Sunday, April 24, 2011

Saturday, April 23, 2011

Ang ineeeeet !!!!!!!!!!!!



Nahulog naman ako sa upuan ko nito? LOL


Crush na crush ko yung isang kalbo na di kumakanta


Kailangan magawa ko rin yung butt dance !!!!!!!!! Nagpapractice nako !!!!!! LOL

Wednesday, April 20, 2011

Darker shade of Green



OK. 


May Pilyo at Dark Knight.
May Mugen at Wimpy Kid.


Pero meron pa akong dalawa pang bloggers na sinusundan, lest I know the other is single and one is in an open relationship


To actually read about a saga of their hookup is just... hmmm... painful.






I'm jealous.


I really like the other guy. *sigh*


------------------------------------------

^.______________________.^

mali daw hula ko, YEY !!!

Romeo(s)

OK. 


So I have already confessed to the entire blogosphere that I have given up my goodie goodie stilettos and have .... tadaaah! Registered another Planetromeo account.


Why? It's the most popular and the easiest way to meet and find guys conveniently sorted according to city with unlimited viewing and messaging. A feature and service Manjam has yet to emulate. In as much as I want to try Grindr, it is still limited to a certain niche of the population who owns Mac and Blackberry gadgets. I had a glimpse of it once, the crowd is a lot better if you ask me.


Anyway, when I'm home, I only have three tabs open on my browser: Facebook, Blogger, Planetromeo. I would just leave it parked the whole day as long as I'm indoors.


Statistics for April 19th, 2011:


Visitors : 107
Footprints given: 120
 - about 30 guys whom I gave footprints thanked me and messaged me back
 - 12 of which asked for an exchange of face pics
 - only 3 sent their face pics but we stopped chatting afterwards
 - the rest of the 9 simply ignored me after I sent them photos
 - one demanded we go cam to cam, didn't work out as well
 - I got invited to 2 group sex events, which didn't materialize at all
 - around 50 guys who messaged me I didn't reply back at all
 - only ONE guy thought I was cute (ouch! that hurt my ego a lot)


After one full day of cruising in between chores, sleep, meals, and choreo practice, I wasn't an inch closer to getting laid?


And all the while I though to myself I looked a lot better compared to 3 years back!?


I forgot to mention I attended this small seminar by my gay organization, sponsored by TLF to refresh our knowledge about STD - HIV AIDS awareness and I finally got to meet Humphrey Gorricetta in person!? I must say I was a bit starstruck because he looked damn good !!!


I told this to one of my good friends who works for an organization dealing with HIV AIDS and he even told me that out of 45 referrals he gets daily (recent stats given to us were about 5 people get infected in a day), only two are little monsters, so it's like having a cast of models into your office !?


He even told me he's being surrounded my too much yummy eye candy he feels "ugly" doing the emotional support at times. Perhaps, because these guys are so goodlooking, it's not that hard for them to find sex! I mean who would be stupid enough to turn down such an offer eh?


I never imagined it can be an "occupational hazard" especially if you're not too careful?


Anyway, perhaps rejection is some form of God's protection. I may not be blessed with that much aesthetic qualities because perhaps He anticipated that I might put myself and others more at risk.


Tomorrow is another day.

Monday, April 18, 2011

Stuck



"An idle mind is the devil's playground"

... and that might hold true for me at present. I am starting to contradict myself yet again.

Natapus na ang aking three month chastity project... and I'm not even sure about it? I was struggling at first, got the hang of it for a while, pero honestly I did miss it. I do miss being touched. I miss making love. I miss the hugging and cuddling.

At some point, I just told myself, "kaya ko naman, kung gugustuhin ko"...

Pero sa three months na yun, not that I was somewhat expecting to meet someone special to sweep me off my feet... I still had the same problem...

So OK, I look a lot better than I ever did years ago
So OK, I went places, tried new food, had fun travelling
So OK, I tried a little bit of culture for a change

... pero I still feel lonely T_________T

I read books. I'm still stuck with page 223 of Eat Pray Love. Nakakaumay din pala pag sobrang witty on every page parang di na masyadong kapanipaniwala that her life is as interesting as she narrates it.

Inabot na ako ng Holy Week, sa sobrang delay na ginawa ko, nagclose na yata yung part time-regular call center gig sa Makati (aargh!). I could've used the money to furnish the condo and finance my daily expenses for my graduate school (that I haven't even looked into, just printed out the brochures).

Naiiinggit, naaasar, to the point na nagagalit na ako... merong mga bagay na makukuha ko if I really put my mind into it... but there are things I can never control or force or impose...

