Saturday, February 26, 2011

Orosman at Zafira



Kakauwi ko lang ng bahay (1am) matapus mapanuod ang 8pm show. Alas onse naman natapus ang palabas pero sadyang historical din ang ginawang traffic ng EDSA celebration, dagdag pa ang planter boxes na nilagay ng MMDA kaya lalong sumikip ang daan.


Well, ayus lang naman. Umuulan ng mga pulis at sundalo kaya't umaagos din ang testosterone sa kalsada. 


So kamusta naman ang play? Pangalawang beses ko na nanuod ng play ngayung taon at ito ang aking napagtanto : HUWAG na bumili ng mamahaling ticket. P854 ang binili kong ticket, orchestra right, Row A. Katapat ko na talaga ang stage sa sobrang lapit pwede ko na isampal ang mukha ko sa abs nilang lahat. Tiniis ko pa naman hindi maglaro ng Tekken sa arcade para lang maipun ang magandang ticket. Sa totoo lang, hindi naman napupuno ang venue? At kapag may bakante sa orchestra center, pwede ka naman lumipat!


Hindi mo pa rin sinagot Seth, kamusta nga ang play!? Oo na heto na...




1. Natuwa naman ako at nagsimula ang palabas on time.


2. Talaga namang kinilabutan ako sa boses ni Tao Aves (Zelima). Winnur din ang eyelash extensions niya. Higit sa lahat, napagkamalan ko siyang si Jaya.




3. Mahusay ang naging blending ng lighting, music, at ang kanilang choreography. Panalo din ang costumes! Sana pwede nilang ibenta yung pants? Dahil sa mga epek na ito, damang dama ko ang bawat eksena ng giyera (merong 3).


4. Love na love ko si Maita (Zafira)! Actually, siya lang yung pinaka maangas sa lahat ng bida. Prinsesang lumalaban! (haaay! naalala ko na naman si Lili ^^ ) Go gurl! Buti pa nga siya may napatay na kalaban, si Orosman, wala.


5. Oo na, aaminin ko na, bumili ako ng ticket dahil sa mga narinig ko na "sobrang ganda raw... ng abs" kaya nga ako nasa front row di ba? Sige na nga, maangas na ang mga abs nila lalo na yung kay Jay Gonzaga (Orosman) at Kevin Concepcion (Zelim). Parang nananadya pa nga yata na pinahiran ng langis para kumintab. Shet. 


Pero kung walang abs, hindi na sana pinilit? Sisisihin ko dito ang makeup artist. Iginuhit lang ng foundation ang 4 packs sa tiyan ni Red Concepcion (Aldervesin). Wala naman kinalaman yung abs sa performance niya eh? Napakalapit ko lang natawa ako nung napansin ko.


Sumkindava OA lang nung nagkaroon ng standing ovation dahil kay Jay Gonzaga. Ok, he's good but it wasn't THAT good. Unless abs ang pinapalakpakan nila? Naalala ko tuloy yung New Moon. Hindi ko siya pinanuod dahil sadyang nakornihan ako sa Twilight pero maraming taong bumili ng ticket kasi topless si Taylor Lautner sa maraming eksena.




Dahil jan, dodoblehin ko na ang sets ko sa ab roller.


6. Talaga namang sumakit ang ulo ko dahil luma at malalim na Tagalog ang dialog. Pagkatapus ng first act nagkaroon ng 10 minute intermission, narinig ko ang 2 Fil Am na nag uusap:


Guy 1: Hey Charles, are you actually understanding anything?


Guy 2: None at all, but I think it's got something to do with fighting for their freedom...


Nice try kid.


7. "Kasumpa-sumpa man, pag-ibig, pag-ibig at pag-ibig pa rin". Lech.


8. Hindi ako nakarelate sa kwento. Hindi naman magulo ang plot. Siguro, sa panahon nila, naniniwala silang iisang tao lang ang para sa kanila, tulad ng pag iibigan nina Gulnara at Aldervesin, Orosman at Zafira (insert song : huwag ipapatay...). Ito man ay modernong adaptasyon sa lumang panitikan, moderno na din kasi ang pananaw sa pag-ibig: pwedeng marami, pwedeng paisa isa (one at a time), kung kaya mo din mag juggle at multi task much better


Bitter much.


