Saturday, June 25, 2011

Monday, June 20, 2011

Love the Fall




So what if I dive off the edge of my life
And there’s nothing beneath?
What if i live like there’s nothing to lose
Just to die on my knees?
At least I’ll know
I walked the dark
I took the scars
I risked it all
And learned to love the fall

Tiddy Burr (Part 2 - End)

"Well, nakapag-usap na rin kami ni M*****. He’s single and I’m single, why not diba? Hehe. At least nagmeet na kami, once nga lang. I’m not sure kung magtutuloy-tuloy, mailap nga lang kasi s’ya. Hindi daw kasi s’ya mahilig mag-text. E communication ang pinaka-ayaw ko mawala sa isang relationship. Anyway, I’m not expecting much, baka makahanap talaga ako ng taong magmamahal sa’kin. It’s a small world ha. Atsaka, ayaw ko ng tsismis. What we have talked about will remain between us only. Ok?" 


- Tiddy Burr


This is the last email I received from him today. In as much as I would want to post the entire transcript of our email convo in order to remain fully objective, I will not do so (pero of course ispluk pa rin ako kahit konti? hihihi).

Bottom line: I realized early on that it's not going to work.

TB: "Hindi naman importante kung ano ang meron tayo sa past natin. Ang mahalaga is to start new together and create our future."

>> I would have to disagree. Uungkatin ko ito, magtatanung ako, aalamin ko saang lupalop ka nanggaling. Ang gusto ko kasi kilalang kilala ko yung tao at pwede kitang mapagkatiwalaan. Isa pa, may mga taong may "trend" ang relationships, ayaw ko naman sumabit sa ganoon. Minsan kasi, napakapredictable ng mangyayari, para ka lang nasa kalagitnaan ng sine at nahulaan mo na ang ending, ayaw mo lang tumayo at umuwi kasi baka sakali mali ang hula mo at di sayang ang ticket. (Segway : Aliw na aliw ako sa Green Lantern!!!!!!!)

TB: "Anyway, ask ko lang po, hindi ka naman babaeng-babae kumilos? Hehe."

>> Ayyy ayyy... di naman masyado dude pare tol pre? Pakitaan ko nga itey ng triceps. Ching!

TB: "Tanggap ko naman kung ano man ang nangyari sa’yo before. Hindi lang talaga ako mahilig sa drama. Ayoko naman na dahil nabasa ko lahat, kaya kita gusto dahil naaawa ako sa’yo. Kung iniisip mo naman kung mangyayari ulit ‘yung ginawa sa’yo ng mga ex-BF mo, I’ll make sure na I’ll be different. Ayoko rin magpromise. Mas maganda kasi kung ipapakita ko at ipaparamdam ko sa’yo"

>> Oo na. Madrama ako. Pero dun sa mga taong talagang nagbasa like Mr. Hush Hush, maintindihan nila saan ako nanggaling... kung sino ako dati? You have to know all the drama before we start sharing laughs and orgasms later on. Ching!






Me: Di rin :) Di mo yata nabasa sinulat ko kanina, pag ok tayo, I'll meet you before your birthday, yung breakfast date natin

TB: Naku, totoo ba ‘yun? Hehe. Bago pa mag-August? Hmm. Tagal naman. Hehe. Sana lang single pa ko. Hehe.

BIG BIG BIG red flag.

It only tells me one thing, he is ACTIVELY looking. I guess that's fine naman? Pero kasi parang ang dating eh "kung sinu mauna". Ehehehe Di naman ako nakikipag karera? Saka di naman lahat ng nagpapakita ng interes eh dapat kong asikasuhin di ba? Kaya sadyang napakamabusisi at napakatagal ng aking dating process. Hehehe

Fine. More than a year na akong single. Ginusto ko nga ba? Well, sinu ba naman ang may ayaw magka BF? McDo fries lang naman gusto ko ah?... meow!

I won't jump aboard just like that. I guess that's where the wisdom of age comes in.

Funny, kasi si "M" na recent friend niya sa FB, ay Ex ni Papa TOP_Notcher. Gasgas na sa Starbucks Araneta ang discussion about "M". I've seen him in person too. Cute. Parang smaller and softer version lang ni Jake Cuenca? (Ikaw Seth may look alike ka??? lol. La eh).

