Wednesday, January 26, 2011

Breakfast, Crushie #6

Late na ako umuwi. Aba, gising pa sina Kuya Rommel. Inuman. Birthday daw ng isang frat brod.


Siya kagad napansin ko. 


Namumula na sa kalasingan. Sayang di ako makakalapit. LOL


Pero, pagkagising ko kinabukasan, ito ang tumambad sakin.







Hmmffff. Kakagigil.


Siya kaya yung birthday boy? 


Di ba pag birthday kailangan mablow? LOL (namimiss ko din noh)


*mahilig ako sa morenong kalbo, lalo na yung mukhang mambubugbog LOL

Tapat (front). Tapat (honest)





For the longest time, ang tingin ko sa sarili ko, napaka honest kong tao.


Kapag meron akong nagawang mali, sa bahay, kung may nasira akong gamit, ako pa mismo lumalapit sa Mama at Papa kong umiiyak kasi hindi ko sinasadya. Hindi na nila kailangan pang magulat pag nakita nila at galit na galit na magtatanung kung sinu may gawa. Ayaw na ayaw ko din kasi ang nasisigawan dahil nanliliit ako.


Ganoon din ako sa school at sa trabaho. Kapag hindi ko talaga alam ang isang bagay, sinasabi ko ang totoo, hindi ako magkukunwari at magmamarunong dahil mas takot akong mapahiya pag may major major na nangyaring hindi maganda. Alam ko lahat ng ginawang style ng mga kaklase ko para gumawa ng kodigo pero kahit kailan, hindi ako gumaya at nakinabang doon. Minsan nga, sa quizzes, lalo na pag dosage and solutions, perfect na dapat ang score ko, nalimutan ko lang ang decimal point.


"Gusto mo lagyan ko?" bulong ng classmate ko, siya ang nagchecheck.


"Wag. Hayaan mo na." 


Big deal ang decimal point lalo na sa gamot at fluids na ibibigay mo sa isang taong may sakit. Sobra o kulang, pwede nilang ikamatay o magkaroon ng complications.


I would've aced the test. Nobody would find out. But I'd be able to tell the difference.


Mahina din ako sa Statistics. Kailangan pa naman yun lalo na sa 4th year dahil may research. Lagi pa siyang nasa first period kung kelan madalas, tulog pa ang diwa ko. Kadalasan, wala na akong naiintindihan. Naiwan na yata ako ng 3 chapters. Magkakaroon ng quiz, kokopyahin ko yung problems, isusulat ko pangalan ko, at saka ako matutulog. Ipapasa kong malinis ang aking papel. Zero. Anu ngayun? Hindi ko alam eh? Kesa naman mandaya ako.


Dinala ko ang parehong prinsipyo nung pumasok ako sa isang relasyon.


Ang gusto ko noon, alam niya lahat, sasabihin ko lahat. Dapat, mas kilala niya ako kumpara sa kahit sinung tao.


Mali pala ako.


Kahit paano ko isipin na ang "partner" ko ang dapat maging pinaka "best friend" ko, may mga bagay na hindi mo dapat sinasabi sa kanya dahil darating yung araw na gagamitin niya iyon... laban sa iyo. 


Tulad na lang ng isang beses na sinabi ko sa Ex-BF ko, "Busy busy day bukas. After ko mag gym marami akong gagawing deliveries meron pa sa Makati..."


Tanghali, nag text siya sa akin. "Half day lang kami ngayun, pauwi na ako gusto ko mag pamassage."


"Sinu naman gagawa?" tanung ko.


"Si Ron. Kilala mo naman siya di ba?"


Oo nga. How could I miss it. Matangkad, matipuno, moreno. Barako ang dating. Lalakeng lalake kung tingnan. Wala naman malisya sakin dati bakit niya kinukuha ang celfone number ng mga therapist dun sa spa para magpa "home service". 


"Kasi alam mo ba? Sa binabayad natin doon, 80 lang ang nakukuha nila kaya umaasa lang sila sa tips..." sabi niya. Sige concerned ka. Pero negosyante din ako eh, sa totoo lang, daya ang ganoon. Bawal nga naman kasi talaga. Pwedeng matanggal sa trabaho ang therapist kapag nahuli.


Napansin ko din mejo special ang trato niya kay Ron. Nung birthday nito, namasyal pa sila sa Timezone Gateway. May pictures pa. Pinapasahan din niya palagi ng load. Nireresetahan ng gamot ang nanay na may sakit.


...masyado lang talagang mabait si Mark.


Bakit ko nga ba tinanung? Eh papaano, minsan ko na nahuli sa celfone, balak magpapunta ng "masseur" sa condo kapag yung mga araw na umuuwi ako sa amin. Masseur galing Manjam. 


Hay naku! Magkakalat ka na lang din, matuto ka sanang maglinis. Well, magaling din naman kasi akong detective. Meron nga din kaming psychic link hindi ba?


Nung malaman kong si Ron ang pupunta, kinutuban ako. Kailangan kong matapus at makauwi agad. Kailangan kong maagapan...


Pagdating ko, hindi naman nakalock ang pinto. Nandoon ang "asawa" ko. Yung mukha ba niya eh yung "awww-andito ka na" effect. Hindi naman ganun ang salubong niya sa akin. Hindi niya yata inaasahan na makakauwi ako agad.


Ilang minuto pa, dumating na din si Ron. Umakyat sila sa kwarto, doon minasahe. Sinadyang iniwang bukas ang pinto para hindi ako magduda.


Ako naman, kinalkal ang celfone niya.


"Pwede ka ba ngayun? As in NGAYUN na. Punta ka dito sa condo. Heto address... magtaxi ka na para bilis lang..."


"Sana bilis lang yung biyahe... habang wala pa yung asawa ko... nagseselos kasi sayu yun eh!"


Hindi ito ang unang beses. Lagi ko naman siyang kinakausap. Hindi rin naman siya umaamin... Mejo mahaba na listahan ng mga lalake niya.


