Hayun nga... maraming kaganapan! Hehehe
#1 Unemployed na naman ang inyong lingkod.
Sadyang hindi nga siguro para sa akin ang outbound sales? Mas mahirap talaga siya sa CSR/TSR di hamak. Everyday na lang may quota at kapag hindi ka nakakabenta, ligwak. Hehehe. Bago matapus ang July, binigyan ako ng TL ko ng 4 day ultimatum. Sana, mabawi ko ang natitirang $3500 kong quota para goal for the month (asa) o at least maka 4-6 na order man lang ako sa isang araw kahit barya barya lang.
Sa totoo lang, nanlumo ako doon. Pero sinubukan kong pukpukin para naman nga makabenta ako kahit papaano. Yung 3rd day, mejo masaklap kasi kahit anung pilit ko, isa lang talaga benta? Alam ko na ang ending kinabukasan pero pumasok pa rin ako. Hindi pa naman ako talaga nabigyan ng dismissal papers. Pending. Duh. Pending for what? Kung gusto pa nila akong bigyan ng chance eh di sana wala yung papel na yun at may isang buwan pa siguro ako?
Nakakalungkot lang din ang TL mo eh walang ibang alam na adjectives kundi good o dismal. Haaaay.
Eh dahil nagkakasakit na lang din naman ako almost every 2 weeks sinisipon o trangkaso, inunahan ko na sila hehehe. Magresign na lang ako. Masaya lang sa una, pero yung pressure eh di ko talaga kaya. Napapabayaan ko na rin ang training ko sa gym.
#2 Single pa rin akey.
I know right. What's new. Hindi talaga ako maswerte sa dating scene. Yung dalawang nakilala ko through this blog... well, may sablay one way or another. Akala ko nung una, good sign kahit papaano. Alam na niya ang past ko (well, kung sincere ba naman niyang binasa at inintindi di ba) pero kahit gaano ka honest ako magsulat, may iba na sadyang exaggerated ang detalye ng kanilang mga buhay.
Ah oo. Mula pala ngayun, gagamit na lang ako ng alias para sa mga friends ko na maikukwento ko sa blog ko. Mahirap na. Meron kasing isang you know who na on the prowl pa rin until now (kung sana naman kasi marunong ka maghintay di ba?) at pati mga friends ko eh niresearch at nilandi sa PR. As in OMG.
Di ko pa rin nakalimutan. Sigeh, birthday mo bukas.
Happy Birthday na rin kay Green Breaker !!!
#3 Ang benta benta ko na sa PR salamat sa guestbook
LOL Naisip ko lang naman, kesa pagdusahan kong ipilit at ipaliwanag na di ako effem at astig din naman ako kahit papaano... bakit di na lang yung mga guys ang magsabi nun mismo? Hehehe
Kaya ngayun, every week meron akong 10 phone numbers at may listahan na at scheduling LOL
Char.
#4 Pahinga muna at magpapalakas magpapaganda.
Salamat na rin sa overdose ng Vitamin E (5 gel capsules ako a day) kahit stressed o pagud na ako mukha pa rin akong fresh. LOL
#5 Sa October na ang birthday ko... wala pang theme ang aking party?
Sailormoon inspired kasi last year LOL
Wish list: blender, electric fan, o kaya eh tuta. Gusto ko talaga magkaroon ng tuta sa condo para tuwing umuuwi ako eh may excited makakita sa akin ^^
#6 Maraming naging setbacks.
Hindi pa buo ag aking gym career. Sandali lang ako nagkatrabaho. Hindi pa rin ako naka enroll ng masters. Wala pa rin akong nakilalang magugustuhan ko talaga.
Pero positive thinking pa rin ako ^^
Darating din ako doon, matatapus ko rin silang lahat.
Makikilala ko rin siya kung sinu man, sa tamang panahon, sa tamang lugar.
#7 SALAMAT !!!
Sa blogger textmates na Alterjon at Dingding ^^
Salamat! Haha. Wow, naalala mo.. At, special mention talaga.. Mwah! *hugs*
ReplyDeletemessage mo ulit ko if you want us to meet for breakfast ha :)
ReplyDeleteAww, may ganon? Uuwi na kasi si boyfie tom. Sayang. LOL
ReplyDeleteuhm, basta. bahala na.. pero salamat parin sa idea na yun.
and for you... I know someone is waiting out there.. all you need to do is wait for His time. :)
seth, i do hope you find your true happiness. meron talaga yan, you just have to open your eyes lang.
ReplyDeletesa job, try mo kaya yung in line with your course for the time being? the salary may not be that comparable to your previous employment but i feel it would be fulfilling on your end.
hehe unsolicited advise lang. ingats ka palagi!
Basta kung anuman ang mangyari, ang importante, tuloy lang ang buhay. Kapit lang kaibigan! :D
ReplyDeleteakoangdramaking.blogspot.com
remember dear, we are determined by how we stand up from every challenge.
ReplyDeletesometimes you’re ahead,
sometimes you’re behind…
the race is long, and in the end, it’s only with yourself.
-Sunscsreen
mukhang common factor sa mga updates mo dito ang kalakalan. =P
ReplyDeleteMadaming opening sa min. CSR at TSR. Haha.
ReplyDelete