Siguro bagay sila. What I've heard and seen about "M", ayaw rin niya nababakante. Lagi siyang may BF. Yun lang.






Oh well, nothing more to see here people. Let's move along. 






@ The Green Breaker --- ikaw na lang libre ko ng breakfast sa birthday mo? hehehe








If there's any consolation however, nakita ko siya sa friend's list ni Tiddy Burr.


OPPPPAAAAHHHH !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Shet lang di ba. 

Pasok sa banga.
Morenong kalbong mukhang nambubugbog. CHECK !

Sunday, June 19, 2011

Tiddy Burr, Tiddy Burr (Part 1)

I'm sure alam nyo to. Laro siya sa jump rope. LOL


Pag sumabit ka, talo ka.


Manuod/magbasa...










The other day, nagcheck ang bottom ng email....




TB: Check my FB: ********************@yahoo.com


Me: oook..... then what?  


*** insert: Like "huh?" ***


TB: Hope you find me interesting. ‘Coz I found you very interesting. Let’s say, I like you. I’ve just read your life stories in your blog and then I decided to send you a msg. It’s ok if you don’t like me or hindi ako ‘yung tipo mong guy, maiintindihan ko naman.


Me: Hmmm ok *blush blush* Cute ka naman. Pero I'm not sure what you're expecting really. I don't really plan to show myself in public (live). I do appreciate that you're following my blog for it is my outlet at the very most... I still wish to protect my identity to a certain extent. I see you work at ***********. I have friends there :) Well I hope they still work there though? I work someplace near din hehehe


TB: Nakita mo na agad FB ko? Bilis a. I understand. Actually, I want to go on a Date with you if you are still single or we can hangout like friends. I just saw your blog, and this is the first time na nagbasa ako at nagka-interes sa isang blogger. I don’t have my own blog, I don’t have time to create one kahit petiks ako dito sa office. Hehe. Yup. I’m still working in *********. Pero sa may Ortigas na ako na-assign. Dati ako sa Mandaluyong. Almost 2 years na ko sa company. So, there is no chance na pwede kita maka-Date? :’(


Me: oh wow.... shucks....yeah i am single....first time someone actually asked me out on a date really....date ba talaga o sex lang? sorry, i don't mean to be rude. im flattered and all pero if you've really read my blog i have to set expectations as to what your idea of a date is with mine...


TB: I see. Yup. I’ve read most of your posts/blogs, and it seems s*x is what you usually tell. Hehe. Pero, what I want is like a movie date, dinner date, or something decent thing to do na kasama ka. S*x is just a bonus. Isa sa mga interesting sa'yo, e 'yung sa Enchanted Kingdom. Hope we could go there together. :) Well, I respect naman kung ano man ang maging decision mo. Thank you.


Me: nagulat ako.... may company signature na. LOL official mail na ito.....we can communicate through email muna siguro. i see your mobile number... pero i dont wanna give mine out just yet. i barely know you pa....hope to get to know you a little bit first.... with what i went through, it takes a little more for me to start trusting people again....im looking forward to having someone special eventually when i go to enchanted hehehehe para naman magkatotoo na yung kiss sa ferris wheel LOL pag ok na tayu...... maybe you can join me for breakfast? :) 


I treat myself to a hotel buffet breakfast once a month after shift since I dont get to eat on time anyway and i dont know how to prepare food really heheheh but i do love breakfasts and maybe we can share it one time? how's that sound?


TB: Ay sorry, di ko nabura ‘yung signature ko. Hihi. I’m using my office email. Hehe. Kasi nasa office pa ko. 


Hehe. It’s ok. Anything you decide, I’ll go with it. For a breakfast date: that is so cool. I’m ok with that. Actually, I didn’t expect na magre-reply ka sa email ko. Kasi karamihan hindi na nagbabasa ng emails. Hehe. Pero, thanks ha. I know, you know my name already.


Me: LOL Yeah. I checked your FB na din. Seth is just a screen name.... Maybe I'll tell you my real name when I finally trust you :) I don't regularly check my mail din, pero this morning I did made me smile I did, bakit kaya? hehehe siyempre sinilip ko na FB mo ito ang fave pictures ko so far ........ 