9. Naarouse lang ako nang kaunti dun sa eksenang nakagapos si Orosman dun sa scaffolding with wheels. Oh yeah!




Try ko naman manuod ng Zaturrnah.

Friday, February 25, 2011

BOTTOMS UP !!!





(mejo magulo ang entry na ito, basta sulat lang ako ng sulat muna)


Bottom ako.


Confeeermed. Notarized. PRC licensed. Venus rune symbol on my forehead. Bottom.


Sa lahat ng Nursing subjects, naging favorite ko ang Psych. 


Minsan after gym, me and my friends hung out in this newly discovered cafe with free wifi ^^


"Paano mo nalamang top/bottom ka?" tanung ko. Natahimik sila. Napaisip. hehe


Open naman sila to talk about bed roles. Pero ngayun lang yata nila narinig ang ganung klaseng tanung. Lahat kasi halos ng behavior ng tao, may explanation sa Psych. Ako naman, between top/bottom/versa , I stuck out being bottom.


Bakit?


Sinubukan kong balikan ang mga experiences ko nung bata pa ako. Importante ang history sa psycho analysis, dun maaring hanapan ng explanation gamit ang mga theories. Ito ang mga natandaan ko so far:


#1 - Nagkaroon ako ng Oedipus Complex


n.
In psychoanalysis, a subconscious sexual desire in a child, especially a male child, for the parent of the opposite sex, usually accompanied by hostility to the parent of the same sex.



Sa di nakakakilala kay Oedipus...

"He fulfilled a prophecy that said he would kill his father and marry his mother, and thus brought disaster on his city and family."



Hayun nga. Sa preschool age kasi, dapat ang love item ng bata ay ang same sex parent. Ito ang edad na dapat nahuhulma yung identity ng isang bata bilang isang lalake o babae. Nakukuha niya dapat ang qualities at attributes na ito sa kanyang ama o ina. Dahil nga lumaki ako na wala masyado sa bahay si Papa, mas naging close at nanatiling close ako sa female members of the family at mas nadisappoint  sa akin ang Papa ko kasi nga hindi ako brusko o astigin. Nung una, ayaw ko nga mag martial arts. Ayaw ko mag exercise kasi ayaw ko pinapawisan. Ngayun naman pinakita ko nag ggym na ako. Ayaw din naman niya na puro ako aerobics at masyado daw akong balingkinitan? LOL. Ang hirap talaga para sa akin makuha ang affection ng Papa ko.


Naalala ko din, nung nasa puberty ako, ang tinanung ko kay Mama: "paano ka ba niligawan?". Patay. Si Mama naman, kwento agad. Di niya siguro naisip na kikiligin ako at maiinggit sa kanya. So ang idea ko tuloy... paano ba ako liligawan, hindi paano manligaw? Girl ako girl ako girl ako (mantra). Pakkk !!!


#2 - Nung una, ang tingin ko sa bottom, inferior role. Ang akala ko, importante yun para makuha yung love and affection nung top.


Nakwento ko nga sa isang post na napakadali sa aking makuha ang affection ng girls, pero sadyang hirap na hirap ako pagdating sa guys? Wala akong kuya dahil ako na ang panganay. Wala din akong ibang father figure. Kaya siguro ang taste ko din sa guys yung mas mukhang manly kaysa sa akin, moreno, kalbo, mukhang mambubugbog (Hi Cio! ^^). Sa kanila (tops) lang ako tumitiklop. 


Bottom lang bed role ko. Everything else, I strive to be on top. Alam ng close friends ko how competitive I can be. Ayaw ko magpatalo. Pabilisan kumain, paramihang kumain, pataasan ng score, patagalang hindi huminga, paramihan ng baso ng iced tea, etc. lalong lalo na sa sports, trivia, academics (except Math siguro).


*Balik sa usapan sa cafe*


Elly :  "Ako di ko na maalala? Pero sinubukan ko naman pareho. Enjoy ko naman pareho, pero di ako papayag magpabottom kung mas malaki ang akin kesa dun sa partner ko?"


ER : "Di ko rin masyadong maisip, basta ang gusto ko top ako."


