Thursday, March 10, 2011

Freewheeling



Hindi na umabot ng end of March ang aking chastity belt.


Kamakailan lamang, nagka boyfriend na ako.


I know I know I know. Ako pa maysabi kilalanin mabuti etc etc etc.


Gusto ko siya. Hindi pa kami masyadong magkakilala pero darating din kami doon.


Yung mga importanteng bagay na gusto ko, sang ayon din siya. Magkasundo kami.


Pero bakit ??????


Ito na siguro ang isa sa pinaka spontaneous na ginawa ko! 


Wala akong hinintay na sign. Hindi ako masyadong kumilatis. Hindi ko masyadong sinuri.


Pinakiramdaman ko lang.


Gusto ko siya. Malinis ang hangarin niya sa akin. Handa akong ibigay muli ang sarili ko.


Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ako titiklop.


"Dominant ako" sabi niya, ok lang ba yun? Hmmm... depende. Kung walang conflict naman sa mga bagay na gusto kong gawin, at hindi naman makakasama, bakit hindi? Kaya ko din naman maging submissive... LOL Pucha sa laki ng katawan kong ito? (in two weeks time nag gain ako ng 4 lbs muscle!)


Iniisip ko pa ang cute name ko para sa kanya. Hehehe


Magkasabay kami halos palagi sa gym. Napapansin ko din naman pinapanuod niya ako. Behave naman ako talaga ^^ Nag eenjoy lang ako sa GX classes hehehe


Sana ingatan niya ako, tulad ng pag iingat ko sa sarili ko...


Kung hindi. Lagot siya. LOL

Friday, March 4, 2011

Princess


Hindi na naman ako makatulog!?


Kapag wala akong maisip na isulat, naghahanap ako ng ideas galing sa ibang bloggers.


Example, sa entry ni Trey, ikinuwento niya kung gaano siya naaasiwa sa mga "effem" lalo na kapag may sexual advances sa kanya, pero sadyang hindi lang talaga niya type ang mga ganun. Malinaw naman ang dahilan niya:


"Ayoko sa effem hindi dahil sa kinamumuhian ko sila. Ayoko sa kanila dahil hindi sila ang gusto ko na ka-sex. Nothing more, nothing less. If they want my friendship, I would not deny it from them. However, the moment I would feel that there is something sexual in the intention of friendship, I might bring up my defenses to settle things right.


I think people must learn where to place themselves in the life spectrum and must also learn to respect the choices people make for themselves. Doing this would eliminate collision of principles and therefore foster harmonious relationship. Moreover, if ever someone tries to cross the line, he must be prepared to whatever consequences of his actions. Revenge or retaliation is not a rational solution."


Pero given a similar situation, iba naman ang magiging reaction ni Cio:


"Boss,


Kung ako sayo pinadugo ko yang tarantadong effem na 'yan. Para may napag-praktisan ako ng pagba-boxing ko. Bohaha. Bakit ano ba mukha nya, may foundation/face powder ng babae? Ganun ba dapat ang lalaki? Kailan pa naging issue ang katawang binabagayan ng mukha?


PUTANG-INANG mga effem 'to, kung makapanglait 'kala mo kung sino. 'Yung iba sa kanila ganyan, bitter, 'kala mo kung sino, kung maka-kembot naman ay daig pa malanding babae.


Manong umayos at tanggapin na lang ang opinyon ng iba.


Cio"


Scary! Pero yun nga ang turn on kaya lalo ko siyang crush na crush? LOL. Deads na deads nga kasi ako sa mga morenong kalbo na mukhang nambubugbog.


Si Pilyo naman, sumulat tungkol sa "market value".


So Seth anu ang moral lesson dito?


Alamin mo kung sinu ang iyong target market!


Siguro, pagkukulang na lang din ng nakararaming "effem" eh halos lahat na lang siguro ng guys na type nila, susunggaban agad? Sa Nursing, natutunan kong lahat  ng tao ay may personal circles. Ito yung imaginary circles of boundaries ng bawat tao, na habang mas nagiging comfortable tayu o familiar sa isang tao, saka lang natin sila hinahayaang makalapit sa atin. Dapat din siguro silang matutong bumasa ng body language para matantiya naman din nila kung interesado ba o hindi yung ina-aurahan nila para di rin sila maging instant punching bag?


Pag nakita mo ako in person, hindi naman ako "effem", sa pictures lang talaga. Kasalanan ko bang singkit (chinita PAKKK !!!), maputi at makinis ako? (PAKKK pa ulit !!!) Hindi na bago sa akin ang rejection lalo na sa online profiles at chat. Hindi nga raw kasi ako mukhang astigin. Ang hanap nila yung: manly, discreet, walang bahid, tropa tropa etc etc etc, mga adjectives na kahit kelan not applicable sa akin.


Top guys... Hmmm... They're not as tough as they think? I can just be as athletic as they are. I can do 2-3 hours of cardio a day 4x a week. If they have any negative attitudes towards bottoms, they should just remember : You come in hard, you leave limp. Ching! Ako na ang bottom empowering.


I don't need to pay to play, unlike sa ideas ng previous generation na binabayaran ang straight guys for sex and companionship. Dahil alam ko ang target market ko,   I can actually get away looking girly and acting girly if I feel like it ... and I get to be treated like... a princess.




*insert earthquake / tsunami / nuclear explosion sound here*


Halos 80% ng mga beckie friends ko ay top, at sa isang barkada ko sa Cainta, ako lang ang nag iisang bottom. Ako ng prinsesa nila (LOL) at alam din nilang matinik ako dumiskarte, hindi lang halata.


May market ang effem! Take Basti for example sa batchmate niyang si Rafael


"Then, I saw Rafael, who has been my crush since first year med school. Well, Rafael is...um...flamboyantly effeminate (yes, that's how effeminate he is). He fixes his hair like a girl, makes beso with his girl friends, and starts or ends his sentences with "...teh!" But Rafael is very cute, and that gives him the 1000+  male friends with half-naked profile pictures in facebook. Anyway, he looks cuter this time wearing a beret, a vest over a shirt, a pair of shorts and chucks. My dirty corner was at the back of his seat. I sat down on the floor to continue making the top hats of the New York girls, and occasionally stole glances of Rafael."


Sa totoo lang, ayaw lang aminin ng iba na gusto nila ng effem. Ang idea kasi ng nakararami, ang effem ay yung loud/ cross dressing/ parlorista at nahihiya sila na makita in public na ganito ang kasama dahil ayaw nilang, ehem, mahalata. Eh sinu pa ba naman ang di pa bakla sa Manila? Kung meron sigurong beckie-specific killer virus na kakalat sa Gateway at Trinoma, mauubos ang mga tao doon?


Nag survey ako sa mga kaibigan ko kung anung klaseng bottom ang hanap nila.


Paul : "Ang gusto ko yung soft lang din ang features niya. Ayaw ko naman na isa pang mukhang brusko... saka someone who's in touch with his feminine side. Ang gusto ko rin kasi yung marunong maglambing."


Matt : "Gusto ko yung maamo yung mukha, parang inosente, mejo mahinhin para naman ako yung tipong sasandalan niya... parang super hero ba? Lahat naman siguro ng top guys may pagka feeling super hero yung pakiramdam mo kailangan ka niya na maging matapang. Kung pareho kaming maton, baka kaming dalawa pa magsuntukan eh di rin naman maganda yun?".


Mike : "Ok lang naman sa akin yung malambot kumilos basta wag lang makembot at mapilantik ang daliri saka yung sobrang ingay na parang nasa palengke."


Alfred: "... miss na kita, iba kasi pa rin kasi lalo na yung wifey na dating mo di ko makalimutan na pinagplantsa moko ng uniporme ko nun (papasok kasi siya ng office, sa kanila ako nakitulog) sobrang thoughtful at sweet."






Conclusion: Tough guys dig effem. Nasa pagdadala na lang din siguro at sa personality. Hindi nga naman kasi tama na daanin sa panlalait o insulto pag di mo nakukuha ang gusto mo? Kahit anu pa ang hitsura, kung pangit naman ang ugali, wala din taong magtitiyaga sa iyo.