(My official fave pic of him wearing a pajama with teddy bear prints while in the office.....)


TB: BTW, hope you don’t post my pics sa blog mo. Hihi.


Me: hahaha I wont do that. Iilan lang naman nag eemail sa akin and that's quite seldom. Some of them reach out kasi they feel they went through the same things like I did and ask how I managed to get through it. Wala tayung common friends. I don't get to see your other albums aside from the profile pics? I can't add you for now, eh di binuking ko na sarili ko LOL You've probably seen me somewhere before, di mo lang alam na ako yun? I won't disclose who you are promise ^^


TB: Hmmm. Alam ko ginawa kong for Everyone ‘yung Mobile Pics ko. Anyway, I understand. Pero, nakilala mo na ba ako before? Nga pala, last day ko na ‘to, off ko na tonight and tom night, so hindi ko ma-a-access ‘tong email ko. Sa Saturday night na ang balik ko sa office. Kung emails lang tayo maguusap, baka sa Saturday ko pa mabasa msg mo. But, I’ll send you an email everyday though you seldom check your email


Me: I see. Enjoy your day off! Showing na Green Lantern :) I don't think I've seen you before pero if you always smile like the way in your profile pics I'm sure I would've noticed you ^^ Kung meron kang public email add, we can communicate there. Eh kaw na penpal ko eh di daily na rin ako magbubukas? hehehe


TB: Thanks. Kasama ko previous teammates ko pag nag-watch kami ng Green Lantern. Kaya lang, kaylangan meron kaming common off or ‘yung iba mag–Le–Leave. Hehe. Na–promote na kasi ako kaya hindi na rin nag–ta–tama schedules namin. Mag–Re–Redbox nga kami kasi nakakuha kami ng discount sa Ensogo.com. Haha. Naku, nambola ka pa. Hehe. Penpal talaga. Penpal ba tawag pag sa email? Hehe. Meron pa akong isa pang company email na pwede ko ma-access sa bahay, I’m not sure kung makikita ng Client kasi bawal gamitin ‘yun for personal emails. Pero ginagamit ko pa rin ‘yun sa bahay kasi minsan sa bahay ko ginagawa ‘yung trabaho ko. Hehe.


Me: LOL eh anu tawag!? email-pal? parang ambantot pakinggan hahaha congrats on your recent promotion! ako kasi kakapasok ko lang sa company, wala pa nga akong 2 mos? nakita ko nga isang shot mo nasa videoke kayo? kumakanta rin ako with friends lang or by myself habang naglalakad o sa shower hehe hindi naman ako mahusay kumanta, nawawala ako actually sa tono, at nauubo ako pag pinilit ko taasan ang pitch hehehe yung gmail na lang sana ^^ try mo na lang reset password. wag na yung company email, i wouldn't want you to get into trouble. pag business only, keep it that way. im also keen on trying to be fair and following rules even if nobody is watching. same thing should apply to relationships don't you agree? i can't give out my FB just yet, sorry TB. Andun na rin kasi halos buhay ko eh? May photo albums pa telling my story hehehehe we'll meet each other, soon ^^


TB: Nung Feb pa ako na-promote. Hehe. Pero, thanks din. Haha. Syempre, hilig talaga ng mga Pilipino ang mag-videoke. Hehe. Kasi meron akong hidden talent sa pagkanta, ginagawa ko lang ‘yun pag kasama ko friends ko din. Minsan din, nag-vi-videoke ako mag-isa sa Shang. Minsan din, I watch movies alone. Hehe. Weird ko no. Naku, I’ll try to access my emails ha, pero in-case na hindi kita na-email during my off, it means, hindi ko na talaga ma-access yung ibang emails ko. Hehe.Napaka-serious mo naman na tao. Can’t wait to spend my time with you.


*** insert MAJOR MAJOR kilig + blush blush here ***


Me: Hmmmm ok :)
basic info muna (parang slumbook lang)
kelan birthday mo?
anu favorite color?
favorite food?
favorite animal? meron ka bang pet?
hobbies?


