Emily "Lili" Rochefort. Aba, hindi yata ako maglalaro ng Tekken kung hindi dahil sa kanya? Lumabas lang siya sa Tekken 5: Dark Resurrection at ever since nahook na ako!
May pagka "violent" din kasi ako... di ko lang mailabas. Gusto ko man makipag suntukan minsan, nanghihinayang naman akong magkaroon ng pasa at mabawasan ng ngipin? Di ko pa lang talaga nasusubukan lakas ko. hehehe
Pampalipas oras ko lang naman dati ang arcade. Hindi nga ako nag eenjoy kasi lagi naman akong talo? Dun na lang ako sa may table na pinupukpok ng martilyo yung mga weasel yata yun. Basta. Tuwang tuwa ako kay Lili kasi siya na siguro ang pinaka beckie na character sa Tekken. Imagine, isang fighting Barbie doll!? Cutesy lang din ang moves niya na may combination ng ballet, gymnastics, ice skating. Hindi nga lang siya sinama sa Tekken movie? Wala yatang non players ang maniniwalang makaka knock down ng kalaban yung mga sampal at cute niyang backflips.
wala nang mas babakla pa sa celfone ko
Siya na ang naging most used character sa lahat ng 40 na pwedeng pagpilian sa Tekken line. I would associate this sa dami din ng beckie na naglalaro?
Landi much
Hindi pala kaya ng pindot method ang Tekken? Mahal ang tokens. Dati, wala pang 3 mins, talo na ako. Natatandaan ko, meron isang week na gumastos ako ng 1000 pesos sa isang linggo kakalaro sa Timezone at Tom's World dahil talagang hindi ako tumitigil hangga't hindi ko natatalo yung kalaban ko !!! Excited pa ako nun dati, kinukuhanan ko pa ng picture yung screen kapag nananalo ako? Hehehe
Kaya naman ung birthday ko nung 2009, naglambing ako kay Mama na ibili ako ng PSP para pwede akong magpractice. LOL. Binasa ko yung mga article sa internet, nanuod ako ng tutorials, sinubukan kong kopyahin yung mga combos. Gumagaling na ako ngayun ^^
In fact, kilala na ako ng mga tao sa arcade sa kalandian at kakulitan ko gamit si Lili. Kilala ko na sila sa mukha, alam ko na style nila, pero di kami masyado nag uusap. Wala talaga akong ibang alam na character, siya lang. Memorized ko na halos lahat ng moves niya na kasing cute niya. Merong kitty claws, delicate uprising, capricorn kick, freesia thrust etc O di ba? Cats, flowers at zodiac ang theme! Memorized ko na din ang mga linya niya, pati tili yata nagagaya ko na? hihihi ^^
Ako, naglalaro lang talaga. Before, in between classes, at after gym, halos araw araw akong naglalaro. Who would think na pwede rin palang cruising spot ang Tekken machine?
Ayaw mo maniwala?
Exhibit A
Hmmm di ko pa siya kilala, basta lagi siyang nanunuod LOL usi lang.
Turn on talaga sakin yung korteng V ang upper body. Hmpf!
I call him... Nemesis. LOL. Kahit gumaling na ako nang husto, hindi ko pa siya natatalo. Isang token lang, mababa na yung maka 20 consecutive wins siya. Masyadong mahusay para sa akin. Kaya niyang gumamit ng 7 character, kasama si Lili! Kainis. Minsan ko na siyang nakatabi, pinanuod niya akong maglaro... nagkaroon na din kami ng conversation:
"Ayy talo ka na agad?"
Bwiset lang di ba.
Hindi rin ako nagbibigay ng "mercy". Ihahagis kita sa ere na hindi ka na babagsak, o kaya naman dun ka na sa lupa, hindi ka na matatatayu. Dudurugin kita ng heels ko!? LOL Ayaw ko din ng mercy. Sa totoo lang, lalo akong nagagalit kasi insulto sa akin yun. Wala naman sa akin ang token. Gusto kong maglaro. Kung manalo ako, gusto ko dahil mas mabilis ako at nautakan din kita, hindi yung pinagbigyan mo lang ako basta.
