Monday, October 14, 2013

Limos

Noong mas bata pa ako, iisa lang ang mukha sa akin ng isang taong nanlilimos. Kadalasan, ito yung taong mukhang madungis, nakatira sa kalsada, mukhang may sakit at nagkakalkal sa basura.

Fast forward ng 10 taon, level up na ang panlilimos at nauumay na ako. Hindi na sila mukhang busabos.

1. Punas Sapatos

Classic ito. Mejo original. Nakasakay ako noon sa jeep papasok ng UST, mayroong isang batang halos tumalon papasok ng jeep an mat dalang basahan at iisa isang punasan ang sapatos ng mga pasahero. Naman. Kung hindi ka naman ba bato para hindi maawa dito? 

Matapos ang iilang araw, marami na nagsigayahan. Pero hindi na sila nagpupunas, dumadampi na lang yung basahan (which is equally nakakadiri since di mo alam saan galing) at minimal na ang effort.

2. Hingi ng Pamasahe

Naggym na ako sa Ortigas noon. May makikita kang mag-ina ang drama. Simple ang damit, may kaunting bagahe. Kailangan daw ng pamasahe pauwi. Ako naman itong nag abot ng 20 pesos. Anu naman kasi ang mararating ng 5 piso di ba? Pero nung ilang araw ko na rin silang nakikita na ganun pa din ang strategy, manhid na ulit ako.

Hindi rin naman lahat paawang effect. Minsan gwapo, malinis, ngingitian ka pa. Che. Dun tayu sa bahay iuuwi na kita. hahahaha

3. Hagulgol

Isa pang variation ng hingi ng pamasahe. This time with matching tears. Sa mall o restaurant, may lalapit na lamang basta na umiiyak at nanghihingi ng perang pamasahe.

4. Kami po ay isang grupo ng manggagawa 

Uso ito sa bus. Kung kelan maganda palabas sa TV saka siya magsasalita na sila daw ay isang grupo na nagrarally laban sa sa hindi tamang pamamalakad ng kanilang factory/kumpanya at kailangan nila ng pondo. Three years after nakikita ko pa rin siya sa bus paminsan minsan.

5. Love offering lang po

Bus din ang setting. Bigla na lang may tatayu sa gitna, may dalang Bibliya at may babasahin ng malalim na Tagalog o pwede ring Taglish. Kaunting dasal, magaabot na ng sobre kung gusto mo lang naman maligtas ang iyong kaluluwa.

Pinaka nakakatawang naabutan ko nito, sa MRT niya sinubukan. Wala naman problema nung maluwag pa. Kaso makatatlong station na, wala nang taong makagalaw. Maririnig mo na lang boses niya. Fail ka kuya.

6. Namatay/Maysakit ang aking ________ kailangan ng palibing/pagamot.

In fairness, may props. May kung anung document sa loob ng plastic envelope na katibayan ng death certificate o diagnosis ng kamag anak. Sinu nga ba naman ang mag iisip na silipin pa iyon di ba?

7. I am part of an org ...

Ito ang impressive. Kukuha sila ng mga teenager na maamo ang mukha, mahusay magsalita minsan maganda pa English accent. Bebentahan ka lang naman ng ballpen na may calendar sa halagang 100 pesos. Hello, sampu lang po iyon sa Divisoria? Kapag pinapanuod ko sa malayo, may pumapatol naman?

8. Abot sobre

Nakakapagud sin siguro magsalita. Pwede naman nakasulat na lang di ba? Investment ang envelopes. Nakakapagsulat ka naman pala bakit di ka mag aral di ba?

9. One man band

Minsan isa lang, minsan duet. May speaker at baterya pa. Novelty songs din kinakanta. Kadalasan pareho silang bulag.

10. Sleep all day over.

Wala naman siya dun kahapon. Pero low and behold, may makikita ka na lang na hihiga kung saan, marungis, may lalagyan. 




Anu ba akala ng mga ito? Ngumanga ako buong araw magagawa ako ng pera?


13 comments:

  1. Never pa ko naka-encounter nung 1, 3, 4, and 8. At never pa ko nakakita ng gwapong version ng number 2. San ba yan makikita? *hihihi*

    Nakalimutan mo ata ang mga batang badjao sa mga jeep?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmm madalas sila sa public transpo eh.

      Conclusion: Sushalin ang Sepsep!

      Delete
    2. Nu ka na, commuter lang din ako. :P

      Delete
    3. puro taxi nga lang. boom! hihihi

      Delete
  2. Sa loob ng isang buwan, siguro hindi bababa sa lima ang encounter ko sa mga ganyan. Nakakalungkot na lang isipin. Awa mula sa ibang tao ang punuhan nila. Minsan nakakaawa talaga, madalas nakakairita na. Pero manhid na din ako sa ganyan. Marami nang nanloloko lang. Ang tunay na nakakaawa, ay yung mga nanlilimos na mabuti ang hangarin, yung walang hidden agenda. Nadadamay sila dahil sa pananamantala ng mga huwad.

    ReplyDelete
  3. ok lng nman sakin magbigay kung sa pagkain nga o sa ibang mahalagang bagay napupunta yng limos. tska kung hindi bata ang pinaglilimos

    ReplyDelete
  4. Yung mga nag-aabot ng envelopes sa jeepney sa Makati, may matching kanta at sayaw pa. Mga batang Badjao daw sila. Minsan kasama pa si madir, with sanggol in her bosom.

    Di ko makakalimutan eh nung kakapanood lang namin ng mga classmates ko ng The Grudge, at takot na takot kami kay Toshio. Tapos sakto naman pagsakay namin sa jeep, may batang biglang tumalon at pinunasan ang mga paa namin. Nagtilian kami sa jeep! Nagalit sya sa amin. Akala namin nagpunta na sa Pinas si Toshio.

    ReplyDelete
  5. Happy Birthday nga pala bukas! :)

    ReplyDelete
  6. Mapapadpad nga pala ako sa Cubao bukas. Wala lang. HAHAHA :)

    ReplyDelete
  7. suplada ako sa mga namamalimos. sorry.

    teka nga... nasan na ba si yaya? kailangan ko ng alcohol. chos.

    pero suplada nga ako. lol

    ReplyDelete