Monday, November 18, 2013

Pagtulong

Pinalabas sa TV ang nakaraang concert sa Araneta para sa bagyong Yolanda. Isinabay na rin doon ang lighting ng giant Christmas tree. Hindi na yata Coke ang sponsor?

Joms: "Kung ako yung nasa Tacloban, maiinis siguro ako pag nakita ko yan?"

Seth: "Anu naman problema mo sa concert?"

Joms: "Eh kasi makikita ko silang nagsasayawan at nagkakantahan eh bakit hindi na lang basta ipunin at ibigay yung pera dun sa mga nasalanta?"

Seth: "Sabagay. Hindi rin naman kasi maiwasan na maraming taong gustong mapansin at magpasikat sa mga ganitong sitwasyon. Buti na lang, naka tshirt lang sila, hindi na kailangan may magarbo pang damit at wala na backup dancers at special effects. Pero yung tshirt hindi ba naging issue sa iyo?

Joms: "Hindi naman. Kasi all proceeds naman daw eh pupunta dun sa donations."

Seth: "All proceeds? Kasama yung capital? Eh paano kunwari kung 100 ang cost of production per tshirt tapus ibinenta ko ng 300, ang idodonate ko yung buong 300? Eh di hindi ko man lang nabawi yung puhunan ko. Hindi naman yata sila papayag nun. Yung mga talent, yung venue, baka sakali nakuha nila ng discounted o pro bono."

Joms: "Hindi eh, all proceeds nga, so ibig sabihin pati yung capital."

Seth: "Eh sana lang pareho sila ng idea ng idea mo tungkol sa all proceeds."

Joms: "Naiinis pa ako sa ibang negosyo na nakikisawsaw dito."

Seth: "Tulad ng?"

Joms: "Ito, yung mga advertisement na part of the sales will be donated to, etc."

Seth: "OK, anu naman meron sa ganun?"

Joms: "Eh kasi parang ginagawa pa nilang strategy para lalong makabenta tapus partial lang naman ang ibibigay nila as donations."

Seth: "Wait, mas issue ka sa concert, may issue ka tungkol sa partial donations, eh paano naman yung mga business na sige, all income will be donated pero hinihikayat naman nila yung mga tao na kumain ng buffet, umorder ng over priced na kape etc. Hindi ba selfish din ang dating nun? Andaming taong nagugutom dun and yet heto ka nagpapakabundat pero nababawasan ang guilt ng kaunti kasi "tumutulong" ka naman?"

Joms: "Hindi naman siguro masama kasi all proceeds naman."

Seth: "Pero yung timing ng pagkain mo ng buffet eh pwede ka naman kumain lang ng sakto lang bakit mo kailangan gumastos nang malaki pwede naman idonate mo na lang? Yung ibang BPO companies nga din tulad ng CVG nagkaroon sila ng survey kung gusto pa ba ng mga taong magcelebrate ng Christmas party o idonate na lang yung budget."

Joms: "Yun, yung mga ganun sana kusa na lang ibinibigay."

Seth: "Eh itong nakita kong picture. Sa totoo lang hindi ko magets anu gusto niyang palabasin aside from the fact napaka awkward ng ginagawa niya and yet people are singing her praises for it.


Paano ko ba ito babasahin para maintindihan ko siya? Eh sa totoo lang andami naman nating nakikitang ganito sa kalsada may bagyo man o wala.

Joms: "Hindi naman kasi siya basta natutulog lang. Sinusubukan nyang makakuha ng attention ng tao na tumulong at huwag basta manuod na lang. Pansinin mo na may takip yung mukha nya, as if ginagaya nya yung mga patay na nagkalat doon. Hindi ba pag may naaksidente sa kalsada at namatay unang tinatakpan yun mukha?"

Seth: "Errr... ok, eh mas productive ba itong ginagawa niya na hihiga siya sa semento sa gitna ng plaza sa maraming taong dumadaan? Bakit hindi na lang siya magsetup ng lamesa na may banner tulad ng ginagawa nang marami? Pareho lang naman sila ng objective. Kung ako lang din aba eh mejo tatakpan ko rin yung mukha ko nang hindi ako makilala? Aba, yung paghiga mo pa lang sa plaza eksena na, hanggang kelan kaya siya andoon siyempre mapapaCR din siya di ba?"

Joms: "Kulang ka lang kasi sa artistic expression"

Seth: "Aminado naman ako dun, pero ito masyadong eccentric na ang dating sa akin kasi mas kapakipakinabang naman yung buhay ka nagsasalita at kumikilos para tumulong kesa umarte ka na kunwaring patay para mapansin."