Oh well, sport naman sila, Nagugulat na lang ako minsan, matapus ko silang durugin... nakikipag palitan ng number. Ehh? Bakit? hehehe ^^
Part of which is that I want to forget all my misfortunes and heartaches and replace them with merrier memories before the anniversary of my singlehood.
*sigh*
My college friend and I had been planning since last year that we'll be going on several destinations:
Boracay - Bohol - Palawan
Singapore - Kuala Lumpur - Bangkok - Beijing* (optional)
Call it financial suicide but I tried to save enough money from last December's BPO stint and break my dollar piggy bank just to make all of this happen.
I've been dieting and working out for months just to look good on the beach!
Been dying to wear that knitted trunks while I strut my stuff on the white shores, play frizbee etc.
Been to Boracay (with Mark and I was 180 lbs, damn it). Been to Coron. I wanna retry Boracay again, and this time, Puerto Princesa. Cool
We had to take off Bohol even if I really wanted to see a Tarsier wrapped around my index finger, but instead, I had to choose dolphins for now.
I thought it would be more convenient to seek the help of a travel agent, tried several, was even referred to an old high school batchmate. Oh the promises of getting a "cheaper, better deal".... Seth 15k per person to Bora, 20k on top for Palawan. WTF.
I might as well do it myself.
Lesson #1 - When you see a cheaper flight, and seems to fit your planned dates, don't fret and book right away. It gets more expensive by the hour.
Boracay - Palawan done. I even found a nice place to stay, which for 5k per person for 4D3N already included the tours, breakfast, airport transfers. Sweet.
Now the Asian tour.
We finally decided to scrap out Kuala Lumpur for we both agreed it is much too costly to go there just to see the Petronas.
I know. BIG MISTAKE. I placed erroneous passport details just to have the flight booked and then maybe worry about that later on (it never ended really) just so to avoid the price increase.
DFA Appointment for renewal - February 24th
Flight to Singapore - March 8th
Rush processing - 1200 pesos ; 10 working days.
Lesson #3 - When all else fails, read instructions.
FML.
that would create a domino effect to my other flights
.... now I have to worry about either how to get my passport sooner if possible, if not, shoulder the costs of rebooking/cancelling (so much for saving money because we're backpacking, reminiscent of Lonely Planet on Discovery channel), and I have to deal with an upset friend... who has been working her ass off just to make more money for this.
Umiiyak talaga ako kanina. Dapat hindi na lang ako nakipag chat kay Mark. Aba, at meron na din siyang mobile internet? Isa lang naisip kong solution jan, stealth settings > appear permanently offline. Hehehe
Nawalan na ako ng gana mag gym, binalak ko na lang sana magmukmok sa kwarto ko buong araw.
May nagtext! ...si Tobi.
"Seth! I'm planning to get my 7th piercing today!"
"Err... ok kasama ba ako dapat?"
"Gusto mo? Punta ka dali. Wait kita. Haha! Dito lang sa may Monumento LRT"
"Hindi ba ako masusuka?"
"Di yan. Excited naku! ^^"
Haaay! Ako naman itong kaladkarin, mula Cubao nakakarating ng Caloocan isang text lang. I honestly wanted to displace my angst somewhere. Tekken is getting quite boring na? Why not watch someone hurt themselves instead? This ought to be interesting...
Dito kami nagpunta. Kalahati lang siya ng room ko actually.
Ito yung mga pwedeng pagpilian.
Heto na si Kuya, naghahanda. Notice yung rice cooker sa likod?
Akala ko naman doon sila magsterilize. hehehe
Meron namang anesthesia. Nanghina lang ako nung may nakita akong patak ng dugo sa nipple niya...
Clamp
Tinusok (waaaaahh !!!!!!!!!!)
Inayus kaunti
Kabit na! And it all took 5 minutes. Parang yosi break lang?
Ang galing! 7th na nga niya ito. 3 sa tainga, 1 sa dila, 1 sa lower lip, 2 nipple.
