Sunday, December 10, 2017

Minimalism

Maraming maaring matutunan sa internet, marami ding libre (tulad ng soft porn pics na almost every hour meron sa mga hubadero sa FB at IG), maraming bagong ideas.

Isa sa mga natuwa akong idea eh itong "minimalism." Ang idea nito eh to own as few things as possible, stick to the basics kumbaga. Pag tumingin pa lang ako sa condo unit namin ni Joms, mahirap humanap ng iisang bagay na wala kaming at least 3-10 versions nun. Promise. Siguro, nung una tinatawag kasing "collection" pero kapag sa sobrang dami na ang kalat na, nag-iipon ng alikabok, wala ka na mashadong magalawan dahil nasa sahig na din, sadyang nakaka-dagdag sa everyday stress.

Nagbawas na ako ng mga gamit. Namigay nako ng mga damit, bag, at sapatos, pinamigay ko na din yung extra toiletries, binenta ko na mga lumang gadgets etc. Ang problema ko naman, aba, free space. Si Joms naman ang nagtambak at gagawa daw siya ng "Funko POP wall".

OMG.

Kaya naman this year, since sa iisang buwan na din naman ang birthday nya at Pasko, next month eh anniversary namin, at by June babalik na siya sa school (college, second degree), binilhan ko na lang siya ng mas magagamit nya nang matagal. Nilinaw ko din na since mejo may kamahalan eh 24 mos ko lang din naman huhulugan sa credit card eh di ko na balak magbigay for the next 2 yrs LOL.

Minimalistic goal #1 Achieved : Bawasan ang pagreregalo sa boypren.

Sa pag-eexplore ko din sa minimalism, nabasa ko naman ang mga "Zero Waste lifestyles." Meron pa ngang isang girl na pinagmamalaki nya na lahat "daw" ng basura nya for the last 4 years fits in one mason jar.

Yeah right.

Meron naman akong mga nakuhang idea na mejo realistic naman sa Philippine setting. 

1. Meron na akong reusable water bottle sa bag
2. Meron na din akong reusable spoon, fork, chopsticks
3. Lagi na akong may dalang eco bag

Yun lang. LOL. Akala mo naman napaka life changing? But seriously, we all need to do a small part for the environment.

Ang hindi ko lang talaga masikmura eh yung ibang Zero waste practitioners eh mejo bumalik yata to the primitive ages? For example, yung isa, hindi na daw sila bumibili ng toilet paper. Ang ginagamit nila eh "family cloths." Okaaaay... I was like, sige teh, explain in great detail anu yun.

So bale yung mga basahan nila, mga blumang damit at retaso, they cut into squares, wipe their asses with it, place in a bucket and wash them all afterwards. Like eew?

Binababad naman daw nila sa suka or baking soda to control the smell ek ek but hello?

Hindi ko naman yata kayang compromise yung sanitation para lang sa "pagtitipid" which is sa totoo lang wala ka naman natipid kasi bibili ka pa din ng baking soda, suka, lalabhan mo pa so gagastos ka pa din.

Anyway, paano naman sa mga bottom tulad ko? Wala naman yatang eco-friendly condoms di ba?

Minimalistic goal #2 Achieved : Reduce trash whenever possible.

Kung yung unang dalawang bagay sa taas eh dala ng consumerism, meron din namang isang bagay na hindi naman binibili at all pero sadyang sobrang dami kung hindi mo alam paano mag-control.

What am I talking about? Drama.

Drama leads to fear. Fear leads to anger. Anger leads to suffering. Suffering results to trips to the spa, binge eating, and retail therapy which is bad for my credit card and for the environment.

Every year towards the end of the year, alaga ko na magbawas ng tao sa FB ko. Sinasadya ko na as much as possible, less than 1000 lang ang nasa list ko.

Pinaka kinaiinisan ko sa lahat eh yung:

1. Yung mga nagpopost ng mga LQ / away nila sa personal na pahabaan ng comment na all caps and shit
2. Yung mga mahihilig na lang mambash ng mga tao na taliwas sa paniniwala nila sa religion and politics
3. Yung mga madalas mag post ng status nila na "single" then later papalitan na naman na "in a relationship with" tapus bumilang ka ng ilang weeks break na din sila. Punyeta

3.1 Same people na hihingi ng advice about their relationships pero di rin naman makikinig kasi di mabitiwan ang malaking etits ng X nya. Gawd.

I mean, ok, people have their down moments pero kung sadyang napaka toxic na ng posts mo na pumapasok sa feeds ko eh:

1. I will unfollow na lang muna pero checking occassionally
2. Unfriend
3. Block forever

Minimalistic goal #3 Achieved : Avoid drama in my life as much as possible.

