang makipag usap kanina, sa text pa rin. Duwag talaga.
"To whom did you mention na naging tayo? :)"
"Sa instructor, kay Elly, Francis, ER, at sa blog"
"Talagang sa blog? Haha with name? Kaya pala ako inaasar ni ER... Kamusta naman class?"
Sa isip isip ko, gusto mo post ko pa picture mo eh? Next time makita kita sa gym feel kong tisurin ka at dikdikin nung 25 lb bar sa free weights area nang makita mo...
Me: "Uhmm... nag uusap na tayu ulit?"
"Usap lang naman ah? Anu masama dun?"
Me: "Wag muna :)"
"Ok..."
********************
Makakailang palaka pa kaya ako?
*ribbit ribbit* Hehe.
ReplyDeleteAng realization ko lang kagabi (pagkatapos ng napaka-extensive consultations cum analysis about my recent "situation" - death by analysis) ay, the right guy is the right guy is the right guy. No ifs, no buts, no ands. No compromises.
If he's the right one, it won't matter if you don't sleep with him, he won't ever consider cheating on you, he'll know better than to use his posse to build a relationship with you, and lastly, you'll know how old he is within a span of 3 days. (Touche!)
Have a good day, Seth! :)
Mga echuserang frogs! ^_^
ReplyDeleteFrogs are slimy. Try dogs. Or cats. Yeah, cats are better.
ReplyDelete@ Papa Jay - I did ^^ Dinaan ko sa exercise
ReplyDelete@ Kiki - Planggak!
@ Grey - Naku, may kilala akong matutuwa jan sa suggestion mo? Hehehe
Kaso alam na niyang di siya uubra sakin
frogs, frogs everywhere. i wonder where i can find a narwhal or a unicorn, just like me? :))
ReplyDeleteIkaw na ang rare mythical creature ^^
ReplyDeletehaha tinapos ko tlaga otng bsahin,,,,
ReplyDeleteMahirap talagang maging prinsesa.. Hay!
ReplyDeleteFroggy #1 is irreparably broken.
ReplyDeleteFroggy #2 is borderline creepy.
Froggy #3 is a waste of oxygen.
Kung makalait lang, parang ang perfect ko no? *hahaha*
Froggy #2 Update - Minsang napadaan ako ng Eton Centris sa Q. Ave nakita nya yata ako. He messaged me sa Facebook and asked me for a one night stand. hahahaha! Buset.
Delete