Ang korni naman kasi kung itim, bitter.
Sunday, February 13, 2011
Thursday, February 10, 2011
Roadkill
road-kill
1. An animal or animals killed by being struck by a motor vehicle.
2. Slang One that has failed or been defeated and is no longer worthy of consideration
Nagpakamatay daw si Angelo Reyes. Kanina lang kinuwento sa akin ni Ate Abby (asawa ni Kuya Rommel).
"Ahh. Ok. Nasama din ba siya dun sa ano.... yung AFP ek ek?" sabi ko.
Saka kinuwento ni Ate Abby nang pagkahaba haba yung mga detalye. Ako tangu tango lang. Kibur.
Hindi talaga kasi ako nanunuod ng balita. Hindi rin ako mahilig manuod ng TV. Mag tatlong taon na. Hindi ko nga alam na lumubog na pala ang kalahati ng Metro Manila pati ang Cainta at Marikina kung hindi pa ako tinawagan ng Mama ko kasi hindi pa daw nakakauwi ang sister ko galing UST. Hindi ko kasi binubuksan ang TV.
Engot din ang sister. Pag umulan na ng more than 2 hours, huwag ka na pumasok dahil asahan mong magbabaha ang Espanya. Ondoy pala pangalan ng bagyo. Nasa 8th floor kasi ang condo namin dati ni Mark, tanaw ko pa dati ang Ortigas at Greenhills pero sa tindi ng ulan, kahit katapat na building di ko makita. Bagyo nga yata ito.
Anyway. Angelo Reyes. Suicide.
Dumaan na din ako sa ganyan... twice actually, ako at yung sister ko.
Nauna si sis. Ang drama kasi niya noon, nagkalabuan sila ng boyfriend niya (how crude). Nagrereview pa lang ako ng Nursing boards noon, nagtext sa akin yung BF niya na check ko daw kung OK lang. Pag uwi ko ng bahay, kinatok ko ang kwarto. Di sumasagot. Baka tulog na. Late na din naman kasi.
Kumakain na ako nung narinig kong bumukas yung pinto niya, pumunta ng kusina, at dumiretso ng banyo.
Maya maya pa kaunti.... saka niya ako tinawag "Kuuuuyaaaa....." habang humahagulgol. Nakita ko siya sa loob ng banyo, luhaan, may hawak na malaking kutsilyo, at yung necktie ng uniform niya itinali niya sa braso na parang tourniquet. Ayy ganun?
Siyempre una kong ginawa, inagaw ko yung kutsilyo (safety muna). Saka kinulong ko muna siya sa banyo.
Ang weird. Ang point ng pagpapakamatay dahil sa paglaslas eh dahil ikakamatay mo yung hemorrhage (bleeding). Cleaver pa ang napili niyang kutsilyo (balak ba niya tagain kamay niya?) eh maliit na hiwa lang naman ang kailangan? Mas effective ang blade o kaya basag na salamin? Pwede rin yung pinagbuksan ng lata ng Piknik, matalas yun? Tapus bakit may tourniquet? Anu ba talaga sister.
Umakyat ako sa kwarto niya. Classic ang eksena. May half empty na bote ng Tanduay at may suicide note na basang basa ng luha. (kaya hindi ako nanunuod din ng TV!)
Ang mga sumunod na nangyari, ginising ko si Papa, at wala siyang nagawa nung sinabi kong i-aadmit ko sa Psych ward si sister.
"Hindi baliw ang anak ko?!"
"Don't worry Pa, secret lang natin ito. Isa pa, kung talagang desidido siyang magpakamatay, walang safe na lugar sa bahay. Lahat ng pwedeng paraan pati pagtalon sa bintana pwede niyang gawin at least doon pwede pa siyang mabantayan." (sumkindava OA i know, pero galing sa textbook ito, nagrereview nga ako di ba?)
