Friday, June 17, 2011

Seth is Happy

Hindi rin naman ako inaantok agad pagkauwi ko kaya mabuti pang magsulat na lang di ba? hehehe


Excited na ako para sa weekend. Isang pasok na lang, may dalawang araw na naman akong pahinga. Excited na ulit akong matulog sa gabi, at manunuod ako ng Green Lantern gamit yung Sodexho GC na napanalunan ko nung isang araw! Magkikita na naman kami ng mga kaibigan ko at kahit inuubo pa rin ako hanggang ngayun, hindi naman ako mapipigilang tumawa nang malakas.


Magkakahiwa hiwalay na kami ng team mates ko. Mamayang gabi, endorsement na sa kanya kanyang TL namin. Buti na lang. May trabaho pa pala ako sa mga susunod na tatlong buwan para magperform na kaya ko nga ang sales. hehehe. Mejo natatambakan kasi ako ng quota? Kanina pa, may retraining na naman kami, kaya ang dating $200/day magiging $350 na. Goodluck naman sa akin. Sayang lang at di ko na makakasabay maglunch yung team mates kong girls. hihi. Masarap kasi chismisan over lunch.


Sa totoo lang, earlier this week hindi naman ako ganun kasaya. Bakit? Hinintay ko kasi ang sweldo at umaasa nga ako na may lalabis akong 10k na ipambibili ko ng ref. Dahil sa verbal agreement lang at walang documentation, pagdating ng araw ng sweldo, 3k lang ang nakuha namin kasi prorated na. Hayz.


Hindi na bale. Basta may trabaho pa ako. Huhusayan ko na lang ngayung June. Wala na dapat issue at makukuha ko dapat nang buo this time. 


Nagsisimula na rin akong makilala sa office. In a good way. Hindi tulad ng dati, may reputation akong magmaldita at tumabla ng admin pag pakiramdam ko wala sila sa lugar. Wala talaga akong pinipili. Sa bago kong company, wala akong ginawa kung hindi ngumit, kumain, tumawa. Kaya kahit minsan walang benta, pagud, inaantok, magaan pa rin pakiramdam. Sabi nga ng isang team lead, lagi daw maaliwalas mukha ko. Di mo ako halos makikitang nagsisimangot :)


Marami nga nakakapansin, pati yung waiter sa concessionaire LOL Basta umorder ako, special ang aking pagkain LOL Minocrowave at sineserve agad. May kaunti pang lambing. LOL 


Pero ang pinaka nagpasaya sa akin ngayung linggo eh nung nagbukas nga ako ng email kahapon. Di ko naman usually binubuksan ang inbox nitong blog? Nababasa ko naman ang comments eh? May nag email, nagpadala ng FB. Ooook, o tapus?


Sumagot naman din agad ang sender. Follower ko daw siya. Curious sa akin. Gusto daw akong makilala. Errrr..... Oook *kilig*


Tulog na dapat ako ng 11am pero nagpapalitan kasi kami ng emails at ayaw ko pa siyang i-add sa FB dahil secret identity nga ako di ba? LOL


Hmmmm..... niyaya niya akong mag date. Whoah. Bago yun ah? Di ako sanay. Pero mukha naman siyang sincere. Siguro. Gusto nga raw niya akong samahan sa Enchanted... hehehe Saka na siguro pag comfortable na kami sa isa't isa.


Binigay na niya halos lahat ng contact info niya, pero sadyang Mariah Clarey ang drama ng lola niyo. 


Siguro makikipagkita rin ako sa kanya. Sasabihin ko rin siguro tunay kong pangalan.


Pag medyo palagay na loob ko, sabi ko mag breakfast kami minsan. Once a month kasi, kumakain ako ng breakfast sa hotel. Para special lang? Di na nga ako kumakain sa oras at wala naghahanda sa akin so at least once a month eh medyo sosy naman di ba? hehehe


Naalala ko tuloy yung paborito kong sinulat ni Alter. 


Maybe that morning will come ^^



4 comments:

  1. Everyone deserves to be happy, Seth. Go, date lang naman yan eh :) Make sure he pays for the bill! hahahaha :)

    ReplyDelete
  2. Haha! Di naman ako ganun ^^ I always split the bill

    ReplyDelete
  3. Eeeeeeeee. Punong puno ah! Enjoy your weekend!

    ReplyDelete
  4. Eto ba yun? Dating since 2011?

    ReplyDelete