Wednesday, November 13, 2013

David 1.7 Ang Pagtatapos

Naalala ko noon yung kantang tinuro sa amin nung grade 6 retreat namin sa Antipolo...



Napakaraming dahilan na sana si David na lang ang nakilala ko noong simula pa lang. Minsan inisip ko, paano kaya kung si David na lang mula sa simula at hindi si Mark? Maiiba kaya ang pagkatao ko kung hindi na ako dumaan dun sa punto ng sobrang daming sex na dala lang ng galit. Paano kaya kung nung pagkakataong iyon sa Gloria Jeans ay sumama ako sa kanya at agad kong kinalimutan si Mark? Maaakit pa rin kaya siya sa mga partee kung nagsama kami? Magiging masaya kaya kami nun?


Ang daming tanong

******

Seth: Napanuod mo na ba yung 500 Days of Summer? Parang pinapanuod ko tayung dalawa. Ang ganda ko lang as Zooey Deschamel. haha!

David: Ditto! Weird noh.

******

23-07-2012     (text conversation)

Seth: Wala yata new boylet sa fb? Hehehe. Panu ko alam? What they have in common, at least 5 of them, panay like at comment at cheesiness hahaha

Haha, napansin mo pala. Di ko din nakita bf mo sa fb mo.

Ah si Joms :) Ewan ko b. Un ang trend nla? Haha. Yung last guy, yung taga st lukes, nameet mo b in persn? Dati kc matagal n kmi dapat magkita frm pr. 5x nko inindian. Till 1 guy told me di na ganun htsura nya from pix

Yup, i met him in person. Matagal na. College pa ata ako non. Buti di kayo nagmeet, bottom yun. Haha...yung mga bagong post nyang pics now, recent yun.

Haha la pala kwenta. Agawan lng pala ako if ever? Hayun. Bnura ko na cya sa fb ko. And the rest of the pipol n d ko kailangan. Mga 200 sila. Hahaha

Joms is cute.ü nice catch! Lol. Nambubura ka pala ah. Yup, wala sana nangyari sa inyo if ever. Thanks for keeping me in your list then...ü 

Uu cute ü we met in PR. He lives a few blocks away frm me. Alam ko naman what it was nung una, then niligawan ako, workd hard to prove he is trustworthy. We do everythng together. Magkalayu lng kami pag nasa work ü hehehe

Aww, nainggit naman ako. Hehe, you deserve him...after all that you've been through.ü

Nafrustrate nga ako sau dati. Nagmadre ako ng 3mos kakahntay. Hahaha. Then afterwards mas malala pa ako? Hahaha. He saw me at my worst and believed otherwise. Nagpatest pa nga kmi nung june to make sure we're clean. 

Haha, nagmadre talaga? Minsan nanghihinayang ako for whatever we had, pero at least we're still friends. And mukhang masaya ka naman kay Joms, so masaya ako for you. Unang nagmeet kasi tayo may bf ka na non...then nagbreak kayo, tapos yun naman yung time na i was completely lost. It could have been so unfair if i asked you to help me carry my personal baggage. Good things happen to good people Seth...ü mabait ka kaya may Joms ka now.ü

Mabait ka dn naman. Ü adik ka lang. Haha. Alam m, instead of regret, be excited! If it didnt work, may makilala ka dn that would prove why the rest didnt last at all ü Joms is my person

Haha, natawa ako. It's too early pa to tell if the guy i'm dating now is the one for me. I remind myself to always take baby steps. 

Enjoy the journey lng ü Si Joms, di cya natakot sa past ko. Even nung time i got sick. D nya ko iniwan

He sounds like a great guy. Isa ako sa makakaaway nya kapag sinaktan ka nya.

Hehe he wont do that. One time nga when we were in bed, he had a bad dream, nawala daw ako. He woke up crying when he saw me

Aww, sweet. Ikaw na talaga. Hehe...inggit much. Where the hell is the guy for me? Lol.

He found me. Hehe. Darating din un when you least expect it


Hehe, sana.ü keep me posted Seth. Will need to rest muna, may pasok pa later. Ingat ka palagi.

******

Fast forward August 2013, David had his first anniversary with a guy named Russ. :)



Sa lahat ng dramang iyon at sa pinakahaba haba ng sinulat ko (na Tagalog) hindi rin naman pala naging happily ever after. Tama, kasi hindi naman dapat ipinilit kung hindi pa handa. Hindi naman din patas kung isa lang din ang handang magcommit. Ang lakas lang makashowbiz pero talagang mas tumagal kami ni David bilang magkaibigan lang. Hindi na namin malalaman kasi hindi na namin susubukan pang muli :D

Hindi ko siya maituturing na "the one that got away". Sa mga napagdaanan ko parang wala naman yatang ganun. Bakit? Kasi kung sadyang kung yung taong iyon ay para talaga sa iyo, at gustung gusto ka talaga nya, walang kahit anung makakapigil sa kanya para 

makumbinsi ka 
magtiwala ka
manalig ka
na kayung dalawa ay magmamahalan at magiging masaya.

Maraming taong naghahanap ng pagibig. Yung iba hindi alam kung saan ito makikita. Yung iba, nasa harapan na nila, hindi lang nila nakikilala. Yung iba nasa kanila na ngunit hindi iyon ang gusto.

Alam kong may iisang tao, na matapus lahat ng pinagdaanan mo, sa halip na tingnan ka niya na basag, basura, o latak at gamit na gamit na, makikita niya yung tunay mong pagkatao at mamahalin ka niya na parang tunay na kayamanan niya sa mundo.

Iyon ang magiging patunay kung bakit hindi nagtagal yung mga nakaraan mong relasyon. Kasi kahit hindi ako paladasal at lahat, may gusto lang Siyang ituro sa iyo. Kinuha man Niya yung taong dating mahal mo, pero mayroon kang makikilala na mas sasaya ka pa, at maiintindihan mo bakit sa dami ng nakilala mo ngunit hindi nagtagal.

Mayroong nag iisang tao para sa atin. Huwag kang mag alala kung di mo pa siya nahahanap. Hindi pa rin siya ganun kasaya kasi hindi ka pa niya nakikilala.





Wakas.




David 1.6

Effective Jan 1, 2011 kasabay ng pagsalubong ng bagong taon, susubukan kong magpakabait. Pinagbubura ko lahat ng mga fubu ko, binura lahat ng profile sa net, for the next 3 months, sarado muna ang tindahan.

Bakit ko nga ba ginawa yun? Iniisip ko kasi, para bang cleansing period. Lumipas na ako dun sa punto na galit ako. Marami na akong nakasex ng mga ilang buwan. Naalala kong bigla si David, baka sakali kung malaman at maipakita ko sa kanya na kaya kong magbago, baka sakali magustuhan na nya talaga ako...

Yun eh kung magpapakita sya sa akin?

Masyado siyang naging mailap. Sa loob ng 3 buwan na iyon, well, wala rin naman akong masyadong napala? Walang special na taong dumating. Anu natapus ko non?

#1 Sumexy ako nang bongga LOL Kinarir ko sa gym, nag audition as class instructor at pumasa naman :)

#2 Nakapasyal na ulit sa Boracay - Puerto Princesa. Dapat may Singapore - Bangkok pa pero sobrang sablay ang DFA.

#3 Nakalipat na ako sa sarili kong condo na pwede kong punuin ng sarili kong gamit at kahit kailan wala na pwedeng magpalayas sa akin kasi nakapangalan sa akin ang titulo. Bahay ko na ito.

Matapus ang lahat, malungkot pa rin? Uuwi ka ng bahay, wala naman sasalubong sa iyo kundi kama. Kaya pinlano kong mag alaga ng tuta. hehehe

So anu pa ba ang alam kong libangan na matagal kong tiniis? .... Balik na naman ako sa PR. Bolder than ever. Mas nilampasan ko pa ang dami ng nakukuha kong guys noon, lalo pa nung mas gumanda katawan ko.

Kung kelan naman maganda na momentum ko at nag eenjoy na akong muli, nag aya naman ng dinner si David. Walang special occassion. "Miss" na daw niya ako.

Nagkita kami sa Teriyaki Boy Gateway.

"Hey musta? Long time no see ah? Mas buff ka pa yata ngayun? hehehe"

I wish I could say the same to him. Pero may iba, parang may mali. Hindi ko alam kung may kinalaman sa work niya pero mukha siyang tuyo ang balat, nawala na din yung kislap sa mata nya. Mukha siyang pagod. 

"Anung nangyari sayu? Ngayun ka lang sakin nagpakita tapus parang haggard ka?"

Wala naman siyang itinago sa akin. Binigay niya lahat ng detalye. May natutunan siyang bagung bisyo. Sa kanya ko unang narinig ang "partee". 

Napaisip tuloy ako, "kasalanan ko ba kung bakit ginawa nya yun?". Hindi ako nakatulog nung gabing iyon. Hindi ko malaman kung selos ba o galit o awa mararamdaman ko. Sabagay, inabuso ko nga ang katawan ko hindi ba? Sinu ba naman ako para bawalan siya.

