Wednesday, November 7, 2012

Socio-Economic Issues in my head

Post for a purpose. Char!

ito yung mga bagay/problems na naiisip ko pero I can't seem to find a solution just yet.


Alam nyo ba na ang pagkain na hindi naubos sa mga hotel and restaurant buffets ay itinatapon lamang pagkatapus? Araw araw ilang grocery carts ng ingredients ang ginagamit para maihanda ito pero sa katapusan ng araw, ang hindi nakain itatapon lamang?

Hindi pwedeng iuwi ng mga empleyado ang pagkain.
Hindi rin pwedeng ipamigay na lamang sa mga shelter etc. Ayaw makasuhan ng establishment kung sakali man sumakit ang tiyan nila dahil sa pagkain.

SAYANG.

Pero siguro ako, pag tumira ako sa kalsada alam ko na hindi ako magugutom, alam ko kung saan ako pupunta :)

Napakaraming janitor fish na itinapon na lang sa Marikina River at dumadami sila at kasinlaki ng pusa at aso dahil wala naman kumakain sa kanila? Wala na mabuhay na ibang isda o halaman sa tubig. Hindi naman sila makain dahil makapal ang balat at balita ko, mapanghi ang amuy ng laman.

ANU ANG PWEDENG GAWIN SA KANILA?

Tuwing may kalamidad, marami ang nag iipon at nag oorganize ng relief operations. Kaso, hindi naman sila systematic? Nagkakanya kanya din ng distribution.

PAANO NAMAN YUNG MGA TAO NA HINDI MADALING MAABOT?

Yung mga malalapit, sila lang yung sagana sa supplies, pero yung ibang hindi madaling mapuntahan sila yung walang makain.

SANA MAY SISTEMA PAANO DISTRIBUTION NG RELIEF.

1 comment:

  1. mahirap nga isipin kung anong magandang gawin sa mga janitor fish...

    Sa mga food naman... sayang nga kung itinatapon lang...

    First time ko dito sa blog mo... nice blog ^^

    ReplyDelete