Sunday, May 8, 2011

Planetromeo 101



Kaunting random intro:


Hindi ako masyadong nakapag sulat nung mga nakaraang araw dahil emo emohan na naman ako. As usual, dinaan ko na naman sa pagkain ng fastfood at pagkatapus ay paparusahan ko ang sarili ko sa gym. Sa sobrang inis ko minsan, para na akong nagdadabog gumamit ng step board at kung pwede lang gusto ko siyang ihagis at ihampas hampas sa paligid.


Errr... ok masyado na violent.


****************


Balik nako ulit sa pagiging power bottom. Naks! Tama na muna bait baitan. Sinubukan ko lang naman. Masasabi kong mas enjoy na ako ngayun. Wala na halong bitterness.


I'm doing it because I'm good at it. 


I'm doing it because I'm having fun.


I'm still being extra careful.


****************


Buti na lang, sa mga gabing bored ako at wala naman ako sa mood na magpapunta ng bisita sa kama ko, niyayaya naman akong lumabas ng mga friends ko. Naka 3 venti green tea latte na ako last week.


Di ako makapaniwala sa sarili ko masyado.


Kapag tinanung ako ng "Kamusta ka na?". Hindi tumatagal man lang ng 5 minuto ang kwento ko sa pinagkaabalahan ko mula nung huli kaming nagkita?


Nagpakabait sandali.
Natutong mag blog.
Binuhos ang libog sa gym.
Nagbakasyon.
Naghanap ng work.
Nagkaboypren pero napikot lang pala.
Nagsawa kaya balik sa dating gawi.


Mabuti pa nung dati, andami kong naikukwento? hehe.




----------------------------------------------------------------------------------------




Isang gabi (o dalawa, sige) kasama ko sina Mike at Dan, ang mga author ng: Mga Eksena sa Bath House.


Sinabi ko nga, may PR account na ako ulit. Di hamak na mas sexy na ako kesa dati. Pero may reklamo pa rin ako: Hindi pa rin ako ganun kabenta. Pareho pa rin ang mga tanung at comment sa akin kahit noon pa: Discreet ka ba? / Are you out? / Effem ka ba?


Nakakainis sa totoo lang. Hindi naman kita ipapakilala sa kahit kanino. Hindi naman tayu magde-date.


Hindi naman sila kagwapuhan madalas pero parang sila pa ang "mahihiyang" makita kasama ko. The nerve.


Grrr.


Kaya pinag usapan namin ang iba't ibang aspeto at dynamics sa Planetromeo (PR).


Simulan natin sa: Picture


"Alam nyo na yun di ba... meron nga akong dalawang account dati. Yung may face pic at yung isa body/butt pics lang. Di hamak na mas bumenta yung butt pics  at within 24 hours eh nalampasan na niya agad ang number of views nung isa... Pero kayong dalawa (Mike at Dan), never kayo nagbigay ng face pics kahit sa private message... pero parang ambenta benta nyo? Yun ang di ko maintindihan?


Inisa isa namin...


>> PICTURES


Ang pictures mo ay open to the public (i.e. face, body, butt, dick, kaluluwa included)


(+) Kung MERON MERON MERON ka mang ipagmamalaki, why not di ba? Siguraduhin mo lang na ikaw nga iyon, at mejo recent naman ang pictures mo. Hehehe. Lagi ko tinatanung "kailan pa kinuha yang pictures mo?". Baka naman kasi last year pa yun at pag nagkita tayu, mahirap na madisappoint di ba. 
Kaya naman ang iba, sigurista, magpakita ka muna sa cam sa YM o Skype. Facetime para sa mga sushaling becks. 


(-) Argumento ng iba, kung "discreet" ka, ayaw mong may makakita rin sa iyo na maaring kakilala mo.  
Nababawasan ang excitement. Minsan ang nasasabi ko na lang "err... yun na yon?". 
Maraming manloloko, marami ding copy cat :) 


Sabi ni Mike, ayaw niya mag iwan ng "remembrance" na pwedeng ipakita sa ibang tao. For your eyes only ba. Pwede mo man idescribe sa kaibigan mo, wala pa rin siyang idea anu talaga hitsura mo. Parang "di-mo-ako-makakalimutan-hahanap-hanapin-mo-ito-babeh" ang impression. Walang souvenir. Consistent din si Mike. kapag may nag message sa kanya, kahit gaano niya kagusto at humingi ng face pictures, hindi siya nagbibigay. Ito ang di ko maintindihan sa una. Nagpakita na sa iyo ng interes MAGMAMAGANDA KA PA?! "Kahit na", sagot niya. Kung ayaw eh di huwag. Mawawala kasi yung "pagkamysterious" at dagdag pogi points rin yon. Kung talagang gusto niya ako, makikipagkita siya sa akin, alam ko naman di siya madidisappoint (insert wink wink).


Meron kang butt o dick pics


Lagi ko itong tinatanong sa top bago kami magkita, "dick size mo?". Bakit? Gusto ko rin naman kasi magkaroon ng idea kung mag eenjoy ba ako o hindi. Top ka eh. Inaasahan ko na mas malaki ka naman kesa sa akin. Pero, hindi naman laging dahil malaki, mahusay. Napatumbling din naman ako sa performance ng iilang guys. Hehehe. At oo nga pala, gumamit ng ruler o yung ibang bagay na pwedeng magbigay ng idea sa tunay na size mo. Hindi dahil nakazoom o napakalapit ng shot mo sa titi mo L - XL ka na.


Importante sa bottom ang cute ang butt. Wala nang paliwanagan.


"Ikaw Mike, ayaw mo magbigay ng face pics, pero ikaw humihingi ka?" tanung ko.


