Sunday, June 12, 2011

Recovery

Ilang linggo din akong maysakit at sa wakas eh mejo nakakabawi na rin. Ubo na lang ang natitira kasi kahit gusto kong tumahimik at lahat, kasama sa trabaho ko ang magsalita, boses ang puhunan kumbaga.


Pumayat ako ng bonggang bongga. As in kumakasya na ako ulit sa 29 na pants ko at nagkita na ulit kami ng aking cheekbones at clavicle. Pero, hindi ako natutuwa sa totoo lang. Payat nga ako pero mahina naman? Ilang weeks din akong natigil mag gym kaya ambilis ko na naman hingalin? Lumambot na din ang braso ko tuloy. Lech.


Inisip ko ang dahilan bakit nga ba ako nagkasakit. Sa totoo lang, ayaw ko nga magkakasakit kasi: una, magastos; pangalawa, wala naman mag aalaga sa akin; pangatlo, ako pa rin ang bahala sa lahat. Babangun ka para bumili ng pagkain at gamot. Walang magpupunas sa iyo, maligo ka mag isa.  


*sigh sniff sniff*

Siguro, kahit napakastable naman ng aking shift, hindi talaga kasi ako nakakatulog dito sa condo. Hindi naman sa naninibago ako, nung March pa ako nandito di ba? Sinisi ko na tuloy pati mga evil spirits kaya hindi ako matahimik. Pakiramdam ko na naman kinukuha na naman ako ng mga dwende kaya di ako antukin at baka pagkagising ko nasa ibang daigdig na ako bilang kanilang prinsesa. Ching!

Pero nitong June, gawa ng pasukan, andami na lalong sasakyang dumadaan hindi na ako makatulog sa ingay. Makakatulog ako ng 7am para lang maalimpungatan ng 10am at mahihirapan na ulit akong makaidlip. Naglagay nako ng bulak sa tainga, uminom nako ng gatas, naligo na ako at nagbasa ng paa, nilagyan ko pa ng pillow mist (o di ba sushal) ang kama ko para ako antukin.

Wit effect !!!!

Dahil katabi lang ng condo ang Aurora blvd para tuloy akong nakatira lang sa kariton sa gilid ng kalsada. Ganun kaingay kahit isara ko pa ang bintana. 

NKKLK !!!

Problema ko pa ang sobrang liwanag. Masyado na maliwanag. Eh wala pa akong sabitan ng kurtina? Tingnan nyo naman ang naging solution ko:



O di ba. Sagabal. LOL. Pero temporary lang naman kasi. Next week, papasok na ang unang commission ko kaya may budget na ako talaga. May pambili na rin ako ng ref sa wakas !!!

Hayun... kaya siguro ako nagkasakit kasi di ako nakakapahinga at humina nang husto katawan ko. Ikaw ba naman ang magkaroon ng singaw na kasinlaki ng puncher hole sa upper lip at nahawa pa yung lower lip, saka pa dumagdag yung sore throat kaya mahirap lumunok.

Talaga naman. Sinu nga ba ang di papayat eh wala ka na gana kumain o uminom?

Pero matapus yung reseta sa akin sa St Lukes, mejo nakabawi na naman ako kahit papaano. Pahinga na lang talaga. Pero namimiss ko na nga ang sex.

SOBRA.

Pero behave behave muna. Pipilitin.... Sana? hahahaha

Salamat nga rin pala sa mga nagbabasa ^^ Natutuwa naman ako kahit di na ako kasing dalas mag update eh may mga nagbabasa pa rin? Nagugulat nga ako mababa pa ang 100 views/day ngayun at may mga nagbabackread!

Susubukan kong ituloy at tapusin yung mga nabitin na kwento ^^

5 comments:

  1. Atleast okay ka na.. Naalala ko yung last post mo, nakuha mo pang lumandi sa kalagayan mo.. mabenta ka nga, and good luck sa ReF> Ako TV muna, wala na kasi dad ko bigay ng pera.. heheheheh

    ReplyDelete
  2. ingats lagi! hope you recover fast.

    ReplyDelete
  3. kawawa ka naman!pagaling ka ng mabuti hehe mahirap talaga magkasakit!

    at saka lipat ka nalng ng bahay jusko naman mahirap yun di ka makatulog sa ingay noh!

    ReplyDelete
  4. hi seth.. must admit i got curious with your blog when I saw your profile.. 'power bottom'! hehe naging maniac ako bigla! hahahaha then I got hooked and backtracked all your entries :) may pinanggalingan ka naman pala.. para ka lang si magneto, kung bakit naging bad sya (may connection ang point ko! hehehehe)

    and guess what?? I have the same birthdate as your Mark! hahaha na shock ako, psychic connect kaya?? :p probably mark would be older, i would like to believe

    get well soon, seth ^_^

    ReplyDelete
  5. At isa ako sa mga nagbabackread. Sinimulan ko sa simula and I still have 2 Years worth of blogposts to go. :))

    ReplyDelete