TB: Haha!
Birthday ko: 8/8/88
Fave Color: Mmm. Kahit ano. Minsan Black, Blue, Green, White, Red. Hehe. Christmas lang. Haha!
Fave Food: Kahit ano rin, basta masarap. Hehe. Malakas ako kumain e, pero payatot pa rin ako. Hehe.
Animal: Di ako mahilig sa pet e. Hindi mahilig sa hayop ang family ko. Hehe.
Hobbies: Wala naman. Tulog madalas. FB minsan, pero lately tinatamad na ko mag-FB. Hehe. Focus muna ako sa gym. Kaka-start ko lang this week e. Kaya lang nabadtrip ako, kasi sine-sales talk ako nung trainer. Hehe. Pero, hindi pa rin ako susuko.
Ikaw naman?


Me: Naku, ambata mo pa pala?
Birthday ko: October 15, 1984
Fave color: violet. Meron ako lahat mula ulo hanggang paa :) Cap, shirt, sando, jacket, polo, pants, undies, socks, shoes, ballpen, psp, etc
Fave food: mahilig ako sa gulay, pero kumakain pa rin ako ng meat depende sa topak. Hilig ko pancakes, lugaw at tokwa, peanut butter, palitaw
Animal: marami kaming pusa, pero mas gusto ko talaga ang aso lalo na yung maliit
Hobbies: magbasa, magsulat, sumayaw pag tinotopak
..... Saan ka nag ggym? ^^


TB: Nyee, pero hindi na ako teenager. Hehe. Hindi mo ba type ang mas bata sa’yo? L
Violet a. So ikaw, si VIOLETA? Hehe.
Wala kasi akong collections.
Bakit, depende sa topak, pag kumain ka nang meat? Hehe.
A, mahilig ka pala sa pet. Kasi kaming family, medyo allergic sa pet. Hehe. Takot kami magkagat, lalo na nang aso. Hehe.
Bakit laging “pag may topak”? Hehe.
Sa Gold’s Gym. Partner kasi ng company namin. Ikaw, nag-g-gym ka ba? Ka-ka-start ko lang mag-gym. Sana meron improvement sa’kin after few weeks or months. Hehe.


Me: Hmm... di lang ako sanay. Hehehe
Collection? Well di naman, basta may violet na cute at kaya ko bilhin hehehe Hindi naman ako lumalabas ng bahay na violet from head to toe. Parang Barney lang?
LOL Iba connotation ng meat hehehe For a time kasi naging vegetarian ako. Tamang meat lang para sa protein. Pag masyadong marami at madalas nauumay ako. Kung yung "man meat".... well, di naman secret na malibog ako di ba? Nakakarami ako nun depende sa libog ko. Di naman sumasayad sa bituka so di naman nakakataba. hehehe
Moody rin kasi ako. Depende sa gusto kong kainin o gawin. Minsan magbibihis ako nang maporma. Kinabukasan gusto ko rugged. May araw na ayaw ko kumain, meron din naman lalamun talaga ako.
Ah Gold's. OK. Hehehe. Fitness ako ^^
Di ako masyadong nagbubuhat, tama lang to tone. Mas malakas ako sa cardio-aero workouts. Natigil nga ako for several weeks dahil sa sakit kaya humina na ako ulit at hingalin


TB: Anong hindi ka sanay?
Bakit, hindi mo rin naging favorite ang Orange? Hehe.
Haha! I see. At least mas healthy pag vegetables. Pero, kaylangan mo din ng meat for protein lalo na kung nag-g-gym ka. Hehe.
No comment for your eagerness sa “man-meat”. Hehe. ^_^
Ako kasi, gusto ko tagala tumaba. E kahit anong lamon ko, hindi talaga ako tumataba. Hehe. Lumaki lang yung tiyan ko dahil last year, lagi akong umiinom, kasi mga lasenggero mga teammates ko. Natuto lang din ako uminom nung pumasok ako dito sa company. Hehe. Pero nung, na-promote ako, hindi na rin ako nainom kasi hindi ko na sila teammates at nalipat pa ako ng site. More on food na ako. Kaya sabi ng iba, medyo nagkalaman na ako. Hehe. Kaya naisip ko mag-gym. E nakakabadtrip sa Gold’s Gym. Kainis. Hehe. Kaya pag binigyan na ako ng program, dun ako sa ibang branch mag-g-gym. Maghahanap na lang ako nang kakilala ko na nag-g-gym para tulungan ako sa program ko.
Pero, ok ka na ngayon?
Tuloy mo gym mo, para maging hunk ka pa lalo. 