Thursday, March 3, 2011

Becks Beware


This is never going near my crotch.



Umay much.

Meron akong alam...Hindi ko sasabihin...Kahit ako'y pilitin hindi ako aamin (?)



Scenario : May kaibigan kang couple, pero mas close ka doon sa isa (B1). Maayus naman ang trato sa iyo ni B2. Alam mong lingid sa kaalaman ni B2, may ginagawang kalokohan si B1...




Tanong : Ano gagawin mo?




Ayaw ko masira pagkakaibigan namin ni B1. Ayaw ko din naman masira relasyon nila ni B2. Pero ako ang nasasaktan para kay B2 dahil dumaan din ako sa ganun...

Wednesday, March 2, 2011

Good day everyone ^^



8-month-old boy laughing hysterically while at-home daddy rips up a job rejection letter.

Find laughter and happiness even in the most unexpected moments!

Why are you single? By Amy Spencer

If you’re single, I’m sure you’ve asked yourself more than once: “Why me?” As for the answer, chances are your friends and family may have been more than, ahem, generous in offering their opinions, and I’ll bet that little voice in your head has had a say, too. But before you find fault in what you’re doing on the dating scene, take a look at what you’re thinking. You may simply be suffering from a slight spell of dating pessimism. 

I look at dating this way: sometimes it’s not about what actually happens on dates; rather, it’s your explanation of what happened that makes all the difference in your attitude about love, your dating style, and the energy you’re radiating in the presence of your matches. It’s a theory that Martin Seligman, Ph.D., the father of positive psychology and author of Authentic Happiness calls your “explanatory style.” He says that pessimists explain their problems as pervasive (“No one likes me”), permanent (“I’ll be alone forever”) and personal (“I’m not gorgeous enough”). But you’re far more likely to land in a great relationship if you’re an optimist, which means it’s time to start looking at your negative dating experiences as “atypical,” “temporary” and “not about me.” 

Here, for example, are some of the most common (and frustrating) reasons that people believe they aren’t going to find someone to date. If you’ve ever said any of the statements below, I’ll help you pep-talk yourself through the pessimism and remind you of qualities to focus on instead in order to prepare yourself for a successful relationship.


“Nobody is looking for someone like me.” This is a “pervasive” way to look at your situation, declaring that your single status is both far-reaching and without exceptions. But look at what you’re really saying: nobody is looking for someone like you. That is just plain wrong! Take the “specific” point of view instead: for whatever reason, the last few failed dates you had were, indeed, looking for someone different — but so were you! You want someone who loves and appreciates your unique qualities and one-of-a-kind laugh, right? Then keep your eyes peeled for that person. You two just haven’t met yet. 

“I’m cursed. I’ll never meet anyone.” This your way of thinking of your current single status as “permanent” — and it’s obviously not true. You meet lots of new people all the time. You just haven’t met anyone lately that inspired romantic feelings in you, which is more common than you think. As a dating optimist, look at your permanent “table for one” reservation as a “temporary” seat at the bar instead. From now on, tell yourself the truth: “I haven’t met anyone I like yet, but I will.” 

“I’m not attractive/smart/rich/young/hot enough.” Here’s what’s wrong with this reasoning: You’re taking the opinions of strangers too personally. I don’t blame you — it certainly feels personal because it’s not your résumé or pencil drawing that someone is rejecting; that someone is rejecting you. But if someone doesn’t want to date you, it’s not about you personally, it’s about the connection (or lack thereof). I’ll say that again because it’s important: It’s not about you, it’s about the fact that you don’t share a romantic connection with this particular person. You might be face to face with someone who has all the qualities you want in a partner on paper — smart, funny, attractive, driven, comes from a good family — but no matter how many matches you strike, you can’t seem to fire up that crucial spark that sets your hearts aflame. That’s all the proof you need to know it’s not about you; the right partner will be just as into you, too. Forget about what people might think of you and focus on the connection you feel instead. 

“Men/Women just don’t like people as _________ as me.” Yes, they do! Let me ask you this: Do you have a friend? Does one human being out there enjoy spending time with you? Then people do like you — you just haven’t made that specific romantic connection with anyone… yet. 