Hmmm... si ER pala yung top, akala ko si Francis. Mas malambot at galawgaw, kasama na rin siguro na soft ang features ni ER kaya inisip ko siya siguro ang bottom sa kanila. Mali ako.


Ayon sa aking online research (at collated experience), hindi dahil manly/brusko/macho kumilos ang isang guy ay top siya. Hindi rin dahil malambot/effem/drag queen ang isang guy, automatic bottom na siya? Though parang nakakalokang isipin naka drag costume ang gagahasa sakin... thats just sooo wrong in so many levels. 


Nung nagsisimula pa lang akong mag explore, 2 lang kasi options na alam ko noon: top o bottom.


Bakit may labels?


# importante siya sa paghahanap ng partner... kung mag complement ba kayu sa isa't isa. 


May kilala akong ibang guys na di comfortable na pag usapan ang preference nila, pero ako tinatanung ko na simula pa lang kesa mafrustrate ako later on after all the emotional investment.


We have certain expectations din naman?


Bottom - bottom = I heard it once, pero quite rare. Like, anu ang gagawin ko sa isa pang bottom pang nakulong kami sa room? Mag pillow fight? Mag bungguan? Sayang naman ang condom, hindi magagamit.


Mike : "May solution naman jan, kumuha kayu ng double ended na dildo"


Seth : "Ayy. Effort. Saka ayaw ko ng lamangan? Pano kung mas mahaba naipasok sa kanya o ayaw niya gumalaw di ba?"


Top - top = Buti pa sila? Well, minsan nagkakasundo. May kilala akong 3 couple na ganito.


1st - Wala naman sa kanila may gusto ng anal, so walang lamangan


2nd - Gusto nila ng anal, pero walang gustong pumayag kaya nag iinvite sila ng bottom as 3rd wheel


3rd - May scheduling. Salitan. Pero sa totoo lang, wala naman sa kanilang nag eenjoy maging bottom. Yung isa, dinadaan na lang sa fake na ungol para matapus at labasan agad. 


Nagiging issue din siya pagdating sa monogamy. Hindi naman pumapayag yung isa na lagi na lang siya yung bottom o kahit silang dalawa, hindi naman magaling na bottom. *sigh*


Tag team din kami noon ni Mike sa IRC. Napapatumbling na lang kami pag may nagmemessage sa kanyang "top" kahit ina-advertise din naman niyang top siya.


Mike : "Anu gagawin ko sa iyo eh top tayu pareho?"


Chatter : "Napag uusapan naman yan..." (PAAKKK !!!)


Pero totoo din naman, may mga taong ready mag adjust, depende sa gusto ng partner nila, basta totoong mahal nila...


Paano yung mga versa? .............. Hmmm mutant ang tawag ko sa kanila, personally. Dala na din siguro ng evolution ng mga beckie. At least, mas marami silang options? Kaso ang experience ko sa mga versa, well, di maganda. For one, kaagaw ko sila sa mga tops, at pag sila naman ang naging top, hindi rin masyadong marunong. LOL


ER : "Bakit di mo try maging versa?"


Seth : "Naku, di ko i-give up ang career ko noh? Hiatus lang ako sa ngayun. Pero nasubukan ko na din naman mag top, sa mga ex ko. Nilabasan naman ako nun, pero di ko siya masyadong naenjoy talaga? Isa pa... di ako equipped maging top. Sa personal standards ko bilang bottom, di ako papasang top. I mean, it goes up, I'm happy with it pero di ko siya ginagamit. Bottom nga ako eh? Di naman dapat issue ang size... di ba?"


Elly : "Meron nga mga guys na ganyan. Di naman kalakihan pero mas trip nilang maging top?".


Seth : "Oo nga, pero nasa performance pa din? Di naman dahil malaki mahusay. Nasa technique din"


*apir*




(to be continued)

Monday, February 21, 2011

Culture. Porn. Ice cream

Hindi ako nanunuod ng TV. Bihira din akong manuod ng sine (unless may kadate?). Pero tiniis kong di maglaro ng Tekken ng ilang linggo para dito:




Balita ko kasi maganda raw... yung abs ni Orosman. LOL


Napadalaw din ako kanina sa Megamall gym. First time kong sumali sa spin class. Saka na ako makipagsabayan? Basta pumedal. Sakit sa pwet?