Pero asar pa rin ako. Sa lahat ng naging mga pasaring nya sa Facebook. Isang araw binura ko na lang siya. Nagulat akong napansin nya agad.

wow, i was deleted from your list.

It just occurred to me. We barely interact. We don't really have common friends? There's Jaffy but I only met him once and we barely spoke.  I only get hints of who you're seeing or dating whenever your attention to me wanes/fades away.You never kept your promise to see me on my important dates/plans/events.You just weren't there. Last thing I read was you already found love on FB. Kudos.Then that just means my job is done and you don't need me anymore. What would you keep me for?

ok... so you want to add me... pero can we REALLY TRY TO EXERT SOME EFFORT TO BE PEOPLE WHO ACTUALLY KNOW EACH OTHER?????
You tell me you're not the David I like anymore, but in truth I hardly even know you or any people around you at all? Then we have dinner one night and you disappeared for 6 months and bombard me with shocking details of what happened to you. That doesn't make up for anything nor does it work for me at all. I barely see you. I tell you when I'm free. You never wanted to meet me. Maybe more often than not you'd rather join your partee sessions and shit.
My statement remains the same. I'd rather not get hurt. I'd rather not probe or investigate. Everything I know will be coming from you and I will take it at face value. We keep our private lives until we're comfortable with each other again and I could relax to you. Natatakot kang mapalapit sa akin. Ako, ayaw ko na lumapit at masaktan. Ayaw mo rin naman akong lumapit, eh di jan ka na lang sa malayo.


(Mga ganitong klaseng tampuhan lang naman....)


September 24, 2011

Belated Happy Birthday!
Sooo... what's up? Inadd mo ulit ako after several months. By the looks of it mukhang "hunting" ka na naman? Why didn't it work out with Pavel?
Oh well, lagi ka naman may new prospect. 
Nag aadik ka pa rin ba? You look a lot more haggard now

haha, di ah. i was sick. nahospital ako lately.

suki ka naman nun
lugi na company at hmo sayu

haha, medyo! musta na?

im good. back to work na ulit. di ka naman nagbabasa ng blog ko eh

di na ko nagbabasa, last time i checked i was hurt. kaya ayun.

hurt kasi?

with how i was portrayed.

and how did i portray you?

basta. hehe.

oh well. i cant apologize for it if i cant recall. the reason why i stayed away is because you left me hanging for nothing. you said you loved me but then in reality, you were just simply enjoying flirting with guys and your drugs

that's not true!

anung hinde? like how many times have i tried asking you out this year compared to the single instance when we met just to get your nbi?
how many times have you told me that you left home but didnt go to work, simply lurking somewhere you wouldn't tell at all?
i told you of my plans, wanting you to be there, but i simply got empty promises.more often than not, when we build this momentum of communication, then it suddenly dies down, next thing i know there was:
emil
then paris
then pavel
whoever came in between/next, i dont want to know.

so what else do you need me for?
we managed to survive not talking for 3 mos. this is shorter compared to last year when you stayed away for 6 mos, then i meet you for dinner at Teriyaki Boy Gateway and you bombard me with shocking details of you life in one go. again, what else do you need me for?

now this made me sad. haay Seth

You called me keeper but then I have always been outside, far away from you and you made sure that it'll stay that way. I did try to change. Part of the reasons why I was on hiatus for three months was because I was trying to cleanse myself, to be worthy of you. Well, we both know how that turned out.
Let's just say I got tired of waiting and hoping. Doesn't matter to me anymore if you're here or not. 
You do take care in choosing the people you consider as friends. Stop taking drugs.

:(

take care. see u when i see u

......

Hindi ko rin naman siya natiis. Nung Pasko ding yun, binilhan ko siya ng yellow socks. 




Kung meron man akong dedicated song para kay David....




"If I told you" - Wedding Singer the Musical






*1.7 na po yung ending :)

Tuesday, November 12, 2013

David 1.5.1

Directions: Arrange the status based on chronological order. 

Charot.























David 1.5

Nalilito na ako noon kung anu ba talaga ang gusto ko. Ayaw kong mag isa, pero miserable din naman ako na kasama ni Mark. I love sex. Wala naman nagbago doon, pero iba pa rin kasi ang making love. Anu nga ba ang naiba ngayung single na ako at wala na akong tali sa kahit kanino?

Hindi ko pa tanggap ang sitwasyon ko at wala rin akong kasiguraduhan kung sumama man ako kay David. Napansin ko na lang na mas nakabantay siya ngayun, hinihintay kung sakali man na magbago ang isip ko... na piliin siya.