One week din siya doon sa loob. Dumadalaw din naman kami. Eh di nadala siya? Nakahalubilo niya yung mga tunay na psych patients na mas naging "effective" ang suicidal attempt. Narinig din niya mga kwento nila an di hamak na mas malala kesa pagkawala ng boypren. Nyeta.
Oo. Di ko nakalimutan. Ako rin.
Pinakamalungkot na taon sa talambuhay ko ang 2007. Sa isang taon:
- Nag away kami ni Papa kasi naconfirm na niya na bakla nga ako (kagagawan ni sister!) kaya sa galit niya, binato niya ng bote yung pintuan ng kwarto ko. Natakot ako nun, lumayas din ako nung kinagabihan. Mula noon, hindi na ako umuwi ng 6 na buwan at 4 na taon na din akong nakabukod sa amin. Dumadalaw naman ako minsan, pero di ako nagtatagal ng 3 araw. Feeling ko di na ako safe doon. Andun pa rin yung lamat sa pintuan ko...
- Nakahanap ako ng bedspace pero hindi ko nakasundo yung mga kasama ko sa bahay...
- Nag resign ako sa trabaho nang biglaan dahil yung boss ko, sinadyang hindi ibigay sa akin yung checke ng sweldo ko at Holy Week noon kaya ilang araw na walang bangko? Wala akong pera pambili ng pagkain.
- Lahat ng close friends ko nakaalis na papuntang abroad.
- First time namin nag break ni Mark!
I KNOW RIGHT?! Wala ka na mapuntahan, wala ka nang kasama, wala kang kakampi. Iniwan ka na lang ng lahat ng tao sa ere! So binalak kong magpatiwakal.
Paano?
Mas marunong akong maglaslas, of course pero ayaw ko. Antagal kaya nun? Mararamdaman ko pa yung sakit. Pag napalalim pa yung hiwa ko, maputol ligament sa kamay, matauhan man ako di ko na magagamit kamay ko. Ang sad!
Ayaw ko naman magpabundol. Pucha. Mandamay pa. Ayaw ko din ng madudurog katawan ko at tatakpan ng dyaryo sa kalsada.
Di ko din feel ang magbigti. Luluwa ang mata ko.
Prime consideration ko noon: kailangan gwapo pa din ako sa kabaong.
So ang ginawa ko, lumunok ako ng 30 aspirin. Bakit? Kasi kapag naoverdose ako ng aspirin, magkakaroon ng gastric bleeding! Ang susunod sa gastric bleeding mada-digest ng stomach yung dugo -- release ng ketones sa blood -- aakyat sa brain (hepatic encephalopathy) -- I would go into a coma state. Perfect! Sleeping beauty lang ang drama.
... OK na sana ang plano ko eh? Ako lang pala itong stupid. Over analyze di naman biglaan magaganap yung encephalopathy and shit. Amf. Natakot pa nga ako actually nung kumulo na yung tiyan ko "Oh my ito na siguro yun..."
Puro hagulgol lang ako ng 5 hours hindi pa pala ako kumakain. Kainis.
Nagbihis na lang ako. Pumunta ng Jollibee.
"Champ! Tatlo! Large fries! Large drink! Bigyan moko ng maraming ketchup!? Peach mango pie din at choco sundae!"
Sinabi ko ang lahat ng ito na magang maga ang mata at humihikbi.
"Ssssir, dine in or take out?"
"Take out!" hikbi pa ulit.
"Eh sssir, mmmay 5 pesos po ba sila?"
"Buo ang pera ko problema ko pa ba ang 5 pesos!?"
Kawawa talaga yung kahera sakin.
Saka ako nanuod ng sine, showing pa noon yung "Love Story" starring Angelica, Maricel, Aga. Wala akong ginawa kundi humagulgol lalo habang pinipilit ubusin lahat ng inorder ko.
"Hindi mo siya kailangan... kailangan ko siya!" >> dito nako nag breakdown sobra.
Magmula noon, pinangako ko sa sarili ko na kahit gaano kahirap, kahit gaano kalungkot, kahit gaano kasama pa ang ginawa ko... Hindi ko na iisiping lumunok ng aspirin ulit.
Nung nagkaroon ng Valentine's day bombing sa Ayala (oist wala nako kinalaman dun ha! sobra na yan) andun ako sa mismong bus terminal, ilang minuto bago nakaroon ng pagsabog. Kung hindi pa ako nakipagsikuhan para makasakay, isa na siguro ako sa mga nadamay.
Hindi ko pa oras eh? Korni man, pero habang may buhay may pag asa. Marami pa naman magandang nangyari sa akin pagkatapus noon. Pati ang sister ko, masaya na din sa bago niyang career ngayun.
Aba, marami din akong napaligayang top? Tsk tsk tsk. LOL
Choice naman talaga natin ang maging masaya. Hindi nakasalalay sa iisang tao o pagkakataon para tayo maging masaya! Hindi ko na rin inisip kahit kailan na walang kwenta ang buhay ko (pasintabi kay Hard...) dahil sila na din nagsabi na marami silang natutunan sa akin at masaya silang kasama ako?
Kahit kailan, hindi ito ang magiging nitso ko:
Ito pwede pa?
Ayus di ba ^^
Tuesday, February 8, 2011
Totoo ba talagang may No Strings Attached (NSA)?
Wish ko lang na kasing gwapo ako ni Xian Lim. Minsan naiinggit ako sa mga tulad niya. Model. Lakad, pose, ngiti, kindat lang kikita ka na nang malaki. Puhunan mo na ang mukha at katawan mo. Isang event lang o TV/print ad katumbas na siguro ng dalawang linggong pinaghirapan ng isang typical na empleyado. Kung matalino at tunay na talented ka pa? Panalo na di ba.
Pero ang mga tulad kaya niya, hindi na niloloko ng partners nila? Ewan ko.
Hindi rin naman ako panget. Gusto kong isiping above average naman ang looks ko. Nhux. Hindi lang talaga ako pasok sa category na astigin, dun ako sa, ehem, pretty.
************
Nainspire ako sa post ni G, Post Coitus Possessiveness.
Naalala ko tuloy nung 2010, mayroong iilang guys akong nakilala na nagpakita ng interes na ligawan ako... pagkatapus naming mag sex.
Sinabi ko na dati na meron akong 2 absolute dating rules, pero kung nakikipaglaro lang ako, yun lang talaga yun. Hindi naman imposible, pero mahirap para sa akin makipagkaibigan o seryosohin ang isang tao na nakilala ko lang dahil sa casual sex. Sa isang taong seryoso ako, hindi ko agad isinusuko ang Bataan. Kung sakali man naging magkaibigan na tayo, ibig sabihin hindi na rin tayo pwedeng magsex kahit kailan. Wala na bawian.
Ngayun ko lang naisip, hindi pa rin nawala nang tuluyan ang pagiging "wifey" ko. Noong mga panahong madalas ako magdala ng bisita sa kwarto ko, kuntodo asikaso pala ako sa kanila? Hubarin mo sapatos mo sa pinto, may tsinelas ako. I-hanger mo yung damit mo para hindi magusot. May condom na at lube. Ayaw ko ng amuy at lasang yosi, kaya meron akong candy at mouthwash. Huwag mo ipunas sa bedsheet, punda, lalo na sa kumot ko please? Bibigyan naman kita ng tissue at alcohol. Papahiramin pa kita ng damit na pamalit, sabon, malinis na towel. Kapag nasa mood pa ako, bumibili pa ako ng pagkain at share tayo o ihahatid pa kita sa may sakayan. Sagot mo pamasahe mo noh.
Yun lang yon. Maasikaso lang ako. Hindi ibig sabihin gusto kita.
Hindi rin ako mahilig yumakap, makipag holding hands, dumantay, kung magkatabi man tayo matulog. Kung ginawa ko man yun, ayaw ko lang mawala ka sa tabi ko at may mawala akong gamit.