Ilang hours pa ang Body Jam. Namasyal muna ako sa mall. Mayroon ganitong eksena sa dating skating rink:



Anu ito!?


Bakit ako naiinggit !!!


Missionary kung missionary.  




Groping? este Grappling pala. 


 Shet lang di ba. Para ka lang nanunuod ng porn. 
Akala ko pa naman "rough" na ako dati?


Ahhhh ito pala ang event...


Ang gwapo ni kuya! Hirap lang kuhanan ng stolen shot! 
Matangkad na naka zebra striped shorts at may tattoo sa binti.
Kasali yata siya, hindi ko lang naabutan yung laban niya mismo.

Nag-init ako na napanuod ko kaya napabili ako ng ice cream.






Ang mahal ah! P90 per scoop. Premium daw kasi. 
Hazelnut kinuha ko. Sarap nga ^^

Happy ako today!

Saturday, February 19, 2011

Salamat po

WOW! More than a month na din akong blogger at meron na agad akong 38 followers. Naaaaks !!!


Salamat din kahit papaano naappreciate din yung mga sinusulat ko dito? hehehe
Sana may natutunan din kayo ^^


Salamat din pala sa mga nagpapadala ng emails ^^ Susubukan kong makasagot agad


May maiisip din akong mga masasayang ikukwento next time. Puro iyak at emo nitong nakaraan eh? hehehe

Friday, February 18, 2011

Joystick





Naghahanap nga ako ng gym
gloves na white din ^^
Emily "Lili" Rochefort. Aba, hindi yata ako maglalaro ng Tekken kung hindi dahil sa kanya? Lumabas lang siya sa Tekken 5: Dark Resurrection at ever since nahook na ako!

May pagka "violent" din kasi ako... di ko lang mailabas. Gusto ko man makipag suntukan minsan, nanghihinayang naman akong magkaroon ng pasa at mabawasan ng ngipin? Di ko pa lang talaga nasusubukan lakas ko. hehehe

Pampalipas oras ko lang naman dati ang arcade. Hindi nga ako nag eenjoy kasi lagi naman akong talo? Dun na lang ako sa may table na pinupukpok ng martilyo yung mga weasel yata yun. Basta. Tuwang tuwa ako kay Lili kasi siya na siguro ang pinaka beckie na character sa Tekken. Imagine, isang fighting Barbie doll!? Cutesy lang din ang moves niya na may combination ng ballet, gymnastics, ice skating. Hindi nga lang siya sinama sa Tekken movie? Wala yatang non players ang maniniwalang makaka knock down ng kalaban yung mga sampal at cute niyang backflips.


wala nang mas babakla pa sa celfone ko


Siya na ang naging most used character sa lahat ng 40 na pwedeng pagpilian sa Tekken line. I would associate this sa dami din ng beckie na naglalaro? 

Landi much


Hindi pala kaya ng pindot method ang Tekken? Mahal ang tokens. Dati, wala pang 3 mins, talo na ako. Natatandaan ko, meron isang week na gumastos ako ng 1000 pesos sa isang linggo kakalaro sa Timezone at Tom's World dahil talagang hindi ako tumitigil hangga't hindi ko natatalo yung kalaban ko !!! Excited pa ako nun dati, kinukuhanan ko pa ng picture yung screen kapag nananalo ako? Hehehe


Kaya naman ung birthday ko nung 2009, naglambing ako kay Mama na ibili ako ng PSP para pwede akong magpractice. LOL. Binasa ko yung mga article sa internet, nanuod ako ng tutorials, sinubukan kong kopyahin yung mga combos. Gumagaling na ako ngayun ^^


In fact, kilala na ako ng mga tao sa arcade sa kalandian at kakulitan ko gamit si Lili. Kilala ko na sila sa mukha, alam ko na style nila, pero di kami masyado nag uusap. Wala talaga akong ibang alam na character, siya lang. Memorized ko na halos lahat ng moves niya na kasing cute niya. Merong kitty claws, delicate uprising, capricorn kick, freesia thrust etc O di ba? Cats, flowers at zodiac ang theme! Memorized ko na din ang mga linya niya, pati tili yata nagagaya ko na? hihihi ^^


Ako, naglalaro lang talaga. Before, in between classes, at after gym, halos araw araw akong naglalaro. Who would think na pwede rin palang cruising spot ang Tekken machine?