Naalala ko noon yung ibang classmate ko nung college lalo na si Gem. Nakailang boyfriend na rin siya (hmmmm.... siya yung boobsie girl dun sa isa kong post ^^). Yung iba nakilala ko, mababait naman, may hitsura din. Takang taka ako, tuwing tatawag siya sa akin dahil naka score siya ng gwapo sa malapit sa dorm niya.


"Teka, di ba may boyfriend ka? Ang sweet sweet niyo pa nga eh? Anu itong ginagawa mo?" 


"Wala lang. Tumitikim lang."


"Paano mo nagagawang hahalik ka dun sa guy na yun tapus maya maya magkikita na naman kayu ng BF mo at hahalik ka din sa kanya?"


"Seth. Ang mahalaga, at the end of the day alam mo kung sinu ang mahal mo..."


Naintindihan ko pero it never made sense to me. 


Bakit kailangan mo yun gawin? Hindi ka pa ba masaya? Hindi ba siya masasaktan?


Dumating nga rin ang araw na kinain ko din ang mga salita ko. Pinikitan ko nung una. Sinubukang i-enjoy.... wala naman makaka alam di ba?


Kinabukasan. Humarap ako sa salamin. Hindi mabuting tao ang nakita ko. Sinabi ko sa sarili ko hindi ko na gagawin ulit, hindi tama, hindi na niya kailangan malaman gumanti ako. Pagsisisihan ko na lang. Mas lalo ko na lang ipapakita gaano ko kamahal si Mark.


May nahuli na naman ako. Ginamit pa niya yung celfone na binili ko sa kanya para kuhanan ng stolen shot yung guy na nakishare ng table sa kanya.


Bakit mo kailangan kuhanan ng picture... gamit pa yung regalo ko!?


"Sinu ito?" tanung ko.


"Ahh si Jayson. Nameet ko sa spa, nakishare ng table"


"Oook... eh bakit mo siya pinicturean?"


"Wala lang. Trip trip lang"


"Eh di magkatext na din kayu ganun?"


"Oo friends lang naman."


Isang araw, nagpaalam siyang pupunta ng Alabang. Nasa States daw kasi si Mama niya. Kailangan diligan mga halaman, pakainin ang mga aso kasi walang nagbabantay. Sumama naman ako. Sa Cubao din kami umuwi.


Tulog na siya. Sinilip ko ulit ang celfone.


"Pupunta ako ngayun ng Alabang. Kapag hindi sumama si Seth, meet tayu ha..."


Galit na ako. Pero hindi ko pinahalata. Hindi ko na siya kinumpronta.


Sumama ako sa ibang guy. Ilang beses din naulit. Paiba iba. Kung noong una, nagui guilty pa ako... habang ginagawa mo pala, namamanhid ka na.


Dito ako natutong makipaglaro


I was cheated on. I cheated back. I played with more cheaters. Exciting. It was a sport for me.


Lalo na sa chat at online profiles. 


Simple. I bend forward, you hump. Think you can do that well? Mack me. NOW. Cubao and nearby places. Your pic gets mine. Quite disappointed with the guy earlier. Make me cum.


I prefer short term flings and relationships, i easily get bored... absolutely promiscuous... I like them married or with partners, I like cheaters because i also cheat... :)


Sa maniwala ka man o sa hindi, mas marami akong nag memessage sakin pag ginamit ko yung pangalawa.


May asawa, may boyfriend, may girlfriend, ikakasal kinabukasan... Pakialam ko? Ikaw lumapit sa akin hindi ba? Hindi naman kita pinilit.


Dumating din ang araw nagkahulihan na din kami ni Mark. Hindi man sa akto, pero sapat na nakita namin para patunayan na nakiki apid ako sa iba. Naunahan lang ako. Matagal na din naman kaming naglolokohan.


Nagsisi na ako. Nagsawa na din. Napagud na. Nasaktan.


... Nagbabago muli. Hindi ko na kayang ibalik yung dating inosente at maprinsipyong Seth. Nagpadala ako sa galit. Ako gumawa nito sa sarili ko. Hindi ko ipinagmamalaki.


Alam ko pa din ang kalakaran ng laro. Tuwing may nakikilala akong bago, maaga pa lang, nakikitaan ko na.


Nakikita ko rin sa ibang kaibigan ko hanggang ngayun. Naglalaro sila. Kahit anung bait ng partner nila, naglalaro pa rin sila. Minsan. How true? Ewan. Behaved ba talaga? Siguro nga.


Mahirap bitiwan ang mga dating nakagawian. 


Madali lang humanap ng goodlooking o gwapo. 


Ang kailangan ko ngayun, yung matino. Yung hindi ko kailangan bantayan.


*******************************************************

Honesty may be the best policy, but I say it's expensive. Only a handful of people can afford to live with it on a daily basis. - Seth


*******************************************************



Monday, January 24, 2011

Just Face it

I was having a nice dinner alone at a restaurant when I overheard a group of college girls chatting:


"Buti pa yung mga bakla nagkakaboyfriend... ang gugwapo pa? Buti pa sila !!!"


"Oo nga, sa college natin yung mga gwapo either taken na or bakla..."


Natatawa na lang ako.


Kayu-kayo na lang din sa isip ko. hihi

Sunday, January 23, 2011

Baka sakali...



Umiiyak ako habang nag iimpake ng aking mga damit... 
pinakita pa niya sa akin na inaalis na niya yung kanyang keychain at isinantabi
"Papalitan kita." sambit niya galit na galit.



Matapus ang ilang buwan. Nakakita ako ng isa pa.
Itinago ko muna.
Wala pa naman akong kahati...