Iniiwasan ko ding makipag kwentuhan hangga't maari.
Hindi naman talaga ako interesado, isa pa, hindi ko naman inaasahang matandaan mo pa yung mga ganung detalye?
Sa celfone ko, minsan user ID lang nila ang nakasave. Hindi ko tinatanung ang pangalan.
Pero meron din namang exceptions...
Naramdaman ko din namang sincere sila kahit papaano. Baka sakali? ... Hinde eh.
Ayaw ko. Hindi uubra.
Ang gusto ko, kapag binalikan natin kung paano tayu nagkakilala, marami tayung maalalang magagandang bagay na nangyari. Naging magkaibigan muna tayo, nagkakilanlan, nagsimulang mabuo ang tiwala, at matapus mong malaman ang lahat ng pinagdaanan ko at handa kang tanggapin iyon, saka mo sasabihin sa akin na mahal mo ako.
Natatawa na lang ako minsan sa mga linyang naririnig ko sa mga nakilala kong guys,
"Sarap mo! Pwede bang ako na lang kakantot sayo?" (Possessive?)
"May boyfriend ka na ba? Gusto mo tayu na?" (Teka ayaw ko mabitin, panira din ng mood)
"I love you." (WHATEVER!)
Hindi na rin bago sa akin na kung anu ano na ang tinawag nila sa akin: baby, honey, beh, pangalan ng iba (Ex o crush nila?) etc.
Isang gabi, nag abot kami ni Alfred* sa YM chat, mga 6 mos na rin kami hindi nag uusap. Umiwas ako sa kanya matapus maging sobrang sweet niya sa akin.
Alfred: musta ka na?
Seth: oi alfred heto naalimpungatan, di na makatulog. nakita kita sa bus sa ayala mga 2 weeks ago
Alfred: huh? bakit di moko tinawag?
Seth: eh nasa may bintana ka nun, patawid ako ng RCBC magmukha naman akong sira kakaway ako sa gitna ng daan hehehe
Alfred:hehehehe anong suot ko nun? namiss na kita...
Seth: di ko na matandaan anu suot mo bakit moko miss? dami ka naman super bookings? (fishing!?)
Alfred: miss na kita, iba kasi pa rin kasi lalo na yung wifey na dating mo
Seth: hahaha
Alfred: di ko makalimutan na pinagplantsa moko ng uniporme ko nun (papasok kasi siya ng office, sa kanila ako nakitulog) sobrang thoughtful at sweet
Seth: LOL wow natandaan mo pa talaga, sa dami ng dinala mo jan ako lang ang wifey
Alfred: yeap, totoo yun
Seth: alam mo ba, super behaved na ako this year? binura ko na PR at manjam ko di na ako nag babar at bath house, wala na din kalandian sa gym
Alfred: hahaha
Seth: di na ako nagchachat
Alfred: mas mabait pa rin ako, kasi never ako nagpunta ng bar at ng bath house hehehe
Seth: asus! eh pag bigfish dun ka na yata natutulog
Alfred: kahit sino pa ask mo iba naman yung bigfish kasi event yun
Seth: E-vent LOL
Alfred: tsaka hindi ako nakkikipaglandian dun ini-enjoy ko lang ang amats nung E (nakuuu... di rin totoo andami niya yatang kinuwento na celeb/models na naikama na niya?)
Seth: alam mo kung anu natutunan ko sayu?
Alfred: ano yun?
Seth: paanu magsampay ng towel para mas mabilis matuyo LOL
Alfred: hahahaha ang galing ko pala
Seth: ikaw binobola mo pa ako, sa personality mong yan single ka pa?
Alfred: oo single pa rin ako. bakit anong meron ba sa personality ko?