Ayaw mo maniwala?



Exhibit A

Hmmm di ko pa siya kilala, basta lagi siyang nanunuod LOL usi lang.
Turn on talaga sakin yung korteng V ang upper body. Hmpf!



I call him... Nemesis. LOL. Kahit gumaling na ako nang husto, hindi ko pa siya natatalo. Isang token lang, mababa na yung maka 20 consecutive wins siya. Masyadong mahusay para sa akin. Kaya niyang gumamit ng 7 character, kasama si Lili! Kainis. Minsan ko na siyang nakatabi, pinanuod niya akong maglaro... nagkaroon na din kami ng conversation:

"Ayy talo ka na agad?"

Bwiset lang di ba.

Hindi rin ako nagbibigay ng "mercy". Ihahagis kita sa ere na hindi ka na babagsak, o kaya naman dun ka na sa lupa, hindi ka na matatatayu. Dudurugin kita ng heels ko!? LOL Ayaw ko din ng mercy. Sa totoo lang, lalo akong nagagalit kasi insulto sa akin yun. Wala naman sa akin ang token. Gusto kong maglaro. Kung manalo ako, gusto ko dahil mas mabilis ako at nautakan din kita, hindi yung pinagbigyan mo lang ako basta.

Oh well, sport naman sila, Nagugulat na lang ako minsan, matapus ko silang durugin... nakikipag palitan ng number. Ehh? Bakit? hehehe ^^

Kay Nemesis di ako magpapakipot. LOL!

Kita kits na lang sa arcade! ^^

Thursday, February 17, 2011

F*ck My Life

I REALLY WANT TO TRAVEL NEXT MONTH, BADLY.


Part of which is that I want to forget all my misfortunes and heartaches and replace them with merrier memories before the anniversary of my singlehood.


*sigh*


My college friend and I had been planning since last year that we'll be going on several destinations:


Boracay - Bohol - Palawan


Singapore - Kuala Lumpur - Bangkok - Beijing* (optional)


Call it financial suicide but I tried to save enough money from last December's BPO stint and break my dollar piggy bank just to make all of this happen.


I've been dieting and working out for months just to look good on the beach!


Been dying to wear that knitted trunks while I strut my stuff on the white shores, play frizbee etc.


Been to Boracay (with Mark and I was 180 lbs, damn it). Been to Coron. I wanna retry Boracay again, and this time, Puerto Princesa. Cool


We had to take off Bohol even if I really wanted to see a Tarsier wrapped around my index finger, but instead, I had to choose dolphins for now.


I thought it would be more convenient to seek the help of a travel agent, tried several, was even referred to an old high school batchmate. Oh the promises of getting a "cheaper, better deal".... Seth 15k per person to Bora, 20k on top for Palawan. WTF.


I might as well do it myself.


Lesson #1 - When you see a cheaper flight, and seems to fit your planned dates, don't fret and book right away. It gets more expensive by the hour.


Boracay - Palawan done. I even found a nice place to stay, which for 5k per person for 4D3N already included the tours, breakfast, airport transfers. Sweet.


Now the Asian tour.


We finally decided to scrap out Kuala Lumpur for we both agreed it is much too costly to go there just to see the Petronas.


Great.


Manila - Singapore ;  Singapore - Bangkok ;  Bangkok - Manila.


Booked flights. Click click click. Done.


Lesson #2 - Make sure you have a passport. 


I know. BIG MISTAKE. I placed erroneous passport details just to have the flight booked and then maybe worry about that later on (it never ended really) just so to avoid the price increase.


DFA Appointment for renewal - February 24th


Flight to Singapore - March 8th


Rush processing  - 1200 pesos ; 10 working days. 


Lesson #3 - When all else fails, read instructions.


FML.


that would create a domino effect to my other flights






.... now I have to worry about either how to get my passport sooner if possible, if not, shoulder the costs of rebooking/cancelling (so much for saving money because we're backpacking, reminiscent of Lonely Planet on Discovery channel), and I have to deal with an upset friend... who has been working her ass off just to make more money for this.