“I’m better at being single. I guess I’m just supposed to stay single forever.” Just because one failed relationship brought you down doesn’t mean you’re meant to be alone for life. You’re allowed to be “good” at being single — i.e. you enjoy time alone, you fly through your to-do lists and you can handle being dateless at a wedding. Your single status is only “permanent” if you choose to keep it that way! Whatever is making you feel bad about yourself is temporary — it’sone person (or maybe it’s a string of them) who can’t make the connection with your fabulous self, not the whole human race. You’re currently single because you haven’t found a specific person you want to settle down with who loves you completely. That’s the real reason you’re single. But if you want a relationship (because you can be good at that, too!), decide right now that you’re meant to be in one and watch the dating world flock to you and your aura of optimism. 

Amy Spencer writes for Glamour, Real Simple, and New York magazine, among other publications, and is the author ofMeeting Your Half-Orange: An Utterly Upbeat Guide to Using Dating Optimism to Find Your Perfect Match.

source: http://yahoo.match.com/y/article.aspx?articleid=11657&TrackingID=526103&BannerID=729571

Tuesday, March 1, 2011

Bakit dapat ako maging masaya

Hindi ako makatulog. 2 AM na. Sinasanay ko pa naman din ang katawan ko na tulog na ako ng 12mn at gigising ako ng 7am.


Inaantok na ako, pero hindi matahimik ang utak ko.


March na.


Anu ba ang special sa March?


Una sa lahat, dapat nga mamamasyal kami ng kaibigan ko papuntang Singapore at Bangkok. Nakabili na kami ng ticket at lahat, ilang linggo ko din pinag aralan at pinag planuhan saan kami pupunta at saan tutuloy, anu mga dapat gawin, pwedeng bilhin at masarap kainin... Ngunit hindi ko makukuha ang passport ko on time? Hindi ako makaka alis... Kaysa masayang ang ticket, ililipat ko na lang sa ibang tao, sa ate niya. Inggit na inggit ako, gustung gusto ko talagang makapasyal! Kaya nga ako nag ipun at nagtrabaho nung December para lang dito... *sigh*


Meron naman pakunswelo, makakapunta pa rin naman kami ng Boracay at Puerto Princesa. Hindi ko kailangan ng passport. Beach ready na din ang katawan ko! (harhar) Di yata ako nagmimintis sa pagpunta ng gym at ingat sa diet at lahat.


Pagdating ng April, lilipat na rin ako doon sa bagung condo. Ibinili kaming magkakapatid ni Mama. Para hindi na daw ako magbabayad ng rent, at yung mga kapatid kong pumapasok ng college, kapag pagud na sila umuwi ng Cainta, ang condo ang mas malapit.


Dapat masaya na ako.


Natutunan ko na din naman mahalin yung kwarto ko sa Cubao. Sobrang lapit ko lang sa EDSA pero di ko masyadong dinig ang ingay ng mga sasakyan. Madaling sumakay ng bus o tren. Lagi din may dumadaang mga taxi. Pero ok na din yung may sarili akong bahay...


Bahay ko. Ako pumirma sa kontrata. Akin. Wala na taong pwedeng magpalayas sa akin ulit. Kahit kailan. Bahay ko na ito. Bagung tambayan ko ngayun ang mga home section sa mall at hardware stores. Ako namimili ng lahat ng gagamitin sa bahay! Bawat kwarto dapat may theme ^^ Maglalagay din ako ng mga halaman.


Dapat masaya na ako.


May nagtanung na sa akin, magdadala pa rin daw ba ako ng lalake sa bagung bahay ko? Hinde. Bawal.


Condo naman yun. Maraming kapitbahay. Pwede naman ako kumatok na lang at style kunwari humingi ng malunggay o talbos. Toink!


Behaved pa rin ako. Pramis!


Bukod sa pagpaplanu ng aming Asian tour at Bora-Palawan, inaasikaso ko din yung requirements ko para sa Graduate School. Gusto kong makapasok sa UP Manila. Ang target ko, mag aaral ako at magtatrabaho nang mabuti, at makakapasok ako sa WHO o kaya UN. Mamamasyal lang ako sa ibang bansa, pero dito ko gustong tumira.


