Tuesday, November 12, 2013

David 1.5

Nalilito na ako noon kung anu ba talaga ang gusto ko. Ayaw kong mag isa, pero miserable din naman ako na kasama ni Mark. I love sex. Wala naman nagbago doon, pero iba pa rin kasi ang making love. Anu nga ba ang naiba ngayung single na ako at wala na akong tali sa kahit kanino?

Hindi ko pa tanggap ang sitwasyon ko at wala rin akong kasiguraduhan kung sumama man ako kay David. Napansin ko na lang na mas nakabantay siya ngayun, hinihintay kung sakali man na magbago ang isip ko... na piliin siya.

Ngunit mas ginusto ko pa rin ang dati, yung dating pamilyar, yung kumportable na ako, yung kasama ko ng halos pitong taon. Sinubukan kong suyuin muli si Mark. Para lang akong tangang naniwala na meron ngang tinatawag na "3 month rule". Importante ang bawat araw, ang bawat tawag o text na maramdaman nila, maalala niya na mahal ko pa rin siya at matagal ko na siyang mahal. Hindi ko na pinansin masyado na mula noong wala na ako sa condo, mas napadalas ang mga lakad nya sa labas. Bumili na rin siya ng sariling laptop, nagpableach ng ngipin, bumili ng mga bagung damit. Retail therapy o sadyang nagpapabata. Sabagay single na din naman siya, wala na kami di ba?

Isang gabi, magkasama kami ni Mark sa Gloria Jeans Cubao. Gusto daw niyang mag internet gamit ang laptop niya. Nagsilbi itong harang sa aming dalawa dahil hindi ko naman pwedeng masilip ano ang nasa screen at madaling sabihin na busy siya. Ganun pa man, pilit ko siyang sinusubukang pagkwentuhin, dinaan sa pagbabasa ng magazine...

Hanggang magtext si David. 

"Saan ka? Nasa Cubao ako ngayun, may lakad kami ng friends ko pero maaga pa naman gusto kitang makita."

"Andito ako ngayun sa GJ, kasama ko si Mark..."

Inakala ko pa noon na kamustahan lang ang usapan namin, matapus ang 30 minuto, nakatayu na siya katabi ng kinauupuan namin.

"Hi Seth! Anu sama ka?"

Nagulat ako sa ginawa nya at parang hinahalukay ang sikmura ko. "Anung ginagawa mo dito?!" ang gusto kong sabihin, hindi ko pa naiintindihan ang motibo nya noon.

Bahagya lang naman sumilip si Mark sa amin, pero itinuloy lang din ang ginagawa nya.

Nakatayu lang siya doon, naghihintay. 

"Anu sama ka?" 

Nalilito pa ako noon, ito ba ay paanyaya, sinasabi lang ba nya sa akin na may lakad siya, nababagot lang kaya siya na ayaw niya mag isa? Tumingin lang ako sa mata nya at alam ko na ang ibig nyang sabihin: "sumama ka na sa akin, iwan mo na siya..."


"..sige, salamat na lang, dito lang ako" sagot ko.


Nakita kong pilit siyang ngumiti, na parang wala lang, naglakas nang loob na siyang harapin si Mark at lahat, pero hindi pa rin siya ang pinili ko...

Tumalikod na lang siya at umalis...

"Sinu naman yun?" sabi ni Mark

"Si David." 

"...yung nag iisang taong mahal na mahal ako" pero sinabi ko lang sa sarili. 

Wala pang 3 months sumuko na din ako. Hindi na babalik ang nakaraan. Magsama man kaming muli, may lamat na ang pagkakatiwala namin sa isa't isa. Natauhan lang din ako nang may makita akong pirasong papel na nakaipit sa luma kong libro at doon nakasulat ang kung anu anong celfone numbers ng mga tila username sa Planetromeo, Manjam, etc.



Isa lang naman ang naging strategy ko para makalimot. Sex. Maraming maraming sex. Minsan 2-3 sa isang linggo, isa kung may mahusay akong makilalang top. Alam kong iba ang dating ko sa mga litrato kaya naman tuwing may bisita ako, pinapasulat ko muna sila sa guestbook para naman may "testi". Di nagtagal, mejo sikat na ako sa QC. Makaipon ka ba naman ng 54 sa loob ng 6 na buwan?




Umiwas ako sa lahat. Malungkot ako. Galit ako. Tapus na ako sa punto na gusto kong may makausap. Sa mga panahong iyon, ang kailangan ko ay maibuhos lahat ng libog ko. Hindi na ako masyadong mapili, kahit anu pa ang status mo. Higit na nakakadagdag ng thrill kung dahil lang sa tingin, nakukuha ko ang atensyon ng isang boyfriend sa partner nya. Magkakapalitan kami ng number o kaya gagawin namin sa kubling lugar. Wala akong pakialam, ginawa rin naman yun sa akin di ba?

Kung talaga bang matibay yang pagsasama nyo eh walang kahit sinung makakasira ng tiwala nyo kahit anu pa hitsura ng mga umaaligid sa kanya.

Wala na akong naging balita kay David.

Nakakatawang isipin din na makalipas ang ilang buwan na hindi ko na sinusuyo si Mark, siya naman itong naglalambing? Minumura ko na lang siya sa text.

Ganito ang naging routine ko hanggang sa katapusan ng 2010.

Pero meron din akong naisip na plano para sa 2011.


11 comments:

  1. Mabilis tayo nakakalimot dahil sa kalibugan, at mabilis rin tayo nauubusan ng tiwala sa pag-ibig dahil dito.

    Alam kong ito ang iyong nakaraan. Marami ka palang pinagdaanan.

    ReplyDelete
  2. shet.

    ang ganda nung eksena sa gloria jeans...

    ang heartbreaking. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks :) ang hirap magkwento ng tagalog LOL pero sana nailarawan ko naman siya kung paano ko siya naalala....

      Delete
    2. Sarap basahin... Nakakalungkot na nakakamangha... :3

      Delete
  3. Putangina Seth, lupet mooooo! Ikaw na! *hahaha* Kung sikat ka sa QC, malamang nadaanan ko na ang profile mo sa PR noon. Kung single lang ako non, pipila din ako. Lewls!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha ang schedule ko noon eh tuwing day off ko LOL minsan lang pag work days pag hirap akong makatulog hahahah

      kaya nga for a time nakukuha ko almost any guy i want because of that fanbase. 54 testimonials documented, di pa counted jan yung mga di ko online nameet

      Delete
  4. Naalala ko si Tiffany sa Silver Linings Playbook. She became a sex addict (I'm not saying you were) when her husband died. She seems like a very strong person but deep inside she's broken and vulnerable and fragile (again, I'm not saying you were, too). Wala lang. Parang gusto kitang bigyan ng Power HUG!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. YES YES I am a slut. hahahah! Yeah I liked that movie too :)

      Delete