Did I just say FML?



Wednesday, February 16, 2011

Pins Needles Piercings (PnP)



Umiiyak talaga ako kanina. Dapat hindi na lang ako nakipag chat kay Mark. Aba, at meron na din siyang mobile internet? Isa lang naisip kong solution jan, stealth settings > appear permanently offline. Hehehe


Nawalan na ako ng gana mag gym, binalak ko na lang sana magmukmok sa kwarto ko buong araw.


May nagtext! ...si Tobi.


"Seth! I'm planning to get my 7th piercing today!"


"Err... ok kasama ba ako dapat?"


"Gusto mo? Punta ka dali. Wait kita. Haha! Dito lang sa may Monumento LRT"


"Hindi ba ako masusuka?"


"Di yan. Excited naku! ^^"


Haaay! Ako naman itong kaladkarin, mula Cubao nakakarating ng Caloocan isang text lang. I honestly wanted to displace my angst somewhere. Tekken is getting quite boring na? Why not watch someone hurt themselves instead? This ought to be interesting...


Dito kami nagpunta. Kalahati lang siya ng room ko actually.

Ito yung mga pwedeng pagpilian.

Heto na si Kuya, naghahanda. Notice yung rice cooker sa likod? 
Akala ko naman doon sila magsterilize. hehehe
Meron namang anesthesia. Nanghina lang ako nung may nakita akong patak ng dugo sa nipple niya...


Clamp


Tinusok (waaaaahh !!!!!!!!!!)


Inayus kaunti


Kabit na! And it all took 5 minutes. Parang yosi break lang?

Ang galing! 7th na nga niya ito. 3 sa tainga, 1 sa dila, 1 sa lower lip, 2 nipple.





"Ikaw susunod?" tanung sakin ni Kuya. Natakot ako? LOL



"Para saan ba ito? Balak mo hikawan katawan mo?"

"Para astig pag sa bar at naghubad ako ng shirt."

"Kaya lalong ayaw ko magbar. LOL" sagot ko. "So paano yan? May added sensation ba? Tumatayo pa ba nipple mo pag aroused ka?"

"Mas sensitive nga siya ngayun eh dahil dito"

Hmmmmm........ Napaisip ako. Ako din kaya? LOL



Adik.

Tuesday, February 15, 2011

Crumble down a little...

YM Chat... I wasn't expecting anything. I was just sending an email to confirm a hotel reservation...


Mark: kumusta na?


Me: ayus naman ^^ ikaw?


Mark: now down to 74 kg from 86kg but still need to work out.


Me: thats nice, good job!


Mark: nylo and ore asked me straight up if you were my bf.


Me: and what did you say?


Mark: i told them nothing


Me: alright


Mark: it's not that i don't trust them, i just don't feel like outing myself to anyone anymore you've seen me right do you think i lost weight?


Me: i only saw a glimpse of you at wensha, i was behind you. i was trying to avoid you as much as possible


Mark: i'm still a snob at the spa


Me: ok


Mark: who were you with your new....


Me: i was alone. i dont have anybody. im not dating or sleeping with anybody for the past 3 months


Mark: i'll be on the road. while chatting. i'm nott driving


Me: ok


Mark: you have your friends and family


Me: yeah, masaya naman ako sa kanila. reconnected with them


Mark: that's for the best


Me: im happier now. i hope you are too


Mark: i'm happy but of course there are times when loneliness hits


Me: oh well, i learned how to deal with that


Mark: of course


Me: minsan ramdam ko pa din psych link mo minsan tumitingin pa din ako sa moon naiiyak na naman ako kasi kausap kita


Mark: you want me to sign out


Me: account mo naman yan wala nako say, di naman ako lang pwede mo kausapin... o kung dapat mo ba akogn kausapin


Mark: if you donb't want me to chat with you say so


Me: di pa ako ready kausapin ka. advanced happy birthday na lang... i dont think i can greet you on the actual day... much too painful


Mark: take care always you know i never stopped caring about you


Me: sana nga di na lang natapus but i will be better, i will be good


Mark: i'm sure you will.sarge is driving


Me: gladys was teary eyed when we met unfortunately i couldn't stay long enough, just gave her my pasalubong


Mark: chatting while the car is mobile is giving me a migraine GTG


Me: tc


*********




Circle me and the needle moves gracefully
back and forth, if my heart was a compass you'd be North
Risk it all 'cause I'll catch you if you fall
wherever you go, if my heart was a house you'd be home...