Me: Very seldom that younger guys would ask me out hehehe may time din na trip ko ang orange. in fact, may type akong sneakers sa reebok and its orange hehehe hindi ko pa nga lang binibili kasi di ko pa naman talaga kailangan. mas importante ang ref sa ngayun. sobrang patpatin ko nung college as in 135 lbs at para akong hanger sa payat. nung nagwork na ako, tumaba naman ako ng 180. ngayun ko lang namemaintain ng 150-160 depende sa sipag ko sa gym. 153 ako ngayun.


dati may nag influence din sa akin uminom. ngayun iinum lang ako with friends. mas trip ko yung vodka at cocktails. tequila minsan hehe. ayoko ng beer pero masarap pala yung san mig lemon at apple! gusto ko lang yung tipsy at inaantok. pag di ko na kaya magpapa alam na ako umuwi. di naman nila kasi alam saan ako nakatira? baka kung saan ako damputin at kanino pa ako sumama (nangyari na... never again)


malakas din ako kumain, controlled nga lang kasi mahirap magburn (lalo na pag tumatanda)


mas maganda pag may goal ka pag nagwowork out para di ka mawawala sa focus mo. sa diet etc. ilang months ko pinaghandaan yung bora-palawan hehehehe


ayaw ko naman masyadong maging hunk. nilalayuan ako ng mga tops nasisindak sa akin at nilalapitan ako ng bottoms kaya nauumay ako hahahaha


TB: A. Ibig sabihin siguro, hindi mo type younger guys. Anyway, ako kasi, mas gusto ko White Shirt pag mainit ang panahon, tapos Black naman pag gabi. Hehe. Dati, nahihilig ako sa fit na shirt, ngayon gusto ko maluluwag na shirt na. Hehe.


Ako din sobrang payat, since birth. Hehe. Kaya gusto ko ibahin naman ang image ko.


Akom 125 lbs. Hehe. Underweight pa nga yata ako e. Hehe.


Ako, laging beer ang iniinom namin, kaya siguro lumaki tiyan ko. Hehe. Basta, sobrang dami uminom ang team namin, kaya walang sumasama sa’min na taga ibang teams kasi talo sila sa’min sa inuman. Haha.


Ma-secret ka pala. Hehe.


Di ko nga alam kung ano goal ko pagnagworkout. Hehe. Meron nga ako buddy sa gym, yung officemate ko din, kaya lang babae, magpapaliit lang daw siya ng tiyan. Haha! Tamad kasi ako, kaya gusto ko ng meron kasama. Hehe.


Wow! Buti ka pa, nakapag-Bora na at Palawan. Hehe. Ako, puro swimming pool lang napuntahan ko nung Summer. Hehe. Kahit anong dagat, wala akong napuntahan. Haha!


Bakit ka nalalayuan ng mga TOPs? Ako, hindi ako masisindak sa’yo.


*** insert: Weh? Tingnan natin.... ***


Me: Bago lang sa akin, thats all.
Sleep muna ako ha? May pasok pa ako mamaya eh? email ka lang try ko sagutin mamaya ^^


TB: Ay sorry po. Naistorbo pa yata kita.Sige po. Tulog ka na. Sweet dreams. Malapit na rin matapos ‘yung shift ko.TC Always.


Me: Kasi kanina pa ako naghihintay na sumagot ka sa emails ^^ natuwa ako. Talk to you later ... Tiddy Burr


TB: Ay Sorry talaga. Kasi may ginagawa rin ako. Baka pagalitan ako ng boss ko kung puro email chat lang ako. Hehe. Sorry. Sana di ka po galit. Off ko na. Huhu. Baka sa Saturday ko na mabubuksan ‘tong email ko.