How to Deal

Found this archived on my inbox, transcript sent from Planet Romeo

01. Nov. 2010 - 01:43
hi.. am julian... i dont know whats the social protocol here but am given to understand the traditional friend making paradigm but i dont know how to express any social capabilities.so am going to take a stab here... would you mind if i get your number? and your name? ym? thanks

01. Nov. 2010 - 01:45
Trying to be cute?
Hi would suffice.
Seth here.

01. Nov. 2010 - 01:50
hi seth... am not trying to be cute, i believe that social convention dictates that proper introduction is to be observed particularly if we examine the chain of casuality. but no matter.. do you mind if i get your ym id perhaps?

01. Nov. 2010 - 01:51
you're too verbose.
what is this all about?
"chain of casuality" ???

01. Nov. 2010 - 01:56
agreed, but i think its necessary.. anyway.... ill play along... pede makuha ym mo?

01. Nov. 2010 - 01:59
Hinde.

Saturday, January 22, 2011

Girls Generation


Nakatira ako sa isang apartment sa Cubao. May kashare akong straight couple na may 1 taong gulang na batang babae, si Chloe. Cool naman sila. Hindi naman issue sa kanila na bakla ako. Sa simula pa lang nung nag iinquire pa lang ako, tinanung agad ako ng diretsahan ni Kuya Rommel. "Tol wag kang ma ooffend ha? Bakla ka ba?". Ang galing ng gaydar ni Kuya. Rugged pa man din ang suot ko nun, mejo haggard sa biyahe, pero naamuy pa din niyang beckie ako sa kabila ng pawis at usok.


"Opo." matipid kong sagot.


"Hinde ok lang naman yun! Ang gusto ko lang alam ko din kasi magiging magkasama tayu sa bahay para naman hindi awkward. Cool naman kami dito."


At totoo naman nga. Hindi naman sila nagrereact kung mag uwi man ako ng lalake sa kwarto ko. Kahit ilan. Kahit anung oras. Winner.


Simple lang naman ang rules: itapon ang basura, buhusan nang maayus ang kubeta.


Kapag meron akong dinadala sa bahay at nagtanung ng, "Hindi ba nakakahiya?"


"Wag kang mag alala. Hindi naman ikaw ang unang lalakeng nakita nila. Mag Hi ka na lang tapus umakyat ka sa hagdan. Yung kwarto ko yung pinto sa kaliwa."


Pagkatapus ng "oh yeah moment" (c/o Mandaya Moore), hinahatid ko naman yung mga guys para kumuha ng taxi o kaya minsan bibili naman kami ng makakain bago ang next round. 


Akala ko naman, kami kami lang sa apartment ang nakaka alam ng aking "bisyo". Hindi naman kasi ako nakikipag usap sa iba.


May ibang mata pa palang nakamasid.


Wala akong naririnig kapag may bisita ako pag araw. Pero kapag mejo gumabi na, doon na ako nakakarinig ng kantiyaw, at kadalasan, dun sa mga tumatambay sa tindahan sa kanto, katabi ng dental clinic.


"Ayy... tapus na kayo? Ihahatid mo na siya?" sumigaw yung isa.


Sumunod na beses, lumabas naman ako mag isa, nakasuot ng boxers at sando, bibili sa 711.


"Winnur!" "Ang kinis!" "Achieve!" "Ganduh mo teh!" naman ang mga narinig ko. Sa loob loob ko lang, naman! Katas yata ng gym yan, inggiterang frogs.


"Shot ka naman! Join us!" tawag ng isa.


Ilang beses na din ako tumanggi, pero nung isang gabi, pinag bigyan ko na din sila, sumama naman ako sa inuman para meron naman akong "friends".


"Cute ka naman pala sa malapitan? Ako nga pala si Jimmy..." (duh)


"Ako si Seth", sabay abot ng kamay.


"Hayaaaaaan! May bago na tayung friendshiiiip! Ayy ayyy ito naman si Sasha, si Dante, at si Norman". May kasamang pilantik ang pagturo ni Jimmy sa mga tao. Ala una na siguro ng umaga noon, akala mo nagwawasiwas ng langaw sa paninda. "Magkaka varooo naman tayu so dapat friends tayu?". 


Seth: *nguso*


Jimmy: "Yung kasama mo kanina, di naman masyadong gwapo? Ikaw ha anlibog libog mo! Minsan sa isang araw meron sa umaga meron din sa gabi?"


*hiya*


Seth: "Di naman kailangan kasi sobrang gwapo basta lalakeng lalake umasta saka top, saka... malaki"


Jimmy: "Ayyy! Gay ka!?" he exasperated with all shockedness.


Seth: "Yeah, bottom. Bottom lang." (para naman ngayun lang sila nakarinig ng ganun). "Kayu ba?"


Jimmy: "Akala kasi namin Bi ka?? Sa laki ng katawan mong yan nagpapatira ka! (IKR) Eh yung mga lalake mo, saan mo sila nakukuha?


Seth: "Di ako Bi noh. Di ko digs ang chicks. Saka wala naman sa laki ng katawan yun. Wala naman akong tinatago, gusto ko lang fit ako. Yung mga guys nakikilala ko sa internet, pinapapunta ko sila, yun."


Jimmy: "Binabayaran mo sila?"


Seth: "Di ah! Katuwaan lang to."


Jimmy: "Eh yung mga guys mo, straight?"


Seth: "Hinde. Basta malinaw sa akin top sila. Wala na din akong pakialam kung versa sila basta pag kaming 2, mag tatop siya."


Jimmy: "YUUUUUUCK! Bakla din ang tumitira sa'yo?"


Seth: (confused) "Bakit? Titi rin yun ah."


Jimmy: "Eh kaya nga ako naging bakla para makatikim ako ng straight tapus kapwa bakla ko lang pala kakainin ko, nakakadiri..."


Dun ako nagkaroon ng idea ilang taon na si Jimmy at ang barkadings niya, siguro nasa 40-ish. Old school talaga. Kita na din naman sa mukha niya ang edad. Lalo na sa mata. Kita mo na yung puyat, at maimagine ko na lang din siguro ang pinagdaanan niya. Typical. Yung bakla sa pamilya na breadwinner. Tumanda na walang asawa. Nagpayaman para makasilaw ng pera sa lalakeng matitipuhan.