I don't think I need a person to be inspired and all.





I just feel lonely and left out.





I'm sorry if I tend to disappoint my readers.

Any takers?


Touch. I miss.

Sunday, April 17, 2011

Wala na bawian?



Does saying "i love you" seals the deal that... err... we're a couple?
(IKR here I go again)

Tuesday, April 12, 2011

Seeing Green



Sorry for being such a mess and thanks for the "hug orgy" LOL. Naloka ako dun Nishiboy!




I have been a little confused for the past couple of days.


Tapus na vacation.
Nakaraos na ang break up date.
Nakalipat na ako a new condo.
Nakaraos na ang 3 mos chastity.


... kept asking myself... ok... what's next?


I should be working on getting a job and preparing my credentials for the masteral application but I seem to be procrastinating over something I couldn't point a finger on. I tried to hold off everything until it feels like "ok-I'm-ready-now".


Pinalampas ko na din muna ang isa pang hallmark sa buhay ko - 1 year friendship namin ni Jason* , marked by the Live AIDS show sa UP Diliman.


Enjoy naman kami, pero mas nagustuhan ko ang production at storyline last year. Mas tawang tawa ako doon at andami nilang naging hirit.


Well, meron din naman kaunting "perks" ...






MAY CUTIE !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Kaso nga lang meron siyang kasamang di naman masyadong cute pero mukhang mayaman... feeling ko tuloy "alaga" siya. Shet lang di ba. Ang nagagawa nga naman ng salapi? Tapus meron pang isa pang grupo ng beckie na sinusubukan din aurahan si Skater Cutie Boy !? 


Samantalang ako watching from a distance lang. Ching!


Talaga naman panay ang aligid nila, gusto ko silang ipakain sa giant snake.


















Mejo mahirap siyang kuhanan pero nung nakatiyempo naman ito na ang best shot na nagawa ko...


Pagkatapus ng play, dumiretso naman kami ni Jason papuntang Trinoma para mag dinner at coffee. Kumain kami sa Cyma, Greek cuisine. Hmm... may kamahalan pero masarap naman? Nagugulat nga lang ako pag meron silang dish na may flambe tapus bigla silang sisigaw ng di ko maintindihan. Lerki!


Kwento kwento... Tapus biglang nabanggit ni Jason na meron na ulit siyang bagong dinedate... yung kanyang photographer... si Caleb*


"Uhmmm.... ok so I presume dun lang din kayu sa photoshoot nagkakilala?"


"Yep tapus panay na text niya sa akin."


"I see. So gaano mo na siya kakilala?"


"Di pa masyado, pero natutuwa ako, gusto ko na siya... jinojowa na nga ako"


"Toink. Binigyan ka lang ng attention, mahal mo na?" OMG. Sinu nga ba naman ako para magsalita eh talaga namang record breaker ang 3 day love affair sa gym dabah?


May tumawag sa celfone ni Jason. Napansin kong mejo nag iba ang boses niya, may kaunting lambing. Pagkababa niya ng phone...


"Hmph. Jinojowa pa daw. Eh halata namang kayu na."


"Hahaha... mejo."


"Ambilis ah. Parang wala pa yatang 1 month since nag break kayu ni Leo* pero parang di ka naman masyado nadevastate dun unlike kay Gino*"


"Binibigyan kasi ako ni Caleb ng attention, yun lang naman ang gusto ko madaling mahulog loob ko sa ganun."


"Amf. Kaya ko din naman yun ah!" PAKK !!!


Tawanan.


Hay naku. Eh alam ko naman kasing topakin itong si Jason. Gusto ngayun, magbilang ka ng ilang araw, magbabago isip, parang di na daw siya masaya na wala na spark etc. Ewan. Kaya mabuti na lang naging friends na lang kami? hihi.


"Manunuod nga dapat kami ng sine, sa may Shangrila"


"Eh andito ka na sa Trinoma, pupunta ka pa ng Shang? Bakit taga saan ba siya?"


"Sta. Ana Manila."


"Mas malapit nga ang Shang... pero isang MRT ride lang naman Trinoma, papuntahin mo na din siya rito para mameet ko siya... mejo makilatis din. hehe" sabi ko.


May tumawag na naman. Sinu pa nga ba?


Di nagtagal dumating din si Caleb. Simple lang naman siya. Presentable. Malumanay magsalita. Malalim ang boses. Mainit naman pagbati niya sa akin...


Kwento kwento. Naging topic ang pagka exhibitionist nitong si Jason.


