Sunday, March 27, 2011

Vecks is Vack!

Weeee !!!!!!!!!


Sobrang saya ng Boracay - Palawan trip ^^ 


May internet naman dun kaso wala naman akong card reader? Hirap mag upload ng pictures at di ako talaga sanay mag touch screen typing? hihi 


Oh well


Heto ang patikim...



Saturday, March 19, 2011

Evolution


This was me, first time in Bora back in 2007. @ 180 lbs LOL


Ganito naman hitsura ko during my "twink" days in college, 2005 @ 135 lbs


Got this pic from PR. Di ko na matandaan kung sinu siya
basta sobrang inggit ako sa katawan niya! Ginawa ko siyang 
wallpaper ng laptop ko for motivation...


Ang aking progress report! hehehe Weight, Muscle (FFM), Fats to lose

At heto na ako ngayun... matapus ang bonggang bonggang diet at exercise AT NO Sex... @ 154 as of March 18th




Mahirap talaga ang abs. Parusahan ko na arms, legs, at baiwang 
ko kakakembot pero mahirap talaga? Hindi pa kasing ganda nung aking "idol" pero kaunting tiyaga na lang ^^

Itinerary:

March 21-23 Boracay
March 23-36 Puerto Princesa

Friday, March 18, 2011

Remind me again





Wala na akong gay profiles. Wala din akong Grindr


Almost 6 months na akong di pumapasok ng bath house.


Hindi ako umaaura sa gym wet area.


Hindi ako lumalandi sa spa wet area.


Wala akong hook-ups. I had been celibate for the longest time, broken for someone I thought special. Fail.






... I am very much tempted to relapse to my "addiction".


... I'm afraid I can be much worse.




I just had my first HIV test this year. I'm confident I'm still non-reactive.




... I am very much tempted to relapse to my "addiction".
... I am very much tempted to relapse to my "addiction".
... I am very much tempted to relapse to my "addiction".






HELP.

Enlighten me. Seriously.

I watched this once and it really didn't make much sense to me. At all.

Pero I see this as a challenge (to my imagination and IQ and everything in between).

Help? hehe

A Short Film About a Fiction and Excerpts from Deleted Scenes and Forgotten Dreams from Samuel Bacay on Vimeo.

Tuesday, March 15, 2011

Kerokerokeroppi

Mahirap maging Prinsesa.


Mahirap lumakad nang naka heels. Chos! In fairness, sa kakasali ko sa aerobics gumaganda binti ko. Maliit, manipis, pero solid muscle. Bagay nga daw sa akin mag heels? Ako lang itong hirap maglakad kasi di ko kaya mag tiptoe ^^ hehehe


Which reminds me. Kailangan ko magwax days before Boracay-Palawan.


Sige na, kailangan poised, kailangan may manners, kailangan witty at pretty palagi. Hmmm... may nakakapansin din naman sa akin...


Kailangan mo nga lang humanap ng prinsepe sa isang siyudad na puno ng palaka.


Sinubukan ko din naman makipag "date" last year...


Froggy #1


Nakilala ko siya sa PR. Sa dalawang profile ko, dun niya ako minessage sa aking wholesome profile. Interesting. Sinubukan ko siyang landiin with the naughty one, pero di kumibo. Mukhang promising. Palitan ng number. Makailambeses na din niya ako niyayang mag meet up. Until one day, nagtugma na din ang schedule namin...


Pareho kaming gym member, mas madalas nga lang siya sa North. Akala ko pa naman masasabayan niya ako? Super exhibition at hyper energy pa naman din ako baka sakaling nanunuod siya... wala...


Dumating siya nakashower at nakaligo na ako at lahat... at nagkita kami...


Parang napuno ng bubbles at butterflies ang paligid. Oo may ganung effect. Ang ganda niya mag smile, may sparkle in the eyes. May work pa daw siya, at pauwi na din naman ako so sabay na kami lumakad papuntang EDSA.