*tears*

Post Valentines

February 12th: Two days na lang!? Crunch time na ito! 


Napaka obvious naman ng common theme ng blogs, Balentyms. 


Anjan na din yung mga nababasa ko like: "Single Awareness Day" , bitter-ako-im-gonna-wear-black, mamatay-na-lahat-ng-cheesy-at-mushy-magbebreak-din-kayo! (hostile much?), im-single-im-gonna-be-ok-day.


Sheesh.


Personally, I don't get what all the fuss is about? Kahit naman nung mga time Mark and I were madly in love with each other, we never celebrated Valentines day. The dinner-movies-coffee formula has never been over used on any other calendar day. Heavy traffic and prices are outrageous. You can give me flowers on any other day of the year but why choose the time when it's 10x more expensive than usual? I would've felt more special if its an ordinary day and I received flowers nonetheless. 


Anu pa ba? Hmm... ngayun ko lang nalaman na meron din palang couples na bloggers! Cute ^^


Nakaraos din naman tayung lahat. It wasn't THAT bad?


# Dinagdagan ko pa ng 50 reps sa ab roller pagkagising. Para na din akong sumasamba tuwing ginagamit ko: Paaara sa beach.... Paaara sa beach.... Paaara sa beach.... tiis ganda nga naman.


# Online ako sa Facebook, kating kati na akong batiin si Office Crushie, kaso what for? Matagal na din naman niya akong dinedeadma... pero hinahakot ko pa din ang pictures niya everytime nag uupload siya ng bago. hihihi ^^


# Nanay ko lang tinext ko ng Happy Valentines na ang reply lang eh: K. Thanks. Busy ako. (Hmph!)


# Dineadma na ang lahat ng ibang greetings. Sinung happy!? What's to celebrate about!? Chos.


# Meron din naman tinatawag na "Agape" o love for thyself:


Sale sa Girbaud!? bwahahahahaha!

1500 pair ng bag and wallet. Aylavet !!!!!!!!
# Hindi muna ako tumuloy mag gym. Naalala kong may ambush last time. Pinauso nila yung color coding ng attire mo to signify your, ehem, status. Ako di ko naman pinansin, pero may mga taong sumeryoso, paglabas mo pa lang ng shower cubicle nakabantay na at over friendly. (behave ako... behave ako...)


# Ininvite ako ni sis lumafang. May party kiyeme daw sa culinary school nila na limang cartwheel at tatlong herky lang naman ang layu sa apartment ko. Gora! Hindi naman ako kuntodo bihis, pero malay mo, may makilala, humabol pa? hihi ^^





Ok na sana. Kulang lang sila sa showmanship. Simulation test pala nila ito sa Culinary. Di kasi sila tulad ng sister ko, HRM grad, may alam sa events organizing. Patay ang crowd. Hindi nga ako party person pero ayaw ko din sa isang boring na party. Inaawat na lang ako ni sister sumasayaw kasi ako LOL


So so lang ang food. I love crepe kaso makunat na yung wrapper at sobrang tamis at malambot na yung saging. Ganun din yung pineapple juice. Umay much. Broccoli lang din nakain ko kasi vegetarian nga ang drama. hihi ^^


classmate ni sister, new fag hag
Hindi na ako sumali sa games, pero nanalo naman ako ng cap sa raffle. Hangkyutt !!! Suot ko na siya pauwi ^^


# Uwi sa bahay. Borlogs. 12:15am may nagtext! ... (no name) Belated Happy Valentine's Day! Hope you enjoyed your date. Hmmm who could it be? (isip...)


Ahhh... si Mark. Binura ko na nga pala. Hmmm... mejo natempt akong replyan ng "Hu u?" hihi ^^ hinayaan ko na lang.


Back to normal na ang lahat! ^._________.^