Hindi na kasi ito ang unang beses niyang nagpaphotoshoot. Ang common theme ng portfolio niya? Felix bakat. AS IN.


"Pinakamarami kaya nagcomment sa FB dun sa pic ko?" sabi ni Jason.


"Naku. Eh bakit naman hinde? Eh parang nagsusumigaw at gustong kumawala nung bumubukol sa harap mo? Sinasadya mo pang kuhanan na erected talaga. Di na sila tumitingin sa "artistic" value ng photography ni Caleb, agaw eksena kasi ang bukol" sabi ko.


"Eh sa totoo lang ayaw ko nga ng ganung poses eh pero siya ang may gusto? Pag di ko naman ginawa baka sa iba pa pumunta, mahirap na?" sabi ni Caleb.


At dahil dun. Like ko na siya. May sincere concern para kay Jason kahit papaano. Hindi siya mismo ang nag eexploit sa kanyang models. Sa totoo lang, sa trabaho naman niya I'm sure marami pang mas maganda katawan (at bukol) kesa kay Jason.


Pinakita niya sa iTouch yung iba pa niyang ginawa. Naexcite ako! Sayang. Walang bluetooth gusto ko pa naman ng copies? LOL


Habang abala ako sa pagkalkal ng pictures... naglalambingan yung dalawa...


Aaminin ko na... naiiinggit ako. Wala na kasi akong nilalambing? *sigh*


Ilang sandali pa, nagpaalam na din akong umuwi. Di ko na keri manuod pa ng cheeziness. 


"Bakit ikaw Seth? Wala ka bang dinedate ngayun o finiflirt?", tanung ni Jason.


In my head bigla ko naisip yung 10 hit combo ni Lili, extended pa ng bound move. GRRR.... pero love ko si Jason. Sa imagination ko lang siya kayang saktan. Sayang din ang 50k niyang nosejob kung sisipain ko lang.


"Err... wala? Kailangan ba? Di pa ako ready eh... wala pa akong nakikilala" sagot ko...


Hindi ko naman kasi iniisip yung mga ganung klaseng bagay na kailangan pilitin ko agad makahanap... pero pag may nagtatanung... dun bumibigay ang denial ko...


Kaya ako nalulungkot...


And knowing Seth, isa lang ang patutunguhan ng lahat...




At siyempre ako lang kumain mag isa. 


Salamat sa mga nag hug!

Saturday, April 9, 2011

Seth's Status

Hmmm...


Napansin ko din mejo matagal na ako walang naisulat na article? Walang kwento, puro pictures lang. Toink.


Akalain mo yun? Nakaraos din ako sa "break up" anniversary with a BANG!


I'm now in a secure place I can finally settle and call "home". 
I got the chance to travel to places I have only imagined doing for several years.
I managed to slim down and stay fit for the longest time.


...ang kulang na lang, finally get a job I can learn to love and build a career with ^^


Ah and yes, I have proven to myself that I can control my worldly desires for the longest time! I am in control. This is my body. 


So am I dating? Not really. Pacrush-crush lang sa ngayun pero wala pa akong nakilalang super cutie na blog-worthy LOL


Balik na naman sa dati? Hmmm... hindi rin pero I kinda miss it na din.


I am still exploring new things. So far, nothing totally new and exciting has happened.


It does feel a bit lonely coming home to the unit by myself. Wala na sina Kuya Rommel, Ate Abby, and baby Chloe. Natrain ko pa naman din si Chloe na magsmile at kumaway sa akin pagdating ko sa bahay.


Maybe I would start decorating the unit. Furnish it. Then throw a housewarming party. Soon. Naubos pera ko sa pasyal. LOL


I would like to thank everyone for being supportive for the past couple of months. I never imagined I could reach out and touch some people with my stories and all. It thrills me to watch the Feedjit and see visitors from all over the world. I may not be able to hear from you at all via email and/or comments...




... but I don't feel alone.




Thank you.

Thursday, April 7, 2011

Butch pa pala ako.


Dahil di ko pa keri sumayaw na ganito kalandi... at naka heels.

Pilnak

Everybody is busy
Dancing in the lights
The smoke is building
The temperature rising
It's just the beginning

Everybody knows everybody
Do they really?
Everybody wears a mask
All faces are painted black
Is there more behind the make-up?
The sugar and the lies

The night is endless
Everybody is talking
Pilnak is busy
Nobody even pauses
To hear the cry of a dying soul
Nobody cares

Everybody is smiling
Eventually the smiles have faded
Everybody has grown old
The once glistening night is now cold
But the night still seems eternal

Never Ending-Never Fading
Just another night in Pilnak St.
Everybody feeling the rhythm 
We see them in their bright colored shoes
What was once memory of our youth

It's fun-the bright lights
It's exciting-the beats
But Now you're all alone
Who'll be staying around
When the lights go low?