Ngunit mas ginusto ko pa rin ang dati, yung dating pamilyar, yung kumportable na ako, yung kasama ko ng halos pitong taon. Sinubukan kong suyuin muli si Mark. Para lang akong tangang naniwala na meron ngang tinatawag na "3 month rule". Importante ang bawat araw, ang bawat tawag o text na maramdaman nila, maalala niya na mahal ko pa rin siya at matagal ko na siyang mahal. Hindi ko na pinansin masyado na mula noong wala na ako sa condo, mas napadalas ang mga lakad nya sa labas. Bumili na rin siya ng sariling laptop, nagpableach ng ngipin, bumili ng mga bagung damit. Retail therapy o sadyang nagpapabata. Sabagay single na din naman siya, wala na kami di ba?

Isang gabi, magkasama kami ni Mark sa Gloria Jeans Cubao. Gusto daw niyang mag internet gamit ang laptop niya. Nagsilbi itong harang sa aming dalawa dahil hindi ko naman pwedeng masilip ano ang nasa screen at madaling sabihin na busy siya. Ganun pa man, pilit ko siyang sinusubukang pagkwentuhin, dinaan sa pagbabasa ng magazine...

Hanggang magtext si David. 

"Saan ka? Nasa Cubao ako ngayun, may lakad kami ng friends ko pero maaga pa naman gusto kitang makita."

"Andito ako ngayun sa GJ, kasama ko si Mark..."

Inakala ko pa noon na kamustahan lang ang usapan namin, matapus ang 30 minuto, nakatayu na siya katabi ng kinauupuan namin.

"Hi Seth! Anu sama ka?"

Nagulat ako sa ginawa nya at parang hinahalukay ang sikmura ko. "Anung ginagawa mo dito?!" ang gusto kong sabihin, hindi ko pa naiintindihan ang motibo nya noon.

Bahagya lang naman sumilip si Mark sa amin, pero itinuloy lang din ang ginagawa nya.

Nakatayu lang siya doon, naghihintay. 

"Anu sama ka?" 

Nalilito pa ako noon, ito ba ay paanyaya, sinasabi lang ba nya sa akin na may lakad siya, nababagot lang kaya siya na ayaw niya mag isa? Tumingin lang ako sa mata nya at alam ko na ang ibig nyang sabihin: "sumama ka na sa akin, iwan mo na siya..."


"..sige, salamat na lang, dito lang ako" sagot ko.


Nakita kong pilit siyang ngumiti, na parang wala lang, naglakas nang loob na siyang harapin si Mark at lahat, pero hindi pa rin siya ang pinili ko...

Tumalikod na lang siya at umalis...

"Sinu naman yun?" sabi ni Mark

"Si David." 

"...yung nag iisang taong mahal na mahal ako" pero sinabi ko lang sa sarili. 

Wala pang 3 months sumuko na din ako. Hindi na babalik ang nakaraan. Magsama man kaming muli, may lamat na ang pagkakatiwala namin sa isa't isa. Natauhan lang din ako nang may makita akong pirasong papel na nakaipit sa luma kong libro at doon nakasulat ang kung anu anong celfone numbers ng mga tila username sa Planetromeo, Manjam, etc.



Isa lang naman ang naging strategy ko para makalimot. Sex. Maraming maraming sex. Minsan 2-3 sa isang linggo, isa kung may mahusay akong makilalang top. Alam kong iba ang dating ko sa mga litrato kaya naman tuwing may bisita ako, pinapasulat ko muna sila sa guestbook para naman may "testi". Di nagtagal, mejo sikat na ako sa QC. Makaipon ka ba naman ng 54 sa loob ng 6 na buwan?




Umiwas ako sa lahat. Malungkot ako. Galit ako. Tapus na ako sa punto na gusto kong may makausap. Sa mga panahong iyon, ang kailangan ko ay maibuhos lahat ng libog ko. Hindi na ako masyadong mapili, kahit anu pa ang status mo. Higit na nakakadagdag ng thrill kung dahil lang sa tingin, nakukuha ko ang atensyon ng isang boyfriend sa partner nya. Magkakapalitan kami ng number o kaya gagawin namin sa kubling lugar. Wala akong pakialam, ginawa rin naman yun sa akin di ba?

Kung talaga bang matibay yang pagsasama nyo eh walang kahit sinung makakasira ng tiwala nyo kahit anu pa hitsura ng mga umaaligid sa kanya.

Wala na akong naging balita kay David.

Nakakatawang isipin din na makalipas ang ilang buwan na hindi ko na sinusuyo si Mark, siya naman itong naglalambing? Minumura ko na lang siya sa text.

Ganito ang naging routine ko hanggang sa katapusan ng 2010.

Pero meron din akong naisip na plano para sa 2011.


