Wednesday, July 6, 2011

Release

Mahigit isang buwan na hindi ko nakakausap ang dalawa sa dating mga importanteng tao sa buhay ko, si Jason at si David. Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat, yung iiwan ako sa ere. Iiwanan na lang ako basta. Ni hindi ko naiintindihan kung bakit? Hindi na nga kami nagkikita, hindi pa ganun kadalas mag usap?


Hindi ko maintindihan... kaibigan kita eh? Dapat ako mas nakakakilala sa iyo? O gusto kong maging kaibigan mo, pero ikaw itong lalayo, babalik tapus "ibang tao" ka na o sasabihin sa akin na "hindi na ako yung taong gusto mo dati". 


Lech.


Hindi ko pa nga kilala yung dati, nag mutate ka na, pinangunahan mo na ako agad na di talaga kita magugustuhan?


Eh di sige.


Wag na lang.


Pwede namang wala na lang. 


May sarili na rin naman akong mga drama, ayaw ko na sumahod ng extra pa.


Sumuko na rin sa akin si Tiddy Burr. Nagpakita ako sa kanya, sandali lang naman. Papunta kasi ako ng gym malapit sa office niya. I was having a good day rin naman. Kumain kami ng pancakes sandali.


Pero iba talaga attitude niya eh? 


Sinasabi lang niya sa akin na gusto niya ako, pero di ko naman nakikita yung effort na magustuhan ko siya. Hindi naman dapat problema na mas bata siya, na mas matangkad ako, na mas malaki rin katawan (o sige na borta bottom).


Nahihirapan na ako magtiwala sa mga tao ngayun.






Mejo nag iiba na rin tuloy ang attitude ko. Kung kailangan kita, saka lang, pag nakuha ko na gusto ko, babalik na ako sa dati kong gawain hanggang dumating siguro yung oras na kailanganin kita ulit o makahanap ako ng "mas" kaysa sa iyo.






So ibig sabihin ba nito...... magpapaka celibate ako ulit? Nah. Sinubukan ko lang, wala naman ako masyadong napala. Mas lapitin ako ng guys for sex invites kesa actual dates. Nobody has ever asked me for a "real date" without expecting a hook up afterwards.




Pinagbubura ko na din yung mga digital documentation ko ng mga bagay na nagpasama ng loob ko dati sa work, sa Facebook, sa mga exes ko, etc.




Nagsisimula na ulit ako bumangon eh? Mas maganda sana kung andun sila sa tabi ko, pero lagi na lang ako umaasa at sa huli... ako pa rin naman mag isa?




Nagbabawas na lang ng sama ng loob. Bawasan din yung mga tao na di naman talaga nakakatulong sa akin. Iwasan yung mga humahatak sa akin pababa.










Pero sana, sana. Andito ka?

7 comments:

  1. Ayun naman. Akala ko mainit na ang ulo. Buti na lang me last part pa pala.

    ReplyDelete
  2. wow! this is heavy…

    hmmmm… can i inject my unsolicited advise? hehehe

    then they are not worth keeping, Seth. Don't force yourself to them if they don't find what's worth with you. There are plenty still out there :)

    uhm, on the sexcapade thing, you need not resort to that again. Yes, you're hurt, but it doesn't pay much to vent these frustrations to others. Who knows, you might stumble upon a person you thought might just for play but has good intentions for you ^_^

    Weeh. smile na!! :)

    ReplyDelete
  3. Sapul na sapul on so many levels. We share the same sentiments, I see. Kaya natin 'to. :)

    ReplyDelete
  4. @ DH - Di ko alam kay Tiddy Burr. Napakatansparent ko nga sa blog ko eh? Kung kaya ko sabihin sa mundo ano ang baho ko noon, di ganoon kahirap sa akin magsabi ng oo/hindi sa ibang tao.

    @ Hush - How I wish. Pero alam mo, during the time na bait baitan ako nobody asked me out? Nobody noticed. They wouldn't notice until I strip down butt naked. Though some guys tend to express some affection after the deed, I already mentioned before, that's not how I want to set the foundation for a relationship.

    @ Ryan - AJA!

    ReplyDelete
  5. Gusto ko sana magcomment... pero saka na pag nagkita tayo....

    ReplyDelete
  6. Tara Seth, i-date kita. *hahaha* Friendly date huh.

    Ay teka, 2011 pa pala to. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang friendly date sa akin noon. laging may ulterior motive ang mga tao LOL

      Delete