Friday, March 30, 2012

Digital Lapida





Kulang pa rin siguro sa gasgas ang "health is wealth". Kamakailan lang, nabalitaan na lang namin sa opisina na ang pagkamatay ng training supervisor dahil sa surgical complications. Sayang. Hindi man lang siya umabot sa 40s? 


Hindi naman kami super close, pero in a way, idol ko siya. Paano, puro na lang siya designer items mula ulo hanggang paa? Perry Ellis na shirt, Cavalli jeans, LV belt, Bulgari jewelry, Prada shoes, Birkin bag, Philip Stein watch, at of course di papahuli ang gadgets na iPads (yes 2 sila), Macbook, iPhones (oo, ikr), at BB Torch.


Kung kukwentahin siguro lahat ng dala niya sa isang araw, lalampas siguro ng bahagya ng 1M. Imagine. Pangarap pa raw niya bumili ng isang Porsche before the end of the year. IKAW NA TALAGA !!!


Pero... nasaan na siya ngayun? Huling beses na nakita ko siya, sobrang payat, dry skin, wala na siyang boses halos. Wala rin nagawa ang pera niya?


Kasalukuyan akong naglilinis ng inbox, saka ko napansin na huling usap namin sa FB chat eh January pa. Hindi na rin mabuksan ang profile niya. Last time I checked napuno ng mga dedication at pictures etc ang wall niya. Kung meron man akong natutunan sa pagbabasa ko, sa "Tuesdays with Morrie" mas gusto ko na marinig yung mga magagandang eulogy habang buhay pa ako? 


Pero teka, anu ba talaga ang big deal sa akin???


Wala na yung profile niya.


"Bakit kailangan madelete yung profile?", tanung ko. "Malalaman ba ng FB na, hmmm, mejo matagal na huling login mo? Bibigyan ka ba niya ng ultimatum na on or before _____ pag di ka nagsign in goodbye na sa profile mo?".


Nakita ng friend ko kung gaano ako kaapektado.


JM: "Eh patay na nga siya di ba? FB is a social networking site. Paano ka naman makipag socialize kung patay ka na?"


Seth: "Eh yun nga ang issue ko eh?! Bakit nila binura? Paano na yung social factor?"


JM: *Awkward silence. Taas isang kilay*


Naweirduhan yata sa akin. Social factor sa patay. Ang scary di ba?


Seth: "Paano na yung pictures niya? Yung tagged photos? Yung friends niya? Paano kung di naman sila close at magkakakilala? How are they going to grieve together and share stuff about the person if they removed the only link which is the profile?!"


Wala na nasabi si JM. Masama akong kadebate pag hysterical? LOLs


Siguro ayaw ko lang patayin yung memories. Yung kahit kailan, kung gugustuhin ko, pwede ko pang balikan at tingnan ulit kapag ready na ako. 


You don't own the memories yourself. 


Rest in Peace Benj and to my puppy Donut :'(







3 comments:

  1. dapat active pa nga din fb nya, para pwede balikan ng family and friends for memories. anyways, condolences..poor puppy :(

    ReplyDelete
  2. maaga na mamatay ang tao ngayon at a young age unlike noong panahon ng ating mga lolo at lola

    condolence sa family niya

    ReplyDelete
  3. Small world. We actually work in the same company. :)

    It was pretty crazy knowing he died. What we knew was it was just a simple operation and then BAM! He's dead. Tragic. He left so young.

    ReplyDelete