Sunday, November 10, 2013

David 1.2

Wala naman talaga akong balak maging seryoso. Naghahanap lang naman kasi ako ng kalaro. Maraming kalaro. Nakakapagud kasi kung laging iisa lang kalaro mo eh kung meron naman iba na may ibang style, ibang trip, ibang size, atbp. Pinasa lang sa akin si David kasi naghahanap ako ng iba pa.

Mula sa harapang pagtatanung ko kung siya ba yung tipong pwede kong maikama, naging mas friendly at personal ang naging sumunod na pag uusap namin. Ang cheesy man kung iisipin pero sa isang taong hindi ko pa naman nakikilala nang personal, alam ko na agad na paborito nya ang yellow. Mahilig din siya sa mga fish at polar bears. Maliliit na detalye na hindi naman agad na nalalaman ng isang bagong kakilala lang.

Tulad ng lahat ng pag-uusap, kailangan din namin magkita. Andun kasi yung pananabik na malaman mo kung ano ang hitsura nya, kung kasing saya ba niyang ikwento ang mga sinusulat nya, gusto mo makita sa mata sa ngiti nya kung totoo ba ang lahat. Wala naman akong masyadong inaasahan, sa totoo lang, sa paghahanap ko ng kalaro, nakatagpo ako ng kaibigan.

Nagkita kami sa Gateway. Sinadya kong magsuot ng dilaw kasi alam kong matutuwa siya. Hindi pa daw siya makapili noon kung anu ang isusuot kaya sasabihin na lang daw nya pag papunta na. Late siyang dumating. Ayaw ko pa naman sa lahat na pinaghihintay ako? Pero nung nagkita naman kami, natunaw naman ang galit ko.

"Hi"

"Ikaw na ba si David?"

"Yep, sorry natagalan, kanina ka pa ba?"

"Mejo, umikot na muna ako at naglaro sa arcade para malibang. Ngayun alam ko na bakit ka natagalan. Ang complicated ng hairdo mo eh?"

Imaginin mo na lang yung ducktail over ducktail over ducktail na parang nasa likod ng dinosaur. Maganda naman kaso hindi nga yata yun nakukuha ng isang oras lang sa effort ba? 

Natawa na lang siya sa comment ko. Ganun pala siya ngumiti. Mukha siyang mabait. Sobrang mabait na mukhang sobrang maselan kaunti lang pwedeng mabasag.

Simple at wholesome naman ang lakad namin. Magkasama kami buong araw, nanuod ng sine, kumain, coffee, kain ulit, at maraming kwentuhan. Ngayun niya itinanung ng detalyado yung mga napagusapan namin. Gusto nyang malaman kung totoo. Hinawakan nya kamay ko habang nanunuod kami. Payat ang daliri, tuyo ang balat, magaspang. Isa pa naman yun sa mga test ko noon. Kung sakto at comfortable ako sa kamay ng isang tao na parang hawak ko lang din yung isa kong kamay, baka sakali....

Gumagabi na, di ko naman itatanggi na enjoy akong kasama siya.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan at tawananan, tinanung nya ako:

"Single ka ba Seth?"

"Oo, bakit?" Ito ang unang harapang pagsisinungaling ko sa kanya ng harapan. Boyfriend ko pa noon si Mark. I just talk about him in the past tense sa ibang tao. hehehe 

Hindi ko makakalimutan ang tingin nya sa akin noon. Yung meron bang kislap sa mata. Yung mukhang nabuhayan ng loob na may pag asa. Ito yung makikita mong tingin sa isang tao na parang nahanap na nya kung ano ang gusto nya.

"Bakit mo naman naitanung?"

"... kasi alam mo, ngayung nakita na kita at lahat, kung meron lang talagang nagmamahal sa iyo, alam kong hindi mo na gagawin yang kung kani kanino ka na lang na lalake sumasama."

Gusto kong lamunin ng lupa nung mga oras na iyon.

10 comments:

  1. I got major feels for this post :) It feels like a virginal experience haha. Hope to read more from you boss!

    ReplyDelete
  2. nice post. that is why if i would be unfaithful again, i think i would skip the let's get to know each other part entirely and just do the deed. tee hee

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah usually ganun naman ako, he just reacted a lot differently from what i expected

      Delete
  3. Replies
    1. yung mga initial posts ko eh all about mark halos. heartbroken pa ako noon at wala na akong outlet kaya i started blogging

      Delete
  4. aaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!

    okay intense ang reaction ko. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. mejo sorta some kindava like that lang teh heheheh

      Delete
  5. Bad boy ka talaga Seth. *hehe* Kaya tayo nagkakasundo eh. :3

    ReplyDelete