David 1.4

Hinintay ko munang makaalis na ng condo si Mark papasok ng trabaho. Ako pa tumawag ng taxi, nagbigay ng pamasahe, pinanuod ko pa siya papalayo. Pagkatapus, sinilip ko sa celfone tracker kung nasaan na siya matapus ang 30 minuto. Sigurado na ako. Kapag magkakalat ka nga naman kasi, matuto ka ding maglinis.

Di nagtagal at dumating din si David. Sinalubong ko pa siya sa gate upang hindi na masita ng guard. 

"Bisita ko po" na wari ay nagpapa alam.

Naligo at naglinis ako nang mabuti. *wink wink*

Nasa elevator pa lang kami, pinisil na niya ako sa likuran sabay kagat labi.

Pagkasara ng pinto, sinunggaban ko agad siya ng halik. Isa isang nagkalat sa sahig ang aming saplot.

Pinalitan ko na rin ang bedsheet bago pa siya dumating, ibabalik ko rin naman yung luma pagkatapos. Agad ko rin naman ipapalaba para siguradong walang bakas. 

Matapus ang dalawang oras, pareho kaming bumagsak at hinihingal...

"the best", sabi nya, napangiti na lang ako. Kung ayaw akong sipingan ni Mark, eh di hahanap ako ng may gusto? Simple di ba. Walang sapilitan. Walang obligasyon.

Ni minsan sa text o tuwing nagkikita kami na sinabi namin na "mahal" namin ang bawat isa. Alam namin ang ginagawa namin sa mga nakaw na sandaling iyon. Hindi ko rin naman siya pinipigilan kapag sumama siya sa iba? Kapag hindi rin naman siya pwede, marami din akong pagpipilian.

Sa kahit anung laro, hindi pwedeng matatapus ito na walang natatalo. 

"Bakit ba hindi mo na lang iwan si Mark, maging tayu na lang?"

Bakit nga ba hindi? Eh di sana wala na akong problema tuwing nag iinit ako at sigurado pa akong sulit na sulit.

"Alam mo kasi, masaya kang kasama, masaya kang kasiping, pero paano mo ako ipapakilala sa mga tao sa paligid? Sinasadya mo man o hindi, wala akong kilalang ibang tao sa buhay mo? Tuwing pinapagkwento kita, laging college friend, highschool friend, wavemate, org friend. Wala ba silang pangalan puro common noun? Saka minsan tinatanung kita saan ka, sasagutin mo akong "anjan lang sa paligid". Paano ko malalaman na hindi mo rin ako lolokohin, na hindi mo rin ako iiwan, na anjan ka palagi kung kailangan kita.... na mapapagkatiwalaan kita?"

"...siguro nga, hindi pa ako handang makilala mo nang lubos, baka kasi pag nalaman mo ang lahat, hindi mo na ako magustuhan..."

Hindi na namin iyon pinagusapan pa. Lumipas ang mga araw, kamustahan lang sa text. Magiliw pa rin, walang "miss na kita".

Wala naman nagbago sa sitwasyon namin. Nilibang ko na sarili ko. Umabot din ng ilang buwan na hindi kaming naulit magkita. Kahit anung kamusta o paanyaya ko, hindi rin naman siya nagpakita sa akin.

Dumating din ang isang araw na nagkahulihan na rin kami ni Mark na nagkakalokohan kami. Mismong gabing iyon, pinahakot lahat ng gamit ko sa condo at binawalan na akong matulog doon. Habang nag aalsabalutan ako, sumusulat pa siya ng memorandum ng pagbabawal ng pagpasok ko sa compound. 

Isang sampal sa mukha nyang malaman na nakipag sex ako ilang araw bago ang birthday niya. Hindi ko siya binati. Hindi ko pinaghanda. Wala siyang mapapala sa akin mula noong huling taon na binaboy nya ang regalo ko

Ang hirap pala ano? 

Kapag sinampal mo ang isang tao, akala mo masasaktan mo siya, pero hindi mo pala kayang gawin iyon na hindi rin mamumula sa sakit ang palad mo.

Lumipas ang galit, napalitan ng awa at pagsisisi.

Halos gabi gabi na akong umiiyak. Bakit? Hindi ba dapat mas masaya na ako at mas malaya ko na magagawa ang gusto ko na hindi nagtatago?

Kailangan ko ng kausap. Pinaunlakan ng mga kaibigan ko na gusto ko silang makita at makausap... nagpakita din sa akin si David.

Hindi naman siya late ngayun. Nakinig naman siya. Pero kakaiba sa mga taong nakausap ko, tila nakangiti siya sa kanyang naririnig.