I therefore conclude, hindi lang naman puro material na bagay ang dapat bawasan sa life. Minsan tao din, minsan drama din, para tayo ay maging masaya.

Sunday, November 26, 2017

Stalking Thoughts: Enemies

OK. So ang sabi ko nga eh magsusulat na ako ulit.

Magsusulat lang talaga ako tulad ng kung paano ko siguro ikukwento kung kaharap ko kayong nagbabasa nito.

Yes, may pagka-stalker po ang inyong lingkod at isa sa mga taong lagi kong sinusundan eh yung mga taong ... hindi ko gusto/ hindi ko pa mapatawad until now/ yung mga sumalbahe sa akin.

Ang hirap kasi para sa akin na mapatawad yung isang tao na gumawa nang masama sa sayo, at wala ka naman talagang maaasahang hihingi siya ng sorry o baka kahit minsan eh marealize nya na mali yung ginawa nya, kahit anu pa man ang naging rason nya o motivation nya noon.

Aaminin ko na sa sobrang sama ng loob ko, isa sa mga rason kaya ko sila iniii-stalk eh gusto kong makita ko deads na ba sila or not (sorry naman ang morbid lang). Saka gusto ko lang malaman kung effective nya ba yung binigay sa aking Death Note. LOL

Andun ang lahat nng morbid details na hindi ko na i-dedescribe pa sa blog post na ito hehehe.

Pero teka lang, hindi naman ako yung tipong umaaligid sa bahay or opisina nila. No, puro online stalking lang naman ako. Kung hindi ka mashadong particular sa privacy settings mo sa FB, most likely nakita ko na lahat. Yung partner nila, anak nila, plate number ng sasakyan nila (na secretly gusto kong makita at gasgasan ng susi ng very light.)

Isa din sa mga inaalam ko, kung nasaan na sila ngayun at kung anu ang current na company o career nila. Iniisip ko lang din, gagawin ko lahat ng makakaya ko na iwasan na makatrabaho o makasama sila ulit sa iisang lugar. Pangalawa siguro, kung sakali man na nauna ako sa company at bigla silang nakapasok din at di maiiwasan na magkatrabaho kami. Gusto ko lang din na masiguro na mas mataas ang position ko para naman pwede ko na lang siyang utusan na magpaphotocopy para sa akin? 

Siguro iniisip mo ngayun, ang bitter ko naman. Ang babaw ko naman. Move on na! Matagal na din siguro yun baka nagbago na sila (well, sinimulan ko nung highschool until present time).

Pero hindi eh. Ganun na nga lang din ba yun? Yung kung anung masamang ginawa nila, yung pamamahiya o pananabotahe, papalampasin ko na lang?

Siguro may kaunting galit din ako sa sarili ko. Hindi ako naging matalino at matapang, minsan naging malakas para ipagtanggol ko yung sarili ko. Lumaban sana ako.

Anu ang gagawin ko all this time? Umasa na lang sa karma? Sa prayers? 

Kahit ang mga kaaway mo, anak din sila ng Diyos. Marunong din silang magdasal. Sinu ka ba naman para ikaw lang ang papakinggan Niya di ba?

Ang pinaka recent siguro, si Mark. 

Oo, masama loob ko sa kanya noon, kaya nga sinimulan ko itong madramang blog noon. Pero ngayun, masaya na ako eh? Siguro mas ok ako na makitang mas naging masaya at makabuluhan ang naging buhay ko pagkatapus namin tapusin yung relasyon namin.

Pero paano nga ba ang gagawin ko dun sa mga taong hindi ko nagawang kumprontahin?

Gusto kong malaman paano ako magiging ok...

Sunday, November 19, 2017

So anu na ito puro na lang ba ako hello?

How exciting.

Here I am on a weekend, in front of a computer, just like the typical 40 hours I spend in the office. 

Ewan ko ba. I am really a tactile person na kapag magsusulat ako mas feel ko yung keyboard kaysa gamitin yung nasa screen.

So in a previous post (di ko na din matandaan alin o kailan) naghahanap ako ng content na susundan. Para bang nakulangan na kasi ako ng mga bagong kwento. Facebook. Super daming ads, super daming cute animals, super convenient na soft porn delivered to your feed, super daming topics, name it. Pati yung "Titos of Manila" mashado na nabombard ang notifications ko in-off ko na notifications at unfollow. Nyeta.

Ganun talaga. You get what you want Seth. You asked for it.

