Thursday, March 3, 2011

Meron akong alam...Hindi ko sasabihin...Kahit ako'y pilitin hindi ako aamin (?)



Scenario : May kaibigan kang couple, pero mas close ka doon sa isa (B1). Maayus naman ang trato sa iyo ni B2. Alam mong lingid sa kaalaman ni B2, may ginagawang kalokohan si B1...




Tanong : Ano gagawin mo?




Ayaw ko masira pagkakaibigan namin ni B1. Ayaw ko din naman masira relasyon nila ni B2. Pero ako ang nasasaktan para kay B2 dahil dumaan din ako sa ganun...

12 comments:

  1. Gawin mo ang tama. Dalawa lang yan, kapag sinabi mo, masasaktan ka kasi magkakasamaan kayo ng loob ni B1 o hindi mo sabihin pero masasaktan ka pa rin kasi nasasaktan ka para ke B2. Anu ang mas tamang gawin?

    ReplyDelete
  2. innocence is bliss, ika nga.

    pero kung di ka talaga makapakali, kausapin mo si b1 since sa kanya ka close, at sya rin ang transgressor.

    ReplyDelete
  3. Pwede bang ganito ang scenario? Gawan mo ng paraan na mahuli/malaman nung Offended Party (B2) ang kalokohang ginagawa ng Offending Party (B1)?

    That way, di ka directly involved sa kanilang gulo, pero nalaman pa rin ang katotohanan.

    Pero, kung ako sa yo, pagsasabihan ko si B1. Something to the effect na tumigil na siya, or else, sasabihin mo kay B2. Dapat kasi, di kinukunsinti ang mga ganyang bagay.

    Ang aking dos sentimos. Bow.

    ReplyDelete
  4. makiepal lang po

    mahirap ang sitwasyon.. lumalabas kasi na konkonsinti mo si B1. Kung hindi lingid sa kaalaman ni B2 ang ginagawa ni B1. nasa kanya na yun, ang paghawak sa sitwasyon.. pero kung hinala pa lamang at ikaw ang mapapagtanungan.. para makaiwas sa gulo, mas mabuting manahimik na nga lang. problema ng mag asawa.. pribado yan. Kung sakaling ikaw ay makiaalam. Ikaw baka ikaw pa ang lumabas na masama.

    aminin mo man o hindi.. may espesyal kang nararamdaman. :)

    naki epal lang po.. iadd pala kita sa list ko.. :)

    ReplyDelete
  5. I-suggest kay B1 na itigil na kalokohan at umamin kay B2. Kung hindi, sabihin kay B1 na hiwalayan si B2.

    ReplyDelete
  6. I think kailangan mong sabihan si B1 tungkol sa bagay na yan, at ipaalam mo ang damdamin ng isang gaya ni B2.

    ReplyDelete
  7. the picture looks really painful...

    ReplyDelete
  8. @ Houseboy - Ayaw ko kasing may mawala sa kanilang dalawa, pero ayaw ko na nagbubulag bulagan lang ako...

    @ Eternal Wanderer - Kinakausap ko naman si B1. Todo deny siya. Well, hindi ko naman siya nahuli pa sa aktong hubad at lahat, pero nababasa ko kasi ang messages niya na nakikipag palitan ng number sa mga SEB invites. Ganun din kasi ang ex kong si Mark dati. Iba ang sinasabi sa akin, sa nakikita ko na akala niya hindi ko alam.

    @ Papa Jay - Ang hirap naman ng strategy mo? hehehe. Hindi naman sa kinukunsinti ko siya. Wala naman talaga akong ibang solid evidence aside from the messages, pero malakas ang hinala ko. Kung didiretso naman ako kay B2, of course mas paniniwalaan naman niya si B1 kaysa sa akin di ba?

    @ Istambay - Ganun na nga. Ganito rin kasi ang pinagdaanan ko dati. Ang iniisip ko, bilang tunay nilang kaibigan, pakiramdam ko, kailangan meron akong gawin pero hangga't maari, ayaw kong may masasaktan ( o lumabas na ako ang masama). Sana, yung mga kaibigan din namin dati ni Mark, na alam kalokohan niya, gumawa din sila ng paraan...

    @ Miguel - Alam mo, hindi niya basta basta hihiwalayan si B2. Ganito yan eh, sa pinagdaanan ko, yung love and affection nakukuha niya kay B2. Security din. Wala naman siguro silang problema sa sex life pero itong si B1 lang ang makati.

    Ito siguro yung sinasabi nila na "magsasawa ka kung pare pareho na lang lagi ang ulam kaya kailangan tumikim ng iba".

    Hindi ako iniwan ni Mark dati hangga't hindi pa kami nagkakabukingan, pero alam namin na may kalokohan ang bawat isa. Live in kasi kami noon. Kahit papaano, may nag aasikaso sa kanya, may kahati sa mga gastusin, meron ka pa din kasex. Meron kang disenteng "partner" na pwedeng iharap sa mga tao. Convenient ba?

    Nag eenjoy lang si B1 sa ginagawa niya, habang alam niya na walang ibang nakaka alam. Yun ang akala niya.

    @ Mr. G - Sa totoo lang, natatakot din akong kausapin siya nang personal. Baka kasi maibuhos ko lahat ng galit ko sa ex kong si Mark sa kanya dahil halos pareho sila ng ginagawa.

    @ Dovan - Betrayal is even more painful. The things that happen in between the time the lie started and the time when the truth unfolded is truly tragic.

    How can you tell which one amongst everything that you shared was real and true?

    ReplyDelete
  9. i think you should confront the "criminal" first. it's the point of view that's least intrusive to B1 and B2's relationship.

    pero if he won't change, then i guess its time to tell B2, and you have to explain it in the most non-judgmental way.

    ReplyDelete
  10. i-confront mo siya. like:

    "why the heck are you doing this??! you have B2 with you, and you're just gonna throw it all away?"

    something like that.

    ayun kung hindi pa siya nakonsensya then tell B2 about the whole scenario.

    "i'm telling you this because im just a concerned friend. i don't want to butt-in, but i think you should at least know."

    ganun lng. ewan. haha :P

    ReplyDelete
  11. This actually happened to me and an ex-friend. He was at that time already in a relationship with someone na may partner na nasa States. What I did was I befriended the guy in the states and nireverse psycho ko sya. I told him he should be more expressive sa partner nya lalo na at malayo sya. Then I told my friend na friend ko na din yung bf ng partner nya.

    Ayun nagalit silang dalawa sa akin (si ex friend at yung bf nya ngayon) at nakipagkalas si bf nya dun sa partner na nasa states.

    The guy from the stats and I became real, good friends. Me and the ex-friend? we are moving in the same circle and all is behind us now. Break na din naman sila for the same reasons.

    At least I get to keep my values intact and I am with the same circle where we value honesty, loyalty and integrity.

    my 2 cents. :)

    ReplyDelete