OK. So ang sabi ko nga eh magsusulat na ako ulit.
Magsusulat lang talaga ako tulad ng kung paano ko siguro ikukwento kung kaharap ko kayong nagbabasa nito.
Yes, may pagka-stalker po ang inyong lingkod at isa sa mga taong lagi kong sinusundan eh yung mga taong ... hindi ko gusto/ hindi ko pa mapatawad until now/ yung mga sumalbahe sa akin.
Ang hirap kasi para sa akin na mapatawad yung isang tao na gumawa nang masama sa sayo, at wala ka naman talagang maaasahang hihingi siya ng sorry o baka kahit minsan eh marealize nya na mali yung ginawa nya, kahit anu pa man ang naging rason nya o motivation nya noon.
Aaminin ko na sa sobrang sama ng loob ko, isa sa mga rason kaya ko sila iniii-stalk eh gusto kong makita ko deads na ba sila or not (sorry naman ang morbid lang). Saka gusto ko lang malaman kung effective nya ba yung binigay sa aking Death Note. LOL
Andun ang lahat nng morbid details na hindi ko na i-dedescribe pa sa blog post na ito hehehe.
Pero teka lang, hindi naman ako yung tipong umaaligid sa bahay or opisina nila. No, puro online stalking lang naman ako. Kung hindi ka mashadong particular sa privacy settings mo sa FB, most likely nakita ko na lahat. Yung partner nila, anak nila, plate number ng sasakyan nila (na secretly gusto kong makita at gasgasan ng susi ng very light.)
Isa din sa mga inaalam ko, kung nasaan na sila ngayun at kung anu ang current na company o career nila. Iniisip ko lang din, gagawin ko lahat ng makakaya ko na iwasan na makatrabaho o makasama sila ulit sa iisang lugar. Pangalawa siguro, kung sakali man na nauna ako sa company at bigla silang nakapasok din at di maiiwasan na magkatrabaho kami. Gusto ko lang din na masiguro na mas mataas ang position ko para naman pwede ko na lang siyang utusan na magpaphotocopy para sa akin?
Siguro iniisip mo ngayun, ang bitter ko naman. Ang babaw ko naman. Move on na! Matagal na din siguro yun baka nagbago na sila (well, sinimulan ko nung highschool until present time).
Pero hindi eh. Ganun na nga lang din ba yun? Yung kung anung masamang ginawa nila, yung pamamahiya o pananabotahe, papalampasin ko na lang?
Siguro may kaunting galit din ako sa sarili ko. Hindi ako naging matalino at matapang, minsan naging malakas para ipagtanggol ko yung sarili ko. Lumaban sana ako.
Anu ang gagawin ko all this time? Umasa na lang sa karma? Sa prayers?
Kahit ang mga kaaway mo, anak din sila ng Diyos. Marunong din silang magdasal. Sinu ka ba naman para ikaw lang ang papakinggan Niya di ba?
Ang pinaka recent siguro, si Mark.
Oo, masama loob ko sa kanya noon, kaya nga sinimulan ko itong madramang blog noon. Pero ngayun, masaya na ako eh? Siguro mas ok ako na makitang mas naging masaya at makabuluhan ang naging buhay ko pagkatapus namin tapusin yung relasyon namin.
Pero paano nga ba ang gagawin ko dun sa mga taong hindi ko nagawang kumprontahin?
Gusto kong malaman paano ako magiging ok...

tulad ng sabi nila, every wound will heal, in time. kaya wag na lang pilitin kung ayaw pa. :)
ReplyDeleteThanks Olivr :)
DeletePero sa ngayun sinusundan ko muna sila sa FB and LinkedIn para naman alam ko kung nasaan sila and reduce the chances na makatrabaho ko sila ulit hehehe