"Oh eh di ok na?" sabi niya.

"Ha? Anung ok dun?"

"Single ka na ulit. Tulad nung sabi mo noon. At least ngayun confirmed na di ba?"

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

Monday, November 11, 2013

David 1.3

Hindi ko alam paano ako aasal sa narinig ko. Sa totoo lang, sapul na sapul ang sinabi nya sa akin. Hindi naman nga kasi ako mahilig lumandi noon. Hinintay ko nga magkaroon ng bf bago ko man lang isinuko ang Bataan? Pero kinalaunan, nung nawalan na ako ng gana sa mga "seryosong" relasyon, sinubukan ko na rin maglaro, gusto ko lang din naman kasi malaman anu ba ang thrill sa ganun.

Ibinaling ko na lang ang usapan sa mga taong dumadaan. Hindi ko hilig makihalubilo pero mas masaya akong nanonood. Mula sa may bintana ng McDo, naging libangan namin gawan ng script/kwento ang mga taong dumadaan. Andoon yung makikita mong sweet sila. May makikita ka ring taong hindi naman magkakilala pero nagkakatinginan. Hindi rin naman pahuhuli yung mukhang may tampuhan at eksenang habulan with matching "bitiwan mo ako!".

Kinalaunan masyado na akong naging kumportable. Alam ko nararamdaman niya pero mas ok na ako na meron akong confidante. Kinukwento ko na lang sa kanya na kung wala si Mark at libog ako kasi hindi ako sinipingan, kung saan naman ang bagung escapade ko. Kung hindi sa Wensha o sa bath house, minsan nakakarating pa ako ng Fairview Tungko o sa Pasay. 

"Eh Seth, kesa maghanap ka pa lagi ng ibang guys, paano kung ako na lang fubu mo? hehehe"

"Ha?" Saan naman nanggaling yun, sambit ko. "Tigilan mo nga ako, ligo lang yan!"

Hanggang dumating din ang araw na wala akong makita. Magdamag na akong online, hindi ako nakabooking sa PR. Pumasok na ako ng F at inumaga pero wala naman akong napala. Para na akong sex addict na kapag hindi ako nakaraos, hindi ako mapapakali. Hindi ako makakapag isip ng diretcho at magiging irritable lang ako.

"Nasaan ka ba?" text ko. "Saan naman tayu magkikita?"

Hindi naman ako nahirapang yayain siya. Wala pang tulog galing sa graveyard shift, pero pinaunlakan naman nya ako. Sa loob ng isang oras nagkita na kami sa Cainta at naghahanap ng kwarto sa paligid.

"Wala naman tayung makuha eh? Punuan na lahat. Mukhang hindi talaga meant to be." Biro ko.

"Meron pa akong alam, dun lang sa likod ng Tropical, hindi siya masyadong maganda pero malinis naman."

Totoo naman. 

Sa ilang sandali lang, 600 pesos poorer at may 12 hrs stay may kama na kami.

"Napagud ako kakalakad ah! Pahinga lang tayu muna sandali."

"Oh bakit nandiyan ka, dito ka na lang sa akin...."

Doon na dibdib nya ako pinaunan habang naka akbay siya sa akin... Hindi ako masyadong kumportable nung una kasi sadyang mas malaki ang katawan ko at sobrang payat niya, para tuloy akong umuunan sa buto? hehehe

Niyakap nya ako noon, at kahit wala siyang sinasabi, kahit alam nyang nakaw lang ang sandaling iyon, mararamdaman mo na ito ang yakap na ayaw ka na nyang pakawalan.

Kasing sabik din ang kanyang mga labi ng hinalikan nya ako. Hindi nagmamadali. Hindi masyadong agresibo. Andun yung ingat na ingat at tila nilalasap bawat pagtatagpo ng dila at mga labi na parang nanunuyo. Mahirap itanggi na hindi ito tulad ng ibang kasiping ko na para makaraos lang. Ngunit kahit anung sarap man ng yakap o halik, gusto ko pa rin naman malaman, anung mayroon pa?

Bumaba ang himas ng kamay ko at hindi naman ak nagsisi sa aking nakapa :)

Ang mga susunod na nangyari ang mas ikinagulat ko. 

Yung mga dating giling at haplos na madalas kong ginagamit sa iba, agad naman niyang tinapatan kung gaano katagal kaming nagtalik. Nahulaan niya agad saan ako mahina, na mas nasasarapan akong bumibilis saka babagal, at kapag inuuntiunti niyang ipasok saka isasagad.

Pilit ko mang iwasan na huwag tumingin sa kanya habang ginagawa namin iyon, ayaw din niyang bumitiw ng tingin. Masasabi kong pagkatapus noon, hahanap hanapin kong muli....