Gusto ko na magbalik loob sa blogging. Hindi yung tipo ng blogging ngayun na pinagkakakitaan nang husto. Yung laging may new content. 

Mas maganda, mas special yung may reason talaga para magsulat. Inspired. Hindi pressured na kailangan may mamaintain na traffic.

Hindi naman ako special sumulat at hindi rin naman ako super husay na blogger. It is just that "influencers," ang tawag sa kanila sa social media, kasindami nila ang sampung pisong mani.

In fairness, mabenta pa din yung post ko tungkol sa bathhouse LOL. May mga nag-iiwan pa ng number. May mga pic at video sa twitter. Yung iba nagbibigay pa ng location as in sobrang lapit na lang sa akin feeling ko baka magkapitbahay na kami? hahaha

Sunday, April 2, 2017

Remake

A lot of people asked me what I thought about the new Beauty and the Beast movie. My answer was "I watched it online, a movie copy, I got bored after 42 minutes and decided not to finish it."

Beauty and the Beast was my favorite Disney movie of all time. I probably watched it hundreds of times I've practically memorized the script. I was initially excited upon seeing the trailer and the poster... until I watched the teaser of Belle (Little town).

Emma Watson couldn't possibly dropped her British accent and this is supposed to be a French village. I didn't mind the singing either. 

It was this particular scene that disappointed me. You see, Belle in the animation movie was dreamy and she lit up when someone asked her about her book. In the live action movie, she looked just as bored as the rest of the town.

I was expecting more in the live action since this is already a real actor! Unlike animation, the animator has to first draw the scenes, making sure to capture the emotions and the mouth opening. Second, the voice talent would then need to watch the movie and try to adjust to the emotions and the mouth movements.

I just feel that Emma could've done a lot better.




I didn't make it far enough during the first 42 minutes to make it to the library scene but when I heard that didn't go too well either, it is already a deal breaker for me.

Something tells me, soon they will be remaking the Little Mermaid as well.

I wonder how they can execute "Part of your World" convincing enough?

Saturday, March 25, 2017

Uh oh hello

Oh hi. Yeah, I'm back. And this time hopefully I'd stay a little longer.

I feel like I have to explain my disappearance though wala naman talagang malalim na dahilan. It was simply because, I got bored.

I had this yearning to make a connection, to belong, I was looking for that content or passion or whatever to make me feel excited and escape from all the monotony of daily work. Luckily, I managed to find a company where I stayed longer than a year. Achievement yun ha? Prior to that I always had to come across one version of kupal after another that would drain my energy and zest for life that I would rather resign than drag myself to work.

For the longest time I have been enjoying an almost permanent shift with weekends off. Forever. 

Petiks na work, minus the kupaloids with almost double the pay I was earning before. If that isn't fucking awesome I don't know what is.

And yet here I am. I managed to retire from the chained office laptop and here at home, hurray! I'm in front of the computer again and on the internet. How fun.

If there was anything I enjoyed the most of out my job was that now I can afford to travel more often. Pangatlong balik ko na sa Japan this coming August and Cebu sa November. Nakapasyal na din ako sa Iloilo, Bohol, nth time sa Boracay and Baguio.

Bongga di ba? Di na ako poorita :)

May bago din akong hobby... building Gundam. Pakk! Ang macho pakinggan pero honestly parang manicure-pedicure lang ang principles applied to a plastic err robot.

So bakit pa ako nagbalik sa blog? Anjan naman ang Facebook.

Napaka ingay ng Facebook. Sure anjan lahat ng content. Videos, advertisements, articles etc. Hindi ko na nga kailangan bumisita sa porn websites? Andami na hubadero na pwedeng i-follow and maya't maya magselfie delivered straight to my feed. How convenient.

For some time sumawsaw na din ako sa political topics and issues of national concern. Punyeta. Lalong magulo. Minsan hindi ko na alam paano i-process ang lahat naii-stress lang ako lalo. Eventually, kebs na. Hindi ko na sinundan ang mga bagay bagay. Hayaan ko na lahat ng political pundits at ang kung anu mang agenda nila sa buhay ang gusto nilang ipaglaban. 

Bumalik na lang ako sa aking bubble of comfort ng cute animals and hunky boys. Nakaka happy pa sila.

Anyway, I'll try to backread on the things I have missed.

Kahit minsan parang nakakatuwa yung mga likes and shares, nakakamiss din pala yung aabangan mo in a few hours, at the end of the day kung may nagbasa ng entry mo, kung may nagcomment. Inaabangan mo kung anu din ang ganap sa life ng ibang bloggers, how they see the world. Their world.

I missed writing too.