Paul F.

Seth in the City


Isn't this the GAYEST jeepney you've ever seen? Sushal.


This billboard at SM North really made me smile


Bought these from the streets, decorated my wall ^^



A fresh new "black book"... 


Bought this from a tiangge... This is what bottoms are made of! LOL

Saturday, April 2, 2011

Miss ko na kayo...

Wala na si Alter...

Nawala din si Ryan... buti nag post pa siya sa chatbox ko? Tapus nakapag comment pa siya sa recent posts

Hindi ko na din makita si Cio?

Si Shoti 2 mos na wala...

The end na daw si Mandaya...

Bakit kailangan nila umalis?

... ayaw ko talaga ng feeling ng iniiwan...

Seth's Summah! - Palawan

Yeheey! Extended ang vacay ^^ 


March 23-26     Puerto Princesa Palawan


On time naman ang Cebu Pacific flight namin pabalik ng Manila. May flight sana mula Caticlan papuntang PP kaso 8k one way. Kaloka.


Pagdating sa Manila. May 3 hours pa kami bago ang next flight. Kumain muna kami sa Yakimix MOA hehehe ^^


Ang nakakainis lang, yung PP flight namin ang sobrang delayed.


3:15 ang itinerary
3:30 kami nagboard


"trapik" pa daw sa runway, 4:30 na kami nakalipad


5:00 nag announce ang pilot na may technical problem daw ang plane, everything is under control, pero kailangan daw bumalik ng Manila.


LECH. Nagbayad na ako ng hotel!? LOL Yun ang initial concern ko kesa ang aking buhay.


Well, nailipat naman kami agad ng plane. By 8pm nasa Puerto Princesa city na kami. Andun na din yung van sa hotel and all.


Nag stay kami sa De Loro Hotel. Nice na siya. Super friendly din at maasikaso ang staff.


Sa 5k budget namin per person meron na:



4 Days / 3 Nights Accommodation
Underground River Tour (worth 1500)
Honda Bay Island Hopping (worth 1100)
Half Day City Tour (worth 600)


Inclusions on Accommodation:
Welcome Drinks, Daily Continental Breakfast, Free Airport Transfer.


Inclusions on Tours:
Aircondition Van Transfer, Boat Fee, Entrance Fees, Cottage Fees, 
Permits, Buffet Lunch (Except City Tour), Tour Guide.


Sa tours pa lang bawi na kami! Ayus na ang lahat, gigising ka na lang nang maaga ^^ Lumalabas napakamura na din ng rooms kasi standard rate naman ang tours sa PP


...sadly, masyadong maalon, walang dolphins? :'(


See? I like chubbies. Char!


Sigeh magpaka camwhore!!!







nakadampot kami ng starfish ^^



 P200 beach side massage na!
Sunog na din braso ko! LOL


Pauwi, may nadaanan kaming temple... Di kasama sa tour pero libre naman daw pumasok. Why not?


Tinoyo na naman ako. Look.






Tekken Jejemon. Ching!


Kailangan may fight scene!


For dinner, tumikim din ako ng Crocodile adobo sa Kinabuch Grill ^^ LAHAT NG FOOD NILA MASARAP !!! Ok din ang service at servings ng food.

Siya ang pinakapanalong bankero namin sa Underground river tour! Tawa lang kami nang tawa sa trivia niya

Umakyat din kami ng Ugong Rock. Ugong kasi musical ang echo ng cave ^^ Nag zipline din kami pababa, ako pa nauna!



Kasama sa City tour ang Crocodile farm. Natakot talaga ako dito, nagkaron pa ako  ng nightmare. Ipinakain daw sa mga crocodile yung mga alaga naming kuting! Nagising talaga akong umiiyak nun? Hindi na nga ako kakain ng inadobong crocodile baka sila gumanti... hehehe


Kiss na lang kita.

Sige na last na ito tapus bati na tayu ha? :)


Haaay! Hayun ^^ Kulang nga stay namin sa Palawan? Nakapunta nako ng Coron last year pero mas marami akong napasyalan sa Puerto Princesa. Wala naman exciting na kwento... wala akong nakilala... 

Enjoy lang mamasyal ^^




Nakuha ko na din passport ko kahapon !!! YEAH !!!