Sa bus, kwentuhan, kamustahan. Nakatingin siya sa akin. I really like it when a guy pays attention. Sayang, kailangan na niyang bumaba sa may Quezon avenue. Halos 20 mins lang kami magkasama, pero ang saya saya ko. Masyado pa akong lutang noon, di ko napakinggan nang maayus pangalan niya.


Nagtext pa siya pagkatapus noon. Kailan daw kami magkita ulit? Gym buddies na daw kami. Naks! 


Ako naman itong super excited. Heto na naman ang wifey genes ko, magdadala ng food para sa amin, ihahatid ko siya sa office, maghihintay ng first break para makita ko siya ulit, taga gising para di malate sa work... haaay...


Hanggang dumating yung araw na gusto raw niyang makitulog sa Cubao kesa umuwi ng San Mateo kasi may pupuntahan pa daw siya sa Quiapo sa day off niya.   Hmmm... dapat nga siguro madala na ako sa mga guys trying to invite themselves in my bed? Anyway, yun nga, sinundo ko pa siya, nag breakfast kami,  umuwi sa bahay ko.


Sa kama... nakatago ako sa unan... (parang di ako noh? usually dadambahin na kita)


"Ooohh bakit ka nakatago jan? Di ko makita face mo?"


"Eeehh nahihiya ako! Kasi natatakot ako baka di ako makapag pigil..."


"Oh eh bakit naman? Gusto naman kita?"


"Wala ka pang masyadong alam tungkol sa akin eh... baka tapus hindi mo ako magustuhan..."


"Anu ba ang di ko pa alam?"


**Kwento about me and Mark**


"Ahh yun lang ba?"


Nagulat naman ako. "Bakit napakarelaxed mo yata?"


"Normal naman kasi yun. Men are polygamous by nature. Ako din naman..."


Kung sinu man ang hinayupak na responsable sa "Men are polygamous by nature" maraming kumag ngayun ang umaabuso sa "science" na ito to justify ang kagaguhan nila.


"... mahal ko BF ko nun pero kung merong chance na gawin, at trip ko bakit hindi?"


Nanlumo ako sa sagot niya. Nawala yung kung anumang excitement ko nung mga nakaraang araw.


Nakadampot na naman ako ng palaka. *sigh*


"... pero kung meron naman magtitiyaga sa akin..." dagdag pa niya. Ulooool !!! Asa ka pa. Sabi ko sa sarili ko.


Oh well. Andito na lang din tayu sa kama ko. Gusto na rin naman kitang tikman for the hell of it.


Yet another disappointment.


Akala ko naman kahit di siya gaanong katangkaran mag compensate siya ng inches somewhere else. Di rin pala. Shame.


Pagkatapus noon, tinrato ko na lang din siya tulad ng iba ko pang disappointing sa SEB.


Basura.


Froggy #2


Dun sa aking short stint as temp agent nung December, mayroong isang guy na sa buong wave, siya lanng ang hindi ko nakakausap talaga. Di ko maintindihan? Lahat naman sila love ako. Di naman ako suplado? Pero di talaga kami nagkikibuan. Ako kasi, kung ayaw mo sa akin, di ko ipipilit ang sarili ko sayo.


Gian ang pangalan niya. Payat. Same height lang kami. Nasense ko namang beckie din siya sa pananamit niya at lahat pero kung trip niya maging discreet kuno, wala naman akong balak bukuhin siya sa buong account.


Anyway, nakakapansin na ako ng mejo kakaiba. Kung sinu sinong tao ang nagtatanung sa akin ng mga personal na bagay out of the blue? Sagot naman ako. Bakit ba? Wala naman akong tinatago.


After shift, nahahalata ko na din na inaambush ako ng isang grupo sa daan papuntang EDSA. Papunta ako ng gym. Minsan inaabot pa ako ng 2-3 hours OT pero andun pa rin sila. Kasama si Gian. Ok... anu ito?


Minsan na din nangyari nung nakita ko yung crush ko at nagblush na naman ako, andaming kumantiyaw sa akin, pero may nag iisang sumigaw na "nagseselos ako!". Malay ko ba san galing yun?