"Ikaw susunod?" tanung sakin ni Kuya. Natakot ako? LOL
"Para saan ba ito? Balak mo hikawan katawan mo?"
"Para astig pag sa bar at naghubad ako ng shirt."
"Kaya lalong ayaw ko magbar. LOL" sagot ko. "So paano yan? May added sensation ba? Tumatayo pa ba nipple mo pag aroused ka?"
February 12th: Two days na lang!? Crunch time na ito!
Napaka obvious naman ng common theme ng blogs, Balentyms.
Anjan na din yung mga nababasa ko like: "Single Awareness Day" , bitter-ako-im-gonna-wear-black, mamatay-na-lahat-ng-cheesy-at-mushy-magbebreak-din-kayo! (hostile much?), im-single-im-gonna-be-ok-day.
Sheesh.
Personally, I don't get what all the fuss is about? Kahit naman nung mga time Mark and I were madly in love with each other, we never celebrated Valentines day. The dinner-movies-coffee formula has never been over used on any other calendar day. Heavy traffic and prices are outrageous. You can give me flowers on any other day of the year but why choose the time when it's 10x more expensive than usual? I would've felt more special if its an ordinary day and I received flowers nonetheless.
Anu pa ba? Hmm... ngayun ko lang nalaman na meron din palang couples na bloggers! Cute ^^
Nakaraos din naman tayung lahat. It wasn't THAT bad?
# Dinagdagan ko pa ng 50 reps sa ab roller pagkagising. Para na din akong sumasamba tuwing ginagamit ko: Paaara sa beach.... Paaara sa beach.... Paaara sa beach.... tiis ganda nga naman.
# Online ako sa Facebook, kating kati na akong batiin si Office Crushie, kaso what for? Matagal na din naman niya akong dinedeadma... pero hinahakot ko pa din ang pictures niya everytime nag uupload siya ng bago. hihihi ^^
# Nanay ko lang tinext ko ng Happy Valentines na ang reply lang eh: K. Thanks. Busy ako. (Hmph!)
# Dineadma na ang lahat ng ibang greetings. Sinung happy!? What's to celebrate about!? Chos.
# Meron din naman tinatawag na "Agape" o love for thyself:
Sale sa Girbaud!? bwahahahahaha!
1500 pair ng bag and wallet. Aylavet !!!!!!!!
# Hindi muna ako tumuloy mag gym. Naalala kong may ambush last time. Pinauso nila yung color coding ng attire mo to signify your, ehem, status. Ako di ko naman pinansin, pero may mga taong sumeryoso, paglabas mo pa lang ng shower cubicle nakabantay na at over friendly. (behave ako... behave ako...)
# Ininvite ako ni sis lumafang. May party kiyeme daw sa culinary school nila na limang cartwheel at tatlong herky lang naman ang layu sa apartment ko. Gora! Hindi naman ako kuntodo bihis, pero malay mo, may makilala, humabol pa? hihi ^^
Ok na sana. Kulang lang sila sa showmanship. Simulation test pala nila ito sa Culinary. Di kasi sila tulad ng sister ko, HRM grad, may alam sa events organizing. Patay ang crowd. Hindi nga ako party person pero ayaw ko din sa isang boring na party. Inaawat na lang ako ni sister sumasayaw kasi ako LOL
So so lang ang food. I love crepe kaso makunat na yung wrapper at sobrang tamis at malambot na yung saging. Ganun din yung pineapple juice. Umay much. Broccoli lang din nakain ko kasi vegetarian nga ang drama. hihi ^^
classmate ni sister, new fag hag
Hindi na ako sumali sa games, pero nanalo naman ako ng cap sa raffle. Hangkyutt !!! Suot ko na siya pauwi ^^
# Uwi sa bahay. Borlogs. 12:15am may nagtext! ... (no name) Belated Happy Valentine's Day! Hope you enjoyed your date. Hmmm who could it be? (isip...)
Ahhh... si Mark. Binura ko na nga pala. Hmmm... mejo natempt akong replyan ng "Hu u?" hihi ^^ hinayaan ko na lang.