Seth's Summah! - Zaturnnah and Bora

Weeee !!!!!! Naikabit na din sa condo ang smartbro at pwede na ulit akong magblog ^^


Hindi ko pa naikwento ang happenings ng aking bakasyon at of course di kumpleto pag walang fiktyurs! 


March 19 - Zsa Zsa Zaturnnah


SUUUPER NAKAKATAWA !!! Buti na lang at nalibang ako dahil sadyang nakaka imbey ang pagkuha ng taxi sa Pasay, specifically, Metropoint mall.




May mga "barker" kasi dun na nakikipag karera pa sa iyo para sa mga taxi. Sila ang kukuha at hihingi ng tip! Sila pa ang may kapal ng face magdecide kung isasakay ba kami ng taxi sa desination namin eh CCP lang naman?


Akala nyo kayu lang marunong tumakbo? Naka rubber shoes naman ako nun kaya takbo ako ng mejo malayu, salubong ng taxi.


May nakuha na akong isa, itong si barker siniko pa ako sakay sumakay. Abaa....


Saka bumaba. Kung gusto ko daw yung taxi bigyan ko daw siya.


"At bakit naman kita bibigyan eh ako kumuha nito?" sagot ko.


"Kung ayaw mo ako bigyan bitiwan mo pinto may pasahero pa ako doon!"


"Punyeta. Ako pasahero na ayan may flag down, sige bayaran mo!". Eh di bumaba siya. Pero hindi pa umalis.


"Bigyan mo ako ako kumuha nito!"


"O yan." binigyan ko ng 5 piso. Nagreklamo pa. Bumitiw din.


Ang ayaw ko talaga makipag talo at magpatalo sa maliliit nang tao na wala pang asal. Well, anu naman aasahan ko di ba?


Photofinish na ang dating namin sa CCP for the 3pm show. Namiss tuloy namin first 5 minutes of the show? Grrr....


Buti na lang, just in time bago sumayaw si Dodong....
Shet lang. Talaga namang kulang ang Kimbies sa water water ko. CHAR!


Happy din ako, very friendly naman ang cast at nakapag paautograph at picture kami sa main cast. Muntik pa akong maloka kasi naman akala ko nadelete yung pic namin ni Dodong !!!


Tapus somewhere in the corner of the lobby nakita ko ito....


NKKLK !!!


*************************************************


March 21 - 23       Boracay 


Naiwan iwan na nga ako sa Pinas dahil wala akong passport hindi ko na pwedeng palampasin ang beach! hehehe! It has been 4 years since my last trip to Bora at mas confident na ako ngayun rumampa after months of gym and dieting!


Ito ang unang outfit. Naalala kong may twink na panay tingin sakin habang kumakain ako sa Mang Inasal (buti na lang may alternative na sa Andoks!) kaso kasama niya family niya di ako makalapit? Bet na bet pa naman sana! LOL





Pag ayaw mo mag ayus ng buhok... it's jeje cap to the rescue !!! LOL
Cute na cute kaya ako sa cap na ito? Yung napanalunan ko nung
Valentine's Day party ^^



Weee !!! Kailangan unique naman ang pose ko sa Grotto? 

 Pag uwi. Change costume naman. LOL




Cute noh? hihihi ^^ Sinundan talaga ako ng tingin nito paglabas ko pa lang ng hotel room LOL



BOYWATCHING


Mahal pa din lahat sa Boracay. Bawa't kilos mo, gastos. Kaya nga tinipid na lang namin room eh? Nasa labas naman kami ng hotel most of the time. Basta safe, malinis, comfortable ang room, swak na.

Isa lang afford naming activity, ang helmet dive. P500 lang kasi. Nakakaloka na ang prices ng ibang activities like banana boat, parasailing etc



Heto si Kuya, may kaunting orientation muna...

pero sa simula lang ako nakikinig, nadistract ako!




See what I mean?





OPPPAHHHHH !!!!!!!!

Wala pa ako sa tubig, wet na ako ulit.



Of course di ako tatapak muli sa lupa na wala kaming picture? hihihi


Nag wall climbing din kami. Mura eh? Karera pa nga. Ako nanalo, 36 seconds ^^


Bottom at the top!




Tumikim din kami ng Calamansi muffin sa Real Coffee ^^

Nag uwi ako ng isang dosena. hihihi






Happy hour din kami dito, naka 3 Margarita ako at lasing agad LOL.

Alam ng mga friends ko kung paano ako maglakad pag lasing na








Cool noh? ^^


So far, yun pa lang naman... Behave naman ako? Kahit may sarili akong room, di ako nag uwi ng bisita? hehehe






Up next, Palawan !!!