Sunday, September 9, 2012

Galit



Sigurado akong magkakasundo ang karamihan ng mga taong tunay na nakakakilala sa akin ngayun na sadyang meron akong "angas" kahit saan ako pumunta. Hindi naman ito yung tipo na mapapa away ako sa kanto pero ito yung masyado akong confident ba sa gusto kong sabihin o gawin at lalong ayaw ko magpalampas ng mga bagay na hindi ko gusto o maintindihan. May maririnig at maririnig ka sa akin.

Ang hindi alam ng karamihan, marami akong karanasan, lalo na sa trabaho na dahil hindi ko nagawan ng paraan noon, sobrang sama ng loob ko at nag aapoy sa galit hanggang ngayun dahil hindi ko nagawan ng hustisya ng aking sarili. Umaabot  minsan sa punto na binabangungot na ako. 

Minsan akong nagtrabaho sa isang start up company sa Fort Bonifacio. Medical  account kaya naging interesado ako. Hindi naman naging mahirap sa akin ang exam at interviews. Alam ko ang gusto kong sabihin. Nagbihis at naghanda yata ako? Alam ko kung saan akong pamantasan nanggaling.

Ang trabaho ko noon ay isang "night coordinator". Sa States kasi, lahat ng pasyente may scans o xray. Kailangan ng isang radiologist upang basahin ang mga images at gumawa ng impression. Ngunit sa gabi, kung saan kulang na ang mga tao, pinapadala dito sa Pilipinas ang mga scans, binabasa ng Pinoy na Radiologist, pinipirmahan ng Amerikanong doktor. Ang trabaho ko ay mag confirm na natanggap namin ang scans, makumpleto ito, at masigurong makararating at matatanggap agad sa lalong madaling panahon ang impressions lalo na pag emergency ang pasyente.

red line = mediastinum
blue circle = CPR area
Matapus ang isang buwan ng training, mukha naman maganda ang kinabukasan ng kumpanya, akin lang yata ang hindi? Sa isang start up company na walang matatag na proseso at batas, madalas ang mga bagay ay nagiging arbitrary o basehan na lang sa iniisip na tama ng iba o kahit akala lang nila. Lahat gustong umangat at magpasikat at mapansin. Dahil dito sadyang magulo.

Nauna lamang ng 3 buwan sa akin si Danae, dahil dito, senior ko na siya at shadowing namin noon. Importante na i-report agad lalo na ang mga bleeding sa chest area, lalo na sa mediastinum

Minsan sa isang shift:


Seth: "... hairline fracture at the sternum, anterior mediastinum,..." ... Danae, irereport ko ba ito?"

Danae: (binasa ang impression) "may nakikita ka bang sinabing bleeding?"

Seth: "wala"

Danae: "so hindi"

Hindi pa siya nakuntento, nagpadala pa sa akin ng definition ng mediastinum sa chat. Duh. UST yata ako alam ko kung ano an mediastinum? Pero naisip ba niya na dito nga ginagawa ang CPR? Isang tao na tutukod at pupuwersa sa buto na ito kaya sadyang matibay siya.Kung magkaron man ng fracture dito, aasahan kong may bleeding, di ba? Pero tumahimik lang ako.

Matapos ang ilang minuto, nagkaroon ng revision ang radiologist. May bleeding na sa impression. Huli na. Napahiya na ako dahil meron akong common sense.

Marami pang naging maliliit na ganitong eksena na nagkapatung patong hanggang umabot sa punto na hinanapan na lang nila ako ng butas para tanggalin sa kumpanya. Pumasok na lang ako isang araw, ayaw na gumana ng access ko, pinatawag ako sa HR, binasahan ng evaluation, FAILED, binigyan ng huling sahod ko, at pinasulat na lamang ng resignation letter.

Masama ang loob ko.

Hindi pa sila nakuntento doon. Dalawang linggo mula nung ako'y pinaalis. Nagkaroon ng reklamo mula sa isang doktor na aming cliente. Paano ko nalaman? Nabubuksan ang email namin kahit sa labas ng opisina. Magkakaiba man ang account namin, iisa lang ang password. Matalino di ba? Dun ko nalaman na Biyernes pa lang, sinabi na sa lahat na tanggal na ako. Ako na lamang nagulat pagpasok ko.

Ang sabi ng cliente, "ang nakausap daw niyang isang night coordinator na hindi mahusay uminggles at bumigkas na mas matalino pa ang anak niyang hayskul". Hindi na nagkaroon pa ng imbestigasyon, agad na sumagot na lamang si Danae ng "paumanhin, ngunit ang taong tinutukoy ay wala na sa kumpanya".

P&%$#@$#$ !!!!!!!

At ako pa ang napiling sumalo ng sisi. Wala na naman nga ako doon, hindi ko na naman malalaman di ba? 

Halos magtatatlong taon na mula nung umalis ako sa kumpanyang iyon. Nandiyan pa rin sila. Yung iba nasa Amerika na. 

Pero ang kinaiinisan ko pa rin ay kung paanong hindi ko naipagtanggol ang sarili ko at lalong wala na akong magagawa ngayun.

Hindi ko alam kung paano ko bibitiwan ang galit ko. Paano ba ako makakaganti. Huli na din naman ang lahat.



Ngayun ko lang siya naalalang isulat, baka sakali, sa paraang ito, mailabas ko na ang nararamdaman ko, at baka sakali....



mapatawad ko sila.

1 comment: