Monday, May 30, 2011

No more magic



Hi! Sorry hindi ako masyadong nakakapagsulat. Until now nag aadjust pa rin ako balansehin ang work at gym. Love ko naman ang new company ko, the people are nice, and for once, everyday ako pumapasok ng office na nakasmile. Wala akong kailangan simangutan at di ko kailangan magmaldita kahit kanino.


Outbound sales kasi ako nakapunta, totally new to me. Hindi ko before naimagine kung gaano nga ba kahirap maka-quota (bakit sa ibang bagay chicken lang sakin?) at sadyang boses mo lang puhunan.


Isang buwan pa lang kami sa company, pero kasama na rin kami sa company outing. Saan? Sa Enchanted Kingdom. Nagkaroon daw kasi ng survey. Marami ang may gusto mag rides, yung iba magswimming. Meron na palang "EK Biki World" na may inflatable pools...


Of course, libre naman, pero hindi ako sumama. Wala talaga akong balak pumunta kahit bago pa ako simulang lagnatin + nagkaroon pa ako ng malaking singaw = walang sex over the extended weekend. Demmit.


Top 1 ako sa klase for the whole year nung Highschool (97). Kabubukas lang din halos ng EK noon. Noong magkakaroon ng field trip doon, naglambing ako kay Mama na gusto ko talagang pumunta. Hindi naman ako dati sumasama sa field trips. Mas gusto ko pang nasa bahay para matulog o maglaro na lang. Eh deserving naman ako? Walang rebuttal si Mama bakit di ako pwedeng pumunta. Hehehe


Fast forward 2008, birthday ko ulit. Ang sabi ko kay Mark, gusto ko ulit magbirthday sa Enchanted Kingdom. Matagal ko na naman sinabi pa sa kanya. Pinag ipunan ko na din ang panggastos namin mula sa entrance, gas, pagkain. Sumama pa nga sa amin yung common friend naming Cebuano. Wala kasing ganung kalaking theme park sa kanila.


Dumating ang araw na yun. Matamlay si Mark. Wala naman siyang sakit. Ang napansin ko lang, meron siyang bagung tshirt na ang print eh "I will be your happy angel" na merong devil na hawak yung lips ng angel para siya magsmile.


Hindi ko alam kung sinasadya niya yun pero hindi ako natuwa. Hindi ko na lang ipinakita ang disappointment ko.


Sa daan papuntang EK, saka sinabi ni Mark na ayaw niyang mag rides. May dala siyang novel at magbabasa, hahawakan gamit namin, or maglalaro na lang siya ng arcade/videoke.


Asar di ba.


Ang plano ko pa naman, pag malapit na magfireworks, sasakay kami ng ferris wheel, at pag nasa taas na kami... we'd kiss.


*sigh*










Yun na ang huling naging disenteng birthday celebration namin. Mula noon, marami na kaming pinag awayan, nagkaroon na ng mga third party etc. Pabagsak na ang pagsasama namin hanggang tuluyan na nga kaming nag break.


Hindi ko alam kung kelan pa ulit ako babalik ng EK. 


Siguro pag meron na ulit akong someone special, at magiging special rin ang pagpunta namin doon.






2 comments:

  1. Awww. This is my first time to comment on your blog. I feel for you. Don't worry. Darating din yung para sa yo. :-)

    ReplyDelete