Make up artists sila ni Sasha. Si Sasha nga lang, level up kaunti kasi long curly haired, naka baby tee, plus shorty shorts. Si Norman, production designer naman sa isang teleserye. Lahat sila, nasa major networks. Tahimik lang si Norman, mas nalilibang pa siyang maglaro sa iTouch. Si Dante ang pamilyar. Palagay ko siya yung espiya/chismoso. Sinasabi ko na nga ba at may meaning ang mga tingin niya sa akin. Matindi titig sakin ni Dante nung lumapit na ako sa grupo nila, nawalan yata siya ng gana nung sinabi kong bottom ako.


Jimmy: "Eh ikaw naman anu ang work mo?" sabay refill sa baso ko ng Red Horse. Nakaka 3 lagok pa lang yata ako. Mas malakas ako kasi sa pulutan.


Seth: "Call center." "So teka, gay ka pero di ka nagpapatira?"


Jimmy: "Noooo! No! Ayoko, masakit. Minsan hiningi ng boyfriend ko pero di ko kinaya. Ikaw ba di ka nasasaktan?"


Seth: "Depende. Kaya naman. Lube lang. Praktis din"


Sasha: "Dinadahan dahan mo ba o binibigla mo lang? Araneta Coliseum ka na yata eh"


Seth: "Che. Umiire pa naman ako noh. Pero di naman kasi ako constipated puro gulay at fruits kinakain ko. Mas gusto ko ako muna uupo. Para dahan dahan. Ako muna magko control. Pag ok na ako saka ko lang siya hahayaan."


Sasha: "Jimmy! Natatandaan mo yung bumbay last time?...."


Kinuwento niya kung paano niya nilandi yung bumbay, na ga-braso daw sa laki at taba yung ari na nangalay na siya sa kakahada. Dinemonstrate pa niya sa aming lahat paano siya pumusisyon bago niya upuan ang lalaki.


"Gusto ko kasi isang sakit na lang. Nilawayan ko ng husto, tinutok sa butas ko, saka PAKKKK !!!!!" maririnig ang PAKKK na yun within 1km range pramis.


Hindi rin kumpleto re-enactment ni Sasha kung walang halong ungol ng sarap/sakit with matching tirik ng mata. Artista. Tawanan na lang kami.


Seth: "Eh si Dante anu naman ginagawa?"


Jimmy: "Tambay. Hayun, ginagapang yung mga boarder nilang pulis dun siya nagpapatira"


Hmmm... so Si Dante ang kanilang prodigy. Mas bata si Dante sa akin. Mas cute pa din ako. Tuloy.


Seth: "Eh di kayu din nakaka score ng mga kadeteng pulis?"


Jimmy: "Si Dante lang. Matanda na kasi kami, ayaw nila sa amin. Baka kami bigwasan ng mga yun. Ang osteopororis pa naman? Yung mga bagets jan pwede pa. Bibigyan ko lang ng pambili ng inom o kaya DOTA gora na. Jackpot na lang kung makakuha ng supot. Fetish ko kasi yun".


Naalala ko nga merong mga binatilyong naglalaro ng tumbang preso sa tapat. Nabiktima na din pala sila ng mga buwaya at buwitre. 


Nakaka tatlong baso na din siguro ako ng Red Horse. Panay refill kasi ni Jimmy sa baso ko mangalahati lang ng kaunti. Sa totoo lang, mejo nalalasing na ako nun. Pagud na din ako, inaantok pa.


Seth: "Ako naman halos mag iisang taon na ako dito. Wala pa naman akong nakilalang kadete. Nakakasabay ko sila lagi dun sa carinderia, nakatingin sila sakin. Pero di ko sila kinikibo".


Kwentuhan pa. Wala na akong maisip. Showbiz na lang. Bakla ba talaga si Piolo?


Kain ng kropeck.


Saka ko napansin si Sasha. Bumaba siya sa gutter, binuksan ang zipper, nag squat. 


Feel na feel ng ate ko umihi na parang girl. Nung matapus na siya, kinamot niya kaunti yung bayag niya saka pinahid sa nguso ni Norman, na naglalaro pa din ng iTouch.


Ayoko na ng kropeck.


Nagpaalam na akong umuwi. "Uy salamat ha? Pero antok na talaga ako eh? May pasok pa ako bukas."


Jimmy: "Anu ba alas tres pa lang? Kami nga may show pa ng 12nn mamaya eh. Gusto mo sama ka sakin? Ipapakilala kita kay Regine!"


Seth: "Ahh hehe salamat." hamplastik.


Jimmy: "Kunin ko number mo, tapus add mo ako sa Facebook." sabay abot ng kanyang BlackBerry. 


Inaantok nako talaga. Lalo akong hindi makapag type sa keyboard. Dinikta ko na lang.


Seth: "Sige ahhh, next time na lang ulit."


Jimmy: "Tambay ka din dito minsan. Dahil friends na tayu di ka na namin kakantiyawan..."


Madadaanan ko si Sasha. Suray suray na ako lumakad. Hinawakan niya ako sa kamay


Sasha: "Sa inyo ako matulog ha?"


Seth: "Gusto ko matulog mag isa."


Ayaw pa niya akong bitiwan. Para tuloy kaming nag ta tug-o-war. Nanunuod lang sina Jimmy sa eksena.


Sasha: "Sige na... magaling akong chumupa, mainit ang bibig ko..."


Seth: "Wit. Bottom nga ako teh. Di ko trip masyado chinuchupa. Aalis na ako."


Sasha: "Suplado. O sige na kiss na lang".


Fine. Inilapit ang kanang pisngi makikipag beso. Aba, hinawakan ba naman ako sa mukha, aktong hihiritan ng lips to lips. 


