Sunday, December 10, 2017

Minimalism

Maraming maaring matutunan sa internet, marami ding libre (tulad ng soft porn pics na almost every hour meron sa mga hubadero sa FB at IG), maraming bagong ideas.

Isa sa mga natuwa akong idea eh itong "minimalism." Ang idea nito eh to own as few things as possible, stick to the basics kumbaga. Pag tumingin pa lang ako sa condo unit namin ni Joms, mahirap humanap ng iisang bagay na wala kaming at least 3-10 versions nun. Promise. Siguro, nung una tinatawag kasing "collection" pero kapag sa sobrang dami na ang kalat na, nag-iipon ng alikabok, wala ka na mashadong magalawan dahil nasa sahig na din, sadyang nakaka-dagdag sa everyday stress.

Nagbawas na ako ng mga gamit. Namigay nako ng mga damit, bag, at sapatos, pinamigay ko na din yung extra toiletries, binenta ko na mga lumang gadgets etc. Ang problema ko naman, aba, free space. Si Joms naman ang nagtambak at gagawa daw siya ng "Funko POP wall".

OMG.

Kaya naman this year, since sa iisang buwan na din naman ang birthday nya at Pasko, next month eh anniversary namin, at by June babalik na siya sa school (college, second degree), binilhan ko na lang siya ng mas magagamit nya nang matagal. Nilinaw ko din na since mejo may kamahalan eh 24 mos ko lang din naman huhulugan sa credit card eh di ko na balak magbigay for the next 2 yrs LOL.

Minimalistic goal #1 Achieved : Bawasan ang pagreregalo sa boypren.

Sa pag-eexplore ko din sa minimalism, nabasa ko naman ang mga "Zero Waste lifestyles." Meron pa ngang isang girl na pinagmamalaki nya na lahat "daw" ng basura nya for the last 4 years fits in one mason jar.

Yeah right.

Meron naman akong mga nakuhang idea na mejo realistic naman sa Philippine setting. 

1. Meron na akong reusable water bottle sa bag
2. Meron na din akong reusable spoon, fork, chopsticks
3. Lagi na akong may dalang eco bag

Yun lang. LOL. Akala mo naman napaka life changing? But seriously, we all need to do a small part for the environment.

Ang hindi ko lang talaga masikmura eh yung ibang Zero waste practitioners eh mejo bumalik yata to the primitive ages? For example, yung isa, hindi na daw sila bumibili ng toilet paper. Ang ginagamit nila eh "family cloths." Okaaaay... I was like, sige teh, explain in great detail anu yun.

So bale yung mga basahan nila, mga blumang damit at retaso, they cut into squares, wipe their asses with it, place in a bucket and wash them all afterwards. Like eew?

Binababad naman daw nila sa suka or baking soda to control the smell ek ek but hello?

Hindi ko naman yata kayang compromise yung sanitation para lang sa "pagtitipid" which is sa totoo lang wala ka naman natipid kasi bibili ka pa din ng baking soda, suka, lalabhan mo pa so gagastos ka pa din.

Anyway, paano naman sa mga bottom tulad ko? Wala naman yatang eco-friendly condoms di ba?

Minimalistic goal #2 Achieved : Reduce trash whenever possible.

Kung yung unang dalawang bagay sa taas eh dala ng consumerism, meron din namang isang bagay na hindi naman binibili at all pero sadyang sobrang dami kung hindi mo alam paano mag-control.

What am I talking about? Drama.

Drama leads to fear. Fear leads to anger. Anger leads to suffering. Suffering results to trips to the spa, binge eating, and retail therapy which is bad for my credit card and for the environment.

Every year towards the end of the year, alaga ko na magbawas ng tao sa FB ko. Sinasadya ko na as much as possible, less than 1000 lang ang nasa list ko.

Pinaka kinaiinisan ko sa lahat eh yung:

1. Yung mga nagpopost ng mga LQ / away nila sa personal na pahabaan ng comment na all caps and shit
2. Yung mga mahihilig na lang mambash ng mga tao na taliwas sa paniniwala nila sa religion and politics
3. Yung mga madalas mag post ng status nila na "single" then later papalitan na naman na "in a relationship with" tapus bumilang ka ng ilang weeks break na din sila. Punyeta

3.1 Same people na hihingi ng advice about their relationships pero di rin naman makikinig kasi di mabitiwan ang malaking etits ng X nya. Gawd.

I mean, ok, people have their down moments pero kung sadyang napaka toxic na ng posts mo na pumapasok sa feeds ko eh:

1. I will unfollow na lang muna pero checking occassionally
2. Unfriend
3. Block forever

Minimalistic goal #3 Achieved : Avoid drama in my life as much as possible.

I therefore conclude, hindi lang naman puro material na bagay ang dapat bawasan sa life. Minsan tao din, minsan drama din, para tayo ay maging masaya.