Seth: hmmm madali ka makagaanan ng loob, basta wala kang topak dahil sa E
Alfred: hehehehe...kahit naman na naka-E ako ay wala akong topak ang bait ko kaya tsaka honest hndi ko plastic ninuman
Seth: hehehe
*Hindi pa rin ako nakipag kita ulit sa kanya.
So anu nga ba ang point ng blog entry na ito!? LOL
Special tayung lahat. Bawat isa sa atin. Isipin man natin na kahit gaano ka-casual ang pakikitungo natin sa mga guys, lalo na para sa sex lang, hindi totoong may "No Strings Attached". Tuwing binibigay natin ang ating sarili, unti unti din tayung nababawasan. Pagkatapus ng lahat, makakaramdam ka lang ng pagud, lungkot, emptiness. Yung "sarap" pagkatapus mong labasan, lumilipas din yun hindi ba? Wala naman nadadagdag sa pagkatao mo kung ilang goodlooking, gwapo, hunk, professional etc ang naikama mo?
Sabihin man niya sa iyo, ikaw na ang pinakawild, pinakamasarap, pinakamalupit na naikama niya, I'm sure may makikilala din siyang mas hihigit sa iyo. Magkakasawaan din. Maghahanap ulit ng iba. Kahit nga World Records nalalampasan?
Siguro lahat naman naghahanap ng tunay na pagmamahal. PAKKK !!! Pero kadalasan, pumapayag na tayung tanggapin yung panandaliang may kayakap, kahalikan, kasiping. Ayaw ng hassle. Hindi naman ako naniniwala na kailangan maging complicated eh?
Gusto ko ako lang. Simple di ba.
Masaya akong isipin na mas marami na akong nagiging kaibigan. Wala pa naman akong trabaho ulit kaya kaya ko gumawa ng paraan na makipagkita sa kanila kahit isang beses lang sa isang buwan. Natutuwa ako tuwing binabati nila ako na mas mukha daw akong masaya ngayun, blooming, mas cute. PAKKKK !!!
Kahit sa gym, tinatanung nila ako kung meron daw ba akong inspiration at masyado akong hyper at parang cheerleader tumalon.
Wala. Sagot ko. I'm not seeing anybody (neither am I sleeping with anybody. Crush crush lang? hihi)
Iniingatan ko sarili ko. Marami pa akong plano ngayung taon.
Namimiss ko ba ang sex? Minsan. Pero mas gusto ko yata yung lovemaking.
Mag iisang taon na rin akong single. Hindi naman ako nagmamadaling humanap ng kapalit...
... naniniwala pa rin ako, basta na lang siya darating na di ko inaasahan
... kaya kailangan lagi akong pretty LOL :)
Monday, February 7, 2011
Parking
*sigh*
Marami na akong drafts, hindi ko alam alin ang dapat i-publish.
Ilang araw na din akong nagbabasa ng blogs ng mga paborito ko, pero mejo kumakalat ang "emo-ness" (dahil ba malapit na ang Valentines day?)
Makapag gym nga mamaya. Baka may makuha akong idea habang nasa treadmill.
Marami na akong drafts, hindi ko alam alin ang dapat i-publish.
Ilang araw na din akong nagbabasa ng blogs ng mga paborito ko, pero mejo kumakalat ang "emo-ness" (dahil ba malapit na ang Valentines day?)
Makapag gym nga mamaya. Baka may makuha akong idea habang nasa treadmill.
Friday, February 4, 2011
Lesson from a Ladybug
I have to admit I felt saddened when I saw Mark at the spa last night. I didn't lose sleep over it, but this morning, I sublimated whatever negative emotions I had by exercising for two full hours just to shake it off.
It has been ten months since we broke up and got kicked out of our condo. I have learned to love my small room in Cubao, which, for some time, I turned into some sort of a sex den to celebrate my singlehood.
I wasn't ready to see him.
This is the guy whom I spent seven years of my life with. The guy who gave me joy and tears. The guy who saw me rise and brought me down as well.
Seven.
Seven birthdays, seven Christmases, seven New years, countless dinners, several out of town trips, even his father's funeral to which we worked together.