Me: Kasalanan mo pag napuyat ako LOL
Di ah. Napasmile mo nga ako eh?
Try mo activate yung public emails mo, para makapag usap pa tayu. If not, pagbalik mo na lang talaga
Sleep muna ako ha? May work pa later. Off ko naman kasi pag weekends


TB: Hehe. Sabi ko nga, matulog ka na. Hehe.
Bolero! Hehe.
I-che-check ko later ‘yung iba kong emails.
Sige po, sleep tight. Sweet dreams.

Friday, June 17, 2011

Seth is Happy

Hindi rin naman ako inaantok agad pagkauwi ko kaya mabuti pang magsulat na lang di ba? hehehe


Excited na ako para sa weekend. Isang pasok na lang, may dalawang araw na naman akong pahinga. Excited na ulit akong matulog sa gabi, at manunuod ako ng Green Lantern gamit yung Sodexho GC na napanalunan ko nung isang araw! Magkikita na naman kami ng mga kaibigan ko at kahit inuubo pa rin ako hanggang ngayun, hindi naman ako mapipigilang tumawa nang malakas.


Magkakahiwa hiwalay na kami ng team mates ko. Mamayang gabi, endorsement na sa kanya kanyang TL namin. Buti na lang. May trabaho pa pala ako sa mga susunod na tatlong buwan para magperform na kaya ko nga ang sales. hehehe. Mejo natatambakan kasi ako ng quota? Kanina pa, may retraining na naman kami, kaya ang dating $200/day magiging $350 na. Goodluck naman sa akin. Sayang lang at di ko na makakasabay maglunch yung team mates kong girls. hihi. Masarap kasi chismisan over lunch.


Sa totoo lang, earlier this week hindi naman ako ganun kasaya. Bakit? Hinintay ko kasi ang sweldo at umaasa nga ako na may lalabis akong 10k na ipambibili ko ng ref. Dahil sa verbal agreement lang at walang documentation, pagdating ng araw ng sweldo, 3k lang ang nakuha namin kasi prorated na. Hayz.


Hindi na bale. Basta may trabaho pa ako. Huhusayan ko na lang ngayung June. Wala na dapat issue at makukuha ko dapat nang buo this time. 


Nagsisimula na rin akong makilala sa office. In a good way. Hindi tulad ng dati, may reputation akong magmaldita at tumabla ng admin pag pakiramdam ko wala sila sa lugar. Wala talaga akong pinipili. Sa bago kong company, wala akong ginawa kung hindi ngumit, kumain, tumawa. Kaya kahit minsan walang benta, pagud, inaantok, magaan pa rin pakiramdam. Sabi nga ng isang team lead, lagi daw maaliwalas mukha ko. Di mo ako halos makikitang nagsisimangot :)


Marami nga nakakapansin, pati yung waiter sa concessionaire LOL Basta umorder ako, special ang aking pagkain LOL Minocrowave at sineserve agad. May kaunti pang lambing. LOL 


Pero ang pinaka nagpasaya sa akin ngayung linggo eh nung nagbukas nga ako ng email kahapon. Di ko naman usually binubuksan ang inbox nitong blog? Nababasa ko naman ang comments eh? May nag email, nagpadala ng FB. Ooook, o tapus?


Sumagot naman din agad ang sender. Follower ko daw siya. Curious sa akin. Gusto daw akong makilala. Errrr..... Oook *kilig*


Tulog na dapat ako ng 11am pero nagpapalitan kasi kami ng emails at ayaw ko pa siyang i-add sa FB dahil secret identity nga ako di ba? LOL


Hmmmm..... niyaya niya akong mag date. Whoah. Bago yun ah? Di ako sanay. Pero mukha naman siyang sincere. Siguro. Gusto nga raw niya akong samahan sa Enchanted... hehehe Saka na siguro pag comfortable na kami sa isa't isa.


Binigay na niya halos lahat ng contact info niya, pero sadyang Mariah Clarey ang drama ng lola niyo. 


Siguro makikipagkita rin ako sa kanya. Sasabihin ko rin siguro tunay kong pangalan.


Pag medyo palagay na loob ko, sabi ko mag breakfast kami minsan. Once a month kasi, kumakain ako ng breakfast sa hotel. Para special lang? Di na nga ako kumakain sa oras at wala naghahanda sa akin so at least once a month eh medyo sosy naman di ba? hehehe


Naalala ko tuloy yung paborito kong sinulat ni Alter. 