Dinakma ko din siya sa mukha ng isang kamay. Hinawi. 


"Puhngeet." sabay lakad pauwi.


Naligo muna ako bago matulog.


Nakahiga na ako sa kama. Mag isa. Saka ko naisip... "friends pa din kaya kami?"


Kibur.


************


Production number muna! Namemorize ko na steps nito ^^ Boots na lang kulang sakin. LOL


Thursday, January 20, 2011

Upgraded



After one stupid upgrade I did 2 years ago, I've been unable to play downloaded games into my PSP (FW 6.20) all for the sake of playing Tekken 6.


2 years + 600 for a 2nd hand Tekken 5: Dark Resurrection UMD + 600 for yet another PSP modification +  more money spent in arcades ..... I can finally train with the new moves !?


My T5 fighting style isn't as effective in T6 especially with Lili. Two of her moves have been taken out, damaged has been reduced, speed has been reduced, a bound move + parrying kicks acts like bound moves = almost infinite juggles. Grrr !!!


Masaya na ako ulit ^^



Wednesday, January 19, 2011

Tayo (stand). Tayo (us)

Mama: "Umuwi ka naman. Birthday ng kapatid mo at ng tatay mo pagkatapus?"


Seth: "Depende. hihi. Pag dumating na yung inorder ko sa internet uuwi ako mamayang gabi"


Buti na lang at super efficient ng DHL ^^


Nakuha ko na kasi ang final pay ko sa aking "Holiday stint" (goodbye office crushie #5) kaya nakabili na din ako ng gifts na matagal ko nang inutang. I gave my two sisters and my Papa, iPod shuffles with laser engravings on them ^^ If I were to get mine, it should look like this. hehehe


Happy Birthday - Merry Christmas - Happy Graduation and a Job well done --- All in one na ang gift ko. hihihi


Tumaas lang kilay sa akin ni Mama. 


"Your father is 56 years old. Parang di na yata bagay na lumalakad lakad siyang naka earphones?"


"Eh Ma, he likes music? Obvious naman siguro sa dami ng vinyl, cassette, CD, mp3 collection niya. Eh ito extra pogi points pa saka cute, maliit, handy! Saka yun nga eh, he's 56. Who knows what'll happen? I have the money now. I can spoil him a little bit kasi kaya ko na din kumita."


But before that magical gift giving moment, I had to drag myself to commute from Cubao to Cainta -- during rush hour traffic. I'm not sure if you're familiar with the notoriety of Cainta-Junction?


*****




G Liner. Aircon bus. Taytay Hi-way.


Sa may Galleria na ako sumakay. Swerte na sa tapat ko bumukas yung pintuan ng bus kaya nakaupo agad ako sa aisle. Nagsakay sandali ang bus, andar kaunti, huminto sa Meralco Center gate, tapat ng Shell-McDo.


"Miss upo po kayu."


Sinilip ko. Tumayo siya, ibinigay yung upuan niya sa isang office girl, siguro nasa mid twenties din. Naupo si office girl. Nagtext. Walang thank you akong narinig. Saka nagbayad yung tumayo, "Manong sa may Rosario po galing Recto". WTF !?


Hindi ko yun pinalampas. At the expense ng sarili kong upuan, tumayo ako at nilapitan ko siya at nakatayu na din ako... sa malapitan... teka, babae!? She's just 5'4". Payak. Maliit ang katawan. Naka college tshirt and jeans, sneakers. Ni hindi nga niya maabot yung hawakan sa taas kaya kumakapit na lang siya sa sandalan ng upuan.


"Bakit mo ginawa yun?" tanung ko.


"Alin po?"


"Bakit mo binigay sa kanya yung upuan mo? Malayo pa pala ang bababaan mo. Eh hindi naman siya matanda, buntis, may kapansanan, o may dalang bata. Ni hindi nga siya nagpasalamat nung pinaupo mo siya?".


Napatingin sakin si office girl. Kibur lang.


"Ahh... eh kasi kanina pa naman ako nakaupo, kaya ibinigay mo muna sa iba."


Hmmmm....


"Ako kasi, kung ako yun, hindi ko basta basta ibibigay yung upuan ko kung di ko naman nakita na mas kailangan niya kaysa sa akin. Pare pareho lang naman tayung nagbayad ng ticket. Marami din naman ibang guys na mas malaki katawan kaysa sayu, pero ikaw yung nanguna... hindi ko yun inaasahan sa iyo, pero natuwa ako sa ginawa mo."


Napangiti na lang siya. Napansin ko na lang din, nakapatay na yung TV. Wala ding radio. Tahimik yung bus at kami lang nag-uusap. Pakiramdam ko tuloy, nagsermon ako nang di oras, bakit di ko na sabayan ng pamimigay ng sobre? hihihi.


Nakarating na din kami ng Rosario. Bumaba na siya. Nakangiti.


Pagkatapus noon, tuwing humihinto na yung bus, tumatayu na din yung ibang guys, ibinibigay yung upuan nila. Nakaupo na din ako ulit, marami na yung bumaba. 


Pumara na ako sa tapat ng subdivision gate. Magaan ang loob ko. Nakangiti na din ako.


Gusto kong isiping lahat kami sa loob ng bus, nabago, kasi may isang taong gumawa ng mabuti, na matagal na dapat nating ginagawa.



Tuesday, January 18, 2011

Intercision

Yes, it is spelled correctly.


Yes, no such word exists in the dictionary.


When my "beloved" (as Mark used to call me) gave up on "us", we didn't just "break up"..... we interceeded.


I first encountered such a word after I watched the movie, "The Golden Compass". In a different dimension, much like ours, spirits exists outside the human body in the form of animals they call "daemons" and accompanies them through life. Intercision is the process by which a human was separated from their dæmon. The severe trauma this caused usually precipitated death for that person, but, with certain techniques and precautions, it was possible for someone whose dæmon had been cut away to remain.....alive.


Hmmm.... alive. Check.