"Oo nga. Di ako magpapakita. Pero gusto ko kasi makita yung mukha ng bottom kung magugustuhan ko, kasi kung hindi, baka hindi naman ako tigasan?".


May point.


Pero dun nga ako nagkakaproblema eh? Ayaw nila sa akin kadalasan pag nakita nila ako sa pics kasi hindi raw ako mukhang astig.


"Eh di huwag ka na rin magbigay ng face pic?" sabi ni Dan. "Subukan mo rin yung strategy ni Mike, ako kasi nung una, nagtataka rin, pero nakita ko mejo effective nga, alam mo kung bakit? Kasi maraming bottom ang lumalapit na hindi naman laging tumitingin sa mukha, kadalasan sa katawan. Minsan wala naman sila pakialam sa hitsura basta malinis ka, presentable, mahusay ang performance = MASARAP! Ilang beses ko na rin kasi narinig, yung mga gwapo at hunky, yummy lang tingnan, boring naman sa kama."


Hmmm... I have to agree.


"Kaya wag ka muna magbigay ng face pics! Alam naman namin na di ka mukhang effem sa personal. Kung gusto ka talaga nila, makikipag meet up rin sila sa iyo, saka na kayu magpakiramdaman kung trip nyo nga ba ang isa't isa".


May point ulit.




>> BED ROLE


Ok... bed role lang muna usapan ha? Wala na munang Bi! Bi! Bi! Lech. 99% ng gumagamit ng term na yun hindi naman naiintindihan ang meaning? Maraming variations ang bed role sa PR:


Position Top only
Position Bottom only
Position Top & Bottom/Versatile
Position More top
Position More bottom


Ang mga "top/bottom only" yan eh yung mga "pure" (well, ewan ko sa iba basta ako pure ako. ching!), ang mga top&bottom/versa ay tinatawag kong "mutants", at ang mga "more top/bottom eh yung nasa kalagitnaan pa ng versa". Magulo na ba?


Para sa akin, malabong magkaroon ng sexual attraction ang dalawang bottom. Siguro kung napaka hot mo talaga, pwede kitang maging crush, pero sandali lang yun. Alam ko naman na kahit ikulong kami sa isang kwarto, wala kaming mapapala sa isa't isa. Pareho lang kaming tutuwad. Eew.


Curious nga lang ako, buti pa ang mga tops, nagkakatikiman. Di ko maintindihan. Pinaliwanag nila sa akin.


"It's always a power struggle Seth, lalo na sa mga tops" sabi ni Dan. "Para kayung nagbubunong braso tapus ang matatalo, siya ang mabobottom. Ego boost yun para sa isang guy" (oo na, girl na girl kasi akong mag isip di ako makarelate). Sabi naman ni Mike, meron siyang mga kilala na "top" pero pumapayag maging bottom basta mas malaki yung titi nung kapartner nila. Pero ito ang isang bagay na pareho silang nagkasundo, hangga't maari, ayaw nila sa isa pang "top". Kasi daw, baka naman tapus napipilitan lang o nag eexperiment, hindi naman sanay, tapus kapag nasaktan, aayaw na eh ayaw rin naman nilang mabitin. Isa pa, ang mga bottom, marunong maglinis. 


Korek. Dapat lang.


Binigyan nila ako ng tip. Palitan ko raw ibang details ng profile ko at gawin kong "more top". Eew.


"Errr... ok, alam kong malaki naman katawan ko at lahat pero di kaya maumay naman ako pag dinumog ako ng kapwa ko bottom?" sabi ko.


"Eh di wag mo muna silang pansinin. hehe" sabi ni Mike.


"Tingnan mo kung mas magiging mabenta ka that way, mas maraming hahamun sa iyo na tops. Eh di ka naman talaga matatalo kasi bottom ka naman talaga, ego boost na lang yun kunwari na natalo ka nila, pero makukuha mo rin naman silang lahat di ba?" sabi ni Dan.


Hmmmmm.......... napaisip talaga ako.




Susubukan ko ito sa loob ng 2 weeks, tingnan ko mga mangyayari :)




To be continued...

8 comments:

  1. hahanapin ko ko ang butt pic mo ha! hehehe..

    ReplyDelete
  2. nalito ako sa dami ng roles. ang daming permutations haha.

    ReplyDelete
  3. nakakaloka ang mga mga bading. Ayaw tawagin ng bading kasi hurtful pero an daming labels. Kalerka!

    yan nakakairita pagnakikipagchat ko sa mga gay sites na kailngan humingi ng pic tapos wala isesend sau tapos yung iba sobrang choosy pero pagnakita mo pic nila parang c brad feet ang mukha.

    cge teh, rant pa ako. chos!

    ReplyDelete
  4. haha. natawa na lang ako. isa kasi ako sa mga taong walang face pictures sa PR profile. wala rin akong sinesend na picture kapag nagtatanong sila saken. :p

    ReplyDelete
  5. Dami kong tungo at tawa sa post mo na to. Kainis. *hahaha*

    Kapag natapos ko na ang dapat ko tapusin, sisimulan ko tong blog mo mula sa una. Pramis yan. :)

    Nga pala, di ko maalala kung kelan exactly, pero ang alam ko nag-PR ulit ako nung first half ng 2011. At nasa Cubao ako non nakatira. So may possibility na nadaanan ko ang profile mo. *hehe*

    ReplyDelete
    Replies
    1. sure :) pero sa mga unang part emo lang ako dun hahahaha

      ngayun lang mejo masasaya ang posts ko hehehe

      Delete
  6. Binasa ko na ito noon, pero binasa ko ulit ngayon. :P

    ReplyDelete