Maybe that morning will come ^^



Sunday, June 12, 2011

Recovery

Ilang linggo din akong maysakit at sa wakas eh mejo nakakabawi na rin. Ubo na lang ang natitira kasi kahit gusto kong tumahimik at lahat, kasama sa trabaho ko ang magsalita, boses ang puhunan kumbaga.


Pumayat ako ng bonggang bongga. As in kumakasya na ako ulit sa 29 na pants ko at nagkita na ulit kami ng aking cheekbones at clavicle. Pero, hindi ako natutuwa sa totoo lang. Payat nga ako pero mahina naman? Ilang weeks din akong natigil mag gym kaya ambilis ko na naman hingalin? Lumambot na din ang braso ko tuloy. Lech.


Inisip ko ang dahilan bakit nga ba ako nagkasakit. Sa totoo lang, ayaw ko nga magkakasakit kasi: una, magastos; pangalawa, wala naman mag aalaga sa akin; pangatlo, ako pa rin ang bahala sa lahat. Babangun ka para bumili ng pagkain at gamot. Walang magpupunas sa iyo, maligo ka mag isa.  


*sigh sniff sniff*

Siguro, kahit napakastable naman ng aking shift, hindi talaga kasi ako nakakatulog dito sa condo. Hindi naman sa naninibago ako, nung March pa ako nandito di ba? Sinisi ko na tuloy pati mga evil spirits kaya hindi ako matahimik. Pakiramdam ko na naman kinukuha na naman ako ng mga dwende kaya di ako antukin at baka pagkagising ko nasa ibang daigdig na ako bilang kanilang prinsesa. Ching!

Pero nitong June, gawa ng pasukan, andami na lalong sasakyang dumadaan hindi na ako makatulog sa ingay. Makakatulog ako ng 7am para lang maalimpungatan ng 10am at mahihirapan na ulit akong makaidlip. Naglagay nako ng bulak sa tainga, uminom nako ng gatas, naligo na ako at nagbasa ng paa, nilagyan ko pa ng pillow mist (o di ba sushal) ang kama ko para ako antukin.

Wit effect !!!!

Dahil katabi lang ng condo ang Aurora blvd para tuloy akong nakatira lang sa kariton sa gilid ng kalsada. Ganun kaingay kahit isara ko pa ang bintana. 

NKKLK !!!

Problema ko pa ang sobrang liwanag. Masyado na maliwanag. Eh wala pa akong sabitan ng kurtina? Tingnan nyo naman ang naging solution ko:



O di ba. Sagabal. LOL. Pero temporary lang naman kasi. Next week, papasok na ang unang commission ko kaya may budget na ako talaga. May pambili na rin ako ng ref sa wakas !!!

Hayun... kaya siguro ako nagkasakit kasi di ako nakakapahinga at humina nang husto katawan ko. Ikaw ba naman ang magkaroon ng singaw na kasinlaki ng puncher hole sa upper lip at nahawa pa yung lower lip, saka pa dumagdag yung sore throat kaya mahirap lumunok.

Talaga naman. Sinu nga ba ang di papayat eh wala ka na gana kumain o uminom?

Pero matapus yung reseta sa akin sa St Lukes, mejo nakabawi na naman ako kahit papaano. Pahinga na lang talaga. Pero namimiss ko na nga ang sex.

SOBRA.

Pero behave behave muna. Pipilitin.... Sana? hahahaha

Salamat nga rin pala sa mga nagbabasa ^^ Natutuwa naman ako kahit di na ako kasing dalas mag update eh may mga nagbabasa pa rin? Nagugulat nga ako mababa pa ang 100 views/day ngayun at may mga nagbabackread!

Susubukan kong ituloy at tapusin yung mga nabitin na kwento ^^

Monday, June 6, 2011

Seth is Zick


Kaya heto, nag walk in sa ER ng St Lukes MC after shift. Kinabitan ako ng swero. Ketorolac lang pala ibibigay sakin. Injury pa ito. Ewan. Masakit pa rin lalamunan ko nun. Di naman ako nahigh o inantok? hehe

I'm so touched din naman someone checked up on me. Masama na pakiramdam ko, pero benta pa rin ang kalandian ko sa kanya ^^