I looked back and thought what kind of "daemons" were my exes.


My very first boyfriend, Mike, would be a panda bear.




I used to fondly call him such back then. Di ba dapat pag may jowa may "pet names"? hihi.


He was 5'4" (I'm 5'9"), round faced, shoulder length hair, chinky eyes (singkit), Ilonggo, and adorably chubby. A lot of people told him he looks a lot like Senator Bong Revilla Jr. I got the idea after I saw the World Wildlife Fund logo. Purhfect. He called me with the generic "baby". How original.


I would say he's a very sensitive daemon. 


"Kailangan discreet tayu... kailangan hindi halata na mag bf tayu kasi ayaw kong pagdudahan akong bakla..." right. Sabihin mo yan sa long straight hair mong hanggang balikat, literally. Ayaw din niya na sabay na sabay kami kung maglalakad. Kailangan daw, merong nauuna kaunti, merong naiiwan. Tropa tropa lang kunwari. Out of the question na ang HHWWPSSP (holding hands while walking, pa-sway sway pa). Safety hazard man sa akin, sinasadya ko maglakad sa baba ng sidewalk para eye level kaming mag-uusap. Para na din naman "mabakuran" niya ako at maakbayan. Chos.


We interceeded, after 10 months because he was very much insecure how he looks (to which I loved him dearly) but when he realized that I looked better than him, yet I was madly in love with him... this is where he got his confidence boost. Masama pala loob niya sa tawag kong "panda".


Inis na inis ako noon nung nagkaroon ng free 1 week chat sa celfone ang Smart. Wala na siya ginawa buong araw, kasi libre. Piso piso pa ang text noon, kaya nag uusap na lang kami sa landline para mahaba ang kwentuhan at mejo, sincere naman. All the while nararamdaman ko naman na hindi siya talaga nakikinig kasi panay ang takatak ng keypads ng 3310 niya, sumasagot na lang ng mga "uhuh" "ok" "thats good" "sige lang kwento ka pa". Kahit nung akmang nagtatampo na ako kasi hindi siya maayus kausap, chill na chill lang ang pandang ito.


Sigeh. Ngayun ka makipag chat all you want.


After Mike, I met my second daemon, Mark. I think I already described him on my previous entry though.


We called each other "beloved". 


If Mark were an animal daemon.... he'd be a squirrel. A big, fat, fluffy squirrel.




BAKIT!? Don't get me wrong though. I have nothing against chubby guys and there was also a time I reached 180 lbs. I like chubby guys! They're so huggable kaya? Sarap i-cuddle ^^


Anyway, Mark has this habit of squirreling stuff. 


Kapag kumakain kami sa labas, alaga na niyang kunin yung buong stack ng tissue sa table. Minsan kasi, inaabot siya ng sakit ng tiyan sa daan, so, convenient na tipid pa. Mahilig din siyang mag ipun ng kung anu anong condiments sa sachet. Ketchup, toyo, hot sauce, salt, pepper, mayonnaise, siopao sauce, yung sawsawan ng chicken nuggets, pancake syrup, to name a few. Hindi rin nakakaligtas pati ang plastic utensils at chopsticks, pati straw. Oo nga pala, kapag umaattend din siya ng mga seminars, inuuwi din niya yung coffee, creamer, at tea.


Ang galing noh?


Kapag day off niya, it is also known as hibernation. Kakain siya nang marami, saka niya sasabakan ng tulog ng more than 10 hours. Nga naman, kapag nasa duty siya, hindi siya halos nakakapahinga.


Si Mark ang pinaka special kong daemon kasi meron kaming tinatawag na psychic link.


"Anu yun?" tanung ko nung unang beses kong narinig


"Parang ESP... nararamdaman ko kapag yung mga taong mahal ko sa buhay kailangan ako. Nagtetext ako o kaya tatawag to check on them. Kadalasan, tama lang yung timing ko, yung naipadala kong quote o yung pagtext ko sa kanila, dun nila ako kailangan kasi malungkot sila, o may nangyaring di maganda...."


"Ahhh..." napatanga lang ako. "So paano yun? Ikaw yung madalas receiver?"


"Minsan kaya ko din maging sender, kaso, kakaunti lang sa mga mahal ko yung kayang magreceive... yung Ex ko lang na si Ronel, yung naging perfect psych link partner ko noon".


*nag dedate pa lang kami ni Mark, ilang months na din silang break ni Ronel


"Anu nararamdaman mo pag may nakiki link?"


"Hmmm.... di ko maipaliwanag eh? Basta nararamdaman ko na lang"


"Pero sa mahal mo lang ito?"


"Sa mga taong mahal ko lang..."


Minsan, sinubukan kong ipilit maki "link". Humanap ako ng tahimik na lugar at pumikit, tinatawag ko si Mark sa isip ko. After 15 minutes, nagtext siya kinakamusta ako ^.____.^


Habang tumatagal, minsan nagiging instant na... Mas malakas yung "signal" lalo na kapag may buwan lalo na pag full moon (Moon cellular?)


"Kapag malayo ako sa iyo... tumingin ka lang sa moon... kahit saan ko, lagi din ako tumitingala... para na din kitang kasama... kapag ganun... hindi mo na mararamdaman na nag iisa ka..."


Seven months na eh. Pag tumingin ba ako sa buwan, maiisip pa din kaya niya ako? Natuto na lang din akong lumakad nang nakayuko. Iwas.


Naaalimpungatan ako sa umaga. Nararamdaman kong siya yun. Unti unti, pilit kong hindi na pinapansin ang psychic link namin. Minsan, kapag nagpaparamdam naman siya sa text naiiyak ako? Sakto pa naman, nakaka 10+ straight talo na ako sa Tekken, sinilip ko celfone ko, "Kamusta na beloved ko" text niya. Tumulo na lang basta luha ko at humikbi, napatingin tuloy yung kalaban ko saka yung mga nanunuod sa likod namin. Napipikon na kaya siya kaya siya umiiyak? Lech.


