Sunday, February 15, 2015

Mapapala

Lilinawin ko lang. Hindi ako magsusulat tungkol sa Valentines day.

Thank you.

Nagkaron kami ng isang interesting na usapan ni Joms kahapon tungkol sa nangyari sa kaopisina nyang lesbian. Itong kanyang kasamahang "flex trainer" ay ang "butch" sa relasyon, ibig sabihin siya yung "masculine." Pumasok ito sa opisina na maraming sugat dala mga kalmot galing sa kanyang ex-gf. Nalaman kasi ng ex-gf na wala pang isang buwan mula ang hiwalayan, mayroon na agad bagung babaeng kinakalantari o kapalit sa kanya. Nakarating sa babae na matagal na pala ang kanilang naging relasyon noon pa man bago ang naging hiwalayan.

Joms: "Kawawa naman yung officemate ko? Ang babaw naman bakit siya kailangan masaktan nang ganun."

Seth: "Bakit naman siya kawawa eh siya naman pala yung naunang magloko? Kung ako yun kulang pa yung natamo nya."

Joms: "Eh tapus na yung relasyon nila, bakit kailangan pa nilang mag-away bakit hindi na lang mag-move on yung isa?"

Seth: "Eh paano ka naman makaka move on kung nalaman mo na matagal ka na palang niloloko at tinapos lang nung isa yung relasyon dahil secured na siya dun sa kabila kaya bumitiw na siya. Ginawa niya yun kasi convenient na sa kanya ang lahat. Selfish pero sariling kaligayahan lang nya iniisip nya."

Joms: "Importante pa ba iyon kung ano ang totoo? Kung sabihin man nung isa yung tunay na dahilan o hindi maibabalik pa ba nila ang dati?"

Seth: "Hindi na, pero para sa akin importante din naman na magkaroon ng closure yung kabila na maintindihan nya kung bakit wala na. Lahat naman siguro ng relasyon hangga't maari eh ginagawan nila nang paraan na ayusin pero paano ka matututo kung meron ka bang nagawang mali bakit hindi nagtagal yung relasyon. Para sa susunod na relasyon mo, alam mo na ang dapat iwasan."

Joms: "Karamihan naman siguro ng mga relasyon may isa na hindi pa handang bumitiw pero ano pa ba ang magagawa mo kung ayaw na nung isa?"

Seth: "Hindi ko naman ipipilit ibalik eh? Siguro susubukan ko sa una, pero sa katagalan ang gusto ko na lang eh maintindihan kasi masakit ang bumitiw. Kaya kung yung isa ay nagsinungaling sa dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay magagalit talaga ako, baka gusto ko din manakit."

Joms: "At ano naman ang mapapala mo kapag nanakit ka? Di na rin naman kayu magkakabalikan?"

Seth: "Sasaktan ko pa ba siya kung gusto kong ibalik ang dati? Galit na ako eh. Ang gusto ko na lang masaktan din siya. Alam mo naman, violent akong tao malakas lang talaga akong magpigil."

Joms: "Yun nga eh. Ikaw violent ako hindi. Siguro iiyak na lang ako. Magagalit din, pero hindi ako mananakit. Malulungkot ako sandali pero babangun din ako ulit. Life is too short to be sad."

Seth: "Some people grieve. Textbook nga at least 6 months ang grieving."

Joms: "Wala din naman maysabi na kailangan 6 mos. Decision ko naman iyon kung gusto kong mas maikli kung sakali."

Seth: "Kung niloko ako, gusto kong gumanti, makakatulong sa akin yung makapanakit. Makaganti. Yung kalmot na iyon, sana mag-iwan ng peklat sa kanya."

Joms: "Para naman saan yung peklat?"

Seth: "Para maalala niya kung paano nya nakuha iyon. Dahil sa pagloloko niya kaya siya sinugatan. Sana hindi na niya iyon ulitin pa sa iba."

Joms: "Mawawala din naman yung peklat. Kung sakali man maiwan, wala na din yung ibig sabihin sa kanya."

