Tuesday, November 12, 2013

David 1.4

Hinintay ko munang makaalis na ng condo si Mark papasok ng trabaho. Ako pa tumawag ng taxi, nagbigay ng pamasahe, pinanuod ko pa siya papalayo. Pagkatapus, sinilip ko sa celfone tracker kung nasaan na siya matapus ang 30 minuto. Sigurado na ako. Kapag magkakalat ka nga naman kasi, matuto ka ding maglinis.

Di nagtagal at dumating din si David. Sinalubong ko pa siya sa gate upang hindi na masita ng guard. 

"Bisita ko po" na wari ay nagpapa alam.

Naligo at naglinis ako nang mabuti. *wink wink*

Nasa elevator pa lang kami, pinisil na niya ako sa likuran sabay kagat labi.

Pagkasara ng pinto, sinunggaban ko agad siya ng halik. Isa isang nagkalat sa sahig ang aming saplot.

Pinalitan ko na rin ang bedsheet bago pa siya dumating, ibabalik ko rin naman yung luma pagkatapos. Agad ko rin naman ipapalaba para siguradong walang bakas. 

Matapus ang dalawang oras, pareho kaming bumagsak at hinihingal...

"the best", sabi nya, napangiti na lang ako. Kung ayaw akong sipingan ni Mark, eh di hahanap ako ng may gusto? Simple di ba. Walang sapilitan. Walang obligasyon.

Ni minsan sa text o tuwing nagkikita kami na sinabi namin na "mahal" namin ang bawat isa. Alam namin ang ginagawa namin sa mga nakaw na sandaling iyon. Hindi ko rin naman siya pinipigilan kapag sumama siya sa iba? Kapag hindi rin naman siya pwede, marami din akong pagpipilian.

Sa kahit anung laro, hindi pwedeng matatapus ito na walang natatalo. 

"Bakit ba hindi mo na lang iwan si Mark, maging tayu na lang?"

Bakit nga ba hindi? Eh di sana wala na akong problema tuwing nag iinit ako at sigurado pa akong sulit na sulit.

"Alam mo kasi, masaya kang kasama, masaya kang kasiping, pero paano mo ako ipapakilala sa mga tao sa paligid? Sinasadya mo man o hindi, wala akong kilalang ibang tao sa buhay mo? Tuwing pinapagkwento kita, laging college friend, highschool friend, wavemate, org friend. Wala ba silang pangalan puro common noun? Saka minsan tinatanung kita saan ka, sasagutin mo akong "anjan lang sa paligid". Paano ko malalaman na hindi mo rin ako lolokohin, na hindi mo rin ako iiwan, na anjan ka palagi kung kailangan kita.... na mapapagkatiwalaan kita?"

"...siguro nga, hindi pa ako handang makilala mo nang lubos, baka kasi pag nalaman mo ang lahat, hindi mo na ako magustuhan..."

Hindi na namin iyon pinagusapan pa. Lumipas ang mga araw, kamustahan lang sa text. Magiliw pa rin, walang "miss na kita".

Wala naman nagbago sa sitwasyon namin. Nilibang ko na sarili ko. Umabot din ng ilang buwan na hindi kaming naulit magkita. Kahit anung kamusta o paanyaya ko, hindi rin naman siya nagpakita sa akin.

Dumating din ang isang araw na nagkahulihan na rin kami ni Mark na nagkakalokohan kami. Mismong gabing iyon, pinahakot lahat ng gamit ko sa condo at binawalan na akong matulog doon. Habang nag aalsabalutan ako, sumusulat pa siya ng memorandum ng pagbabawal ng pagpasok ko sa compound. 

Isang sampal sa mukha nyang malaman na nakipag sex ako ilang araw bago ang birthday niya. Hindi ko siya binati. Hindi ko pinaghanda. Wala siyang mapapala sa akin mula noong huling taon na binaboy nya ang regalo ko

Ang hirap pala ano? 

Kapag sinampal mo ang isang tao, akala mo masasaktan mo siya, pero hindi mo pala kayang gawin iyon na hindi rin mamumula sa sakit ang palad mo.

Lumipas ang galit, napalitan ng awa at pagsisisi.

Halos gabi gabi na akong umiiyak. Bakit? Hindi ba dapat mas masaya na ako at mas malaya ko na magagawa ang gusto ko na hindi nagtatago?

Kailangan ko ng kausap. Pinaunlakan ng mga kaibigan ko na gusto ko silang makita at makausap... nagpakita din sa akin si David.

Hindi naman siya late ngayun. Nakinig naman siya. Pero kakaiba sa mga taong nakausap ko, tila nakangiti siya sa kanyang naririnig.

"Oh eh di ok na?" sabi niya.

"Ha? Anung ok dun?"

"Single ka na ulit. Tulad nung sabi mo noon. At least ngayun confirmed na di ba?"

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

6 comments:

  1. I love this story Seth. Alam mong may aral... *sigh*

    Meron pa bang 1.5? :P

    ReplyDelete
  2. "Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko" those words six words that keep us awake at night thinking.. Nice :)

    ReplyDelete
  3. Ugh. Di ko makakalimutan ang mga backposts mo. :/ tuwing naiisip ko, bakit nga ba ang tao inclined gumawa ng isang bagay na alam naman nilang mali? Di ako nagmamalinis. Nagkamali rin ako pero ipinagtataka ko talaga ang bagay na un

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makbagbag damdamin ba? LOL Ganun ako kalungkot noon... Kaya napaka "raw and vulnerable" ko daw sa mga posts ko

      Delete