Finally, nacorner na din nila ako sa wakas. Sumama ako minsan sa inuman, ayaw ko ng beer kaya umorder sila ng pitcher ng Margarita para sa akin lang. Ang saya saya ^^ Lasing na ako kalahati pa lang LOL. Nagpaalam na akong umuwi. Wala akong pantaxi, sasakay na lang ako ng bus (napunta sa nyomo pera ko). Inalalayan ako ni Gian...


Kung kelan pa ako lasing, saka naman siya umamin ng kanyang pag-ibig. 


Binasa na daw niya ang wall ko for the past 3 months, binuksan na niya lahat ng photo albums ko sa Facebook, witty at bitchy daw ako mag comment (parang di naman?) etc etc etc...


So dahil doon, feeling na niya kilalang kilala na niya ako at gustung gusto na daw niya ako.


I'm five years older than Gian. Does that make me.... err... cougar-ish? PAKK !!!


So hayun. Bigyan ko daw siya ng chance. Sige na nga.


Eh ang problema, "nanliligaw" pa lang siya, parang boypren ko na kung makabakod? Highschool naman style manligaw? Kailangan kasama ang barkada niya sa inuman bago ako yayain. Eh di naman ako madalas uminom? Chain smoker pa siya, something I don't like. Mas bata man siya sa akin, mas mukha naman siyang matanda dahil sa bisyo niya? Dinamdam niya kaunti nung sinabi ko yun. hehehe


Ok naman sana si Gian. Ang ayaw ko lang, kung anung tahimik niya sa training, siya naman pagka echusera niyang frog. Alaga ng barkada nilang pagchismisan ang buhay buhay ng mga tao sa team. Isang bagay na pinaka ayaw ko. Di nila ako magalaw kasi nga "love" daw ako ni Gian at "Angel" daw ang tawag niya sa akin. Yuk lang.


Sinubukan ko siyang komprontahin tungkol dito. Ayaw ko ng chismis lalo na dun sa friend kong girl atbp. Baka naman tapus din yung mga intimate na bagay na kinukwento ko sa kanya tungkol sa akin, naka broadcast din sa barkada niya.


Ang ayaw ko din, yung mga bagay na sinasabi ko, nagkakaroon ng dagdag bawas dahil sa machismis niyang grupo.


Ang sinabi ko. dahil sa bisyo niya, nagmumukha tuloy siyang matanda. Ang nakarating lang sa kanya, sinabi ko daw mukha siyang matanda.


Ang sabi ko, meron akong 2 rules when dating... ang nakarating lang sa kanya, gusto ko daw may mangyari daw sa amin agad. WTF.


Ang sabi ko pa naman, kung gusto mo akong makilala, ako ang kausapin mo, wag yung mga sinasabi ng ibang tao. Magpapakilala naman ako nang maayus? Wala akong itatago.


Ayaw niya matinag. Ahhh... goodbye! hehehe


Froggy #3




Kilala nyo na kung sinu ito, ang aking "3rd Ex" na nakipag break sa akin sa "3rd day"


Nagsimula na naman siyang makipag usap kanina, sa text pa rin. Duwag talaga.


"To whom did you mention na naging tayo? :)"


"Sa instructor, kay Elly, Francis, ER, at sa blog"


"Talagang sa blog? Haha with name? Kaya pala ako inaasar ni ER... Kamusta naman class?"


Sa isip isip ko, gusto mo post ko pa picture mo eh? Next time makita kita sa gym feel kong tisurin ka at dikdikin nung 25 lb bar sa free weights area nang makita mo...


Me: "Uhmm... nag uusap na tayu ulit?"


"Usap lang naman ah? Anu masama dun?"


Me: "Wag muna :)"


"Ok..."


********************


Makakailang palaka pa kaya ako?



Sunday, March 13, 2011

Making Plans



Oo na, magsasabi na ako ng totoo... I'm not totally OK.


Hinde noh! Hindi ako nagluluksa kasi binreak niya ako. Ang hinayang ko, I reserved and saved myself for someone and made a wrong decision to whom I should give myself... and it was simply taken for granted. To add insult to injury, I just recently learned na di naman pala siya kasing tino as I thought... Elly told me na halos iniikutan na niya isa isa mga tao sa gym. Pakshet lang di ba, nasama pa ako sa listahan. Amf.


