Saturday, April 2, 2011

Seth's Summah! - Palawan

Yeheey! Extended ang vacay ^^ 


March 23-26     Puerto Princesa Palawan


On time naman ang Cebu Pacific flight namin pabalik ng Manila. May flight sana mula Caticlan papuntang PP kaso 8k one way. Kaloka.


Pagdating sa Manila. May 3 hours pa kami bago ang next flight. Kumain muna kami sa Yakimix MOA hehehe ^^


Ang nakakainis lang, yung PP flight namin ang sobrang delayed.


3:15 ang itinerary
3:30 kami nagboard


"trapik" pa daw sa runway, 4:30 na kami nakalipad


5:00 nag announce ang pilot na may technical problem daw ang plane, everything is under control, pero kailangan daw bumalik ng Manila.


LECH. Nagbayad na ako ng hotel!? LOL Yun ang initial concern ko kesa ang aking buhay.


Well, nailipat naman kami agad ng plane. By 8pm nasa Puerto Princesa city na kami. Andun na din yung van sa hotel and all.


Nag stay kami sa De Loro Hotel. Nice na siya. Super friendly din at maasikaso ang staff.


Sa 5k budget namin per person meron na:



4 Days / 3 Nights Accommodation
Underground River Tour (worth 1500)
Honda Bay Island Hopping (worth 1100)
Half Day City Tour (worth 600)


Inclusions on Accommodation:
Welcome Drinks, Daily Continental Breakfast, Free Airport Transfer.


Inclusions on Tours:
Aircondition Van Transfer, Boat Fee, Entrance Fees, Cottage Fees, 
Permits, Buffet Lunch (Except City Tour), Tour Guide.


Sa tours pa lang bawi na kami! Ayus na ang lahat, gigising ka na lang nang maaga ^^ Lumalabas napakamura na din ng rooms kasi standard rate naman ang tours sa PP


...sadly, masyadong maalon, walang dolphins? :'(


See? I like chubbies. Char!


Sigeh magpaka camwhore!!!







nakadampot kami ng starfish ^^



 P200 beach side massage na!
Sunog na din braso ko! LOL


Pauwi, may nadaanan kaming temple... Di kasama sa tour pero libre naman daw pumasok. Why not?


Tinoyo na naman ako. Look.






Tekken Jejemon. Ching!


Kailangan may fight scene!


For dinner, tumikim din ako ng Crocodile adobo sa Kinabuch Grill ^^ LAHAT NG FOOD NILA MASARAP !!! Ok din ang service at servings ng food.

Siya ang pinakapanalong bankero namin sa Underground river tour! Tawa lang kami nang tawa sa trivia niya

Umakyat din kami ng Ugong Rock. Ugong kasi musical ang echo ng cave ^^ Nag zipline din kami pababa, ako pa nauna!



Kasama sa City tour ang Crocodile farm. Natakot talaga ako dito, nagkaron pa ako  ng nightmare. Ipinakain daw sa mga crocodile yung mga alaga naming kuting! Nagising talaga akong umiiyak nun? Hindi na nga ako kakain ng inadobong crocodile baka sila gumanti... hehehe


Kiss na lang kita.

Sige na last na ito tapus bati na tayu ha? :)


Haaay! Hayun ^^ Kulang nga stay namin sa Palawan? Nakapunta nako ng Coron last year pero mas marami akong napasyalan sa Puerto Princesa. Wala naman exciting na kwento... wala akong nakilala... 

Enjoy lang mamasyal ^^




Nakuha ko na din passport ko kahapon !!! YEAH !!!

2 comments:

  1. enjoy kung enjoy ah! nice!

    oo nga kuya. baka gumaganti ung crocodile na kinain niyo. hehehehe

    ReplyDelete
  2. maganda ang jump shot na ito seth.. gawin mo kayang profile pic sa FB..

    ReplyDelete