Seth: "Scars are a reminder that the past was real. May ibang tao, dahil nakalusot sila sa ginawa nila, nakakalimutan nila mga kasalanan nila. Hindi mo naman kasi kayang iasa lahat sa karma lang. Ang tagal nun, baka hindi pa dumating o hindi mo malaman? I would get the satisfaction of inflicting what I think would be an equal or more pain to the offender."

Joms: "Sorry ha, pero mashadong mababaw yung dahilan na iyon."

Seth: "Siguro kasi mahal ko yung sarili ko, pag binigay mo yung sarili mo sa ibang tao, sana aalagaan ka din nila. Pag tinanggap mo yung isang tao tapus sasaktan ka lang din pala niya, magsisisi ka tuloy sa naging desisyon mo. Lahat ng nangyari noon, hindi mo na alam kung ano ang totoo. Hindi mo na alam kung yung mga panahon na naging masaya ka, eh masaya pa ding balikan. Nung naghiwalay kami ni Mark at nalaman ko na mas matagal na pala niya akong niloloko at patuloy na niloloko bago pa man nagsimula ang pinakaunang away namin, galit na galit ako. Dun na ako bumitiw. Sinabi ko sa sarili ko na ayaw ko na, hindi na mauulit. Hindi ko na hahayaan na sasaktan ulit ako tulad nang ganoon.

Paano kung bukas makalawa nakipag hiwalay ako sa iyo? Anung gagawin mo?"

Joms: "Gusto ko munang malaman kung bakit?"

Seth: "Importante pa ba iyon? Kung sabihin kong nagising na lang ako isang araw, ayaw ko na, kunin mo na mga gamit mo bumalik ka sa sa bahay mo sa Project 4. Iwan mo ang susi ng pinto, huwag na tayung mag usap pa ulit kahit kailan. Ok lang yun sa iyo?"

Joms: "Kukunin ko mga gamit ko. Pero gusto ko pa din malaman kung bakit?"

Seth: "Paano kung ayaw ko nang sabihin? Hindi na rin naman ako kailangan pang magpaliwanag pa. Tinapus ko na hindi ba? Ito yung ibig kong sabihin na convenient lang para dun sa isa ang pakikipag break pero nakabitin sa ere yung isa."

Joms: "Alam mo, kung sakali man na kunwari, mahuli kita sa akto na may kasiping na iba o natutulog ka sa kama natin na mayroon kang ibang kasama. Hindi kita aawayin, hindi pa rin ako mananakit. Gigisingin lang kita para sabihin ko sa iyo, "kukunin ko lang mga gamit ko.""

Seth: "Seriously? Kasi kung ako yun at nahuli kita baka dinampot ko na yung kutsilyo sa lababo siguro magdidilim paningin ko patay kayu pareho."

Joms: "Ang gory naman. Kapapanuod mo kasi ng Chicago at yung Cell Block Tango."

Seth: "IKR. Pero nakakapagud itong usapan natin."

Joms: "Kain na nga lang tayu."

5 comments:

  1. As there are billions of people on Earth, there are also billions of different ways to love.

    Infer ha, ang lalim ng usapan niyo ng jowa mo. Nakakatuwa lang na you bond over those things. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naramdaman ko din yun. Parang right then and there alam na namin ang script pag nagbreak kami. LOL

      Ahmishooo! Sinara mo nga talaga ang blog mo? Hmph.

      Delete
    2. Oo. Napapagod na ko sa mga stalkers eh. lol chos lang

      Delete
  2. Mas masakit talaga ang malaman na matagal ka na palang niloloko bago pa kayo magkahiwalay. Iniisip mo ng paulit-ulit kung ano ba ang nagawa mong mali pero all this time nasa kanya pala. Yung pilit mong sine-save yung relationship dahil akala mo pwede pa pero yun pala ikaw lang yung lumalaban. :(

    (Disclaimer: walang pinaghuhugutan yan huh.)

    ReplyDelete