Fail. 


Asian tour. Fail din. Hay! 


Nakaka 2 order nako ng burger, fries, softdrink. Nagpunta ako ng gym, dahil mag work out dapat ako... Di naman ako tumuloy kasi nalibang ako mag arcade eh masyadong magagaling nakalaro ko, wala pang 5 panalo ko sa 30 tokens. huhuhu


Magplano, maging spontaneous. Fail.


Halos 90% na ng mga gamit ko andun na sa bagung condo. Ipapalipat ko na lang yung internet connection ko doon, before end of March dun na ako. May sariling gym, steam, sauna, swimming pool ang condo. Di na kailangan lumayu pa.


Sorry guys. I just need to rant a bit. Wala kasi akong makausap sa ngayun. 


Miss ko na mga guy friends ko... 


Kailangan ko ng resbak. LOL


Bukas gym gyman na ako ulit. Sayang naman yung muscle gain ko recently?

Saturday, March 12, 2011

Toink!

Sa mga bumati at nag wish at planu pa sanang mag comment dun sa huling post, salamat na lang but the fairy tale was short lived.


The guy broke up with me this morning... sa text.


Him: "Good morning po. Mag gym ka?"


Me: "Good am :) Yep"


Him: "Senxa kung medyo di ako nakakapag text medyo busy sa work. Tapos parang napapaisip din ako kung masyado po bang madali? Sorry ha... I want to be honest po.


Me: "Haha ayus lang"


Him: "Tawanan ba ako? Di ko alam... Nabigla ako sayo kasi eh :("


Me: "Ako kasi di masyado inisip. Basta gusto kita"


Him: "Haaays. Yun lang po. Di talaga ako sanay na mabilisan eh... Sorry talaga..."


Me: "So anu decision mo?"


Him: "Wag muna po siguro...?"


Me: "Final answer?"


Him: "Wag muna?"


Me: "Ok. I respect your decision. I can't do it by myself naman. Don't worry. See you around."


Him: "Ayoko lang makasakit. Yun lang."


Me: "Wala ka pa naman ginagawa eh? Ok lang."


Him: "Yun po. I can't say no nga di ba?"


Me: "Nope. You have a choice"


Him: "Wag mo na ako awayin..."


Me: "Hehe relax ka na. Ok lang ako. Mukhang mas dominant nga ako sayu eh?"


****************
Analysis: A one night stand that pretended to be something else... because after the deed, you can change your mind about it. Ching!
****************

#1 Pareho naman kaming may fault. Una, siya na rin mismo nagparinig dati na "tabi daw kaming matulog" at nung isang gabi, maaga daw ang uwi niya at saan daw ba pwedeng makitambay... Hmmm

#2 Matagal tagal na din akong tigang. LOL. Naramdaman ko namang may sexual tension... Ok fine. Ako na nag initiate! Pero nilinaw ko naman na it wasn't just sex for me. Because I liked him that much I gave up my chastity belt. PAKKK !!!

#3 I should've stuck to my best known recipe. Keep my pants on. Pag di ka pinaghirapan, di ka bibigyan masyadong importance.

#4 I don't think we'll get to anywhere after "lovemaking". It wasn't much really. I didn't even finish. He was already getting leg cramps. Ugh. Ako na athletic!

#5 Oh well, try again Seth ^^


#6 Turn off ang "po" lalo na't mas matanda siya sa akin. Parang jejemon lang


#7 Digs na niya basta chinito at mukhang suplado. Eh mas cute naman ako dun sa kasama ko sa class? Hindi pa niya nameet sina Tobi at Kiki. hehehe

Nasaktan ba ako? Hmmm di naman. Hinayang lang kaunti. Kumain lang ako ng floss sa Breadtalk ok nako ulit ^^


At buong araw na LSS ako dito...



HELL YEAH !!! Dominatrix !!! hahaha !!!

@ Grey - Too bad I didn't have a chance to be mushy?