Sunday, December 1, 2013

HINDI NA AKO SASAKAY NG TRIKE SA MAYNILA !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ito ang hirap sa hindi nanunuod ng TV. Wala akong alam sa mga bagong modus operandi.

Buwis buhay kami ni Joms pumunta ng Divisoria galing trabaho. Take note. Wala pa kaming tulog. Masaya naman sana kahit masakit ang paa. Marami naman kaming nabili.

Ang hirap nga lang makasakay? Kumuha kami ng isang trike, malinaw ang usapan, bente isang tao, kaya 40 kaming dalawa. Divisoria hanggang Recto LRT.

Nagduda na sana ako sa kabilang kalsada kami ibinaba, nung nagabot ako ng 50, umaasang may sukli pa, dun nagwala yung driver at kasama nya na 240 daw dapat kasi 80 ang isang tao kaya kulang daw ang bayad namin.

Wish ko lang totoo ang Tekken skills di ba? Takot ko lang baka masaksak kami ni Joms. 

Nauwi kami sa 200. Dun ko lang nabasa sa Google na "kuliglig" pala ang tawag sa kanila at matagal na silang nambibiktima, 2010 pa lang. Naalala ko yung isang beses na 50 naman ang siningil sa amin, isang tao, inabot ako ng 200.

Sa susunod na lumutang na naman ang issue ng mga iskwater at informal settlers......

I SAY BURN THEM DOWN !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



8 comments:

  1. Sana nag taxi na lang kayo diba, ang lakas ng loob manloko ng mga kuliglig na yan, dinadaan sa pananakot. Bad!

    ReplyDelete
  2. Nakakabwisit talaga yung mga ganyan tao. Sarap i-flying kick sa mukha.

    ReplyDelete
  3. haaaay naku! ang mga amoeba ng society umatake na naman. Should this be reported sa mga police stations? But I don't think may mangyayari sa sobrang sipag ng mga kapulisan diyan marami silang askyon na magagawa as a matter of fact mas mabilis makarating ito sa senate kung ipapadaan sa social media. Yes I'm being sarcastic.

    ReplyDelete
  4. They have a special place in hell adjacent to satan.

    ReplyDelete
  5. Si Joms ba ito aka Mugen/Souljacker?

    ReplyDelete
  6. You are not alone. I made the same curse because I had the same experience. Good for you, you were with somebody. I was alone then and it was a rainy day.

    ReplyDelete