Minsan, kaysa maghanap nga ako ng iba, si David na lang ang yayayain ko.

Hindi ko alam kung nagtataka na rin ba si Mark, pero mula nung sinumbat niya sa akin na "parang obligasyon kitang kantutin ah?" ... hindi na ako naghintay. Noong minsang kumalabit siya at pumatong, wala pang sampung minuto yun. Ang sabi ko pa...

"Yun lang kaya mo? Tulog na ako ha gym pa ako bukas."

Mas lalo akong naging mapangahas at si David ang naging paborito ko. 

Naisip kong papuntahin siya sa condo namin ni Mark at doon namin gawin sa kama...


Sunday, November 10, 2013

David 1.2

Wala naman talaga akong balak maging seryoso. Naghahanap lang naman kasi ako ng kalaro. Maraming kalaro. Nakakapagud kasi kung laging iisa lang kalaro mo eh kung meron naman iba na may ibang style, ibang trip, ibang size, atbp. Pinasa lang sa akin si David kasi naghahanap ako ng iba pa.

Mula sa harapang pagtatanung ko kung siya ba yung tipong pwede kong maikama, naging mas friendly at personal ang naging sumunod na pag uusap namin. Ang cheesy man kung iisipin pero sa isang taong hindi ko pa naman nakikilala nang personal, alam ko na agad na paborito nya ang yellow. Mahilig din siya sa mga fish at polar bears. Maliliit na detalye na hindi naman agad na nalalaman ng isang bagong kakilala lang.

Tulad ng lahat ng pag-uusap, kailangan din namin magkita. Andun kasi yung pananabik na malaman mo kung ano ang hitsura nya, kung kasing saya ba niyang ikwento ang mga sinusulat nya, gusto mo makita sa mata sa ngiti nya kung totoo ba ang lahat. Wala naman akong masyadong inaasahan, sa totoo lang, sa paghahanap ko ng kalaro, nakatagpo ako ng kaibigan.

Nagkita kami sa Gateway. Sinadya kong magsuot ng dilaw kasi alam kong matutuwa siya. Hindi pa daw siya makapili noon kung anu ang isusuot kaya sasabihin na lang daw nya pag papunta na. Late siyang dumating. Ayaw ko pa naman sa lahat na pinaghihintay ako? Pero nung nagkita naman kami, natunaw naman ang galit ko.

"Hi"

"Ikaw na ba si David?"

"Yep, sorry natagalan, kanina ka pa ba?"

"Mejo, umikot na muna ako at naglaro sa arcade para malibang. Ngayun alam ko na bakit ka natagalan. Ang complicated ng hairdo mo eh?"

Imaginin mo na lang yung ducktail over ducktail over ducktail na parang nasa likod ng dinosaur. Maganda naman kaso hindi nga yata yun nakukuha ng isang oras lang sa effort ba? 

Natawa na lang siya sa comment ko. Ganun pala siya ngumiti. Mukha siyang mabait. Sobrang mabait na mukhang sobrang maselan kaunti lang pwedeng mabasag.

Simple at wholesome naman ang lakad namin. Magkasama kami buong araw, nanuod ng sine, kumain, coffee, kain ulit, at maraming kwentuhan. Ngayun niya itinanung ng detalyado yung mga napagusapan namin. Gusto nyang malaman kung totoo. Hinawakan nya kamay ko habang nanunuod kami. Payat ang daliri, tuyo ang balat, magaspang. Isa pa naman yun sa mga test ko noon. Kung sakto at comfortable ako sa kamay ng isang tao na parang hawak ko lang din yung isa kong kamay, baka sakali....

Gumagabi na, di ko naman itatanggi na enjoy akong kasama siya.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan at tawananan, tinanung nya ako:

"Single ka ba Seth?"

"Oo, bakit?" Ito ang unang harapang pagsisinungaling ko sa kanya ng harapan. Boyfriend ko pa noon si Mark. I just talk about him in the past tense sa ibang tao. hehehe 

Hindi ko makakalimutan ang tingin nya sa akin noon. Yung meron bang kislap sa mata. Yung mukhang nabuhayan ng loob na may pag asa. Ito yung makikita mong tingin sa isang tao na parang nahanap na nya kung ano ang gusto nya.

"Bakit mo naman naitanung?"

"... kasi alam mo, ngayung nakita na kita at lahat, kung meron lang talagang nagmamahal sa iyo, alam kong hindi mo na gagawin yang kung kani kanino ka na lang na lalake sumasama."

Gusto kong lamunin ng lupa nung mga oras na iyon.