It is not that easy to simply put that past aside.
I had mixed emotions when I saw him. He still looked good. He always does. He even brags that it is "God given". Even when he's tired or sick or even when he's in pain. He still looks good. I really do miss waking up next to him, watching him sleep, running my fingers in his hair and face. I'd be so overwhelmed that this guy, saves other people's friends and family in the expense of being with his own friends and family... and he comes home to me every day, and I take care of him, so I give him a small kiss and whisper "I love you".
I almost walked up to him, say hi, smile, give him a hug, maybe sit down for a few minutes and catch up a little bit... but no.
I also felt appalled and angry. Here is the same person who kicked me out of the house because I cheated on him, though I have tried to confront him several times and he never admitted to anything until I found we had one guy in common. This is the same guy who made it excruciatingly difficult for me to move my stuff, gave me a week to find a new place to stay, wouldn't allow my friend to stay in the hallway, and even wrote a memo to the condo security regarding my entry to the premises.
You are evicted. You are out of my life. Get out.
I'm not sure if he did notice me. Wensha, is one of his playgrounds. I wouldn't want to stay much longer than needed and see him checking out the guys at the wet area or much more to see him with strangers (but then I thought I can pretty much do that in his face too?).
I went home afterwards. It won't be worth it.
I treated myself to a Subway sandwich after working out. I'm celebrating because I lost four pounds of fat and replaced it with solid muscle, just in time for Boracay and Palawan this March :)
Halfway through my sandwich, I found a ladybug crawling on the table. I picked it up and played with it. I wasn't really expecting to find one inside the mall, but it did manage to get in. It almost felt like company.
It was bright red and I just remembered the Chinese New year... would this be good luck? hehehe.
I placed the ladybug on my finger and with it's usual behavior, it would continue walking a straight line until it eventually finds the end. I made sure it didn't. I kept putting my fingers together as if placing the little bug on a treadmill.
He's not going anywhere. Not if i could help it.
... then I remembered last night.
I am out of the relationship. Ten months I got my own life back. I don't have to plan my life around him ever again. I'm calling the shots once more! I get to do things because I want to, and not to please him or anybody to regain my self worth.
I know my worth.
When this struck me, it was already too late, the ladybug already made it to the tip of my finger... and it flew away.
...I told myself, I can continue wallowing in the past and keep torturing myself, or I could do just that!
I was relieved.
I watched where the ladybug would land. I read somewhere that if it lands on a person, you might meet him/her soon...
It landed on a guy (Thank God) wearing a purple shirt. Cute. He must've noticed I was staring and he smiled. I smiled back.
It's a fine day after all.
Rampa Fail
Wensha Timog.
Behaved naman ako. Masakit talaga likod ko eh. (defensive?)
Ok din naman nakuha kong therapist. Madaldal at mahusay naman.
Relaxed nako actually. Feel na feel ko pang naka headset ako habang nakikinig ng "Commander" at rampa energy ala-Ms. Jamaica lang naman.
Tapus nakita ko ang ex kong si Mark.
Ugh.
Playground nga pala niya yun.
Akala ko naman dahil mas maaga ako pumunta di na kami mag aabot.
Di naman siguro ako napahiya... Yata.
Di pa ako ready makita siya.
Behaved naman ako. Masakit talaga likod ko eh. (defensive?)
Ok din naman nakuha kong therapist. Madaldal at mahusay naman.
Relaxed nako actually. Feel na feel ko pang naka headset ako habang nakikinig ng "Commander" at rampa energy ala-Ms. Jamaica lang naman.
Tapus nakita ko ang ex kong si Mark.
Ugh.
Playground nga pala niya yun.
Akala ko naman dahil mas maaga ako pumunta di na kami mag aabot.
Di naman siguro ako napahiya... Yata.
Di pa ako ready makita siya.
Subscribe to:
Posts (Atom)