Mejo ok na ako. Di na ako masyadong umiiyak. Mas magaling na din ako sa Tekken.


Wala muna mga daemon sa ngayun.


Masyadong masakit ang intercision. Hindi na sila kayang ibalik sa akin, gamitin ko man ang Silver Crystal.



Sunday, January 16, 2011

Always One Less Face to Smile at



Hindi ako pokpok.


Ok, marami akong sinipingang lalaki over the past 2 years pero hindi pa rin ako pokpok.


Sana, pinagkikitaan ko na lang pagiging bottom ko? Mahal din yata ng gym at Olay. May PS3 na siguro ako ngayun o iMac


Hindi naman ako dati ganito eh?


I wanted to wait for someone special. I was 18 when I had my first boyfriend. Before that, hanggang crush crush lang ako. I never had any intimate physical contact with another guy. Mike* had all my firsts. As in all the firsts you could possibly think about. Our relationship lasted for about 9 months, and then 3 mos after, I met Mark*, with whom I spent my last 7 years with, and the last 2 of which we lived in together.


Between Mike and Mark, I dated a couple of guys. I date one at a time.


Meron akong dalawang absolute "dating rules".


#1 - Kung gusto mo ng "serious/committed/exclusive" dating, meron akong tinatawag na "no touch policy". 


Sa dalawa, pinaka gwapo si Mark. Matangkad, matipuno, maputi, lalakeng lalake ang dating. First movie namin yung "League of Extraordinary Gentlemen". Ambangu bango niya, Davidoff Cool Waters, pigil na pigil lang ako. Kunwari hindi ko napapansin pero kinikiskis niya yung siko niya sa akin. Kalagitnaan ng movie, nadikit na talaga siya sa akin at nasabing "Seth! Are you in heat?!" na mejo malakas ang boses. Para daw kasi akong nilalagnat...


Pagkatapus ng movie, we had dinner, then nilibre din niya ako ng coffee. Hinatid niya ako sa boarding house ko sa Espana. Bababa na sana ako ng kotse...


"Uy thank you sa libre ha? Sorry juice lang naibili ko para sa iyo, yun lang natira sa allowance ko eh?


Mark: "That's alright, I had fun spending time with you..."


Smile smile. Nagkatitigan. Sa isip ko, "Shet. Parang ayaw ko pang umuwi..."


... pero all I gave him, was a handshake (yeah, ganun ako ka-corny) and Goodnight! hehehe.


We dated for about 4 months. Ganun lang lagi ang scenario. We spend time together, talking, he'd take me to places in Manila, we'd go food tripping etc etc etc... only that we don't touch at all.


Isang araw sinamahan ko siya sa computer shop. May gagawin daw kasi siyang report sandali. Hinayaan ko lang siya habang nag rereview naman ako ng textbooks ko. Hindi pala siya marunong gumamit ng Excel. LOL. Hindi niya alam paano gumawa ng charts?


"Ahh naitype mo na ba yung figures? Ganito lang yan... click click click..."


Inagaw ko yung mouse sa kamay niya. Hindi naman niya masyado inalis din. Habang ginagalaw ko yung mouse, mejo kumikiskis na din yung kamay ko sa kanya. Keso lang.


Siguro, two months na kami namamasyal, saka lang ako pumayag na akbayan niya ako kapag naglalakad kami. Habang mas nagiging comfortable ako sa isang tao, saka lang ako pumapayag. Three months, saka lang ako pumayag na yakapin niya ako... pero mejo nilalayo ko yung balakang ko. Nakikita ko naman kasing bumabakat yung hard on niya at ayaw ko pang madikit doon (virgin?).


October 15th, birthday ko, siya lang bisita ko nun. Saka ko lang din sinabing mahal na mahal ko siya... saka ko lang din isinuko ang Bataan. LOL!


For me, mas lalong naging special yun dahil hinintay namin pareho. Sa simula pa lang naman sabik na sabik na kami sa isa't isa, pero hinintay ko munang makilala ko siya nang lubusan, malaman ko kung saan siya galing at pinag daanan, bago ko sinabi sa sarili kong "gusto na talaga kita" hindi yung nakikita ko lang basta sa pisikal.


Fifth anniversary na namin noon, binalikan namin ang mga naganap nung "first date" namin.


"Pademure ka pa noon, isang plato lang ng spaghetti inorder mo sa Cravings eh meron naman unlimited soup and salad? Tapus saka ko malaman later on ang takaw takaw mo pala?"


"Eh wala nga akong pera noon? Nangutang pa nga ako ng extra 200 sa kaklase ko kasi paubos na allowance ko. Eh sushal dating sakin nung place, yun lang kaya ko bilhin at may pamasahe pa ako pauwi. Malay ko ba baka hindi mo ako ilibre wala naman akong pambayad?" sagot ko. "Pero alam mo bang hiyang hiya talaga ako nung sinigaw mong "Are you in heat?" dun sa sinehan?"


Natawa siya. "Sinasadya ko talaga yun kung magre react ka. Gustung gusto kasi kita talaga noon"


"Eh ngayun hindi na?"


"Lab lab pa rin. Sobra. Ikaw nga "beloved" ko di ba?" Keso pa ulit.


"Alam mo, ang korni pero buti na lang kamo... kinamayan lang kita nung pauwi na ako?"


"Yeah, ang KJ mo nga noon eh? Di mo man lang ako ki-niss. Sa totoo lang, ayaw pa nga sana kitang iuwi, pwede na sana kitang rape-in sa kotse or kumuha na lang ng room siguro... pero mabuti na lang din. Hindi natin ginawa. I would've thought you were too easy and siguro pagkatapus noon, wala na...."


Fast forward to 2010... April 3... we broke up, tragically.


I call it "love making", it's supposed to consummate whatever feelings we have for each other.


Sometime between our fifth and seventh year, our relationship things got rocky, often towards a downhill trend.