Gusto ko ito. Kakayanin ko. Dapat masaya ako.


Magkakaroon din ako ng bagung gadgets! Second hand lang naman lagi ang binibili ko basta in good condition. Kakailanganin ko ng iPod dahil nag-aaral din ako ng Mandarin, at para may sariling music na din ako sa gym. Ibibigay din sa akin ng presyong kaibigan yung Sony Ericsson na Satio kaya makikiuso na din ako sa touchscreen phones at pinakalove ko sa lahat yung 12MP camera para sobrang ganda at linaw na ng mga pictures ko.




Gustung gusto ko ang mga yun. Dapat masaya ako.


Marami din sa mga kaibigan ko bumalik, nakipag ayus, nag uusap na kami ulit. Mabubuo na ulit ang barkada. Kulitan at baklaan galore!


Namiss ko yung mga ganun. Dapat masaya ako.


March 29, 2010 sumama ako sa isang guy na nakilala ko lang sa spa. The sex was awesome.


March 31, 2010 birthday ni Mark. Hindi ko siya binigyan ng regalo. Hindi ko rin siya binati. Pinangakuan niya ako mamamasyal dapat kami sa Bangkok, ilang buwan na ako nag iipon, hindi niya binigay ang passport niya sa akin para iparenew. Hindi yata siya sincere? Yun pa naman ang inasahan ko, matapus ko siyang mahuli sa celfone na may common guy kami. Pinaasa na naman ako.


April 3, 2010. Nahuli niya ako sa chat na kausap yung guy na nakasex ko. Nag break kami, pinalayas ako.


...


...


...


...


...


...




Pero last year pa lahat nang yun hindi ba? Marami na naman nangyaring maganda at maari pang pwedeng mangyari sa akin ngayung taon.


Dapat masaya ako.


Hindi naman ako naghahanap ng kapalit... May mga nakikilala naman ako? May nagkakagusto naman sa akin? Pero hindi ako nagmamadali.


Nalulungkot pa rin ako minsan. May araw na walang text, walang tawag, walang comment sa Facebook o blog, wala din message sa chat? Pakiramdam ko tuloy noon, walang naghahanap sa akin. Invisible ako. Kung mawala ako ng araw na iyon, walang makakapansin.


Pero alam mo? Hindi ako nagtatagal sa ganung pag iisip. Malungkot kaunti, iiyak. Saka ko sasabakan ng sayaw.






Ito ang bagung production number ng mga barkada kong becks. ^^


Lahat ng tao, nakangiti ako. Kaya maraming natutuwa sa akin. Blooming nga daw ako sabi ng mga friends ko pati sa gym. Kung meron daw ba akong inspiration? Hmmm.... tao? Wala. hehehe


Marami akong nababasa sa ibang blog na unrequited love, o kaya naman tampuhan o away, o yung self pity ba dahil sa pagiging single? Yan siguro yung isang bagay na hindi ako makikiuso ^^


Darating din siguro ang araw makikilala ko din siya. Magkakaroon din ako ng "BaaBaa / Sidekick / Kid / Dingding / BFF / Leo" ( hihi oo na chismoso na ako )


Maraming bagay na di ko kayang kontrolin. Hindi rin naman lahat ng bagay kaya kong ayusin. Pero sa kabila ng lahat, dapat maging masayahin ako. 


Kung sino man siya... siguro, hindi pa rin kasi siya ganun kasaya, kasi hindi pa niya ako nakikilala ^^


At pag nangyari yon,


marami kaming lugar na papasyalan


kukulangin ang 8gb sa dami ng kanta namin


marami din kaming magiging pictures (at vid? hmmmm....)


Kaya andito lang muna ako. Iniingatan sarili, nagpaplano. Nag iipon ng masasayang kwento. Marami na din akong pinapraktis na kakantahin ko para sa iyo! Hindi ako nagmamadali, alam ko, darating ka kung kailan di ko inaasahan.


Pero sa ngayun, dapat ako maging masaya.