Monday, July 29, 2013

Oportunista

sample lang. pero hindi yung eksena kanina
Kung hindi lang ako naka split off at hindi nagmamadaling pumunta ako ng Quiapo, ninamnam ko na lang sana ang lamig ng panahon sa bahay.

Wala na nga palang mga bus na makakapasok sa Maynila dahil sa bagong ordinansa. Tapos, wala pang dalawang linggo, biglang bawi na naman sila na may "sticker" na daw na kailangan bago payagan muli.

Pagkababa ko ng Avenida sa LRT, tulad ng inaasahan, may mga bahagi ng kalsada na matubig dahil barado na naman ang kanal. 

Nakita kong may iilang tao na pinagkakitaan ito. Ayaw mong mabasa? Heto, meron kaming maliit na tulay, magbayad ka nga lang.

Minarapat kong kumuha na lang ng tricycle.

Magkano?
50 ho minimum. (akala ko pwede na 2 tao dun)
Sige.

Ginawan naman nya ng paraan. Nakarating naman ako sa kailangan kong puntahan at dahil sasaglit lang naman talaga ako, hindi ko na siya pinaalis at nagpahatid na lang ako pabalik sa LRT pagkatapos. 

Inabutan ko siya ng 120, tip ba, 50 minimum, eh di 100 balikan, may kaunti pang dagdag.

Kulang po ito?

Ha? Akala ko ba 50 minimum? Eh di 100 balikan, may pasobra pa nga.

50 po minimum eh 2 ulo kayo.

Napabayad ako ng 200 nang di oras.


Putang ina lang mas mahal pa siya sa taxi, hindi pa aircon?

6 comments:

  1. Haiy, yung iba sa mga nagtatayo ng tulay e sinasadyang barahin ang kanal. Nilalagyan nila ng harang na kahoy yung kanal para magbaha at may mapagkakitaan. Illegal settlers ang karamihan. :|

    ReplyDelete
  2. 200?!!! That's ridiculous.

    Grabe! Mga mapagsamantala

    ReplyDelete
  3. @Fifty: Walang habas talag yang mga informal settlers na yan eh. dapat talaga sa mga yan pinapaalis na eh!

    ReplyDelete
  4. @Nomad Haha. The irony is pinapaalis na sila with free house and lot and monetary allowance pero ayaw pa rin nila.

    ReplyDelete
  5. @fifty: I know. Napanood ko pa nga sa news tatanggapin nila yung house sa relocation site tapos ipapa-upa nila sa iba pagkakakitaan nila tapos sila babalik uli sa metro para mag squat naman sa ibang lugar. tignan mo nga naman ang ugali ng mga yan.

    ReplyDelete
  6. Sila ang dapat tawaging cancer ng lipunan, hindi ang mga homosexuals.

    ReplyDelete