He commented on how I look. "Bakit tumataba ka na? Hindi ka na tuloy twink?", "Uhm, wag ka masyado didikit sa akin (when I cuddle) mahahawa ako ng pimple mo?", "Yan talaga ang balak mong isuot?".


He's annoyed on what I say. "Can you stop asking stupid questions?" , "Huh, hindi mo yun alam? There must be something lacking in your education?".


He's dissatisfied on my chores. "So? Eh anu ngayun, do you need a medal because you did that?".


Pero nung sinabi niyang, "... parang obligasyun kitang kantutin ah?". Bang. Yun na.


Obligation. Napipilitan ka lang, kasi "kailangan" mong gawin kahit hindi mo naman gusto. Ang sa akin lang, "Eh kung ayaw mo... eh di hahanap ako ng ibang gustong gumawa? Obligation pala".


Dito na ako nagsimulang magpaka pokpok........


Bumagsak na nang husto ang self esteem ko. Ginawan ko naman ng paraan ang lahat to please him, pero parang ngayun, I'm no longer good enough in any level at all.


I would try to make love to him, and he'd barely move. Minsan, nagagalit pa siya sa akin sa umaga. Hindi naman siya tumatanggi, pero nalelate daw siya sa umaga kasi pinagud ko siya... Minsan din, hindi na lang siya umaakyat sa kwarto, dun na sa sofa siya natutulog pagdating galing hospital.


Sumama na lang ako kung kani kaninu. Halos lahat ng lugar o pagkakataon na makaka meet ako ng guys, basta trip ko. Hindi ko alintana kung ilan, o saan, o kailan. Basta gusto ko, makukuha ko. Hindi na importante sa akin kung alam ba nila kung sinu ako.... Ayus na sa akin,  that someone would want me even just for a fuck. I traded off sleeping with several guys for one intimate night of true love making.


Tumatanda ba ako ng paatras?


#2  - Kung sex lang gusto mo, trip kita, type mo ako, GO! Kung magaling ka sa kama, siguro may round 2. Kung hindi naman, sige balato ko na yun sa iyo. Pero di na mauulit. Asa.


Sa totoo lang, bago ko makilala sina Mike at Mark, ayaw na ayaw ko ng idea ng casual sex.

Ang nasa isip ko pa noon, gusto ko pwede pa kami magkwentuhan at maglambingan pagkatapus... hindi yung pagkatapus labasan eh "uhm.... Anu nga pala pangalan mo?" o kaya yung magiging cold na lang basta para maramdaman mong "tapus na ako sa iyo, pwede ka nang umalis".

Natatakot din akong masasaktan. Baka naman kasi kakaiba ang fetish nila hindi ko kayanin? Hindi ko balak sumubok ng drugs. Sana din, ituro mo man lang sa akin yung CR para makapaglinis din ako pagkatapus.

Hindi na rin kayo mag uusap pa ulit. "Hu u?" Pag nagtext ka. Ipapaliwanag mo pa sarili mo, "Ahh ako yung dumalaw nung..." nakakahiya. Magpaparamdam man siya, dahil libog lang siya ulit. Magkita man kayu in public... parang hindi ka niya kilala.

Yun siguro pinang hihinayangan ko sa lahat. Nagpadala ako sa galit ko. Hinayaan kong mababoy ang katawan ko. Nagtatapon ako ng tao. Lahat, single use.

Nakalista silang lahat.

I keep track of all the guys I slept with. I use Powerpoint. LOL

No! I'm not gonna show it on a projector. hihihi. I just find it easier to arrange the contents without affecting the other slides unlike Word.

I keep every single detail. Name,  User ID, contact number, email, address, date, photos, and my favorite part.... remarks! I write down details what the sex was like, if there was anything peculiar or extra special this guy did to go the extra mile. I even place "stars" and badges like "legendary" , "track record to beat: 93 mins" , "sloppiest" , "rimmer extraordinaire"... to name a few.

The list is for my eyes only.  *wink*

I tried to go through the list... I wanted to find something most of them had in common (aside from the fact that they're top?) [Jeopardy theme]

... and it occurred to me ...

quite a handful of guys did "fell in love with me" after we did it.


Naiirita ako pag nangyayari yun. Sa totoo lang. Nasarapan ka lang, gusto mo na akong shotain? (naalala ko tuloy si Kim Chiu sa Paano na Kaya)


...Pero meron naman talagang mababait sa kanila. Marami din gwapo at matatalino, athletic, at talented. Meron din akong nakilalang mga prominenteng tao.


Matapus ang lahat?


Anu narating mo Seth? Wala.


Kaya sinimulan ko itong "project" kong ito. Ang blog na ito ang outlet ko. Hindi ako kasing galing ng ibang bloggers paano idetalye ang sexcapades nila. No. Ayaw ko nga pag usapan ang sex eh?


...Hindi mo rin kasi kayang maimagine kung gaano kasarap ko kayang gawin? Hindi na siguro nakapag tataka bakit naka 60+ guys ako hindi ba?


Seven months na kaming break ni Mark. Nakaraos na din ang Birthday ko/anniversary namin dapat, lumipas na din ang Pasko at New Year. January 16th, ang death anniversary ng father niya. Andun ako nung burol. Pero hindi na ako invited ngayun, hindi na ako parte ng buhay niya eh?


So tama na muna paghahanap ng casual sex. Lalake lang yan. Dami sa Cubao, nadadampot lang. May hitsura naman ako, I don't need to pay to play. Maupo lang ako sa planter box sa pagitan ng Starbucks Araneta at KFC, hihintuan ako ng sasakyan (kung trip ko nga pagkakitaan ang pagka bottom ko?).


Hindi pa rin ako ready humanap ng bagung boyfriend.


Ako muna.


Ang gusto ko lang sa ngayun, mas marami akong maging kaibigan. Mabubuting kaibigan.


More faces to smile at.